You are on page 1of 10

EXT.

– KAHARIAN NG KORON – UMAGA

Ipapakita ng kamera ang kabubuuan ng kaharian ng Koron. Aangat mula sa mga dagat at bundok, hanggang
sa makapasok sa palasyo ng kaharian. Ipapakita ang larawan ng buong maharlikang pamilya, nakapokus
muna sa dalawang prinsipe—sina RON at VID.

TAGAPAGSALAYSAY
Sa malayong kaharian ng Koron, mayroong dalawang prinsipe na
namumuhay ng mapayapa at masaya.

Tataas ang kamera at ipapakita ang inang reyna at ang mahal na hari sa larawan.

TAGAPAGSALAYSAY
Sa kanilang kaharian, kasama nila ang kanilang mga magulang na
nag-aalaga at nagmamahal sa kanila.

Papasok sa eksena ang dalawang batang magkapatid na naghahabulan kasama ng kanilang mga magulang.
Makikita sa kanilang ngiti ang tuwa at saya na kanilang nararamdaman.

PRINSIPE RON
Inay, Itay! Tara na po!

INANG REYNA
Dahan-dahan lang mga anak!

TAGAPAGSALAYSAY
Ang dalawang prinsipe ay nabubuhay ng komportable at masaya—
mayroon silang pagkain, higaan na malambot, at mga laruan na
gusto nila, kaya bakit pa sila magrereklamo?

INT. – SILID NI PRINSIPE RON - UMAGA

Ang eksena ay isang alaala lang pala ng isa sa mga prinsipe, si Prinsipe Ron. Siya ay nakikitang isang binate
na, at nakaupo sa loob ng kanyang silid at nagmamasid sa labas ng kanyang bintana.
TAGAPAGSALAYSAY
Kung tanungin si Ron tungkol sa kanyang buhay sa palasyo, iyon
ang kanyang sasabihin sa nagtatanong.

FADE TO BLACK

INT. – SA ILALIM NG PALASYO - UMAGA

Bababa ang eksena sa kailaliman ng silid ni Ron at ng buong palasyo. Sa isang madilim at maliit na silid,
nakaupo ang nakababatang kapatid ni Ron, si Prinsipe Vid.

TAGAPAGSALAYSAY
Ang hindi niya alam, kabaligtaran ang pagtrato sa kanyang
nakababatang kapatid na si Vid, isang batang may malaking sugat
sa kanyang ulo dahil sa isang sakit niya noong siya ay pinanganak.

Makikita sa eksena na pilit pinipigil ng prinsipe ang pagtulo ng mga luha sa kanyang mga mata. Hindi niya ito
napigilan, at sa halip ay ginamit na lamang niya ang pulso sa pagpunas ng kanyang mga basang mata.

TAGAPAGSALAYSAY
Wala itong lunas, at dahil dito, matagal na siyang itinuturing na
isang halimaw hindi lang ng ibang mga tao, ngunit pati na din ng
kanyang ama.

Hinawakan niya ng mas mahigpit ang kanyang kumot at pinilit ang kanyang sarili na matulog. Makikita sa
kanyang mga mata na nahihirapan siya makapagpahinga ng mahimbing dahil sa mga masasakit na salita na
kanyang naririnig. Totoo man ito o hindi, hindi nasigurado si Vid.

VID
Nagmamakaawa ako! Hindi ko na nais marinig pa sa ibang tao na
hindi nila ako gusto dahil alam ko na iyon!

Ipapakita ang mga napagdaanan ni Vid na pagmamaltrato. Ang mga boses ng pag-iinsulto at pananakot ng
ibang tao dahil sa kanyang hitsura. Umikot at gumalaw-galaw si Vid sa kanyang kama hanggang sa ibinalot
niya ang kanyang sarili ng buo sa ilalim ng kanyang kumot.
TAGAPAGSALAYSAY
Matagal nang itinanggap ni Vid na hindi siya karapat-dapat sa
pagmamahal dahil sa kanyang itsura, kung kaya’t hinahayaan niya
na lang ang ibang tao na sabihin at gawin ang gusto nila.

FADE TO WHITE

Makikita ang sapatos ni Prinsipe Ron na naglalakad sa madilim na lugar ng espasyo sa ilalim ng palasyo.
Pansamantala itong titigil sa harap ng isang selda.

TAGAPAGSALAYSAY
Isang araw, habang nag-iikot ang nakatatandang kapatid na si Ron,
natuklasan niya ang sikreto ng kanyang ama. Nakita niya ang
kanyang kapatid,

Nagmamadaling tumakbo si Ron sa mga baras na humaharang sa paglapit niya sa kanyang kapatid.

RON

Vid! Aking pinakamamahal na kapatid, anong ginawa nila sa iyo?


Mga kawal! Palayain niyo ang aking kapatid habang mahaba pa
ang aking pasensya!

Lumapit ang isang kawal. Makikita na ito ay nanginginig.

KAWAL

Paumanhin, mahal na Prinsipe Ron, ngunit ang sabi ng inyong ama


Nagtaas ng isang kamay si Ron sa harap ng mukha ng kawal.

RON

Ang ama ko ang nag-utos na pahirapan at gutumin ang aking


nakababatang kapatid sa isang madilim na selda?

KAWAL
Hindi po iyon ang ibig ko sabihin. Ang sinabi po ng inyong ama ay
para sa ikabubuti daw po ito ng inyong kapatid.

Nagulat si Ron sa rebelasyon na sinabi sa kanya, ngunit napalitan din ito agad ng sobrang galit, agad-agad
tumaas ang kanyang boses habang kinakausap ang kawal.

RON

Ikabubuti? Wala akong nakikitang ikabubuti dito para sa aking


kapatid, Ngayon, nais niyo bam una maramdaman kung ano ang
aking iginagawa sa mga nananakit sa aking kapatid bago niyo
gawin ang gusto ko?

KAWAL

Hindi po mahal na prinsipe!

Nagmamadaling kumilos ang mga kawal. Sa sandalling nabuksang ang pinto, nanguna na si Ron sa pagyakap
sa kanyang kapatid. Dahan-dahan niya kinausap si Vid.

RON

Kapatid, andito na ang iyong kuya. Wala nang mananakit sa iyo


simula ngayon. Humihingi ako ng isang libong paumanhin at
ngayon ko lang nalaman ang iyong kondisyon.

Mahina lamang ang sagot ni Vid. Makikita sa kanyang mga mata ang mga tumutulong luha mula sa kasiyahan
na makasama muli ang kanyang kuya.

RON

Kuya, inakala ko hindi mo na ako nais makita muli.

TAGAPAGSALAYSAY
Sa lahat ng hinihintay na sagot ni Ron, hindi iyon isa sa mga
inaasahan niya.

Makikita ang paglaki ng mga ma ta ni Ron sa gulat. Mas hinigpitan pa niya ang kapit sa kanyang kapatid.

RON
Vid, hinding-hindi kita itatanggi bilang aking kadugo. Kapatid kita
hindi ba? Paano ka naman nakarating sa konklusyon na iyon?

Napatigil si Vid ng pansamantala sa kanyang susunod na sasabihin.

VID
Kuya… Hindi ba gabi-gabi mo iyon sa akin sinasabi?

Mas lalong naguluhan si Ron. Tinitigan niya ang mga mata ng kanyang kapatid. Mga matang hindi kaya
manatiling bukas ng diretso dahil sa kakulangan ng tulog at namumula dahil sa mga gabing iyak ng iyak ang
kanyang kapatid.

RON

Hindi, Vid. Kung ano man ang mga masasamang salita na ipinasok
sa isip mo ay hindi iyo totoo. Mahal na mahal kita at hinding-hindi
ko na muli hahayaan na masaktan ka. Magbabayad ng malaki ang
gumawa nito sa iyo.

Bago pa makasagot si Vid, nagulat na lamang siya nang binuhat siya ng kanyang kuya. Lumabas sila ng selda
at umakyat ng hagdan papunta sa itaas ng palasyo.

RON

Halika muna, kapatid. Dadalhin kita sa ating ina at magpapagaling


ka muna sa piling niya. Matagal ka na niyang hinihintay na
makabalik muli sa kanya, alam mo ba iyon?

VID

Ang naalala ko lang ay ang paglayo at pagtingin sa akin ng


kasamang pagkasuklam ni Ina. Inaamin ko na ako ay medyo
natatakot na makita siya muli.

INT. – SA HAGDAN NG PALASYO - UMAGA


Nalungkot si Ron para sa kanyang kapatid. Habang buhat-buhat niya ang kanyang kapatid, halos wala siyang
bigat na nararamdaman, kung kaya’t nag-alala pa siya lalo. Umasa siya na magpapasaya sa kanyang kapatid
ang pag banggit ng kanilang ina, ngunit kabaligtaran ang nangyari.

RON

Vid, kung ano man ang pinagdaanan mo sa seldang iyon, hindi mo


na muli mararanasan kasama namin ni ina. Sisiguraduhin namin na
ligtas at minamahal ka simula ngayon.

INT. – SA SILID NG INANG REYNA - UMAGA

Hindi na muli nagsalita pa si Vid pagkatapos. Tahimik siyang kumapit sa kanyang kuya hanggang sa
nakarating sila sa silid ng kanilang ina at inihiga siya ng kanyang kapatid sa kama. Nagulat si Ron noong
biglang may mga tumulong luha sa mga mata ni Vid. Bago pa man siya makapagsalita, isang boses ang
nanguna sa kanya.

INANG REYNA

Vid, ang aking bunso, bakit umiiyak ang aking pinakamamahal na


anak?

Sinabi ito ng Inang Reyna pagkaupo niya sa tabi ng kanyang umiiyak na bunsong anak. Hinawakan niya ang
buhok ng kanyang anak bilang isang pananda na naririto siya para sa kanyang anak. Mas lalo lamang lumuha
si Vid. Niyakap ng ina ang kanyang anak.

INANG REYNA

Tahan na, anak. Andito lang ang iyong ina upang alagaan ka.

Kumapit si Vid at onti-onting kumalma. Noong sigurado na ang Inang Reyna na tulog na nang mahimbing
ang kanyag bunso, ihiniga niya ito sa malambot na kama, at nilagyan ng madaming kumot. Tahimik siyang
nakipag-usap sa kanyang nakatatandang anak.

INANG REYNA
May hindi ka ba sinasabi sa akin? Ron? Bakit ganoon ang reaksyon
ng iyong kapatid sa pagbabalik niya? Hindi niya ba nagustuhan ang
inihandang kwarto sa kanyang selda?

Huminga ng malalim si Ron.

RON

Ina, noong bumaba ako sa selda ni Vid, hindi nakahanda ang selda
na inyong sinasabi. Samantala, siya ay nakakulong sa isang madilim
sa silid, at pinagtatawanan ng mga kawal!

INANG REYNA

Paano ito nangyari? Kailangan natin ito sabihin sa inyong ama


ngayon din!

Tumayo para lumabas ang kanyang ina, ngunit piniglan siya ni Ron.

RON

Ina, hindi si ama ang dapat natin puntahan natin tungkol dito, dahil
siya ang may kasalanan ng lahat. Ang sabi sa akin ng isa sa mga
kawal, si ama ang nag-utos upang pahirapan si Vid!

INANG REYNA

Kung totoo nga iyan, Ron, ay kailangan natin ilayo si Vid sa


palasayo. Kailangan niya ng isang lugar na mas ligtas at mas
protektado siya.

RON

Mayroon na ako naiisip na isang lugar ina, ngunit bago tayo umalis,
nais ko sana turuan ng leksyon ang aking ama.

Ngumiti sa isa’t isa ang mag-ina, at bumuo ng isang plano.

FADE TO BLACK
INT. – SA MAHABANG LAMESA- UMAGA

Magsisimula ang eksena sa umagahan ng pamilya, ngunit ang mga taong nasa mesa ay ang Amang Hari at si
Prinsipe Ron lamang. Tahimik at mataas ang tension habang kumakain ang mag-ama. Unang nagsalita ang
ama.

AMANG HARI

Ron, nasaan ang Inang Reyna?

Sa sobrang galit, nadiinan masyado ni Ron ang paghati ng karne na kinakain niya at tumalsik ito papunta sa
pader sa kanyang tabi. Maingay niyang ibinaba ang kanyang kutsilyo at tinidor. Nagalit ang kanyang ama.

AMANG HARI

Sobrang wala ka na bang respeto para sa pagkain at sinasayang


mo—

RON

Respeto? Wala kang Karapatan na magsabi na wala akong respeto


pagkatapos ng ginawa mo kay Vid!

Huminga ng malalim ang Amang Hari.

AMANG HARI

Ron. Ang ginawa ko ay para sa ikabubuti ni Vid. Kung hindi ko siya


ikinulong sa ilalim ng palasyo at hinayaang makalabas, mas
mahirap pa ang pagdadaanan niya. Walang gusto makasalamuha
sa isang halimaw, Ron.

Tumayo si Ron sa kanyang inuupuan, at ito ay natumba sa bilis ng kanyang paggalaw.

RON

Hindi halimaw ang aking kapatid!

AMANG HARI
Isa siyang halimaw at ito ang katotohanan! Kung hindi dahil sa
Inang Reyna, matagal ko nang pinatay ang batang iyan!

Hindi na nakayanan ni Ron ang mga salitang narinig niya mula sa Amang Hari. Gamit ang kapangyarihan na
itinuro sa kanya ng Inang Reyna, pinatawag niya ang malalakas na puwersa ng mahika at idinerekta ang lahat
ng ito sa kanyang ama.

RON

Simula ngayon, hinding-hindi ka na muli makakalapit sa aking


kapatid. Simula ngayon, mamumuhay ka nang mag-isa sa kadulo-
duluhan ng mundo! Paalam, ama.

Sa huling mga salita ni Ron sa Amang Hari, isang malaking liwanang ang bumalot sa matanda, at siya ay
nawala nang parang bula. Huminga ng malalim ang prinsipe upang mahabol ang kanyang hininga. Umalis
siya sa eksena.

FADE TO BLACK

EXT. – SA ISANG MALAWAK NA BUKID - UMAGA

Makikita ang araw na sumisikat, at ang kamera ay magpa-PAN DOWN papunta sa isang bahay sa gitna ng
malawak na bukid. Madaming puno, halaman, at mga hayop na nakapaligid. Sa harap ng kanilang bahay,
masayang tumatawa ang ngayong masigla nang prinsipe na si Vid, kasama ng kanyang nakatatandang
kapatid na si Ron, at ang kanilang ina. Mula noon, sila ay mapayapa at tahimik nang namumuhay sa bukid na
iyon, at hinding-hindi na muli mapaghihiwalay sa isa’t-isa.

You might also like