You are on page 1of 75

Page 1 of 75

ABOT KAMAY NA PANGARAP WEEK 47 2nd draft


WRITER: KUTS ENRIQUEZ / GENG DELGADO
HEAD WRITER: GENG DE LOS REYES-DELGADO
CREATIVE CONSULTANT: DENOY PUNIO
CREATIVE HEAD: DODE CRUZ
CREATIVE DIRECTOR: ALOY ADLAWAN
DIRECTOR: LA MADRIDEJOS

DAY ONE

47. 1. 1. INT. OLD HOTEL – MAIN FUNCTION HALL. DAY


CONTINUATION. Trapped sina Analyn at Lyndon. Maiinis si Lyndon.

LYNDON
Look what you’ve done! Kasalanan mo kung bakit
tayo nakulong dito e!

ANALYN
Bakit ako?!

LYNDON
Ang hilig mong magpaka-hero!

Maiirita na rin si Analyn.

ANALYN
Hindi naman kita pinilit na sumama sa ‘kin!
At walang masama kung magpapaka-hero ako kasi
desisyon ko ‘yon! Gusto ko lang makatulong!

LYNDON
Sinabi ko na sa ‘yo noon pa na you cannot help
everybody!

ANALYN
Pero pwede kong subukan!

LYNDON
Ang kulit mo!

ANALYN
Oo na, doc! Pero nandito na tayo! Iimbes na
magtalo tayo, hanapin na lang natin si Precious!
Pwede ba ‘yon?!
Page 2 of 75

Lyndon sighs, exasperated.

LYNDON
Ok fine! Tingin mo ba, nasaan s’ya?

Analyn looks around. Gumuho na ang function hall. Makikita ni


Analyn ang spot kung saan sila huling magkasama ni Precious.
Ituturo niya kay Lyndon.

ANALYN
Doon kami huling magkasama!

Makikita ang tinuturo ni Analyn. Pero may patung-patong na debris


na rito.

LYNDON
Analyn, kung nandoon si Precious, I don’t think
she’ll survive--

ANALYN
Hindi, doc! Nandito si Precious! Buhay siya!

Takbo si Analyn to look for Precious.

ANALYN
Precious! Precious! Si Ate Analyn ‘to!
Nasaan ka?!

PRECIOUS (OS)
Ate!

Maririnig ni Analyn.

ANALYN
Si Precious!!! Buhay si Precious!!

Mabubuhayan ng loob si Analyn.

47. 1. 2. INT. FLOWERSHOP. DAY


CONTINUATION.

LYNETH
Ok ka lang ba, Rj?

Rj is shaken. Hindi dahil sa lindol kung hindi dahil sa naalala.


Page 3 of 75

RJ
Akala ko hindi na babalik ang memories ko.
But of all places, dito pa talaga…
At ikaw pa ang naalala ko…

LYNETH
Rj, kalimutan mo na ‘yon.

RJ
Pagod na akong makalimot, Lyneth!
Gusto ko nang maalala lahat… lahat-lahat!
Pati ang tungkol sa ‘tin!

LYNETH
W-walang sa ‘tin, Rj! W-wala!

RJ
Sabihin mo nga sa ‘kin, Lyneth.
Kung handa kong iwan si Moira para sa ‘yo, ibig
sabihin minahal kita…

Hindi makakasagot si Lyneth.

RJ
Lyneth…

Hesitant and cautious si Rj sa susunod niyang bibitawang mga


salita.

RJ
Minahal mo rin ba ako?

Matitigilan si Lyneth. Pero sa mukha niya, halatang gustong


sumabog ng emosyon niya.

47. 1. 3. INT. OLD HOTEL – MAIN FUNCTION HALL. DAY


CONTINUATION.

ANALYN
Precious! Nasaan ka?! Precious!

PRECIOUS (OS)
Ate, tulong!
Page 4 of 75

Susundan ni Analyn ang pinanggagalingan ng boses. Makikita niya


ito sa may sulok. May debris/rubble ulit na nakapatong rito
forming like a cave/butas. Susundan ni Lyndon si Analyn.

ANALYN
Precious!

PRECIOUS (OS)
Ate! Tulong!

ANALYN
Doc, nandito siya! Nandito si Precious!
Huwag kang mag-alala, Precious!
Nandito na ako! Ilalabas kita d’yan!

Makikita ni Analyn ang butas sa ilalim. Maliit lang ito.

LYNDON
Ako na, Analyn! Humanap ka na lang ng paraan para
makahingi tayo ng tulong sa labas.

ANALYN
Doc, hindi ka kasya sa butas!
Ako na ang papasok!

LYNDON
Delikado! Anytime, pwedeng bumagsak ang mga ‘to!

ANALYN
Kaya nga ‘wag na tayo magtalo!
Ako na ang papasok!

At dadapa na agad si Analyn at mag-uumpisang gumapang papasok.


Worried na worried si Lyndon. Nang may marinig ito.

EMILY (OS)
Huwag mo akong iwan…

Mapapalingon si Lyndon.

EMILY (OS)
Ang sakit…

LYNDON
Analyn, mukhang mayroon pang humihingi ng tulong!
Babalikan kita!
Page 5 of 75

Aalis si Lyndon. Tuloy lang sa paggapang si Analyn.

47. 1. 4. INT. FLOWERSHOP. DAY


CONTINUATION. Hindi makasagot si Lyneth.

RJ
Sabihin mo ang totoo, Lyneth. Baka ikaw na ang
makatulong para bumalik ang alaala ko.
Minahal mo ba ako?

LYNETH
Rj…

Pero biglang may mga alikabok na babagsak mula sa kisame.


Mapapatingin si Lyneth.

LYNETH
Rj, kailangan na nating makaalis dito.
Baka gumuho na ‘tong shop!

Maghahanap si Lyneth ng pwedeng labasan. Makikita niya ang isang


butas.

LYNETH
Dito!

Agad aalalayan ni Lyneth si Rj. Hinang-hina pa si Rj dahil


nawalan na rin ito ng dugo.

LYNETH
Rj, mauna ka na.

RJ
Hindi… Mauna ka nang lumabas…

LYNETH
Ikaw ang injured! Kailangan mong madala agad sa
ospital!

RJ
Lyneth, kanina mo pa akong nililigtas…
Ako naman ang magliligtas sa ‘yo…
Sige na, mauna ka na…

LYNETH
Page 6 of 75

Makinig ka na lang sa ‘kin!

RJ
Ikaw ang makinig sakin…

INTERCUT WITH—

47. 1. 5. EXT. FLOWERSHOP. DAY


Naghihintay si Michael sa labas.

MICHAEL
Lyneth! Ano na’ng nangyayari sa inyo d’yan?!

Sisigaw si Lyneth.

LYNETH
May nakita na akong pwedeng labasan!
Pinauuna ko lang si Rj!

RJ
Mauna ka na, please…
I can’t let you stay behind.
Baka mapahamak ka…

LYNETH
Ang tigas naman ng ulo mo, Rj!

RJ
Nauubos ang oras natin sa pagtatalo.
Sige na… lumabas ka na…

MICHAEL
Lyneth! Lumabas ka na!
Pupuntahan pa natin si Analyn!

RJ
Sige na, Lyneth…
Sigurado akong nag-aalala na ang anak natin…

Wala nang magagawa si Lyneth. May babagsak na namang dusts.

MICHAEL
Lyneth! Baka gumuho na ang shop!
Labas na!

LYNETH
Page 7 of 75

Sumunod ka agad ha…

Tatango lang si Rj, nanghihina pa rin. Papasok na si Lyneth sa


butas, gagapang.

47. 1. 6. INT. OLD HOTEL – MAIN FUNCTION HALL. DAY


Gumagapang din si Analyn papunta naman sa kung nasaan si
Precious.

ANALYN
Precious! Precious!

PRECIOUS (OS)
Ate! Tulong!

ANALYN
Nandito na si ate!

Hanggang sa makarating na si Analyn kung nasaan si Precious. Nasa


loob/ilalim ng cabinet si Precious kaya napo-protektahan ito from
falling debris. Takot na takot si Precious, yakap ang doctor doll
niya.

ANALYN
Precious!

PRECIOUS
Ate!

Agad yayakap si Precious kay Analyn.

ANALYN
Ok ka lang? May sugat ka ba? Nasaktan ka ba?

Analyn inspects Precious. Wala naman itong injury. Galos lang.

PRECIOUS
Ate, natatakot ako.

ANALYN
Ok lang matakot, Precious.
Pero tandaan mo, malakas ka! Matapang ka!

PRECIOUS
Paano tayo lalabas, ate?
Page 8 of 75

ANALYN
Doon tayo dadaan.

Ituturo ni Analyn kung saan siya galing.

ANALYN
Ready ka na?

Kabado si Precious.

ANALYN
Una kang lalabas ha. Gagapang ka.
Hindi tayo kasya kung sasabayan kita eh.

Tatango si Precious. Gagapang siya sa butas. Makakapasok na siya


sa butas. But the rubble shakes.

PRECIOUS (OS)
Ate!!! Ate!!!!!

ANALYN
Precious!!!!

GAP ONE

47. 1. 7. INT. OLD HOTEL – MAIN FUNCTION HALL. DAY


CONTINUATION.

ANALYN
Precious! Precious!

It takes a few seconds before sumagot si Precious.

INTERCUT WITH—

47. 1. 7A. INT. OLD HOTEL – MAIN FUNCTION HALL - BUTAS. DAY
CONTINUATION.

PRECIOUS
Ayoko na, ate! Baka madaganan ako! Ayoko na!
Natatakot ako!

ANALYN
Ako rin, Precious. Natatakot din ako…
Pero hindi tayo pwedeng magpatalo sa takot…
Kasi maraming naghihintay sa ‘tin sa labas…
Page 9 of 75

‘Yong mga kaibigan natin, ‘yong mga taong mahal


natin…

PRECIOUS
Si Lola ko… Si Ma’am Heidi…
‘Yong mga kaibigan ko…

ANALYN
Hinihintay nila tayo, Precious…
At ‘di ba marami ka pang gustong matupad sa buhay
mo? Ano bang gusto mong maging paglaki mo?

PRECIOUS
Gusto kong maging katulad mo, ate…
Gusto kong maging doctor.

ANALYN
Ayun! Kayang-kaya mo ‘yon!
Alam kong magiging magaling kang doctor!
Marami kang matutulungang tao!
Kaya ‘wag kang susuko! Makakalabas tayo dito!
At isipin mo, mas grabe pa dito ang pinagdaanan mo
at na-survive mo lahat ‘yon!

PRECIOUS
Natatakot pa rin ako…

Mapapaisip si Analyn.

ANALYN
Alam mo kung ano’ng ginagawa ko kapag natatakot
ako? Iniisip ko ang mga mukha ng mga taong
nagmamahal sa ‘kin kasi sila ang nagpapalakas ng
loob ko… tapos kumakanta ako…

PRECIOUS
Wala akong alam na kanta, ate…

ANALYN
Makinig ka lang sa ‘kin tapos isipin mo ang mga
mahal mo sa buhay, ang mga naghihintay sa ‘yo… ang
mga gusto mo pang makita…

Kakanta na si Analyn ng THEMESONG NG ABOT KAMAY, SAGOT SA


DALANGIN.
Page 10 of 75

ANALYN
‘Di ko man magawang maipagmalaki
Ang pinagmulan at aking narating
May isang biyayang nagmula sa bituin
‘Di mapapantayan ng anumang hangarin…

Makikitang may dusts na babagsak mula sa itaas.

INSERT SHORT QUICK SNIPPETS


(please short snippets lang po)

- One happy memory ni Analyn with Nurses Evan/Kawy


- One happy memory ni Analyn with Dr. Enriquez and Dr. Benitez
- One happy memory ni Analyn with Susan
- One happy memory ni Analyn with Michael
- One happy memory ni Analyn with Rj
- One happy memory ni Analyn with Lyneth

Maluluha na si Analyn.

CUT TO—

47. 1. 7B. INT. FLOWERSHOP - BUTAS. DAY


Gumagapang din si Lyneth. May dusts na babagsak kaya Matitigilan
siya. Pero maaalala niya ang anak niya.

INSERT SNIPPET ng 2-3 quick happy memories ni Lyneth with Analyn

Tatawid dito ang kanta ni Analyn.

ANALYN (VO)
Lahat ng makakaya ay sa ‘yo ibibigay
At lahat ng kakayanin pa, sa ‘yo iaalay.

LYNETH
Anak…

47. 1. 7C. INT. FLOWERSHOP. DAY


Nakaupo si Rj sa floor, napapapikit.

ANALYN (VO)
Ikaw ang aking tala sa gabing madilim
Ikaw ang bawat sana sa lahat ng hiling

BACK TO ANALYN—
Page 11 of 75

ANALYN
Sa hirap man o sa saya ay tunay na ikaw pa rin
Sagot sa aking dalangin…

Maluluha si Analyn.

47. 1. 8. INT. OLD HOTEL – MAIN FUNCTION HALL OTHER SIDE.


DAY
Hinahanap pa rin ni Lyndon ‘yong humihingi ng tulong.

LYNDON
Nasaan ka?

EMILY (OS)
Dito ka lang…

LYNDON
Nandito ako! Tutulungan kita!

EMILY (OS)
Huwag mo akong iwan…

LYNDON
Hindi kita iiwan! Nandito ako para tulungan ka!

Mawawala na ang boses.

LYNDON
Nasaan ka?!

Hanggang sa…

EMILY (OS)
Babe…

Magugulat si Lyndon at mapapalingon. Makikita niya si Emily.


Maganda, maaliwalas ang mukha, payapa…

LYNDON
Emily…

Agad maiiyak si Lyndon at yayakapin si Emily.

LYNDON
Babe… I’m sorry! I’m sorry, babe! I’m sorry!
Page 12 of 75

Hagulgol si Lyndon. Kumawala na lahat ng repressed emotions niya.

47. 1. 9. EXT. FLOWERSHOP. DAY


Nakalabas na si Lyneth sa butas. Inaalalayan siya ni Michael.

MICHAEL
Lyneth, may sugat ka.

LYNETH
Ok lang ako Michael.

MICHAEL
Kailangan madala ka agad sa Eastridge.
Tara na!

LYNETH
Teka, nasa loob pa si Rj!

Maiinis si Michael pero hindi niya ipahahalata.

MICHAEL
Lyneth, pabayaan mo na sa rescuers si Rj.
Isipin mo muna ang sarili mo.
Baka ma-infect pa ‘yang sugat mo. Let’s go!

LYNETH
Hindi ko pwedeng pabayaan si Rj!
Kailangan kong masiguro na ligtas siya!

Sisilipin ni Lyneth sa butas si Rj. But to her shock, unconscious


na si Rj.

LYNETH
Rj?! Rj! Gumising ka! Rj!

Lalapit ang mga rescuers.

LYNETH
Nawalan siya ng malay! Ilabas n’yo siya!

RESCUERS
Ma’am, hindi namin siya mailalabas sa butas nang
hindi ito pinapalaki. Pero mahirap ho itong
galawin dahil baka bumigay ang pundasyon at gumuho
ang shop.
Page 13 of 75

LYNETH
So ano?! Pababayaan n’yo na lang si Rj sa loob?!

MICHAEL
Lyneth, ‘wag mong awayin ang mga rescuers.
May point naman sila.

LYNETH
Walang point kung pababayaan nila si Rj!
Kailangan n’yong iligtas si Rj!

MICHAEL
If Rj wants to be saved, he needs to do it
himself. Kung hindi, hindi lang siya ang
mapapahamak, pati ang mga rescuers. Gusto mo ba
‘yon?

Hindi makakaimik si Lyneth.

LYNETH
Rj! Gumising ka! Rj!

Makakakita ng tubo si Lyneth. Kukunin niya iyon at ipapasok sa


butas para sana abutin si Rj at gisingin pero hindi ito abot.
Mapapasigaw siya sa frustration. Ibabato niya ang tubo.

MICHAEL
Lyneth, kalma. Pabayaan mo na ang mga rescuers.
We need to get your wounds treated.

Pero hindi papansinin ni Lyneth si Michael. Mapapatingin siya sa


binatong tubo. Mapapaisip. She checks the surroundings,
naghahanap ng pwedeng ibato safely. Pero puro bato at bakal ang
nandito. Pero may makikita siyang cap. Kukunin niya ito.

MICHAEL
Ano’ng ginagawa mo?

Ibabato ni Lyneth sa loob ng butas ang cap. Pero hindi tatama kay
Rj.

LYNETH
Ah!
Page 14 of 75

Titingnan ni Lyneth ang suot niya. Makikita niya ang sapatos


niya. Huhubarin niya ang isa at ibabato kay Rj. Hindi ulit
matatamaan si Rj.

MICHAEL
Lyneth, tama na.

LYNETH
Pabayaan mo ako, Michael.

Huhubarin ni Lyneth ang natitirang sapatos. Holds on to it for a


sec, parang dinadasalan. Saka ibabato kay Rj. Tatamaan si Rj sa
katawan.

INTERCUT WITH—

47. 1. 9A. EXT. FLOWERSHOP. DAY


Magigising si Rj.

LYNETH
Rj! Naririnig mo ba ako?! Rj!

Titingnan ni Rj si Lyneth.

LYNETH
Rj, pumasok ka na sa butas!
Kailangan mo nang makalabas d’yan!
Please! Isipin mo ang pamilya mo, ang anak mo!
Kailangan ka nila! Gumising ka!

With all his might, gagapang si Rj papunta sa butas. Masasaktan


siya dahil sa sugat niya.

RJ
Ahh!

LYNETH
Kaya mo ‘yan, Rj! Konti na lang makakalabas ka na!
Kaya mo ‘yan! May hahawak sa iyo dito pero
kailangan mong pilitin ang sarili mo!

RJ
Lyneth… ahhhh!!!

Gagapang na si Rj.
Page 15 of 75

47. 1. 10. INT. OLD HOTEL – MAIN FUNCTION HALL. DAY


Nakalabas na si Precious sa butas. Hinihintay niya si Analyn.

PRECIOUS
Kaya mo ‘yan, ate! Konti na lang!

Makakalabas na nga si Analyn sa butas.

PRECIOUS
Ate!!!!

Mapapayakap agad si Precious kay Analyn.

ANALYN
Ang galing mong coach!

PRECIOUS
Mas magaling ka, ate! Kung hindi mo pinalakas ang
loob ko, hindi ako nakalabas!

ANALYN
Nakalabas ka kasi matapang ka!
At dahil sa katapangan mong ‘yan, maaabot mo lahat
ng pangarap mo sa buhay! Pero kailangan muna natin
makalabas dito!

Tatapang si Precious. Precious looks around. May makikita ito.


Biglang tatakbo.

ANALYN
Precious!

CUT TO—

47. 1. 11. INT. OLD HOTEL – MAIN FUNCTION HALL OTHER SIDE.
DAY
CONTINUATION. Yakap pa rin ni Lyndon si Emily. Payapa ang mundo
nila.

LYNDON
I’m sorry…

EMILY
Bakit ka nagso-sorry? Wala kang kasalanan.
Page 16 of 75

LYNDON
Hindi dapat kita iniwan!

EMILY
Babe, hindi mo ako iniwan kahit kailan…

LYNDON
Ako ang may kasalanan kung bakit ka namatay!
Iniwan kita! Pinabayaan kita!
Hindi ko mapapatawad ang sarili ko!

EMILY
Babe, ‘wag mong sisihin ang sarili mo.
Ako ‘yong hindi umintindi sa ‘yo…
Inuna ko ‘yong gusto ko kaysa sa pangarap mo…
At alam mo ‘yan, babe…
And I’m really sorry kung naging selfish ako…

LYNDON
Gustung-gusto kitang makasama habang buhay…
Mahal na mahal kita… at hanggang ngayon, hindi ko
pa rin matanggap na wala ka na…
Lahat ng nangyayari sa ‘kin, deserve ko…
Parusa ko ‘to sa nagawa ko sa ‘yo…

EMILY
Hindi…‘wag mong parusahan ang sarili mo…

LYNDON
Hindi ko kaya ng wala ka…
Wala ng kwenta ang buhay ko…
Wala na akong kwenta…
Ayoko na, babe… hirap na hirap na ako…
Ayoko nang mabuhay… sasama na lang ako sa ‘yo…

47. 1. 12. INT. OLD HOTEL – MAIN FUNCTION HALL. DAY


Hinahanap ni Analyn si Precious.

ANALYN
Precious!

Biglang darating si Precious.

PRECIOUS
Ate, may daanan doon!
Page 17 of 75

ANALYN
Talaga?! Sige tara!

Pupuntahan ni Analyn si Precious. Hindi mapapansin ni Analyn ang


isang bagay/bakal/bato sa ground. Matatapilok siya at babagsak sa
lupa, nakadapa.

ANALYN
Ahh!

PRECIOUS
Ate!

Agad namang titihaya si Analyn saka uupo. Ayaw niyang makita ni


Precious na nanghihina at nasasaktan siya.

ANALYN
Ok lang ako, Precious!

Pero masakit ang ankle ni Analyn.

ANALYN
Mauna ka nang lumabas!
Susunod ako! Sige na!

Pero hindi pa aalis si Precious. Worried siya for Analyn.

47. 1. 13. INT. FLOWERSHOP - BUTAS. DAY


CONTINUATION. Gumagapang pa rin si Rj sa butas. Makikita na may
mga batong nakakalas na sa wall ng butas. May dust na rin na
nahuhulog. Kakabahan si Rj kaya magmamadaling gumapang.

INTERCUT WITH--

47. 1. 14. EXT. FLOWERSHOP. DAY


Worried si Lyneth lalo na nang makita niyang may mga natitipak na
na bata sa exterior ng shop.

LYNETH
Rj, bilisan mo!

BACK TO RJ--

Binibilisan ni Rj. Pero mapapasama ang pagkakatuon niya sa isang


wall sa butas. Bibigay ang bato. Mapapatingin si Rj sa taas ng
butas. Manlalaki na lang ang mata niya.
Page 18 of 75

BACK TO LYNETH—

Bigla na lang guguho ang butas.

LYNETH
Rj!!!!

GAP TWO

47. 1. 15. INT. OLD HOTEL – MAIN FUNCTION HALL. DAY


Makakaramdam ng kakaiba si Analyn.

PRECIOUS
Ate, ok ka lang?

Hindi maipaliwanag ni Analyn. Parang may masamang nangyari.

ANALYN
O-ok lang. Sige na. Mauna ka na.
Hahanapin ko pa si doc Lyndon.

Tatango si Precious. Susubukan tumayo ni Analyn. Pero noon may


babagsak na bato mula sa ceiling. Mapapatingin sa taas si Analyn.
Manlalaki rin ang mata. Mapapasigaw na lang si Precious.

PRECIOUS
Ate!!!!!

47. 1. 16. INT. EASTRIDGE - LOBBY. DAY


Natigilan si Susan. Parang may masamang naramdaman.

REGAN
Aling Susan, ok lang kayo?

HARRY
We told you na kasi na mag-stay na lang sa house.

SUSAN
O-ok lang ako. May naramdaman lang ako…
Pero mas ok nang nandito ako at least makikita ko
ang apo ko. Nasaan ba ‘yong batang ‘yon?

REGAN
Baka nasa ER po.
Page 19 of 75

SUSAN
Pupuntahan ko lang ha.

HARRY
Aling Susan, toxic sa ER ngayon.
Makakagulo lang po kayo.

SUSAN
Hindi ako manggugulo. Tutulong ako.
Ang sarap kaya ng feeling na may tinulungan!
Parang nababawasan ‘yong impyerno points ko tapos
nadadagdagan ‘yong ligtas points ko!
Sige na, puntahan ko lang ang apo ko.

Aalis na si Susan. Maiiwan na lang sina Regan at Harry.

47. 1. 17. INT. OLD HOTEL – MAIN FUNCTION HALL OTHER SIDE.
DAY
CONTINUATION.

LYNDON
Isama mo na ako…
Ayoko na dito… Sira na ang buhay ko.

EMILY
‘Wag mong sabihin ‘yan.
Marami ka pang magagawa…
Marami ka pang pangarap…

LYNDON
Ikaw lang ang pangarap ko…

Hahawakan ni Emily ang dibdib ni Lyndon.

EMILY
Hindi, Lyndon…
You are more than this. And you wil recover from
this kasi mabuti kang tao. Magaling kang doctor.
‘Wag mong kalimutan ‘yon, Lyndon…
‘Wag mong dalhin itong bigat na ito habangbuhay…

LYNDON
Pagod na ako…

EMILY
Alam ko… kaya bitawan mo na…
Page 20 of 75

Marami pang may kailangan sa ‘yo…


Marami ka pang tutulungan…
Kailangan ka ni Analyn…

LYNDON
Si Analyn?

Noon makakarinig si Lyndon ng sigaw.

ANALYN (OS)
Ahhh!!!

LYNDON
Analyn?! Analyn!!!

PRECIOUS (OS)
Tulong! Doc Lyndon! Tulong!

LYNDON
Precious?! Precious!! Nandito ako!

Makikita ni Precious si Lyndon.

PRECIOUS
Doc!!! Si Ate Analyn!

LYNDON
Ano’ng nangyari kay Analyn?!

47. 1. 18. EXT. FLOWERSHOP. DAY


Hinuhukay ni Lyneth ang debris. Tumutulong din ang rescuers

LYNETH
Rj!! Hukayin n’yo! Bilis!

MICHAEL
Lyneth, masusugatan ka lang d’yan.
Pabayaan mo na sila!

LYNETH
Tumulong ka na lang, Michael, please!

MICHAEL
Lyneth, kailangan mong ihanda ang sarili mo na… na
hindi na makakalabas ng buhay si Rj—
Page 21 of 75

LYNETH
Anong sabi mo?! Bawiin mo ang sinabi mo! Bawiin
mo!

MICHAEL
Nagsasabi lang ako ng totoo! Siguradong natabunan
na siya ng mga bato, ng bakal! Walang makakaligtas
sa ganyan!

LYNETH
Kung magiging negative ka lang, tumahimik ka na,
Michael! Hindi ka nakakatulong! Buhay siya!
Hindi pwedeng mamatay ang tatay ng anak ko! Buhay
siya!

Wala na rin ibang magagawa si Michael kung hindi tumulong sa


paghukay.

MICHAEL
Bilisan natin.

LYNETH
Salamat.

47. 1. 19. INT. OLD HOTEL – MAIN FUNCTION HALL. DAY


Darating sina Precious and Lyndon sa spot kung nasaan si Analyn
kanina pero puro rubbles na ito.

LYNDON
Nasaan si Analyn?!

Makakarinig sila ng ungol.

LYNDON
Analyn?!

Agad huhukayin ni Lyndon at Precious ang rubbles, tatanggalin


ito.

LYNDON
Analyn, nandito na kami!
Don’t worry! Hindi ka namin pababayaan!

Matatanggal nila ang magagaan na nakapatong sa rubbles. Makikita


na nila si Analyn. May malaking tipak na nakadagan sa chest
Page 22 of 75

hanggang thighs nito, compressing her ribs and lungs. May dugo
ito sa mukha.

PRECIOUS
Ate!!!

Matitigilan si Lyndon. May maaalala.

QUICK FLASH NG ITSURA NI EMILY NOONG NAAKSIDENTE – SAME NG


PLACEMENT NG SUGAT AT DUGO.

Hindi makagalaw si Lyndon.

PRECIOUS
Doc, si Ate Analyn! Doc!!!

Pero frozen in place si Lyndon.

QUICK FLASH NG PAGHIHINGALO NI EMILY

Panic agad si Lyndon, naiiyak, natatakot, nato-trauma.

GAP THREE

47. 1. 20. INT. OLD HOTEL – MAIN FUNCTION HALL. DAY


CONTINUATION. Hindi makagalaw si Lyndon. Memories wash over him.

PRECIOUS
Doc! Si Ate Analyn! Tulungan mo s’ya! Doc!

Pero hindi kumikilos si Lyndon.

PRECIOUS
Doc!

Yuyugyugin ni Precious si Lyndon. Lyndon snaps out of it. Pero


mapapaatras siya.

LYNDON
Hindi… ko… kaya…

PRECIOUS
Doc?!

LYNDON
I’m sorry… i can’t save her… I’m sorry…
Page 23 of 75

At biglang aalis si Lyndon.

PRECIOUS
Doc!!!

Uungol si Analyn kaya hindi siya maiwan ni Precious.

PRECIOUS
Ate!!! Tulong!! Tulong!!

Susubukang iangat ni Precious ang boulder na nakapatong kay


Analyn pero hindi niya kaya.

PRECIOUS
Ate!!

Maiiyak na lang si Precious. Kitang hirap huminga si Analyn. May


tutulo pang luha sa mata niya.

CUT TO--

47. 1. 21. INT. OLD HOTEL – MAIN FUNCTION HALL. DAY


Napasandal sa isang wall/boulder si Lyndon. Hindi alam ang
gagawin.

LYNDON
I’m sorry… I’m sorry…
Hindi ko kaya… I can’t lose someone again…
I can’t…

Maiiyak na si Lyndon.

LYNDON
Bakit ba kasi ako nandito?!
Bakit ba kasi hindi na lang ako namatay?!
Wala naman akong kwenta!!!

Hahagulgol na si Lyndon.

LYNDON
I’m sorry, Analyn…

May magsasalita from somewhere.

EMILY
Page 24 of 75

Lyndon, ‘wag mong pabayaan si Analyn…


Tulad mo, marami rin siyang pangarap…
Maraming nagmamahal sa kanya…
Maraming naghihintay sa kanya…
Ikaw lang ang pag-asa niya.
Lyndon, ‘wag kang susuko…
May magagawa ka pa…
Tulungan mo si Analyn…
Kaibigan mo siya…

Noon maaalala ni Lyndon ang ilang moments nila ni Analyn.

INSERT SHORT SNIPPETS of Lyndon and Analyn


- Unang meeting ni Lyndon at Analyn na sinungitan ni Lyndon si
Analyn
- Quick sweet moments ng dalawa

Hindi alam ni Lyndon ang gagawin.

47. 1. 22. INT. OLD HOTEL – MAIN FUNCTION HALL. DAY


CONTINUATION. Kahit hirap huminga, Analyn still tries to smile.

ANALYN
Precious… ok lang ako.
Umalis ka na…
Hinahanap ka na nina Ma’am Heidi…

PRECIOUS
Hindi kita iiwan, ate…

ANALYN
Kaya ko ang sarili ko… Nagpapahinga lang ako tapos
mamaya, makakaalis din ako… Sige na…

PRECIOUS
Ate, may naghihintay pa sa ‘yo sa labas ‘di ba?
Ang kaibigan mo, ang pamilya mo…

ANALYN
Si lola… si nanay… si tatay…
Sana ok lang sila…
Mahal na mahal ko sila…
Kapag nakita mo sila, sabihin mo mahal na mahal ko
sila… at sobrang swerte ko na sila ang pamilya ko…
sige na, umalis ka na… sige na…
Page 25 of 75

Pero biglang darating si Lyndon.

LYNDON
Ano, susuko ka na Dra. Santos?
Hindi ganyan ang makulit na Analyn na kilala ko!

ANALYN
Doc…

LYNDON
Ayokong marinig na naggi-give up ka!
Lalaban tayo! Makakaligtas tayo!
Hindi ka susuko, dra. Santos!

Maluluha si Analyn sa tuwa.

GAP FOUR

47. 1. 23. INT. OLD HOTEL – MAIN FUNCTION HALL. DAY


CONTINUATION. Isa-isang tatanggalin ni Lyndon ang mga
boulders/debris na nakapatong kay Analyn. Hanggang sa ‘yong
malaking boulder na lang na may nakausling mga bakal ang natira.

LYNDON
Kaya natin ‘to!

Bubuhatin ni Lyndon ang boulder. Tutulungan pa ni Precious.

LYNDON
Ahhhhhh!!!!!!!

Pero hindi enough. Maluluha si Lyndon. He tries again.

LYNDON
Ahhhh!!!

Hindi pa rin enough. From a far, makikita ni Lyndon si Emily.

EMILY
Kaya mo ‘yan, babe. I trust you.
Maliligtas mo si Analyn.

Pipwesto si Lyndon sa ilalim ng boulder and pushes it using his


back.

LYNDON
Page 26 of 75

Ahhhhhhhhhh!!!

Aangat ang boulder pero matutusok si Lyndon ng nakausling metal.


Dudugo. Hindi niya ito iindahin.

LYNDON
Analyn, labas! Hindi ko ‘to kayang buhatin nang
matagal. Ikaw lang ang makakaligtas sa sarili mo.
Labas!!

Aalalayan ni Precious si Analyn, hihilahin palabas. Pero


nanghihina si Analyn.

PRECIOUS
Ate, lakasan mo po ang loob mo!
Isipin mo pa ‘yong mukha ng mga taong nagmamahal
sa ‘yo. Ang mga mahal mo po sa buhay, ang mga
naghihintay sa ‘yo… ang mga gusto mo pa pong
makita…

Mangingiti si Analyn, still weak.

ANALYN
Parang sinabi ko ‘yan kanina ah…

PRECIOUS
Gusto mo po ba kumanta rin ako?

LYNDON
Pwede ba mamaya na kayo magkantahan?
Gapang na, Analyn!

Gagapang si Analyn palabas ng boulder. Parang bibigay na si


Lyndon.

LYNDON
Ahhhh!!!

47. 1. 24. EXT. FLOWERSHOP. DAY


Mailalabas na ng mga rescuers si Rj. Nakahiga ito sa stretcher.
Agad sasalubungin ni Lyneth.

LYNETH
Rj!!!

Pero walang malay si Rj, parang wala nang buhay.


Page 27 of 75

LYNETH
Bakit hindi siya gumagalaw?!
Rj!!! Gumising ka! Rj!!!

Patay na ba si Rj?
END OF DAY ONE
Page 28 of 75

ABOT KAMAY NA PANGARAP


Week 47

DAY TWO

47. 2. 1. INT. OLD HOTEL – MAIN FUNCTION HALL. DAY


CONTINUATION. But with all his might, Lyndon pushes the boulder
using his back.

LYNDON
Ahhh!!!

Makakalabas na si Analyn sa boulder. Saka bibitawan ni Lyndon ang


boulder. Mapapasalampak siya sa sahig, physically and emotionally
exhausted.

LYNDON
Ok ka lang, Analyn?

Imbes na magsalita, yayakapin na lang ni Analyn si Lyndon.

ANALYN
Salamat, doc! Salamat!

Maiiyak na rin si Lyndon. And then, pagtanggal ni Analyn sa yapos


niya kay Lyndon, si EMILY na ang makikita ni Lyndon.

EMILY
I know you can do it…

LYNDON
Sana nailigtas din kita…

EMILY
Lyndon, hanggang doon lang talaga ang buhay ko…
At hindi kita sinisisi sa nangyari.
Kaya ‘wag mo na rin sisihin ang sarili mo.
Patawarin mo ang sarili mo, Lyndon…

LYNDON
Galit sa ‘kin ang pamilya mo lalo na si Miko…

EMILY
(SMILES) Mahal lang ako ng pinsan ko kaya siya
nagkakaganoon. Pero alam niyang mabigat sa puso
Page 29 of 75

ang galit. Kung hindi siya matututong magpatawad,


mawawalan siya ng kakayahang magmahal.

LYNDON
Mahal na mahal kita, Emily.
Noong namatay ka, namatay na rin ako…

EMILY
Pero buhay ka pa, Lyndon. Lagi kong sinasabi na
‘wag mo akong iwan… Pero ngayon, kailangan mo
akong iwan… para mabuhay ka… para maging malaya
ka… para maging masaya ka…
Mahal na mahal kita. Sige na… lumabas na tayo…

Magiging si Analyn ang kausap ni Lyndon. Nakatulala lang pala


ito.

ANALYN
Doc, ayos ka lang ba?
Lumabas na tayo…

Tatayo si Lyndon at maghahanap ng maaring labasan.

LYNDON
Tulong! Tulong!

Maririnig niya ang rescuers.

RESCUER (OS)
Nandito sila! Doc, dito ho may butas!

LYNDON
Nandoon sila! Tara!

Bubuhatin na ni Lyndon si Precious habang inaalalayan din si


Analyn.

47. 2. 2. INT. APEX - ER. DAY


May kausap sa phone si Zoey.

ZOEY
Hello Manang, wala pa ba si dad sa house?!
Hindi ko siya ma-contact.
Kahit si Mang Nato!

Zoey is frustrated.
Page 30 of 75

ZOEY
Sige, Manang. Tawagan n’yo agad ako kapag nakauwi
na si Dad.

Mapapaupo si Zoey, worried.

RAY
Zoey, what are you doing here?
Hindi ba nasa OR ang mom mo?

ZOEY
Yes, doc. Inooperahan na siya ni Dr. Bayhon.
Doc, na-contact n’yo na ba si dad?

RAY
Hindi. I’m sorry. Sobrang busy sa ER.

Maiiyak na si Zoey.

ZOEY
I don’t know where he is!
Baka kung ano na’ng nangyari sa kanya!

Noon may ipapasok na lalaki sa ER, naka-stretcher – si Mang Nato.


Makikita ni Zoey.

ZOEY
Mang Nato!

Agad niya itong lalapitan.

ZOEY
Mang Nato! Where’s dad?! Magkasama kayo ‘di ba?!

NATO
Ma’am Zoey, nasa flowershop po si Doc RJ—
Na-trap po siya doon.. dahil sa lindol.

ZOEY
What?!?! Saang flowershop?! Tell me!!!

47. 2. 3. EXT. FLOWERSHOP. DAY


CONTINUATION. Umiiyak na si Lyneth.

LYNETH
Page 31 of 75

Gumising ka, Rj! Hindi ka pwedeng mamatay!


Rj!

Pero hindi pa rin gumigising si Rj.

RESCUERS
Ma’am, unconscious lang po si sir.
Kaya kailangan po agad natin madala siya sa
ospital para masigurong bukod sa mga sugat niya,
wala siyang ibang injuries.

Pupunasan ni Lyneth ang mukha ni RJ kasi may dugo-dugo pa ito.

LYNETH
Rj, lumaban ka, please.
Hindi mo kami pwedeng iwan…
Hindi mo pwedeng iwan ang anak mo…

Hahawakan ni Lyneth ang kamay ni RJ.

LYNETH
‘Di ba, aalalahanin pa natin ‘yong mga nawalang
alaala mo? Kaya please, lumaban ka.

Mararamdaman ni Lyneth na gagalaw ang daliri ni Rj. Magugulat


siya.
*NOTE – PA-INSERT PO NG CLOSE-UP NG WALANG MALAY NA RJ NA PARANG
NARIRINIG ANG SINASABI NI LYNETH KASI GAGAMITIN LATER

LYNETH
Rj?! Naririnig mo ako?!
Dadalhin ka na namin sa ospital!
Gagaling ka kaya lumaban ka!

Kita ang selos kay Michael.

GAP ONE

47. 2. 4. INT. EASTRIDGE - ER. DAY


Toxic sa ER dahil sa dami ng pasyenteng sugatan dahil sa lindol.
Darating si Susan. Makikita niya si Vico.

SUSAN
Vico, nasaan si Analyn? Bakit wala siya dito?

VICO
Page 32 of 75

Hindi ko pa rin ho nakikita si Doc Analyn.

SUSAN
‘Di ba magkasabay sila ni Doc Lyndon?

VICO
Hindi ko pa rin po nakikita si doc Lyndon.

SUSAN
Ano?! Nasaan ang apo ko?!

47. 2. 5. INT. APEX - ER. DAY (CONSULTED WITH DOC MAU)


Nakahiga sa stretcher si Luke, duguan ang legs. Nandito sina Kawy
at Evan. Nandito rin sina Eula. May isang ER nurse na magdadala
na kay Luke sa OR.
(note: anong itsura ng injury ni Luke sa legs)

ER NURSE
Doc Luke, dadalhin na po namin kayo sa OR.

EULA
Luke, goodluck!

LUKE
Malayo sa bituka! Kayang-kaya!

Mapapangiti na lang sila.

LUKE
Si Analyn ba nakabalik na rin sa Eastridge?
Page 33 of 75

KAWY
Doc, ‘wag mo na munang alalahanin si Doc Analyn.
Isipin mo muna sarili mo.

Aalis na si Luke at ang OR nurse.


Mapapaupo sina Kawy at Evan, parehong pagod at relieved.
Saka magkakatinginan at magyayakap ang dalawa.

EVAN
Buhay pa tayo, accla!!!

May papasok na patients.

KAWY
Tara accla! May trabaho pa tayo!

EVAN
Game!!!

Tutulongna ang dalawa.

47. 2. 6. EXT. JOSA’S HOUSE / STREET. DAY


(note: location can adjust po)

Nakaupo sa labas si Josa, kausap ang picture ni Cromwell habang


umiinom ng beer.

JOSA
Lumindol kanina. Natakot ako. Sana kasama pa rin
kita kasi alam mo’ng gagawin kapag natatakot ako.
Hay, labidabs, miss na kita.

Iinom ng beer si Josa.

JOSA
Pero may itinatago ka sa ‘kin ha!
Kaninong celpon ‘yon?
Bakit nasa ‘yo? Hindi ko man lang nalaman kasi
mukhang tegi na si Bogs.

Noon darating si Bogs.

BOGS
Josa!
Page 34 of 75

JOSA
Buhay ka pa pala! Nasaan ‘yong celpon?

BOGS
Nasa ‘kin. Ibabalik ko sa ‘yo pero balik mo sa
‘kin pera ko. Dagdagan mo na rin ng tatlong libo
kasi in-unlock ko ‘tong celpon.

JOSA
Ano’ng akala mo sa ‘kin, dumudumi ng pera?!
Gagong ‘to!

BOGS
Sinugod sa ospital ang kapatid ko.
Nadisgrasya sa lindol. Kailangan ko ng pera.

JOSA
Wala akong pera. Akin na ‘yong celpon!

Sapilitang kakapkapan ni Josa si Bogs pero itutulak ni Bogs si


Josa. Mapapaupo si Josa.

BOGS
Kung wala kang pera, ibebenta ko na lang ‘to sa
iba! Sakto may nagkakainteres daw dito!

Aalis si Bogs.

JOSA
Leche ka! Sa asawa ko ‘yan! Balik mo sa ‘kin ‘yan!
Bwisit!

47. 2. 7. INT. EASTRIDGE. DAY


Kung saan-saan na hinanap ni Susan si Analyn pero hindi niya
makita. Nagpa-panic na siya. Makikita siya nina Regan at Harry.

REGAN
Aling Susan!

SUSAN
Mabuti’t nandito pa kayo!
Tulungan n’yo akong hanapin si Analyn!

HARRY
Nawawala si Analyn?
Page 35 of 75

SUSAN
Hahanapin ko ba kung nakita ko na?!

Noon darating si Miko.

MIKO
ALing Susan, you have to see this!

Saka ipapakita ni Miko ang NEWS TWEET from NEWSPINAS. Babasahin


ito ni Susan.

SUSAN
NEWS_PINAS. Dalawang doctor ang kasalukuyang trapped sa
loob ng Dos Pueblos hotel. Napagkaalamanan na ito’y sina
Dr. Lyndon Javier at Dra. Analyn Santos. Kasalukuyang
gumagawa ng paraan ang mga rescuers para mailabas ang
dalawang doctor.
Diyos ko!!! Ang apo ko!!! Paano nangyari ‘yon?!
‘Di ba sabay-sabay tayong umalis?!

REGAN
Hindi kaya may binalikan sina Doc Analyn?

HARRY
Maybe they tried to rescue someone.

MIKO
Or baka may ginawa si doc Lyndon kaya pinuntahan
siya ni Doc Analyn.

Nega pa rin si Miko kay Lyndon.

SUSAN
Jusko!! Baka mapahamak ang apo ko!

Biglang aalis si Susan.

REGAN
Aling Susan, saan kayo pupunta?!

HARRY
Let’s follow her!

47. 2. 8. INT. OLD HOTEL – MAIN FUNCTION HALL. DAY


Nakarating na sa harap ng butas sina Analyn, Lyndon at Precious.
Pero maliit lang ito. Si Precious lang ang kasya. Sa other side,
nandoon ang rescuers.
Page 36 of 75

RESCUERS
Doc, pumasok na ho kayo!
Bumibigay na ang pundasyon ng building!

ANALYN
Pauunahin po namin ang bata.
Precious, ready ka na?

Tatango si Precious. Pero biglang may sasabog sa loob. Electrical


wirings na nag-spark. Mapapasigaw si Precious.

ANALYN
Precious, ‘wag mo na pansinin ‘yon!
Fireworks lang ‘yon kasi alam nilang ligtas na
tayo. Ok?

LYNDON
Game na, Precious.

Bubuhatin ni Lyndon si Precious saka ilulusot sa butas. May


makikitang nasusunog na na debris. Kakabahan si Analyn. Hahawakan
ni Lyndon ang kamay ni Analyn.

LYNDON
Makakaligtas tayo.

Tatango si Analyn.

GAP TWO

47. 2. 9. INT. OLD HOTEL – MAIN FUNCTION HALL. DAY


CONTINUATION. Makakalabas na si Precious.

RESCUERS (OS)
Kayo na po, doc!

Kumakalat na ang apoy.

ANALYN
Doc, mauna ka na! Injured ka!

LYNDON
Ikaw rin naman! T’saka hindi ako kasya d’yan.

ANALYN
Page 37 of 75

Hindi rin ako kasya!

Biglang may babagsak na debris na may apoy.

ANALYN
Lumalaki na ang sunog!

LYNDON
Boss, kailangan n’yong palakihin ang butas!

RESCUERS
Sandali lang, doc!

Pero mapapaisip din si Analyn. Makakakita siya ng metal object at


kukunin ito. Susubukan niyang tipakin ang bato sa butas. Gagaya
rin si Lyndon.

47. 2. 10. EXT. FLOWERSHOP- STREET. DAY


Lumabas ng kotse sina Zoey at Ray. Si Ray ang nagmaneho.

ZOEY
Hindi mo na dapat ako sinamahan, doc.
You are needed sa ER.

RAY
I know. Pero hindi naman kita pwedeng pabayaan.
Kaibigan ko ang dad mo. At kahit papaano, pamilya
pa rin kita. Baka kung ano pa mangyari sa ‘yo.

Mapapangiti lang si Zoey. Makikita na ni Zoey ang flowershop.

ZOEY
Oh my god! Gumuho na ‘yong flowershop!
Baka nasa loob si dad! Dad! Dad!

Pasakay na rin dapat si Michael sa kotse nang makita niya sina


Zoey. Lalapitan niya ito.

MICHAEL
Zoey?! Ano’ng ginagawa mo rito?

ZOEY
I’m looking for my dad!
Sabi ng driver nandito siya sa loob!
Where is he?! May nag-save na ba sa kanya?!
Page 38 of 75

Nagpa-panic si Zoey.

MICHAEL
Ligtas na siya, Zoey. Dinala na siya ng ambulance
sa Eastridge.

RAY
Eastridge? Bakit doon siya dinala?

Hindi agad iimik si Michael. Pero mapapatingin si Zoey kay


Michael, analyzing something.

ZOEY
And why are you here?!
(BEAT) May kasama ba ang dad ko?
Tell me!

MICHAEL
Oo. May kasama siya. Si Lyneth.

ZOEY
What?! Bakit sila magkasama?!

Mapapaisip si Michael.

INSERT QUICK and SHORT SNIPPET nang makitang niyang nakahawak ang
kamay ni Lyneth kay Rj.

MICHAEL
Hindi ko alam.
Baka sinusundan ng daddy mo si Lyneth.

ZOEY
No! Imposible ‘yang sinasabi mo!
Hindi susundan ng dad ko si Lyneth!

RAY
Zoey, relax.

MICHAEL
Gaya nga ng sabi ko, hindi ko alam.
Pero kung gusto mong malaman, why don’t you ask
your dad. Pumunta ka sa Eastridge.

Mapapaisip si Zoey, may halong inis at pagtataka.


Page 39 of 75

47. 2. 11. EXT. OLD HOTEL. DAY


Bababa ng kotse ni Harry sina Susan, Regan, Harry at Miko.

REGAN
Ang kulit n’yo, aling Susan!
Sabing ‘wag na pumunta dito!

SUSAN
Tumigil ka na sa kakakuda mo d’yan!
Nandito na tayo!

Alalang-alala si Susan. Lalapitan niya agad ang rescuers.

SUSAN
Boss, nasaan ang apo ko? Si Dra. Analyn Santos.

RESCUER
Nasa loob pa po sila. Ginagawa po namin ang lahat
para mailabas sila.

SUSAN
Ginagawa lahat?! E bakit nakatayo lang kayo dito?!
Iligtas n’yo ang apo ko!

MIKO
Kahit si Doc Analyn lang ho ang iligtas n’yo, ‘wag
na ‘yong isang doctor.

HARRY
Come on, dude! Hindi magandang sabihin ‘yan!

MIKO
Pinatay ni doc Lyndon ang pinsan ko!
Deserve niyang ma-trap sa building na ‘yan! And I
hope mag-collapse ‘yan na kasama siya!

REGAN
Tumahimik ka nga! Nasa loob pa si doc Analyn!
Malay mo, siya pa ang nagliligtas kay doc Analyn!

MIKO
Doc Lyndon saving doc Analyn? Hindi mangyayari
‘yon! Kung may mangyaring masama kay Doc Analyn,
pababayaan niya lang ‘yon tulad ng ginagawa niya
sa ate ko!
Page 40 of 75

Mapipikon na si Harry at kikwelyuhan si Miko.

HARRY
Will you shut up?! Your negativity isn’t helping
anyone!

Itutulak ni Miko si Harry.

MIKO
Nagsasabi lang ako ng totoo! Kaya hindi ako
magtataka kung siya lang lalabas d’yan sa hotel
kasi wala siyang pakialam sa ibang tao! Selfish
siya!

Galit si Harry.

HARRY
Gago ka pala! Iwi-wish mo pang hindi ma-save si
Analyn!

Itutulak ni Harry si Miko. Gaganti rin ng tulak si Miko. Parang


magsusuntukan ang dalawa. Papagitna si Regan.

REGAN
Tumigil nga kayo! Dito pa talaga kayo mag-aaway!
Tama na!

Pero biglang papagitna si Susan saka sasampalin si Harry then si


Miko. Gulat ang dalawa.

SUSAN
Ayokong makarinig ng kahit anong kanegahan sa
inyo! Hindi mapapahamak ang apo ko! Hindi siya
mamamatay!

GAP THREE

47. 2. 12. EXT. OLD HOTEL. DAY


CONTINUATION. Pinaghalong kaba, pag-aalala at inis ang
nararamdaman ni Susan.

HARRY
We’re sorry po, Aling Susan.

REGAN
Huy, Miko, mag-sorry ka rin.
Page 41 of 75

MIKO
Sorry ho. Wala lang talaga kong tiwala kay Doc
Lyndon—

SUSAN
Kung ano’ng ginawa ni Doc Lyndon sa ate mo, hindi
niya ‘yon gagawin kay Analyn!

MIKO
Paano naman ho kayo nakasiguro—

REGAN
Sasagot pa e—

MIKO
Hindi reliable si Doc Lyndon!
Adik nga siya e! Paano makakapag-function ‘yon sa
ganito?!

HARRY
Shut the hell up!

SUSAN
Hindi niya pababayaan ang apo ko!

MIKO
Realist lang po ako—

HARRY
Ang kulit! Tara na nga doon!

Ilalayo ni Harry si Miko. Matatahimik si Susan.

REGAN
Pagpasensyahan n’yo na po si Miko—

Pero biglang iiyak si Susan.

REGAN
Aling Susan…

Yayakapin ni Regan si Susan.

SUSAN
Sa totoo lang, may point siya…
Page 42 of 75

Paano mo aasahan ang taong wala sa wisyo?


Sa dami-dami pa kasi ng makakasama ng apo ko sa
loob, bakit si doc Lyndon pa?! Baka nga si Analyn
pa ang sumagip sa kanya!
Pero paano kung si Analyn ang may kailangan ng
tulong? Paano ang apo ko…

47. 2. 13. INT. OLD HOTEL – MAIN FUNCTION HALL. DAY


CONTINUATION. Tinitipak ng rescuers ang butas. Sa loob, tinitipak
din nina Analyn at Lyndon. Pero napupuno na ng usok ang lugar.
Umuubo-ubo na sina Analyn at Lyndon.

ANALYN
Konti na lang, doc, kasya na tayo!

Pero masisira ang gamit na metal ni Analyn.


Wala nang mahagilap na gamit si Analyn kaya gamit ng kamay,
bubungkalin niya ang butas. Mag-aalala na si Lyndon.

LYNDON
Analyn, umupo ka muna. AKo na’ng bahala dito.

ANALYN
Mas mabilis kung tayong dalawa.

Pero masisira na rin ang gamit ni Lyndon. Maiinis si Lyndon at


galit na ibabato ang gamit na metal. Mauupo siya.

ANALYN
‘Wag tayong susuko!

Analyn continuously coughs. Mapapatingin si Lyndon kay Analyn at


biglang aalis.

ANALYN
Doc! Saan ka pupunta?! Doc! Doc!

Pero wala na si Lyndon.

ANALYN
Doc!
Hindi ako pwedeng sumuko.
Hinihintay ako ni nanay!

Makakakita si Analyn ng malaking bato at ito ang gagamitin niyang


pantipak ng butas.
Page 43 of 75

Noon darating si Lyndon. May dala siyang table napkin na basa.


Ibibigay niya kay Analyn.

LYNDON
Takpan mo ang ilong mo.

ANALYN
Paano ka, doc?

LYNDON
Ok lang ako.

Kukunin ni Lyndon ang hawak ni Analyn na bato at titipakin ang


butas. May matatanggal na malaking chunk.

RESCUERS (OS)
Doc! Mukhang kasya na kayo sa butas!
Pumasok na ho kayo!

May malalaglag na nasusunog na debris.

LYNDON
Sige na, Analyn. Pumasok ka na!

Papasok na si Analyn sa butas. Lilingon si Lyndon. Makikita niya


si Emily. Ngingitian siya ni Emily. Maluluha si Lyndon. Tatango
si Emily as if saying na ok na siya. Papasok na si Lyndon sa
butas.

47. 2. 14. INT. EASTRIDGE – ER. DAY


Nakaupo si Lyneth, ginagamot siya ni Vico at ng isang doctor.
Lalapitan siya ni Carlos.

CARLOS
Ikaw raw ang kasama ni Rj?

LYNETH
Oo, Carlos.

CARLOS
Bakit dito mo siya dinala?
Bakit hindi sa Apex?

LYNETH
Hindi ko na naisip ‘yon.
Page 44 of 75

Gusto ko lang siyang iligtas.


Marami siyang injuries.

CARLOS
‘Wag kang mag-alala, ginagamot na siya.

LYNETH
Si Analyn ba nandito na? Hindi ko pa siya
nakikita. Hindi naman niya sinasagot ang tawag ko.

CARLOS
Ang alam ko magkasama sila ni Doc Lyndon.
Baka nasa OR sila.

LYNETH
Pupuntahan ko lang ang anak ko—

Noon darating si Zoey at Ray.

ZOEY
Where is my dad?!

CARLOS
Zoey, ano’ng ginagawa mo dito?

ZOEY
Nandito ako kasi dito dinala ng babaeng ‘yan ang
daddy ko!

RAY
Zoey, ‘wag kang sumigaw. Nagkakagulo na ang tao
dito sa ER.

ZOEY
Wala akong paki!

CARLOS
Zoey, pina-transfer ko na sa room ang dad mo.
Ginagamot na siya doon. You don’t have to worry—

ZOEY
I don’t have to worry?!
I am worrying kasi kasama niya ang babaeng ‘to!
What happened?! Bakit ikaw ang kasama ng dad ko
ha?! Sinusundan mo siya?! Inii-stalk mo?!
Page 45 of 75

RAY
Zoey, magpalamig ka muna—

Hahawakan ni Ray si Zoey pero pipiglas si Zoey.

ZOEY
Bitawan mo nga ako!
Bakit kayo magkasama ng dad ko?!
Ano’ng ginawa mo sa kanya?!

LYNETH
Wala akong ginagawa sa daddy mo!

ZOEY
Sinungaling ka! Lagi na lang kapag kasama ka ni
dad, may nangyayaring masama sa kanya! Salot ka
talaga! You are just like this earthquake! Isa
kang malaking kalamidad sa buhay namin!

At biglang itutulak ni Zoey si Lyneth. Pero mapapakapit si Lyneth


sa isang silya (or kung anoman) kaya hindi siya mapapaupo sa
sahig.

GAP FOUR

47. 2. 15. EXT. OLD HOTEL. DAY


Pinapatahan pa rin ni Regan si Susan. Nakatingin sina Harry at
Miko. Makikita ni Miko na may water ang rescuers. Kukunin niya
ang isa saka lalapit kay Susan.

HARRY
‘Wag mo nang puntahan si Aling Susan!

Ibibigay ni Miko ang water kay Susan.

MIKO
Sorry po, Aling Susan. Hindi po dapat ako dumagdag
pa sa kaba n’yo. Hindi po dapat ako naging nega.
Sorry po…

Tatango lang si Susan. Pero maya-maya, may makikita na silang


usok sa hotel.

SUSAN
Page 46 of 75

Usok ‘yon! Bakit may usok?! Nasusunog na ang


building! ‘Yong apo ko! Jusko, iligtas n’yo ang
apo ko!

Hysterical na si Susan.

SUSAN
Analyn!!!!

At tatakbo siya papunta sa hotel.

REGAN
Aling Susan!

Agad hahabol ang boys pati mga rescuers. Mapipigilan din agad si
Susan.

SUSAN
Apo! Apo!!!

Maya-maya, mula sa hotel, lalabas na ang mga rescuers kasama si


Precious.

SUSAN
Nasaan ang apo ko?!

Saka lalabas sina Analyn at Lyndon. Inaalalayan ng rescuers dahil


sa mga injuries nila.

SUSAN
Apo!!! Diyos ko po salamat!!

BOYS
Analyn!!!

Agad nilang sasalubungin si Analyn. Yayakapin nila ito. Maiiyak


lalo si Susan.

SUSAN
Analyn!! Buhay ka!!

Si Precious naman sasalubungin ni Heidi. Maiiwan si Lyndon, mag-


isa, walang sumalubong. May lungkot sa mata niya. Maglalakad na
siya palayo.
Page 47 of 75

47. 2. 16. INT. EASTRIDGE – ER. DAY


CONTINUATION. Maiinis si Carlos.

CARLOS
Wala kang respeto!

RAY
Tama na, Zoey.

Aalalayan ni Carlos si Lyneth.

LYNETH
Alam mo, Zoey, na-survive ko ang earthquake na ‘to
at ang mga bagyong tulad mo at ng nanay mo. Kaya
kahit ilang beses mo akong itulak, hindi mo ako
mapapatumba!

ZOEY
The hell I care! Basta layuan mo ang dad ko kasi
salot ka!

LYNETH
Hindi ako ang salot sa buhay ng daddy mo! Ako ba
ang may kasalanan ng aksidente niya, ha? Ako ba
ang dahilan kung bakit nawala ang memory niya?!

Matitigilan si Zoey.

LYNETH
Ako ba ang dahilan kung bakit lagi siyang
napapahiya tuwing napapaaway ka o ang mommy mo?!
Kung may lindol dito, ikaw ‘yon! Dahil basta
nand’yan ka, siguradong may napapahamak! May
nasasaktan!

ZOEY
How dare you!

LYNETH
How dare me what?! Magsabi ng totoo?!
Mukhang wala ka namang injury so I’m sure kayang-
kaya mong tanggapin ‘tong masakit na katotohanan!

Pahiya si Zoey.

LYNETH
Page 48 of 75

Vico, pakibigyan na nga lang ‘tong babaeng ‘to ng


gamot para sa painful truth! Or ointment perhaps
cause Zoey, you’ve just been burned!

RAY
Zoey, tara na…

Makikita ni Carlos si Ning.

CARLOS
Ning, pakisamahan na lang sila sa room ni doc Rj.

Aalis na sina Zoey kasama si Ning. Irita si Lyneth. Itutuloy


naman ni Vico ang paggamit sa sugat ni Lyneth.

47. 2. 17. EXT. OLD HOTEL. DAY


CONTINUATION. Kakalas na sa yakapan sina Analyn, Susan and the
boys. Pagagalitan ni Susan si Analyn.

SUSAN
Ano ba’ng nangyari, Analyn?!
‘Di ba pauwi na rin kayo ni Lyndon?!
Paano ka napunta sa loob?!

ANALYN
Sinundan ko po kasi si Precious—

SUSAN
Jusko naman! Ano bang akala mo sa sarili mo, ha?!
Superhero?! Hindi ka tatamaan ng mga nahuhulog na
bato at bakal?! E kung napahamak ka?! Tingnan mo
ang dami-dami mong sugat!

REGAN
Kayo talaga, Aling Susan. Kaninang wala si Analyn,
alalang-alala kayo. Ngayon, pinagagalitan n’yo.
Ano ba talagang gusto n’yo?

SUSAN
Hoy, ‘wag mo akong pakialaman, Regan at baka
ibalik kita sa loob!

REGAN
Ay ok na po ako dito!

SUSAN
Page 49 of 75

Apo, ‘wag na ‘wag mo nang gagawin ‘yon ha. Hindi


nga ako namatay sa lindol, pero mamamatay ako sa
pag-aalala sa ‘yo…

ANALYN
Sorry po, lola. Pero hindi ko po pwedeng pabayaan
si Precious. T’saka kasama ko naman po si doc
Lyndon. Hindi po niya ako pinabayaan. Iniligtas pa
nga po niya ako e…

Yayakapin ulit ni Susan si Analyn.

SUSAN
Teka, nasaan na nga pala si doc Lyndon?

Saka nila mapapansin si Lyndon sa isang tabi, ginagamot ng medic.


Lalapitan siya ni Susan at ni Analyn.

SUSAN
Doc Lyndon…

LYNDON
Aling Susan, pasensya na ho kayo—

Pero biglang yayakapin ni Susan si Lyndon.

SUSAN
Maraming maraming salamat, doc…

Maluluha si Lyndon. Si Analyn naman ang haharap kay Lyndon.

ANALYN
Doc, salamat hindi n’yo ako iniwan.
Salamat iniligtas n’yo ako.
Takot na takot ako kasi akala ko katapusan ko na…
Pero lumakas ang loob ko kasi kasama ko kayo…
Sorry po sa lahat ng ginawa ko ha…
Sorry, doc…

Yayakapin ni Analyn si Lyndon. Makikita sila ni Precious. Yayakap


din si Precious kay Lyndon. Nakatingin lang si Miko, inis pa rin
kay Lyndon.

END OF DAY TWO


Page 50 of 75

ABOT KAMAY NA PANGARAP


Week 47

DAY THREE

47. 3. 1. EXT. OLD HOTEL. DAY


CONTINUATION. Kakalas sila sa yakapan.

SUSAN
Ako rin, doc, sorry. Jinudge agad kita.
Aaminin ko, pinagdudahan kita.
Akala ko pababayaan mo ang apo ko…

LYNDON
Ok lang po, Aling Susan.
Pinagdudahan ko rin po ang sarili ko.

ANALYN
Lahat naman tayo, minsan, pinagdududahan ang
kakayahan natin. Pero ang importante, nao-overcome
natin ang doubts at lumalaban tayo.

SUSAN
Hero ka, doc Lyndon!

PRECIOUS
Doc Lyndon!

ANALYN
Doc Lyndon!

HARRY, REGAN
Doc Lyndon!

Nagcha-chant na naman sila.

LYNDON
Ayan na naman kayo. Tama na!

Mapapangiti na lang si Lyndon.


Page 51 of 75

47. 3. 2. INT. EASTRIDGE. DAY


Magkasama sina Zoey, Ray, Ning. Nauuna si Ning.

NING
Sa room 307 po naka-admit si Doc Rj.

RAY
Thank you, nurse.

Aalis na si Ning. Irita pa rin si Zoey.

RAY
Zoey, mag-usap muna tayo.
Your dad is injured and is still recovering.
‘Wag mo namang pairalin ang init ng ulo mo.

ZOEY
Hindi naman ako galit kay dad.
Galit ako sa Lyneth na ‘yon!
She’s the reason kung bakit sila magkasama ni dad
at kung bakit na-injure si dad! I’m sure, this is
all part of her plan kasama ng pagdala kay Dad
dito sa Eastridge!

RAY
Plan para ano???

ZOEY
I don’t know! Agawin siya ulit! Landiin!
I-brainwash!

RAY
Zoey, we all know na hindi si Lyneth ang nangbi-
brainwash sa dad mo!

Nabigla lang din si Ray sa sinabi. Lalong maiirita si Zoey.

ZOEY
Clearly, kampi ka pa rin kay Lyneth. So you know
what, doc, bumalik na po kayo sa Apex! Mas
kailangan po kayo doon kaysa nakikialam kayo sa
buhay ko!

Iiwan ni Zoey si Ray. Wala nang magagawa si Ray.


Page 52 of 75

47. 3. 3. INT. EASTRIDGE - ROOM. DAY


Nasa room si Rj. Treated na siya. May mga gauze na ang injuries
niya. Nandito si Giselle.

GISELLE
I’m glad you’re safe. Nag-worry ako kanina. You
look lifeless!

Maluluha si Giselle.

GISELLE
Kahit naman hindi tayo ok, ayoko pa ring may
mangyaring masama sa ‘yo. Ikaw lang ang kapatid
ko. Tayo na lang ang family ni Papa.

Touched din naman si Rj.

RJ
Ok na ako, ate. Salamat kay Lyneth.
Hindi lang niya ako inalagaan…
Tinulungan din niyang… bumalik ang alaala ko.

GISELLE
Really?! So you remember everything already?!

RJ
Hindi, ate. Naalala ko lang na handa ko palang
iwan si Moira para kay Lyneth.
Ibig sabihin, minahal ko siya.

GISELLE
That’s good! Pero ‘yon lang ba ang naalala mo?!
Subukan mong alalahanin ‘yong iba pa!
Marami pa ‘yan!

Rj tries to think pero wala na.

RJ
Wala na, ate.

GISELLE
(SIGHS) It’s ok. ‘Wag mong pilitin ang sarili mo’t
baka makasama pa sa ‘yo. But I’m glad you’re here
at Eastridge. Maybe the environment here,
especially Lyneth’s presence, will help bring back
all of your lost memories lalo na ‘yong kasamaan
Page 53 of 75

ng ugali ng asawa mo. (BEAT) I know, ipagtatanggol


mo na naman si Moira—

RJ
Sa totoo lang, ate, these past few days, napansin
ko na rin na iba ang ugaling ipinapakita niya sa
‘kin at sa ibang tao. Para siyang may maskara.

GISELLE
Hallelujah! Ngayong gising ka na, ‘wag ka nang
pipikit! At hanapin mo ang totoo because I’m sure,
in time, ikaw mismo ang makakatanggal sa maskara
ng asawa mong bruha! And once that happens, you’ll
realize na sina Lyneth at Analyn ang mas deserve
mo. At iiwan mo na ‘yang mag-ina mong tandem sa
kasamaan!

RJ
H-hindi ko magagawa ‘yon. Mahal ko ang pamilya ko
lalo na ang anak ko…

GISELLE
Isa pa ‘yang bruha! Wala siya sa kalingkingan ni
Analyn.

RJ
Please, ‘wag mo naman pagsalitaan ng ganyan si
Zoey. Mabait siya. She’s been a good daughter.

Mapapairap na lang si Giselle.

RJ
Kaya kung pwede sana, ‘wag na lang makakalabas
itong pinag-usapan natin sa pamilya ko. Ayokong
magkaproblema sa kanila lalo na kay Zoey.

Noon papasok si Zoey. Magugulat siya nang makita si Giselle.

ZOEY
Dad… tita… I heard you guys talking.
Anong problema ang sinasabi mo, dad?

Hindi agad makakaimik si Rj.

47. 3. 4. INT. EASTRIDGE - ER. DAY


Tapos nang gamutin si Lyneth. Kausap niya si Ray.
Page 54 of 75

RAY
Lyneth, ako na ang humihingi ng pasensya sa ginawa
ni Zoey.

LYNETH
Hindi na kailangan. Sanay na ako sa kanya.
Don’t worry, kapag ok na si Rj, ipapa-transfer na
agad namin siya sa Apex para hindi na issue.
Baka pati si Moira sumugod pa dito at idamay pa
ang anak ko.

RAY
Don’t worry about Moira. Nagpapagaling din siya
ngayon. I’ll go ahead.

Aalis na si Ray. Lalapitan ni Carlos si Lyneth.

CARLOS
Lyneth, may kailangan kang malaman.
Wala si Analyn sa OR. Wala pang nakakakita sa
kanya sa ospital.

LYNETH
Ano?! Sabi mo nakalabas siya sa hotel!
Nasaan siya?!

Lyneth gets her phone and calls Analyn pero cannot be reached.
Panic na siya. Tatayo siya.

CARLOS
Lyneth, saan ka pupunta?!

LYNETH
Pupunta ako sa hotel! Sisiguraduhin kong ligtas
ang anak ko!

Paalis na sana si Lyneth nang may tumawag sa kanya.

ANALYN (OS)
‘Nay…

Lilingon si Lyneth and sees Analyn. Kasama niya si Susan, Harry,


Regan, Miko at Lyndon.

LYNETH
Page 55 of 75

Anak!!!

Yayakapin ni Lyneth si Analyn. Maiiyak agad. Makikita niya ang


injuries nito.

LYNETH
Ano’ng nangyari sa ‘yo?! Bakit ang dami mong
galos?! Bakit may dugo ka?! Ok ka lang ba?!

ANALYN
Ok na po ako kasi kasama na kita…
Kayo ni lola…

LYNETH
Nag-panic ako noong nalaman kong wala ka dito sa
Eastridge! Ang dami na agad pumasok sa isip ko!

SUSAN
E paano ‘yang anak mo, pinaglihi yata kay Rizal!
Gusto yatang mailagay ang mukha sa piso!

ANALYN
Sorry po, ‘nay… Hindi po ako nakapag-isip. Gusto
ko lang tumulong.

Kukuha si Lyneth ng cotton at alcohol at pupunasan agad ang mga


dugo-dugo sa mukha ni Analyn.

LYNETH
Hindi ikaw si Analyn kung hindi ka tutulong. Pero
sana ‘wag mong ipapahamak ang sarili mo ha. Kasi
hindi ko talaga kakayanin, anak…

ANALYN
Sorry po talaga… Buti na lang po kasama ko si Doc
Lyndon. Siya po ang totoong hero!

LYNETH
Salamat, doc…

Yayakapin din ni Lyneth si Lyndon.

REGAN
Tumulong din po ako, tita.

HARRY
Page 56 of 75

Ako rin po, tita.

LYNETH
Salamat…

SUSAN
Wala naman kayong ginawa!
Sakit lang kayo sa ulo ko!
Pag-uumpugin ko kayo e!

Tawanan sila except Miko. Aalis siya. Mapapatingin sa kanya si


Lyndon.

47. 3. 5. INT. EASTRIDGE - ROOM. DAY


CONTINUATION. Naghihintay si Zoey ng sagot.

ZOEY
May ginawa ba sa ‘yo ang Lyneth na ‘yon?

GISELLE
Zoey, give your dad a break. Nagpapagaling pa siya
oh!

ZOEY
I just want answers. Bubuka ba ang sugat nya kapag
sumagot siya?! So ano’ng ginawa sa ‘yo ni Lyneth?
At bakit kayo magkasama?!

RJ
Zoey, walang ginawa sa ‘kin si Lyneth.
Nagkita lang kami sa flowershop kasi bibili siya
ng flowers… At ibibili ko rin dapat si Analyn.

Tatamaan si Zoey. Makakaramdam ng inis, ng selos. Pero mananaig


din ang utang na loob niya kay Analyn.

RJ
I’m sorry hindi ko sinabi.
Alam ko kasing magagalit ka…
At ayokong nag-aaway tayo…

ZOEY
Don’t worry, dad, hindi ako galit.

GISELLE
Expert ka na talaga sa bait-baitan, Zoey.
Page 57 of 75

RJ
Ate, pwede ba…

GISELLE
Told you, she is just like her mother.
Ano bang face mask ang gamit n’yong mag-ina at
sobrang durable and makapal?

ZOEY
Kung ayaw mong maniwala, wala akong paki.

GISELLE
See?

RJ
Zoey, I really hope na ok lang sa ‘yo at hindi ka
magagalit kay Analyn. I just wanted to give her
something. Pero buti nandoon si Lyneth kasi she
saved me. Without her help, baka patay na ako. So
please, kung makikita mo siya, ‘wag mo siyang
aawayin.

Tahimik lang si Zoey. Pahiya sa ginawa niya kay Lyneth.

47. 3. 6. EXT. EASTRIDGE. DAY


Mag-isa sa labas si Miko. Lalapitan siya ni Lyndon at o-offer-an
ng tubig. Kukunin naman ni Miko ang tubig pero kita pa ang bigat
sa loob niya.

MIKO
Thank you dahil sinave mo si Analyn.

LYNDON
Niligtas din niya ako…
Pero hindi ko magagawa ‘yon kung hindi ako
tinulungan ni Emily.

Sasama agad ang timpla ni Miko.

MIKO
Seryoso ka ba?! Gagamitin mo pa si ate?!

LYNDON
Miko, nagpakita siya sa ‘kin.
Pinalakas niya ang loob ko…
Page 58 of 75

Nawala ang takot ko, ang pagdududa ko sa sarili ko


dahil sa kanya…

Maluluha na si Lyndon.

LYNDON
‘Yon lang ang kailangan ko e…
Ang makita siya kahit isang beses lang…
Ang malaman kong pinapatawad niya ako—

Biglang itatapon ni Miko ang mineral water.

MIKO
Sinungaling ka! Pinatay mo ang ate ko!
Hindi ka niya mapapatawad! Hindi kita mapapatawad!
Sana hindi ka na nakalabas sa hotel! Sana namatay
ka na lang!

GAP ONE

47. 3. 7. EXT. EASTRIDGE. DAY


CONTINUATION. Hindi papatol si Lyndon.

LYNDON
Naiintindihan kita, Miko—

MIKO
Hindi mo naiintindihan ang sakit na nararamdaman
ko!

LYNDON
Matagal ko ring hindi napatawad ang sarili ko.
Pero alam mo sabi ng ate mo?

INSERT SNIPPET noong sinabi ni Emily kay Lyndon about


forgiveness.

LYNDON
Kung hindi matututong magpatawad, mawawalan ng
kakayahang magmahal.

Magugulat si Miko.

MIKO
Paano mo nalaman ‘yon?! Sinabi rin sa ‘kin ‘yon ni
ate!
Page 59 of 75

Kikwelyuhan pa ni Miko si Lyndon, yuyugyugin.

MIKO
Paano?!

LYNDON
Nagpakita sa ‘kin si Emily. Nakausap ko siya.

MIKO
Hindi ako naniniwala sa ‘yo!
Sinungaling ka!

LYNDON
Wala akong magagawa kung ayaw mong maniwala.
Pero nagsasabi ako ng totoo.

MIKO
Sinungaling ka!

Aalis si Miko. Wala nang magagawa si Lyndon.

47. 3. 8. INT. EASTRIDGE - ER. DAY


Nagamot na ang mga sugat ni Analyn. Pero may dumi-dumi pa siya sa
katawan. Lingon siya nang lingon.

LYNETH
Sino’ng hinahanap mo?

ANALYN
Si Doc Lyndon po. Teka lang, ‘nay ha…

Pero hahawakan ni Lyneth ang kamay ni Analyn at pauupuin.

LYNETH
Dito ka nga muna.

Saka kukuha si Lyneth ng panglinis ng katawan – wetwipes/gauze


with alcohol.

LYNETH
Anak, ok lang isipin mo ang ibang tao ha.
Pero isipin mo rin ang sarili mo.

ANALYN
Opo, ‘nay. Ako na po d’yan.
Page 60 of 75

LYNETH
Na-miss ko ring ginagawa ito sa ‘yo.
Dati ako laging nagsusuklay ng buhok mo.
Ako laging nag-aayos sa ‘yo.
Pero ang busy-busy na natin pareho.

ANALYN
Pareho po nating tinutupad ang mga pangarap natin.

LYNETH
Alam ko. Pero hindi natin dapat nakakalimutan ang
pamilya natin. Alam mo dapat kanina bibilhan kita
ng bulaklak… Ang ganda pa naman ng pinagawa ko.
Kaya lang lumindol.

ANALYN
Buti po hindi kayo napahamak!
Hindi ko rin po kakayanin kapag may nangyari sa
inyong masama!

LYNETH
May tumulong sa ‘kin sa flowershop…

Noon darating si Susan.

SUSAN
Lyneth! How true ang chismisan ng mga marites
Eastridge chapter na ikaw raw ang kasama ni Doc Rj
sa lindol? At ikaw rin daw ang nagdala sa kanya
dito sa ER?

ANALYN
Magkasama po kayo ni tatay?!

47. 3. 9. INT. EASTRIDGE. DAY


Kausap ni Giselle si Zoey sa corridor.

GISELLE
Hindi ako naniniwalang hindi ka galit sa ginawa ng
daddy mo. Basta connected kay Analyn, you become a
rabid dog! I know you too well so you can take
your mask off and show your true colors!

ZOEY
Page 61 of 75

Hindi ako pwedeng magalit kay Analyn kasi… sinave


niya si mommy.

GISELLE
What do you mean?!

Kakalma si Zoey.

ZOEY
Na-injure si Mom dahil sa earthquake. Hindi ko
alam ang gagawin. Pero hindi siya pinabayaan ni
Analyn. Mom is alive because of Analyn so hindi
ako pwedeng mainis sa kanya.

GISELLE
Sa totoo lang, Zoey, wala ka naman kasing reason
para mainis kay Analyn. Ewan ko ba sa ‘yo.

Giselle sighs.

GISELLE
Kung totoo mang hindi ka galit kay Analyn, masaya
ako. Masaya ako dahil tumatanaw ka ng utang na
loob. But it would be so much better kung magiging
mabait ka kay Analyn unconditionally and not
just because she saved your mom’s life.

Makikinig lang si Zoey.

GISELLE
Alam kong kahit maldita ka, may kindness pa rin
d’yan sa puso mo. ‘Wag kang magpalamon sa galit,
Zoey. Magpalamon ka sa kabutihan. At sana ‘tong
ceasefire mo kay Analyn tumagal pa lalo na kapatid
mo siya…

Tahimik lang si Zoey.

47. 3. 10. INT. EASTRIDGE - ER. DAY


CONTINUATION.

SUSAN
Spluk mo na ‘yan, Lyneth!

Lyneth sighs.
Page 62 of 75

LYNETH
Oo, anak, siya ang kasama ko sa flowershop.
Nagkita kami doon.

SUSAN
Talagang itinatadhana ano!
O tapos? Ano’ng nangyari?

Uupo si Susan, focus na focus sa chismis. Hesitant pa si Lyneth.

LYNETH
W-wala naman.

ANALYN
‘Nay, may ayaw kayong sabihin.

LYNETH
Anak, may naalala si Rj… tungkol sa ‘kin.

SUSAN
Booogsh!! Ano’ng naalala n’ya?!

LYNETH
Na hihiwalayan niya si Moira para sa ‘kin.

Aarteng natumba si Susan.

SUSAN
Lumindol ba ulit o nayanig lang ako sa chika?!

ANALYN
Ano pang naalala niya?

LYNETH
Wala na. ‘Yon lang. Pero hindi naman na nagma-
matter ‘yon, anak. Past na ‘yon. Wala na akong
pakialam kung maalala niyang hihiwalyan niya si
Moira.

SUSAN
Asosssss! Hindi ka affected? Sa true tayo!

LYNETH
T’yang, oo minahal ko si Rj…
Pero may mahal na akong iba ngayon, si Carlos.
Page 63 of 75

Wala na akong nararamdaman kay Rj kung hindi


pagpapasalamat dahil nagkaroon ako ng anak dahil
sa kanya. Ang halaga na lang niya sa buhay ko
ngayon ay tatay mo siya, Analyn.

ANALYN
Pero galit din po siya sa inyo dati ‘di ba dahil
sa pagbi-brainwash ni Ma’am Moira? Galit pa rin po
ba siya ngayon after niyang maalala ‘yong past
n’yo?

LYNETH
Ok na kami.

SUSAN
So friends na?

LYNETH
T’yang, hindi kami pwedeng maging magkaibigan ni
Rj dahil hindi papayag sina Moira at Zoey. As much
as possible, ayoko ng gulo. Isa pa, hindi ko rin
naman alam kung gusto ni Rj makipagkaibigan. Alam
niya ang consequences.

SUSAN
Sayang naman. Kung kailan pa naman nakaalala na
siya tapos tanggap na niya ulit si Analyn.

Mapapaisip si Analyn.

ANALYN
‘Nay, nandito pa po ba si tatay sa ospital?

LYNETH
Oo, bakit?

47. 3. 11. INT. EASTRIDGE. DAY


Nasa isang gilid lang si Lyndon, nililinis ang sarili gamit ang
gauze. Mapapatingin siya sa mga tao sa paligid. Mga pasyente pero
hindi sila nag-iisa. Malulungkot siya kasi mag-isa lang siya.

Makikita siya ni Giselle. Lalapitan siya nito at bibigyan ng wet


wipes.

GISELLE
Use this.
Page 64 of 75

LYNDON
Salamat po, ma’am Giselle.
Sige po, magdu-duty pa ako.

GISELLE
Sa ganyang condition?
Asikasuhin mo muna ang sarili mo.

LYNDON
Ok lang po ako.

GISELLE
Ayan ka na naman.
You know, doc, sometimes we think we’re ok.
Sometimes, we think we’re strong. But we’re not.
Doc, it’s ok to be weak sometimes.
It’s ok na pagalingin muna natin ang sarili natin
bago tayo tumulong sa iba kasi ‘yong maliit na
sugat, lumalaki kapag napabayaan.

Gets ni Lyndon ang sinasabi ni Giselle.

GISELLE
Noong mamatay ang anak ko, I went back to work
after a week pretending nothing happened. Pero
hanggang ngayon, may kirot pa rin siya sa puso ko.
Siguro kung nagpahinga ako noon, baka mas madali
akong naka-recover. So heal first, Doc Lyndon.

LYNDON
Salamat, ma’am Giselle.

Aalis si Lyndon, nahihiya. Mapapatingin si Giselle. Lumalambot na


ang puso niya kay Lyndon.

47. 3. 12. INT. EASTRIDGE - ROOM. DAY


Papasok si Analyn sa room ni RJ. Mag-isa lang ito.

ANALYN
‘Tay…

RJ
Analyn…

Pero lalabas ng CR sa kwarto si Zoey.


Page 65 of 75

ZOEY
Analyn.

Kakabahan agad si Analyn.

ANALYN
S-sorry. Sige, lalabas na ako.

Pero bago pa makalabas si Analyn, pupuntahan siya ni Zoey at


hahawakan ang kamay.

ZOEY
No, Analyn. You can stay.

ANALYN
Talaga, Zoey?

Tatango lang si Zoey.

ZOEY
Yes. It’s ok.

Saka ili-lead ni Zoey si Analyn sa loob ng room, sa tabi ng kama


ni Rj. Emotional na agad si Analyn.

ANALYN
Thank you!

Bigla niyang yayakapin si Zoey.

GAP TWO

47. 3. 13. INT. EASTRIDGE - ROOM. DAY


CONTINUATION. Ngingiti lang si Zoey. Kakalas naman agad si
Analyn, nahihiya.

ANALYN
Sorry.

ZOEY
If you want to talk to dad, go ahead.
It’s the least I can do after you helped mom.

RJ
What happened to your mom?
Page 66 of 75

ZOEY
Na-injure siya dahil sa lindol.
Pero niligtas siya ni Analyn.

ANALYN
Kumusta na siya, Zoey?

ZOEY
Tapos na ang surgery niya. She’s recovering sa
ICU. But she’s ok.

RJ
Mabuti naman. At mabuti rin na magkabati na kayo
ni Analyn. Sana hindi magbago ito kasi pareho ko
kayong anak… Magkapatid kayo.

Ngingiti lang si Zoey.

ZOEY
Sige, dad. Tawagan ko lang ‘yong nurse na naka-
assign kay mom.

Lalabas si Zoey.

47. 3. 14. INT. APEX - ICU. DAY (CONSULTED WITH DOC MAU)
Katatapos lang ng surgery ni Moira. May wound dressing siya sa
ulo. Wala pa siyang malay.

Makikita na may mga nurses from other wards na nakasilip sa labas


ng room. Nasa labas din sina Kawy at Evan.

NURSE 1
Page 67 of 75

Bakit sabi sa VHONGGANG CHIKA Vlog nung Vhon,


patay na si Ma’am Moira?!

NURSE 2
Nakakaloka! Hindi magandang fake news ‘yan ha!

NURSE 1
Sino kayang nagchismis kay Vhon?!
Lagot ‘yon kapag nagising si Ma’am Moira!

Kakabahan sina Kawy at Evan.

KAWY
Accla, tayo yata ‘yon.

EVAN
Huy, hindi naman natin kinausap ‘yong Vhon!

KAWY
Pero tayo nagchika kina Doc Eula!
Baka may nakarinig! Patay tayo pinatay natin si
Ma’am Moira!

EVAN
Shhh! ‘Wag kang maingay d’yan!
Malay mo naman may magandang kalabasan ‘tong head
injury niya! Si Doc Rj, nawalan ng memory.
‘Yong iba, bumabait ‘di ba? Malay mo biglang
maging santa si Ma’am Moira!

KAWY
Accla, ‘yong kasungitan ni Ma’am Moira, hindi
madadaan sa head injury! Head transplant ang
kailangan!

Kabado ang dalawa.

47. 3. 15. INT. EASTRIDGE - ROOM. DAY


CONTINUATION.

ANALYN
Magkasama raw po kayo ni nanay sa flowershop.

RJ
Ibibili dapat kita ng bulaklak.
Sayang hindi ko na naibigay sa ‘yo.
Page 68 of 75

Mapapangiti agad si Analyn.

ANALYN
Ok lang po, ‘tay. Masaya na po ako na naisip n’yo
po akong bigyan ng bulaklak. ‘Tay, sabi po ni
nanay, may naalala raw po kayo.

Tatango si Rj.

INSERT QUICK SNIPPET noong naalala ni Rj sa lindol.

RJ
I was beginning to lose hope.
Ok naman gumawa ng bagong memories.
Pero ‘yong mga nakaraan kasi natin, ‘yon ‘yong
humubog sa pagkatao at buhay natin. Our life
experiences are part of our identity.
Kaya masaya ako na kahit papaano, may naalala na
ako. Pero anak, may tanong ako. Minahal ba ako ng
nanay mo?

Nagulat si Analyn sa tanong.

ANALYN
Opo, ‘tay. Minahal po kayo ni nanay…

Mapapangiti si Rj.

ANALYN
Bakit n’yo po natanong?

RJ
W-wala naman. Gusto ko lang malaman.
Kasi kung handa kong iwan si Moira noon, ibig
sabihin, nagmahalan kami ni Lyneth.

ANALYN
Hindi lang po kayo nagkaroon ng chance magmahalan,
‘tay… complicated po ang lovestory n’yo.

Malulungkot si Analyn.

ANALYN
Pero, ‘tay, kung bibigyan po kayo ng chance
ngayon, gusto n’yo po bang mahalin ulit si nanay?
Page 69 of 75

Magugulat si Rj sa tanong ni Analyn.

GAP THREE

47. 3. 16. INT. EASTRIDGE - ROOM. DAY


CONTINUATION.

RJ
Analyn…

Noon pa lang mare-realize ni Analyn na mali ang sinabi niya.

ANALYN
Sorry po, ‘tay. Mali ang sinabi ko. Hindi ko
naisip na may boyfriend na po si nanay. At may
asawa po kayo. Sorry po. Delete!

RJ
No need to say sorry, anak. Alam ko naman ang
pinanggagalingan mo. Gusto mo lang magkaroon ng
pamilya. Pero hindi pwede e… dahil may asawa na
ako… Sa totoo lang, ako dapat ang mag-sorry sa ‘yo
dahil ginawa kong complicated ang buhay mo. Naging
unfair ako sa ‘yo… I’m really sorry, anak…

Maluluha agad si Analyn.

RJ
Hindi man kita mabigyan ng isang kumpletong
pamilya… isang tahanan na may nanay at tatay kang
makakasama… I am going to try my best to be a
father to you.

ANALYN
Pero, ‘tay, alam naman po nating hindi mangyayari
‘yan kasi magagalit si Ma’am Moira. Tapos ito pong
pag-aayos namin ni Zoey, hindi ko po alam kung
hanggang kailan tatagal…
Gustung-gusto ko po kayong maging tatay pero sabi
n’yo nga po… complicated.

RJ
Let me be the one to worry about that.
Basta ngayon, ang mapapangako ko, babawi ang tatay
mo sa ‘yo…
Page 70 of 75

Yayakapin ni Analyn si Rj.

47. 3. 17. INT. EASTRIDGE - CHAPEL. DAY


Umiiyak si Miko habang nakaharap sa altar.

MIKO
Ayoko na pong magalit!
Pero ang sakit-sakit!

WHITE FLASH—

47. 3. 18. INT. INDEPENDENT LOCATION. DAY


Nagra-rant si Younger Miko kay Emily.
(note: pagmukhain na lang po natin na medyo bata si Miko. This
happened 3 years ago)

MIKO
Kaibigan ko siya, ate!
Pinagkatiwalaan ko siya!
Tapos ako pa tatraydurin niya!

EMILY
‘Di ba humingi na siya ng sorry?
T’saka hindi naman niya sinasadya ang nangyari.

MIKO
Kahit na, ate! Masakit pa rin!

Aakbayan ni Emily si Miko.

EMILY
Lika nga dito. Alam kong masakit. Pero imbes na
ginagamot mo ‘yong sugat, inaalagaan mo pa.
Miko, kung puno ng galit ang puso, paano
magkakaroon ng space para sa pagmamahal?

MIKO
Ano’ng gagawin ko, ate?

EMILY
Matuto kang magpatawad. Kasi marami pang beses na
masasaktan ka. Kung hindi ka marunong magpatawad,
mawawalan ka ng kakayahang magmahal.

WHITEFLASH—
Page 71 of 75

BACK TO PRESENT—

Lalong iiyak si Miko. Makikita siya ni Giselle kaya papasok ito


ng chapel.

GISELLE
Miko?

Agad magpupunas ng luha si Miko.

GISELLE
Oh, bakit ka tumigil? Ok lang umiyak lalo na kung
masama ang loob mo. Tears are overflowing
emotions. Maganda yan para hindi maipon sa loob.

Maiiyak na ulit si Miko.

GISELLE
Ano ba’ng problema? Is this still about Lyndon?

MIKO
Ginagamit pa niya ang ate ko!
Sabi niya, nagpakita si ate sa kanya!
Ayokong maniwala! Pero…
Pero may sinabi si doc na si ate lang ang nagsabi
sa ‘kin e…

GISELLE
Baka naman totoo? You know, if you work long
enough in a hospital, you will know that
supernatural things such as spirits, miracles do
happen.

MIKO
Kung totoo ‘yon, bakit hindi sa ‘kin nagpakita si
ate?! Bakit kay Doc Lyndon pa?!

GISELLE
Maybe because she knows na you don’t need her; na
alam niyang kaya mo na. Alam mo, when I lost my
child, ilang beses kong hiniling na magpakita siya
sa ‘kin. But it never happened. Siguro dahil alam
niyang hindi ko kailangan… dahil kaya ko…

MIKO
Page 72 of 75

Gusto kong makausap si ate. Gusto kong malaman


kung dapat ko bang patawarin si doc!

GISELLE
Miko, wala na ang ate mo. The decision lies on you
kasi ikaw ang nahihirapan, ikaw ang affected.
Miko, forgiveness is really hard to give.
Pero kapag nabigay na, makikita mo, your life will
be so much easier and lighter. I would know kasi
ang tagal ko ring hindi napatawad ang sarili ko…

47. 3. 19. INT. EASTRIDGE. DAY


Makikita ni Analyn si Zoey.

ANALYN
Zoey, pwede ba tayong mag-usap? Gusto ko lang mag-
thank you sa pagpayag mong makasama ko si tatay.

ZOEY
‘Yon lang ba? You’re welcome.

At aalis na ulit si Zoey.

ANALYN
Zoey, ibig sabihin ba noon, pwede ko na makasama
si tatay?

Matitigilan si Zoey.

ZOEY
I-i guess… siguro may free pass ka na to be my
dad’s daughter.

ANALYN
Pero hanggang kailan?

ZOEY
Analyn, don’t make things so complicated.

ANALYN
Hindi ko kasi alam kung ok na ba tayo e.
Hindi ko alam kung mabait ka na talaga sa ‘kin o
ngayon lang ‘to. Hindi ko alam kung ano na tayo?
Back to magkapatid ba o magkakilala o magkaaway?
Hindi ko alam kung saan ako lulugar.
Page 73 of 75

ZOEY
Analyn, hindi ko rin alam.

ANALYN
Bakit?

ZOEY
Kasi hindi ko alam ang mararamdaman ni mommy!

ANALYN
Bakit nakadepende kay Ma’am Moira?

ZOEY
Because she’s my mom! I don’t want to hurt her!

ANALYN
Pero Zoey kapatid mo ako…
Kailan ba tayo pwedeng maging magkapatid?

ZOEY
I don’t know, Analyn…

Maluluha na si Analyn. Maaawa naman si Zoey kahit papaano.

ANALYN
Miss na kita, Zoey…
‘Yong maiksing bonding moment natin sa bundok,
lagi kong binabalikan kasi ang sarap-sarap sa
feeling na may ate. Pero tama ka. Complicated ang
mga bagay. Siguro, ok na ‘to for now. At least,
hindi mo ako inaaway, nakakausap kita nang maayos…
at least, parang may kapatid ako…

Lalapitan ni Zoey si Analyn saka kukuha ng panyo at iaabot kay


Analyn.

ZOEY
Napakaarte mo talaga.

Mapapatingin lang si Analyn. Tipid na ngingiti si Zoey. At dahil


hindi kinukuha ni Analyn ang panyo, si Zoey na ang magpupunas sa
luha ni Analyn. Touched na touched si Analyn.

ZOEY
Baka mamaya sabihin na naman ng mga tao inaaway
kita. Sige na.
Page 74 of 75

Aalis na si Zoey. Bago makalayo, lilingon pa kay Analyn saka


tipid na ngingiti ulit. Maluluha ulit si Analyn.

GAP FOUR

47. 3. 20. INT. EASTRIDGE - ROOM. NIGHT


Mapapatingin si Rj sa kamay niya. He remembers something.

INSERT SNIPPET noong wala siyang malay at naririnig ang sinasabi


ni Lyneth saka gagalaw ang daliri niya

Mapapangiti si Rj. May maaalala ulit siya.

INSERT QUICK SHORT SNIPPETS


(note: quick lang po para hindi dragging)
- Moment nila sa lindol sa flowershop
- Nagbalik niyang alaala na iiwan si Moira for Lyneth

Noon papasok si Lyneth sa room ni Rj.

LYNETH
Rj, ok ka na ba?

RJ
I’m feeling better.

LYNETH
Good. Pwede na kitang ipa-transfer sa Apex.

Aalis na sana si Lyneth pero hahabol si Rj.

RJ
Lyneth, sandali.

Tatayo siya pero dahil medyo nanghihina pa, matutumba. Agad


siyang aalalayan ni Lyneth. Mahahawakan ang braso.

LYNETH
Rj!

Pero agad maiilang si Lyneth kaya bibitawan din agad si Rj.

RJ
Lyneth, thank you for saving me.
Page 75 of 75

LYNETH
Ano ka ba, inalalayan lang kita—

RJ
Hindi ‘to… doon sa flowershop…
Salamat dahil bumalik ang alaala ko dahil sa ‘yo.
I hope hindi magtatapos sa araw na ‘to ang
pinagsamahan natin.

LYNETH
Rj, wala tayong pinagsamahan. At kapag lumipat ka
sa Apex, back to normal na tayo. Mabuti na ‘yon
para iwas gulo. Sige na.

Pero hahawakan ni Rj ang kamay ni Lyneth. Mapapatingin na lang si


Lyneth dito.

RJ
Ok na si Analyn at Zoey.
Ok na tayo. I’m hoping na…
Na maging magkaibigan tayo…

Gulat si Lyneth.

END OF WEEK FORTY - SEVEN

You might also like