You are on page 1of 1

LIMANG AKDANG PAMPANITIKAN

Na naisulat sa Panahon ng Hapones

1. Panday Pira

-Ang akdang ito ay pumapatungkol kay Panday Pira na isang tanyag na magpapanday. Malaki ang kontribusyon
niya sa Panahon ng Kastila dahil sa tibay ng kalidad ng kanyang mga gawa. Ang akdang ito ay nasa wikang Tagalog
na ginagamitan ng anyong pasalaysay.

2. lupang tinubuan

-Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang karanasan ng isang lipi ng tao na siyang masasalamin sa kasaysayan ay
bahagi ng kanyang pagkahubog. Nais din nitong ipakita na ang kasaysayan ay bahagi ng buhay ng tao at ng mundo.
Nais ko rin bigyang pansin ang paggamit nya ng lubhang malalalim na salita sa pagsasalaysay ng akda.

3. sa pula, sa puti

-Ang dulang “Sa Pula, Sa Puti” ay isang dula na nagmumulat sa atin sa mga isyu ng lipunan. Tulad ng pag-asa sa
swerte para magkapera at ang pagkalulong sa sugal. Napapanahon din ito dahil marami pa rin hanggang ngayon
ang lulong sa sugal ngunit hindi nakikita ang masamang epekto nito.

4. Uhaw ang Tigang na Lupa

- Ang akdang ito naman ay patungkol sa isang dalagita na naghahangad ng pagkalinga mula sa kanyang magulang
na mula noon pa ma’y di nya nakikitang naglambingan. Mababasa sa akda ang mga suliranin ng pamilya na
kalauna’y humantong sa kamatayan ng kanyang ama. Masasabing emosyonal nga ang pagkakasalaysay sa kwento
dahil na rin mismo sa mga salitang ginamit ng may akda.

5. nayon, lunsod at dagat-dagatan

- Batay sa pamagat na “Nayon, Lunsod at Dagat-dagatan” maaaring ang maikling kwentong ito ay tungkol sa iba’t
ibang uri ng pamumuhay sa mga lugar na ito. At kung ano-ano ang kanilang pagkakatulad at pagkakaiba. Makikita
rin dito ang labis na paggamit ng may akda sa mga salitang naglalarawan upang ipahayag nang mabuti ang anyo ng
kanilang lugar.

REAKSYON:
Batid ko ’ng mas lumawak ang kakayahan ng mga Pilipino sa larangan ng panitikan noong Panahon ng Kastila sapagkat binigyan
nila tayo ng karapatang gamitin ang ating sariling wika sa pagbubuo iba’t ibang akda at tula. Lubos ko ring ikinagagalak na tila ba
mas dumami ang mga manunulat na naglakas- loob ipamalas ang kanilang mga natatanging gawa sa harap ng entablado. Kung
susumahin, malaking bagay ang ginawang ito ng mga Hapon upang mailathala ang mga natatagong angking sining ng mga
Pilipino.

Mga pinagkuhanan: https://l.facebook.com/l.php?u=https%3A%2F%2Fwww.haikudeck.com%2Fpanitikan-ng-pilipino-sa-panahon-ng-hapon-


uncategorized-presentation-
mOvvL4mrOO%3Ffbclid%3DIwAR1Qx25ZQfqnbhAqpKBX3aMVAw9xnqxAg_QYUM3gIGkFwSyqxwUl5JO2idk%23slide9&h=AT0Z9lrhs4PDet_Wfn
XwwhGSe48vDMngQAHdnIUxH_o7-1s63h_AR3PVEVwyI47HZKsWVGBc2Uf2hUSacpir4PBYp5vxyV0y3UqRzfz9EjZPFdAbJu8mNqktb0kiyLyaJzSW

You might also like