You are on page 1of 1

Lopez, Ashley Mae G.

Grade 12 -2 Curie

Si Nicholas Sparks ay kilala sa buong mundo bilang isa sa pinakamagaling na


manunulat ng mga kwentong romantic fiction o romantic drama. Siya ay scholar athlete
at nagtapos sa University of Notre Dame Major in Business Finance. Lahat ng kaniyang
mga akda ay naging New York Times bestsellers at mayroong higit kumulang 80
milyong kopya sa buong mundo sa 50 iba't ibang mga lengguwahe kasama na ang 5
milyong kopya na nasa US lamang. Isa si Nicholas Sparks sa mga makabagong
manunulat na nagkaroon ng nobelang mahigit isang taong napabilang sa The New York
Times hardcover at sa lista ng paperback bestsellers. Marami rin sa kaniyang mga
akda ang ginawang pelikula at broadway musical na nakalikom ng mahigit three-
quarters na bilyong dolyar. Ilan dito ay nanalo at nominado sa 2009 Goodreads Choice
Award,  2003 Colorado Blue Spruce Award,  2003 Iowa High School Book Award, 2012
Nevada Young Readers' Award at marami pang iba. Major contributor din siya ng
Creative Writing Department sa nasabing unibersidad. Naging co-founder din siya ng
Epiphany School in New Bern, North Carolina in 2006 at nagmamay-ari ng Nicholas
Sparks Foundation, isang nonprofit organization na naglalayong makapagbigay ng
maayos na edukasyon para sa lahat.

You might also like