You are on page 1of 2

Paksa: “Bata, Bata Pa’no ka Ginawa?

Introduksyon:
Ang nobela ay ginawa noong 1984, isa din sa mga kilalang nobela ang nobela.
Ang nobela ay patungkol sa pagiging isang ina sa dalawa niyang anak. Ang
pangunahing tauhan ay isang mapanlikha at independyenteng babae na tumututol sa
mga kaugalian at stereoptyo ng lipunan. Ang pangunahing tauhan ay bumabalot sa mga
karanasan sa pagiging isang ina. Pinapakita sa nobela ang mga kahusayan at
kumplikasyon ng mga relasyon sa pagiging isang ina at pagiging babae. Pamamagitan
ng mga karanasan ng pangunahing tauhan. Pinapakita ng nobela ang mga
pakikipagsapalaran at tagumpay ng mga nag-iisang ina sa lipunan. Pinapakita ng
nobela ang mga kahalagan ng pagiging matatag at determinado sa harap ng mga
hamon. Pinapahiwatig pangunahing tauhan ang ang kanyang mga desisyon sa buhay
at ang mga nagiging bunga. Pinapakita din ng nobela ang mga isyu na may kaugnayan
din sa totoong buhay.

Emosyon:
Ang nobelang “Bata, Bata Pa’no Ka Ginawa?” ni Lualhati Bautista ay isa sa mga
nobelang puno ng iba’t ibang emosyon. Ang mga emosyon na pinapakita sa nobela ay
maaaring maramdaman ng mga mambabasa. Pinapakita sa nobela sa mga sumusunod
na emosyon na nangyayari sa nobela. Una ang galit nararamdaman ng mga karakter
ang galit sa mga kalakaran ng lipunan. Nagdudulot ng diskriminasyon at pang-aapi sa
mga kababaihan. Lungkot naman ay sa mga sandali ng lungkot sa nobela, pinapakita
ang mga pinagdaraanan ni Lea at kanyang mga anak. Pinapakita din sa nobela ang
mga pagkabigo at pagkakamali ng mga karakter ay maaaring magdulot ng
panghihinayang at pagkalungkot. Pinapakita din ng nobela ang mga isyu kaugnay sa
mga problema sa totoong buhay. Binabalot sa buhay ng pangunahing tauhan na si Lea.
Sa unang kabanata naramdaman na ang kanyang pagmamahal sa kanyang anak.
Ang emosyonal na pangangailangan para sa pagmamahal at pagtanggap mula
sa kanyang mga anak. Sila ay nagpapakita ng pangangailang ng bawat tao para sa
koneksyon at pagmamahal. Sa kabila ng kanyang matibay na pag-uugali. Maaaring
makita ang mga pagkabahal at pangungulila ni Lea sa kanyang mga desisyon at sa
mga kanyang mga anak. Sa pamamagitan ng pagmamahal at pag-aalaga ni Lea sa
kanyang mga anak. Nagdulot ng malalim na kasiyahan. Ang pagpapakita ng galit ni Lea
ay isa sa mga aspeto ng kanyang buhay. Nagpakita si Lea ng pagiging totoong tao na
may sariling damdamin at reaksyon sa mga pangyayari sa nobela. Sa mga pagsubok at
pagkakataon ng tagumpay, maaaring makita ang mga emosyon ng pag-asa at
determinasyon. Naging dahilan ito ng pagiging matatag ni Lea sa mga karanasan nya
sa mga kahirapan sa buhay.
Paksa: Canal Dela Reina

Introduksyon:
Ang nobela ay naglalarawan ng buhay pakikibaka ng mga tao sa isang
komunidad. Ang nobelang ay naglalaman ng mga tema tulad ng kahirapan, pag-asa,
pag-ibig, at pakikibaka para sa kabutihan. Ang nobela ay tungkol sa isang lupain. Ang
lupain ay inilalarawan bilang bilang isang mabaho, maburak, maputik, pinaninirahan
ngmga iskuwater. May isang tauhan ang pinaniniwalaan na tumatayong pinuno ng
lupain. Ang lupain ay pinapakita na hindilahat ay nananatiling maayos. Ang lugar ay
sumisimbolo ng mga pagkasawi ng bawat isa. Lalo na ng mga mahihirap. Bumalik ang
isang karakter sa kanyang sinilangan at kinalakihan. Kasama ang kangang
pamilya.Nagulat nalang sila ng may ibang tao na umaangkin sa kanyang lupa.

Tagpuan:
Ang tagpuan sa nobelang "Canal dela Reina" ni Liwayway Arceo ay
nagbibigay-buhay sa lugar ng Canal dela Reina, isang komunidad. Makikita natin na
may kahirapan sa Canal dela Reina mula pa lamang sa hitsurang mga taong nakatira
roon. Puno ng kahirapan at mga pagsubok ang pinapakita. Sa pamamagitan ng
masusing paglalarawan ng Canal dela Reina. Nagiging buhay at kapani-paniwala ang
mundong tinatahak ng mga tauhan sa nobela. Ang tagpuan ay nagpapakita ng makikitid
na mga kalye at maruming kapaligiran. Naglalarawan ng kahirapan at kagipitan sa
buhay ng mga taong naninirahan dito. Ang tagpuan ay nagbibigay-buhay sa mga
karakter sa pamamagitan ng kanilang pakikisalamuha at interaksyon sa kapaligiran.
Ang Canal dela Reina ay nagiging kabahagi ng kanilang identidad at karanasan.
Nagpapalalim sa pag-unawa ng mga mambabasa sa kanilang mga karakter.
Sa pamamagitan ng tagpuan, naipapakita ang kahalagahan ng kapaligiran sa
pagbuo ng mga karakter. Ang tagpuan ay nagbibigay-daan sa mga mambabasa na
magkaroon ng pag-unawa sa kalagayan ng mga mahihirap na kumunidad. Ang tagpuan
ay nagbibigay ng isang pangunahing backdrop para sa pagsasalaysay ng nobela at
nagtutulak sa pag-unlad ng plot. Nalaman din natin sa nobelang ito na madaming tao
ang nagaangkin. Sa tagpuang ito pinapakita ni Arceo ang iba’t ibang aspeto ng buhay.
Kapit sa patalim, mga katagang naglalarawan sa mga taong nakatira sa CanalDe La
Reina. Ang nobela ay sumasalamin sa tunay na kabuhayan sa lipunan. Malayo man sa
inaakala nating mundo. Ang mga mayayaman ay lalong umayaman. Samantalang
angmahihirap ay nanatiling mahirap.

You might also like