You are on page 1of 1

Alyssa Faye S.

Castillo
BSED-Eng 2

Maikling Buod
Ang Canterbury Tales ay tungkol sa mga isyung panlipunan ng panahong medieval kung saan ang mga
tauhan na galing sa iba’t ibang antas ng buhay ay kumakatawan sa mga magkasalungat na pananaw sa
panahong iyon. Ito ay ukol sa isang pangkat ng mga peregrino na naglalakbay patungo Canterbury
Cathedral. Iminungkahi ng punong-abala na sila’y magkaroon ng isang paligsahan sa pagkukuwento at ang
mananalo ay bibigyan niya ng libreng pagkain. Dito nagsimula ang istorya at ang hindi pagkakasundo ng
mga peregrino.
Dahil mataas ang kaniyang ranggo, ang kabalyero ang unang naghandog ng istorya tungkol sa magalang at
magiliw na pagmamahalan. Pagkatapos niya ay pinilit naman ng tagakiskis na sumunod, ngunit ang istorya
nito tungkol sa pangangalunya ay higit na kabiligtaran ng unang kwento. Mula rito, ang mga sumunod na
istorya ay nagsilbing tugon sa mga nauna. Isang halimbawa ay ang kwentong pinamagatang “The Wife of
Bath’s Tale” na may temang kalayaan para sa mga kababaihan kung saan sumunod naman ang “The Clerk’s
Tale” na nagsasabing mas magiging maganda ang pagsasama ng mag-asawa kapag masunurin ang babae.
Sumunod din dito ang Franklin na naghandog ng isang balanseng pananaw kung saan inilarawan niya ang
tapat na pagsasama ng mag-asawang magkapantay. May mga istorya din na sinuri ang tungkulin ng
simbahan sa lipunan kaugnay sa laganap na korapsyon ng mga pinuno nito. Ang prayle ay nagbahagi ng
istorya hinggil sa isang korap na summoner habang ang summoner naman ay nagbahagi ng istorya hinggil
sa korap na prayle. Dito pinapakita rin ang hindi pagkakasundo at pagkukunwari ng mga pinuno ng
relihiyon.
Sa huli ay walang resolusyong naiharap at hindi rin naging malinaw kung sino ang nanalo sa paligsahan ng
pagkukuwento. Ang huling istorya ay ibinahagi ng isang tunay na mabuting pastor kung saan itinaguyod
niya ang pagiging mapagbigay at tapat upang panatilihin ang maayos na relasyon sa Diyos. Ito ay
nagpapahiwatig na walang pangkalahatang resolusyon sa mga isyung panlipunan, kung hindi ay dapat
manggaling ang kasagutan sa bawat tao base sa kanilang sariling desisyon.

Impluwensiya ng akda sa:


1. Bansa
Ang mga isyung panlipunan na ipinakita sa Canterbury Tales ay makikita rin sa ating bansa: ang
hindi pagkakapantay ng kababaihan at kalalakihan, ang korapsyon ng simbahan, ang pagtataksil ng
mga mag-asawa sa isa’t isa, ang agwat sa pagitan ng iba’t ibang klase sa lipunan, at iba pa. Nang
dahil sa istoryang ito ay namumulat tayo sa mga problemang ating kinakaharap bilang isang bansa
at hinihikayat din tayong humanap ng solusyon para sa mga ito gamit ang sarili nating pag-iisip.

2. Sarili
Aking napagtanto na ang mga isyung panlipunan ng Pilipinas ay nararanasan din o naranasan na
ng ibang mga bansa. Hindi tayo nag-iisa at maaari natin silang gamitin upang patnubay o
inspirasyon upang lutasin ang ating mga problema. Bilang isang estudyante at mamamayan ng
Pilipinas, nabuhayan ako ng pag-asa subalit naramdaman ko na mayroon akong magagawa upang
tumulong sa aking bansa at kapwa-tao.

You might also like