You are on page 1of 2

Pangalan: Von Greggy P.

Moloboco Kurso/Taon/Seksyon: BSA-1C


Guro: Gng. Elvira R. Solomon Petsa: 09/22/20

I. PAGSUSULIT
A. Ibigay ang apat (4) na makrong kasanayan sa Pag-aaral.
1. Pakikinig
2. Pagsasalita
3. Pagbasa
4. Pagsulat
5. Bonus

B. Pagkatapos, bigyan ng paliwanag ang bawat isa.


6. Pakikinig – Ang pinakaimportanteng kadahilanan ng pag-aaral dahil ito and siyang nagbibigay
ng interpretasyon at pagunawa at ito and nagbibigay ng kahulugan sa naririnig.
7. Pagsasalita – ito ang mabilis na prosesso ng komunikasyon, ito rin and pinakainam na paraan
ng pakikipagusap dahil ang pagsusulat ay walang tono, pwedeng magkamali sa pagunawa ng
impormasyon.
8. Pagbasa – ang pagbabasa ay isang paraan sa pagkuha ng impormasyon kasi pag hindi
marunong bumasa ang tao, lahat tayo’y mahihirapan sa pag-aaral lalo na sa
pakikipagkuminikasyon.
9. Pagsulat – Ito ay sining ng pagbigay ng impormasyon na hindi na kinakailanganin ng harapang
komunikasyon.
10. Bonus

C. Ibigay ang dalawang (2) katangian ng wika .


11. Arbitraryo
12. Pinipili at isinasaayos

D. Ibigay ang dalawang bagay (2) na isinaalang-alang upang malinang ang kakayahang diskorsal.
13. Cohesion/Pagkakaisa
14. Coherence/Pagkakaugnay-ugnay

E. Ilahad ang anim (6) na pamantayang diskorsal.


16. Paglahok
17. Pakikibagay
18. Pagpukaw-damdamin
19. Kaangkupan
20. Pamamahala sa pag-uusap
21. Bisa
F. Ibigay ang apat (4) na paraan ng pagdidiskurso.
22. Paglalarawan
23. Pagsalaysay
24. Paglalahad
25. Pangangatwiran

G. Ano ang sinasalamin ng wika?


26. Kultura
27. Kaisipan
28. Kasanayan
29. Sining
30. Bonus

II. PAGSUSULIT
A. Bakit mahalaga ang wika sa SARILI, LIPUNAN, at KAPWA?
Napakahalaga ng ating wika sapagkat ito ang tumutukoy sa isang partikular na lugar,
bansa, o lipunan. Hindi lamang iyon kundi pati na rin sa pag-unlad ng ating sibilisasyon. Ang
ating mundo ay isang sistema at ang sistemang iyon ay nilikha sa pamamagitan ng patuloy na
pag-unlad ng sarili ng tao sa pamamagitan ng pagkakaroon ng isang wika upang makipag-usap,
kumonekta, at ibahagi sa mundo at iyon ang dahilan kung bakit mahalaga na magkaroon ng
isang wika.

B. Bakit kailangan alamin ang tungkulin ng wika?


Kailangang malaman natin ang tungkulin ng ating wika sapagkat pag alam natin, mas
ginagamit natin ito bilang isang gabay upang mapabuti ang ating pang-araw-araw na buhay sa
pamamagitan ng pakikipag-usap.

C. Kailan nagiging mahalaga ang wika?


And wika at nagsisilbing tulay sa agwat sa pagitan ng mga indibidwal at grupo sa
pamamagitan ng daloy ng impormasyon at pag-unawa sa pagitan nila. Iyon ang dahilan kung
bakit mahalaga na magkaroon ng isang wika para din ang mga tao ay magkaroon ng isang
mainam na buhay. Ang wika ay makikita kahit saan at kahit kailan. Mula sa mga librong binabasa
natin hanggang sa bidyo na nakita natin sa internet. Pag walang wika, ang isang tao ay hindi
mabubuhay sa modernong pamantayan.

D. Ano ang diskurso? Paliwanag.


And diskurso ay pakikipagtalastasan, pakikipag-usap o anumang paraan ng
pagpapahayag ng ideya tungkol sa isang paksa. Sa pamamagitan ng diskurso, nagsisimula ito ng
bagong kaalaman sa pamamagitan ng debate o kasunduan sa lipunan (social constructionism) at
ito ang isa sa mga paraan ng pagpapabuti ng ating pamumuhay.

You might also like