You are on page 1of 1

6 katao timbog matapos lumabag sa

Consumer Act at Price Act.

6 katao, kabilang ang isang chinese national, ang naaresto sa maynila dahil sa umanoy pag-hoard o
pagtatago nang maraming medical supplies, sabi ngayong Miyerkules ng pulisya. Inaresto ang mga
suspek sa entrapment operation noong Lunes sa may Tondo district, ayon sa ulat ng National
Capital Region Police Office (NCRPO).

Ikinasa ng mga pulis ang Operasyon matapos makatanggap ng intelligence report ukol sa
pagbebenta ng mga suspek ng face mask at vitamins nang mas mataas sa suggested retail price
(SRP) at walang pahintulot mula sa Food and Drug Administration, ayon sa NCRPO.

Nakuha sa mga suspek ang 14,150 piraso ng face mask na nagkakahalaga ng P169,000, at P86,400
capsules ng multi-vitamins na nagkakahalaga ng P720,000, at 600 piraso ng test kits na nagkakahalaga ng
P180,000, sabi ng pulisya.

Muling pinaalala ni NCRPO Chf Debold Sinas na pinagbabawal sa batas ang pagbebenta ng
medical supplies nang mas mahal sa SRP, maging ang pag hoard ng mga ito.

"We are in the middle of a health crisis here and the worst you can do is take advantage of our people for
profit, ani Sinas sa pahayag.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa,Consumer Act at Price Act.

You might also like