Professional Documents
Culture Documents
Pagtatanggal NG Asignaturang Filipino Sa
Pagtatanggal NG Asignaturang Filipino Sa
Ipinasa nina:
Amurao, Jomarie, T.
Gubatan, Brix, T.
Guevarra, Rachel, C.
Honda, Seikah, I.
Taon at Pangkat
11-17A
MARSO 2017
3
Dahon ng Pagpapatibay
University”
na ipinasa nina Jomarie T. Amurao, Shajin Angeline C. Felomina, Eumar Abraham C. Fransisco,
Brix T. Gubatan, Rachel C. Geuvarra, Jewel Joy M. Holgado, Jessa Mae B. Hongco, Seikah I.
Honda, Hanna Mae S. Inocencio, at Kate Angeli D. Tenorio bilang pagtupad sa isa sa mga
Kulturang Pilipino).
________________ _____________________________
4
Pasasalamat
Hindi magiging matagumpay ang pananaliksik na ito kung wala ang mga taong tumulong sa mga
mananaliksik sa paggawa ng pag-aaral na ito. Kaya’t nais pasalamatan ng mga mananaliksik ang
mga sumusunod:
Sa aming guro sa Filipino na taos pusong nagturo sa amin ng aming mga dapat gawin sa
aaral at mananaliksik.
TALAAN NG NILALAMAN
Pasasalamat . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . iv
Kabanata 1 . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 1-5
Panimula
Paglalahad ng Suliranin
Kahalagahan ng Pananaliksik
Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral
Kahulugan ng mga Termino
Kabanata 2 . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 6-10
Kaugnay na Literatura
Kaugnay na Pag-aaral
Kabanata 3 . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 11-12
Metodo
Pagpili ng Respondente
Instrumento ng Pananaliksik
Proseso ng Pangangalap ng Datos
Kabanata 4 . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 13-16
Kabanata 5 . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 17-19
Lagom
Konklusyon
Rekomendasyon
Talasanggunian--------------------------------------------------------------------------------- 20-21
i
Kabanata 1
ANG SULIRANIN
1.1 Panimula
Ang kalayaang ipinaglaban ng ating mga bayani noong unang panahon ay atin
nang nakakamit at nakikita ngayon. Sa katunayan ay ginagamit natin ito sa araw-araw kahit na
hindi natin ito nabibigyang pansin. Karamihan sa mga mamamayang Pilipino ay hindi alam na
ang wikang Filipino ay isa sa mga sagisag ng ating kalayaan mula sa mga dayuhan. Ito ang
katumbas ng pagkakaroon ng sariling mga paa dahil ito ang tumatayong instrumento upang
tayo’y magkaunawaan at magkaisa. Ito ang unang hakbang patungo sa kaunlaran. Ang wika ang
pagpapahayag ng ating saloobin. Ngunit ang pambansang wika ay higit pa roon – tila ito ang
tulay na ginagamit ng lahat ng tao sa bansa, na tanging sariling atin at hindi tayo kailanman
magiging dayuhan at maliligaw dito, hindi tulad ng mga wikang hiram lamang mula sa ibang
bansa.
kahalagahan ng wikang Filipino sa atin. Isang katunayan dito ang pagpapatupad ng CHED
Memorandum Order no. 20 series of 2013 o ang pagbago sa General Education Curriculum
ating wika, mga kayamanang literatura sa ating bansa, tulad ng mga akda ng mga batikang
manunulat, at iba pang mga kaalaman na kailangan natin bilang mga Pilipino.
Marami man ang tumututol sa pagtanggal ng asignaturang ito, may ilan din
namang nagsasabing may kapakinabangan ito. Kaya naman ang pananaliksik na ito ay nakatuon
1. Anu-ano ang mga salik kung bakit ipatutupad ang pagpapatanggal ng asignaturang
Filipino sa kolehiyo?
2. Sang-ayon ba ang mga mag-aaral na ipatanggal ang asignaturang ito sa kanilang sistema
ng edukasyon?
Ang pananaliksik na ito ay makatutulong upang mamulat ang ating mga kababayan
malaman ng bawat mamamayan ang epekto nito sa ating wika bilang mga Pilipino at upang
pahalagahan natin ang pag-aaral ng Filipino. Kaya naman ang pananaliksik na ito ay
CHED Memorandum Order no. 20 series of 2013 ay ang curriculum ng kolehiyo. Mahalaga ang
pag-aaral na ito para sa mga mag-aaral na hindi pa nakakatungtong sa tertiary level upang
mamulat na agad sila sa murang edad na ang asignaturang Filipino ay mahalaga sa ating bansa
pananaliksik ito, dapat na maunawaan nilang lubusan ang positibo at negatibong epekto ng
nasabing batas sa wikang Filipino at pati na sa kanilang pag-aaral bilang mga estudyante. Para
makita nang lubusan ng bawat isa ang maaaring dulot ito at para magkaroon sila ng matibay
pananaw ukol sa ideyang ito. Ito rin ang magiging tulay ng kanilang mga saloobin, pagsang-ayon
maunawaan ang nasabing programang ito at upang maliwanagan ang bawat isa sa mga
maidudulot nito sa mga estudyante at pati na rin sa kanila bilang mga kinatawan ng iba’t ibang
ng mga mag-aaral ng kolehiyo ukol sa nais nilang ipatupad na batas. Nang sa gayon ay maging
maging basehan ng mga susunod na mga mananaliksik na nais palawakin ang kanilang kaalaman
Filipino sa mga mag-aaral sa kolehiyo ng Bulacan State University. Ang mga respondente nito
ay ang mga estudyanteng nasa ikaapat na taon ng kursong Bachelor of Secondary Education sa
nasabing unibersidad. Hindi ito limitado sa kahit anong major ng naturang kurso.
Asignatura – tinatawag ding subject. Ito ay lupon ng mga aralin na ginagamit ng mga
na sekondaryang edukasyon.
Batch – grupo ng mga tao o bagay kung saan sabay-sabay ang paggawa ng isang partikular na
gawain.
Datos - anumang uri ng kaalaman tungkol sa kahit anong bagay. Ito ay kinokolekta at sinusuri
upang makagawa ng impormasyong naaayon para makagawa ng desisyon, habang ang kaalaman
Major subjects – mga asignaturang kinakailangan ng isang mag-aaral ayon sa kaniyang tinatahak
na kurso.
organisasyon.
Questionnaire - ay isang pananaliksik na binubuo ng mga katanungan at iba pang mga senyas
Sosyo-politikal - ang paghahalo ng dalawang bahagi ng lipunan na sosyal o and may kinalaman
Tersiyaryong edukasyon - tinutukoy din bilang ikatlong yugto at ikatlong antas, ay ang antas
sekondaryang edukasyon
Kabanata 2
elementarya. Ayon kay Tasic (2016), isinulong ni dating Pangulong Manuel L. Quezon noong
1940 ang Executive Order No. 263 na nag-uutos sa lahat ng pribado at pampublikong paaralan
na isama sa kurikulum ang pagtuturo ng wikang pambansa. Ito ngayon ang tinatawag nating
asignaturang Filipino ngayon. Ito ang pag-aaral ukol sa tamang paggamit ng ating wika at mga
literaturang itinuturing nating kayamanan. Ayon kay Jasareno (2012), ang asignaturang ito ay
lumilinang sa mga kasanayan sa pakikinig, pagsasalita, pagbasa, pagsulat at pag iisip sa Filipino.
Sumasalamin ang asignaturang Filipino sa pagkilala natin sa ating bansa. Ayon naman kay
Tipones (2013), ito ang tulay sa paghasa ng analitikal na pag-iisip ng mga kabataang Pilipino.
Dahil ang dapat na maunang hubugin sa kanila ay ang edukasyon sa kultura, tradisyon,
pagiging Pilipino. Pilipino tayo kaya’t nararapat lamang na mas maging maigi ang pag-aaral
natin sa sarili natin at iyan ang wikang Filipino. Ang pag-aaral ng Filipino ay simula upang
mapalawig ang pagkilala at pagmamahal sa bayan. (“Bakit mahalaga ang Filipino,” 2014)
Ang asignaturang Filipino ay mahalaga hindi lang dahil isa itong pangangailangan
sa paaralan, ngunit dahil mga Pilipino tayo at dapat lang na maging sanay tayo sa sarili nating
viii
wika. Ayon kay Dabu (2014), bagamat araw-araw na ginagamit ang wikang Filipino sa tahanan
man o sa kalsada, maraming mga Pilipino pa rin ang hindi bihasa rito. Marami pa ring mga
Pilipino ang patuloy na nagkakamali sa tamang paggamit ng mga salita. Dahil sa pamamagitan
ng pag-aaral ng asignaturang Filipino, magiging mulat ang bawat mag-aaral tungkol sa tamang
paggamit ng wika at mapapalawig mismo ang ating pambansang wika. Dahil ayon kay
Bienvenido Lumbera, "Ang wikang Filipino ay di lamang isang simbolo ng ating pagiging
bansa." Dahil sa wika natin nakatuon ang asignaturang Filipino, ito na rin ang pagkilala natin na
nabibilang tayo sa iisang nasyon at ito ang ating pangangailangan upang mahubog ang bawat isa
ang mga asignaturang kinakailangan ng mga mag-aaral upang makasabay tayo sa sistema ng
edukasyon sa iba’t ibang mga bansang mas maunlad sa atin. Lalo na sa kolehiyo, kung saan
nakadepende ang mga asignatura ng mag-aaral base sa kanilang nais na propesyong kuhanin.
asignatura. Kaya naman may ilang mga estudyante ng kolehiyo na hindi na prayoridad ang mga
asignaturang wala namang kinalaman sa kanilang kurso. Tulad ng ilang mga kurso sa business,
medicine, engineering at iba pa, itinuturing lamang na minor subject ang asignaturang Filipino.
Kaya naman sa taong 2018 ay ipapatupad na ang CHED Memorandum no. 20,
ang mga nakapagtapos ng Grade 12, o ang unang batch ng Senior High sa bansa. Ito ay inilabas
noong Hunyo 28, 2013 na naglalayong tanggalin ang asignaturang Filipino sa kolehiyo at ilipat
ix
na lamang ito sa Senior High School. Ang batas na ito ay may layuning paunlarin ang mga
kabataan sa kanilang napiling larangan at upang maging mga mahuhusay ding mga indibidwal na
pinahahalagahan ang kanilang mga kaalaman, maging bukas dahil dito, at upang maging mas
makabuluhan ang kanilang tungkulin sa bansa at sa mas malawak pang komunidad. (Cariga at
Giongco, 2014)
“General education thus lays the groundwork for the development of a professionally
competent, human and moral person. It also prepares the Filipino for the demands of
21st century life and the requisite abilities to anticipate and adapt to swiftly changing
enables the Filipino to find and locate her/himself in the community and the world, take
part in and hopefully assert her/his identity and sense of community and nationhood
Sinasabi rito na dahil nga patuloy na umuunlad ang ating mundo, marapat lang na
paunlarin din natin ang sistema sa ating bansa, lalo na sa edukasyon. Dahil dito matutulungan
aaral ayon sa kanilang nais na propesyon. Ibig sabihin ay mas lalawak ang kanilang kaalaman
patungkol sa kanilang larangan. Ayon kay Tabora (2013), ang General Education ay hindi
lamang tungkol sa edukasyon ngunit ukol din sa buhay na mayroon tayo ngayon. Makatutulong
x
ito sa pagbibigay liwanag sa mga mag-aaral upang maging mga propesyonal at mga lider balang-
araw.
naman ito sa Senior High School o ang itinuturing na pagsasanay sa kolehiyo. Mananatili ding
Ngunit ayon muli kay Tasic (2016), paano na maaalala ng mga kabataan ang
paggamit sa sariling wika natin kung ang asignaturang Filipino ay tatanggalin? Paano natin
mapapaunlad ang sariling bayan natin kung hindi natin kayang tangkilikin ang sariling atin? Ang
ating mga Pilipino ang ating wika kaya hindi natin ito dapat balewalain bagkus ay mas
pahalagahan natin ito dahil ito ay magiging susi natin sa matibay at malinaw na komunikasyon
Ayon kay Martin (2016), malaki ang ginagampanan ng wika sa pagbuo ng isang
Mahalagang mabuo muna ang identidad ng isang bansa, para makasabay sa hamon ng
kasalukuyang panahon. Ang wikang Filipino ay isang isyung sosyo-politikal, isang krusada na
xi
globalisasyon, sa halip na paunlarin ang sariling wika, bakit unti unting humihina ang wikang
Filipino?
Sa mga bansang mauunlad, tunay na kahanga hanga ang pagmamahal nila sa sarili
nilang wika. Sa bansang Hapon, ang mga pabatid sa trapiko ay na sa wikang Nihonggo.
Halimbawa, ang tawag sa “no right turn” sa kanilang bansa ay usetsu kinshi, “no left turn”,
sasetsu kinshi, at “no parking”, chuusa kinshi. Ang kanilang dahilan, dapat na aralin natin ang
kanilang wika upang maintindihan natin ang nais nilang sabihin. Ayon sa mga Hapon, nasa wika
lamang nila ang kanilang pag-unlad at wala nang iba pa. Sa Malaysia, ang mga pabatid sa trapiko
ay nasa wikang Bahasa Malaysia. Sa kanilang bilihan ng mga libro, ang mga aklat ay nasa wika
nila. Ang tawag sa Silicon Valley nila ay Cyber Jaya at ang sentro ng kapangyarihan, ay Patra
Jaya. Ngunit tayong mga Pilipino, panay Ingles ang titulo kahit na sa mga pampublikong mga
signages.
Pilipinas. Nakapaloob ang kurikulum sa mga programang ito na nagsisilbing talaan ng mga kurso
Kabanata 3
aaral. Tinatalakay nito kung paano isinagawa ang pananaliksik. Isinasaad din dito ang pagkuha
3.1 Metodo
problema ng lipunan galing sa iba’t ibang pananaw mula sa iba’t ibang mga tao. Ayon kay
hinggil sa mga asal, paniniwala, motibasyon at gawi ng mga indibidwal upang tuklasin ang ibang
Ang ginamit na paraan upang makakalap ng mga datos ay ang pagbigay ng mga
University. Ang mga nasabing respondente ay may edad na labingtaong gulang (18) pataas.
xiii
talatanungan o questionnaire dahil naniniwala ang mga mananaliksik na ito ang pinakamabisang
kagamitan sa pagkalap ng mga tiyak na impormasyon. Ayon kay McLeod (2014), ang
questionnaire ay tinatawag ding pasulat na panayam kung saan mas mabisa at mas medaling
respondente at ang mga tanong. Ang propayl ng mga respondente ay naglalaman ng kanilang
pangalan, edad, kurso, at lebel o taon ng kanilang pag-aaral. Ang mga tanong naman ay
tumatalakay ukol sa paksa ng pag-aaral. Ito ay tungkol sa kaalaman nila sa paksa, sa sariling
mananaliksik ang iba’t ibang mga datos ukol sa paksa na magagamit sa pag-aaral na ito. Dito rin
nakapangalap ng mga literatura at iba’t ibang mga nakaraang pananaliksik na patungkol din sa
Kabanata 4
mananaliksik mula sa kanilang mga respondente. Ito ay sumasagot sa mga tanong na makikita sa
paglalahad ng suliranin.
kolehiyo.
dahil napag-aralan na ang mga aralin nito sa elementarya at sekondarya. Maraming nagsabi na
sapat na ang mga napag-aralan natin noong tayo ay mga bata pa, dahil tayo naman ay lumaki na
ginagamit ang wikang Filipino. Nakasanayan na natin at gamay na tayo sa paggamit ng ating
Ayon pa kay Zayrhene Fabian ng BSEd major in Biological Science, “Basic lang
ang Filipino, which is pwede naman i-tackle sa Senior High para pagtungtong sa college more
on the course na yung focus ng curriculum.” Mas mabibigyan ng diin ang mga asignaturang may
kinalaman sa kurso ng mag-aaral kung tatanggalin na ang mga minor subjects tulad ng Filipino.
May nagsabi rin na sa pamamagitan nito, lalawak ang kakayanan ng mga estudyante dahil
dadami ang oportunidad ng bawat isa na magdiskubre ng iba’t iba pang mga asignatura na ayon
May ilan ding tumugon na maaaring dahil ito sa pagbibigay diin sa pag-aaral ng
asignaturang Ingles. Dahil ito ang universal language natin na dapat nating aralin upang
makasabay tayo sa iba’t ibang mga bansa saan mang panig ng mundo.
kolehiyo.
Sang-ayon
35%
Hindi sang-ayon
65%
xvi
Filipino.
mapagtutuunan ng pansin ang pagtuturo nito sa Senior High School. Sa kabilang banda, mga
Maraming nagsabi na mawawalan ng interes ang mga kabataan kung tuluyan nang aalisin ang
asignaturang ito. Malilimutan na ang mga aralin na pinag-aralan ng mga nakakaraang mga
baitang.
wikang pambansa. Hindi sa dahil kinalakihan na natin ito ay lagi na tayong tama sa paggamit
nito. Madalas pa ring magkamali ang mga Pilipino sa sarili nilang wika. Paano pa kaya kapag
na Pilipino at maging sa bansang Pilipinas ay nananatili pa ring hati, ayon sa aming mga
nakapanayam na mga mag-aaral ng Bulacan State University. May ilang nagsabi na magiging
daan ito upang umunlad ang sistema ng edukasyon sa ating bansa. Sinabi rin ni Dexter Garcia ng
BSEd major in Physical Science, “Mas magiging globally competitive ang mga graduate ng
kolehiyo.” Dahil sa pamamagitan nito, mabibigyang daan ang iba pang mga asignaturang mas
sa ating bansa. Ayon kay Ana Lucille Calagos ng BSEd major in Biological Science, “Kung
aalisin sa kolehiyo, unti-unting mawawala ang pagkamakabayan natin dahil hindi ito [wikang
Filipino] mabibigyang pansin, lalo na sa mga taong magiging susunod na tagapagtaguyod nito.”
Maaaring ang susunod na henerasyon ay maging hindi na mulat sa tamang paggamit wikang
maaaring maiwan na lamang sa mga aklat ang wikang Filipino.” Sinasabi rito na maaaring
mabaon na lamang sa limot ang wikang Filipino, at gawin na lang na pangdisenyo ng mga
masamang epekto sapagkat isa itong indikasyon na hindi natin kayang tangkilikin ang sariling
atin,” ayon kay Ionika Ruth Rabas ng BSEd major in Biological Science. Sa pagpapatupad ng
CMO no. 20, s. 2013, para na rin nating tinalikuran ang sarili nating wika. At ayon nga kay
Rabas, parang ipinapakita na rin ng mga Pilipino na hindi natin kayang pahalagahan kung ano
Kabanata 5
5.1 Lagom
Bulacan State University”. Ang pag-aaral na ito ay isang pagtatangkang may layuning
kolehiyo, mga maaaring epekto nito sa mga mag-aaral pati na sa bansang Pilipinas, at sa mga
kaalaman ng mga respondente, gumamit ang mga mananaliksik ng disenyong qualitative upang
mahayag ng maayos ang mga pananaw at opinyon ng mga respondente. Gamit din ang paraang
ito, malaya sila na sabihin ang kanilang saloobin ukol sa paksa ng pananaliksik.
kursong Bachelor of Secondary Education mula sa Bulacan State University na kung saan ay
ito.
xx
5.2 Konklusyon
Filipino sa kolehiyo ay upang maging globally competitive ang mga Pilipino. Ito rin ay
upang mabigyang diin ang pag-aaral sa wikang Ingles at ang mga major subjects na
pambansa natin dahil mawawalan ng interes ang mga kabataan ukol dito dahil tinanggal
na ito sa kanilang kurikulum. Maaaring maapektuhan din ang kaalaman ng mga kabataan
sa wikang Filipino dahil magiging limitado na lang ang kanilang mga aralin dito. Hindi
kolehiyo kaya naman maaaring hindi na ito maging prayoridad ng mga Pilipino balang-
ito.
5.3 Rekomendasyon
xxi
Filipino sa kolehiyo, dapat na itatak natin sa mga sariwang isipan ang wikang Filipino na
ipinamana pa sa atin ng ating mga ninuno. Walang masama na tumangkilik sa wikang Ingles,
ngunit dapat na mas pahalagahan natin ang wikang sariling atin. Kung mawala man ito sa
kurikulum, huwag dapat nating limutin ang mga aralin na itinuro sa atin patungkol sa wikang
Filipino.
bigyang pansin ang asignaturang Filipino hangga’t ito ay nasa kurikulum nila. Itanim sa isip na
kahit ito ay isa lamang na minor subject, mahalaga pa rin ang asignaturang Filipino dahil ito ang
at isaalang-alang din ang kaunlaran ng wikang kinalakhan. Irebisa ang pag-aayos ng kurikulum
kung saan ang mga kabataan ay magiging globally competitive nang walang natatapakan, o
TALASANGGUNIAN
Tasic, J. (2016). Ang Kahalagahan ng Asignaturang Filipino sa K-12. Nakuha noong Marso 1,
2017 sa http://udyong.net/teachers-corner/7208-ang-kahalagahan-ng-asignaturang-
filipino-sa-k-to-12
Jasareno, L. J. (2012, Pebrero 5). Filipino bilang Asignatura. Nakuha noong Marso 1, 2017 sa
https://www.scribd.com/doc/80540825/Filipino-bilang-Asignatura
Tipones, Flora (2013). Asignaturang Filipino (Filipino subject): Its implications. Nakuha
Bakit mahalaga ang Filipino. (2014, June 24) Nakuha noong Marso 1, 2017 sa
https://utaklaya.wordpress.com/2014/06/27/bakit-mahalaga-ang-filipino/
Dabu, B. R. (2014, Nobyembre 5). WIKApedia, layong ipaalala ang tamang paggamit ng
http://www.gmanetwork.com/news/story/386703/news/ulatfilipino/wikapedia-layong-
ipaalala-ang-tamang-paggamit-ng-wikang-filipino#sthash.S4Vmz9sI.dpuf
Cariga, C., Giongco, A. (2014). A Look Into CHED Memo. No 20-2013: The End of a
look-into-ched-memo-no-20-2013-the-end-of-a-language/
https://taborasj.wordpress.com/2013/10/03/gearing-up-for- general-education-as-envisioned-by-
cmo-20-s-2013/
xxiii
Peña, R. et al (2007). Pananaw ng mga Piling Mag-aaral sa UP, PUP at PNU sa Kurikulum ng
https://www.scribd.com/doc/19440300/Thesis-Mainpart-1
https://www.academia.edu/30995221/EPEKTO_NG_PAGTANGGAL_NG_ASIGNATU
RANG_FILIPINO
http://www.simplypsychology.org/questionnaires.html