You are on page 1of 1

Ang anáhaw (Livistona rotundifolia) ay katutubong palma na may

makinis na bunged o puno ng kahoy at may mga dahong nakakumpol sa


dulo ng bunged. Itinuturing itong Pambansang Dahon ng Filipinas. Ang
dahon ng anahaw ay malapad at pabilog at kulay berde. Ang tangkay ng
dahon ay matinik at tumutubo nang paikot sa sariling katawan nito. Ang
anahaw ay umaabot sa taas na 20 metro kung ito ay tumutubo sa likaás
na kaligiran sa kagubatan. Ngunit kung ito nama’y nasa hardin o iba
pang artipisyal na lugar, tila napipigil ang paglaki at pagtaas ng palmang
ito. Ang dahon ng anahaw ay maaaring gamitin bilang material sa
paggawa ng bubong ng mga bahay -kubo. Dahil sa kintab at hugis ng
dahon nito, nagagamit din itong pandekorasyon kapag may espesyal na
pagdiriwang.Ang buko naman nito ay ginugulay at kinakain.Ang puno
ng kahoy o katawan nito ay ginagamit namang sahig ng mga sasakyang
pandagat o pundasyon ng bahay. (SAO) anáhaw

You might also like