You are on page 1of 8

Inihanda ni:

CLEOFE R. FRIAS

Sinuri:

RUBY E. BANIQUED ANTONIETTA A. MARTINEZ

Pinagtibay:

WHELMA M. HILARIO
Punongguro III
1
Layunin:

1. Naisasagawa ang mga tamang hakbang na makatutulong


sa pagbuo ng isang desisyon na makabubuti sa pamilya
(EsP6PKP Ia-i-37)

1.1 pagsususuri nang mabuti sa mga bagay na may kinalaman


sa sarili at pangyayari
1.2 pagsang-ayon sa pasya ng nakararami kung nakabubuti ito
1.3 Paggamit ng impormasyon

Sa Mga Mag-aaral:

Sa worksheet na ito, matututuhan natin ang kahalagahan ng pagkakaroon ng


mapanuring pag-iisip sa paggawa ng desisyon.

2
Isaisip at Isapuso Mo

1. Ang uri ng impormasyon na natatanggap ng tao ay nakakaimpluwensya


sa kanyang desisyon o pagpapasya. Maaaring ang impormasyon ay
nasusulat (pahayagan, magazine, liham, e-mail at aklat), napapanood
(telebisyon, computer/internet, pelikula) o napakikinggan (radyo,
cellphone/ telepono, o sa ibang tao).

2. Mga Hakbang sa Pagbuo ng Desisyon:


a. Alamin ang suliranin.
b. Suriin ang impormasyong nakalap at pag-aralan ang posibleng
solusyon.
c. Isaalang-alang ang magiging epekto ng gagawing desisyon.
d. Magbigay ng tamang desisyon batay sa ginawang pagsusuri at
gumawa ng pagsang-ayon para sa kabutihan ng nakararami.

3. Ang desisyong gagawin ay nararapat na may mabuting layunin, intensyon


at kalalabasan.

Subukan Mo

A. Lagyan ng tsek (/) ang hanay na nagpapakita ng iyong tunay na saloobin at


gawi sa bawat sitwasyon.

Sitwasyon Madalas Paminsan- Hindi


minsan Kailanman
1. Isinasaalang-alang ang maaaring
maging epekto ng bawat gagawing
desisyon.
2. Nagbibigay ng tamang desisyon
batay sa ginawang pagsusuri.
3. Ang tamang desisyon ay ibinabatay
sa pagsang-ayon ng nakararami.
4. Nagiging matalino at maingat sa
ginagawang desisyon.
5. Binabalanse ang bawat pangyayari
at impormasyon sa pagbuo ng
desisyon.

3
B. Punan ang star graphic organinizer ng limang katangian na dapat mong taglayin
sa paggawa ng isang desisyon

2
1
1

1 3
1 1
1 1

5 4
1 1
1 1

Isagawa Mo

A. Isulat sa kahon kung ano nararapat mong gawin sa mga sumusunod na sitwasyon.

1. Magkakaroon ng lakbay-aral sa
inyong paaralan at gustong gusto
mong sumama ngunit ito’y nataon na
mayroon ding lakad ang inyong pamilya.

2. Nakita mong nabasag ng iyong kamag-aral


ang salamin sa inyong silid. Walang
umaamin kung sino ang nakabasag nito
kaya’t nagalit ang inyong guro.

4
3. Magkakaroon ng eleksyon ng Supreme Pupil
Government o SPG sa inyong paaralan.
Nagkataong magkalaban sa pagka-pangulo
ang iyong matalik na kaibigan at pinsan.

4. Napansin mong mahilig kumain ng junk foods


ang iyong nakababatang kapatid. Alam mo ang
masamang dulot nito sa kalusugan niya.

5. Napanood mo sa balita sa telebisyon na


magkakaroon ng nationwide simultaneous
earthquake drill ngunit ito’y hindi nabanggit ng
inyong guro.

B. Bumuo ng pangako tungkol sa pagiging mapanuri sa pagbibigay ng desisyon.


Isulat ito sa loob ng puso. (5 puntos)

5
Kaya Mo Pa Ba?

A. Umisip ng isang pangyayari sa iyong buhay kung saan ay may ginawa kang
desisyon o pagpapasya. Itala ang solusyong iyong ginawa, mga tao o bagay na
isinaalang-alang at ang naging bunga nito.

Pangyayari Solusyong Ginawa Bunga

B. Sumulat ng isang talata tungkol sa isa sa mga paksang nakatala sa ibaba.

1. Pantay-pantay na Pagtingin sa Pagbibigay ng Desisyon

2. Pagbuo ng Solusyon Batay sa Wastong Impormasyon

_______________________________________________________

_______________________________________________________

_______________________________________________________

_______________________________________________________

_______________________________________________________

_______________________________________________________

_______________________________________________________

_______________________________________________________

_______________________________________________________

_______________________________________________________

_______________________________________________________
6
Rubriks para sa Pagmamarka ng Talata

Kraytirya Deskripsyon Puntos


Nilalaman Wasto at malinaw ang paglalahad 5
ng saloobin tungkol sa paksa.
Organisasyon Organisado, malinaw simple at 5
magkaka-ugnay ang pagkakalahad
ng mga pangungusap.
Mekaniks Nasunod ang mga panuntunan sa 5
pagsulat ng talata (tamang bantas
at baybay ng salita, mga
pangungusap, margin at
indensyon)
Kabuuan 15

Susi sa Pagwawasto

Subukan Mo

*Tanggapin ang sariling kasagutan ng mga bata

Isagawa Mo

Mga Posibleng Kasagutan:

*Note : Tanggapin pa ang mga posibleng kasagutan ng mga bata

1. -Pipiliin kung sumama sa lakad ng aming pamilya. May iba pa


namang pagkakataon para makasama ako sa lakbay-aral sa paaralan.
Mas magiging maligaya ako kung kapiling ko ang aking mahal sa buhay.

-Sasama ako sa lakbay-aral sa aming paaralan kasi hindi ko pa nararating


ang lugar na pupuntahan.

2. - Kakausapin ko ang aking kaklase na ipagtapat sa aming guro na siya ang


nakabasag ng salamin.
-Sasabihin ko sa aming guro ang aking nalalaman.

3. Iboboto ko kung sino ang karapat-dapat at may kakayahang mamuno sa


aming paaralan.

4. Pagsasabihan at ipapaliwang ko nang maayos sa aking kapatid ang


masamang dulot ng pagkain ng junk foods sa kanyang kalusugan.

7
5. – Gagawin ko ang wastong panuntunan na naituro na ng aming guro
tungkol sa paghahanda sa kalamidad at ipapaalaala ko sa aking kaklase.
- Sasabihin ko sa aking guro ang tungkol sa napanood kong balita sa
telebisyon.

Kaya Mo Pa Ba?

*A. Tanggapin ang sariling kasagutan ng mga bata

*B. Hayaang basahin ng mga bata ang kanilang ginawang talata sa klase.
Bigyan sila ng pagkakataong suriin ang gawa ng bawat isa gamit ang
rubriks sa pagsulat ng talata

Sanggunian:

K12 Curriculum Guide in EsP 2016


Google clipart
https://www.slideshare.net/ArnelSSI/hakbang-sa-pagpapasya

You might also like