You are on page 1of 13

St.

Raphaela Mary School

ESP 5 – MODULE

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
Baitang 5

Pangalan:____________________________________________

Seksyon:___________________________________________
Inihanda ni: Bb. Luzuel E. Acebuche
St. Raphaela Mary School
ESP 5 – MODULE

YUNIT I

PANANAGUTANG PANSARILI AT MABUTING KASAPI NG

PAMILYA

Sa yunit na ito ay matutuhan mo ang mga sumusunod:

1. Pagpapahalaga sa katotohanansa pamamagitan ng pagsuri sa mga balitang

napakinggan o nabasa at nakagagawa ng tamang pasya;

2. Pagpapahayag ng buong katapatan ng sariling kaloobin tungkol sa

sitwasyong may kinalaman sa sarili at pamilyang kinabibilangan;

3. Pagpapahayag ng katapatan ng satailing opinyon at tumatanggap din ng

opinyon ng iba;

4. Pagpapatunay na nakapagdududlot ng kabutihan sa pagsasama nang maluwag

ang pagsasabi nang tapat;

5. Paghihikat sa iba na maging matapat sa lahat ng uri ng paggawa;

6. Pagpapatunay na mahalaga ang pagkakaisa at pagtatapos ng gawain at

pagpakahinahon sa lahat ng pagkakataon;

7. Pagpapakita ng matapat na paggawa ng proyektong pampaaralan at iba pang

tungkulin.

1
St. Raphaela Mary School
ESP 5 – MODULE

ARALIN 1
MAPANURING PAG-IISIP

“Biyayang bigay ng Panginoon ang ating isip at diwa, Gamitin natin ito sa
pagpapasya kung ano ang mali at tama.”

Ano-ano kaya ang iniisip ng mga bata?

Paano mo pinag-iisipan ang mga kritikal na desisyon na dapat ilapat sa mga

problema?

2
St. Raphaela Mary School
ESP 5 – MODULE

Basahin natin ang kuwento. Alamin kung paanong ang pagkakaroon ng isang
mapanuring pag-iisip ay nag ligtas kay Edward sa tiyak na kapahamakan.

Matalinong Pag-iisip
ni Josephine M. Montana

Si Edward ay isang batang na sa ikatlong baitang. Isang araw, paglabas

niya ng paaralan ay biglang may umakbay sa kanya.

“Halika na, pinasusundo ka na sakin ng kuya mo. Hindi ka na raw niya

madadaanan, kaya ipinasuyo nalang sa akin na puntahan ka,” ang yaya ng
mamang noon lang nakita ni Edward”. Bakit hindi siya makadaan?” ang tanong
ni Edward habang nag-iisip. Hindi niya kilala ang mamang ito, at noon lamang
niya ito nakita.” May gagawin pa raw sila sa kanilang paaralan at gagabihin ng
pag-uwi,” sagot naman ng lalaki, sabay akbay sa kanya.” Halika na,
nagmamadali kasi ako dahil may pupuntahan pa ako,” patuloy pa ng lalaki at
sinabayan pa ito ng kabig sa kanya.

Kinabahan na si Edward dahil alam niyang nanloloko lang ang mama. Wala
kasi siyang kuya at siya lang mag-isa ang umuuwi araw-araw dahil nasa
kabilang kalsada lang ang bahay nila. Tumingin si Edward sa paligid. Noon pa
naman nagkataong wala sa gate na nilalabasan niya ang guwardiyang laging
naroroon. Wala ring titser na dumaraan. Talagang kinabahan na si Edward,
ngunit hindi siya nagpahalata.” E paano po kaya, si Nene? Sino po ang
makakasabay niya?” tanong ni Edward na may naisip na paraan.” Babalikan ko
na lang siya” pagsisinungaling pa ng lalaki.” A, sige po, pupuntahan ko na lang
po siya sandali at sasabihin kong babalikan na lang ninyo siya,” sabi ni Edward
sabay takbo pabalik sa gate. Sa totoo lang wala siyang nakababatang kapatid
na Nene ang pangalan.

3
St. Raphaela Mary School
ESP 5 – MODULE

Nang makapasok na sa loob ng paaralan, dumiritso si Edward sa opisina ng

prinsipal at nagsumbong.” Maganda ang naisip mo, Edward,” ang puri nito sa
kanya.” Kung hindi ka nakapag –isip ay malamang natangay ka na niya.” Teka,
ipahahatid nalang kita sa dyanitor ngayon at ipahahanap ko naman ang
mamang iyon sa guwardya ngayon din,” ang pasya ng prinsipal.

Matapos ibigay ang anyo at kasuotan ay pinapuntahan agad ng prinsipal

sa labas ang lalaki. Naghihintay pa rin ang mama. Ngunit nang makita ang
guwardyang malapit ay agad itong tumakbo.

Kinabukasan, ipinakalat ng prinsipal ang balita tungkol sa mamang

nangunguha ng bata. Ikinuwento naman ni Edward sa mga kamag-aral at guro
kung paanong nalaman niya na nanloloko lang ang mama. Binalaan din niya ang
mga batang huwag basta maniniwala sa mga di kilalang tao.

Sagutin ang mga tanong.

1. Sino ang sumundo kay Edward isang araw?

_________________________________________________________

4
St. Raphaela Mary School
ESP 5 – MODULE

2. Ano ang idinahilan sa kanya?

_________________________________________________________

_________________________________________________________

_________________________________________________________

_________________________________________________________

3. Paano nalaman ni Edward na nanloloko lang ang lalaki?

_________________________________________________________

_________________________________________________________

_________________________________________________________

_________________________________________________________

4. Paano pinatagal ni Edward ang pag-uusap nila habang nag-iisip siya?

_________________________________________________________

_________________________________________________________

_________________________________________________________

_________________________________________________________

5. Ano ang dalawang dahilan kung bakit alam ni Edward na medyo mahihirapan
siyang kumawala at makatakas sa mama?

_________________________________________________________

_________________________________________________________

_________________________________________________________

_________________________________________________________

5
St. Raphaela Mary School
ESP 5 – MODULE

6. Paano nakawala si Edward sa pagkakaakbay sa kanya ng mama?

_________________________________________________________

_________________________________________________________

_________________________________________________________

_________________________________________________________

7. Paano ipinatunayan ng prinsipal na karapat-dapat nga siyang ina ng paaralan,

matapos mapakinggan si Edward?

_________________________________________________________

_________________________________________________________

_________________________________________________________

_________________________________________________________

8. Paano ipinatunayan ni Edward na ang matalinong pag-iisip ay madalas na

nagligtas sa kapahamakan?

_________________________________________________________

_________________________________________________________

_________________________________________________________

_________________________________________________________

6
St. Raphaela Mary School
ESP 5 – MODULE

Pag-aralan ang mga sitwasyon. Isulat ang sagot sa puwang sa ibaba.

1. Malapit na ang Pasko kaya isang araw ay pumunta sa isang bagong bukas
na malaking mall ang mag-anak na Villanueva upang mamili.

Sa isang tindahan, may napansin si Vern a paborito niyang laruang kotse.

Medyo nalagpasan na nilang mag-anak ang tindahan kaya binalikan ito ni Ver
upang tingnang mabuti.Nalibang siya at hindi napansing malayo na ang mga
kasama na hindi rin pala napansing naiwanan na siya. Huli na nang matiyak ni
Vera na nag-iisa na lang siya saq gitna ng makapal na tao. Napakaraming tao at
medyo nababangga pa nga siya palayo sa pinto ng tindahan ng mga laruang
kotse. Hindi alam ni Vera ng pasikot-sikot sa mall dahil bagong bukas pa lang
ito at ngayon lang niya ito napasok.

Medyo kinabahan na si Ver, lalo pa’t hindi niya dala ang cellphone na
pinahawak niya sandal sa ate Lani niya. Naisip niyang sumunod na alang sa
daloy ng mga tao at baka nasa un ahan na lamang ang Mamang Neneng niya.
Ngunit naisip ni Ver na lalo lamag siyang mapapalayo sa tindahang hinintoan
niya at lalo siyang mawawala.

Kaya tinibayan niya ang kanyang loob. Nagpakatatag at nag-isip kung ano
ang mabuti. Nakipagsiksikan siya pasalungat sa hugos ng mga tao, hanggang
makarating na siya sa pintuan ng tindahan ng mga laruang kotse. Alam niyang
kung hahanapin siya ng pamilya ay babalik doon kung saan sila nagkahiwalay.

Hindi nga nagtagal at patakbong yumakap sa kanya ang umiiyak na ina.

Sinabing alalang-alala sila at mabutin na hindi siya umalis doon. “Tama ang
ginawa mo anak. Salamat at nag-isip kang mabuti”, ang papuri ng ina.

7
St. Raphaela Mary School
ESP 5 – MODULE

Bakit tama si Ver na hindi umalis sa tindahan ng laruang kotse?Kung ikaw

ang napawalay na si Ver, ano ang gagawin mo?

_________________________________________________________

_________________________________________________________

_________________________________________________________

_________________________________________________________

2. Si Ella ay maliit na bata para sa isang walong taong gulang. Minsan ay

nag-usap-usap silang magkakaklase at nabanggit ng isa sa kanila na medyo
tumangkad na siya dahil may ininom siyang bitamina galing sa isang tindahan
ng mga gamot sa Binondo. Marami na rin daw ang tumangkad dahil sa
bitaminang iyon. Kaya sinubok niya at nagkaepekto naman sa kanya. Dinala ng
kaklaseng si Julie ang bote isang araw at binasa ni Ella at ng ibang kaklase
ang nakasulat na label at pinag-aralan ito kung iinomin ba nila o hindi.

Kung ikaw si Ella, maniniwala ka ba sa nakasulat sa bote? Bakit?

_________________________________________________________

_________________________________________________________

_________________________________________________________

_________________________________________________________

3. Sinabi ng pinsan mong si Bobby na kaya raw siya matangkad dahil

tumatalon siya tuwing sumasapit ang Bagong Taon. Naisip mong oo nga,
matangkad talaga siya kaysa sa karaniwang bata na labing isang taon.
Maniniwala ka ba agad sa kanya? Gagagayahin mo rin ba siya?

Ipaliwanag ang sagot.

_________________________________________________________

_________________________________________________________

_________________________________________________________

_________________________________________________________

8
St. Raphaela Mary School
ESP 5 – MODULE

4. Galing kayo sa paaralan ng kaklase mong si Betty nang mapadaan kayo sa

isang tindahan ng mga CD at DVD. Sinabi ni Betty na mura na raw ang mga
paninda roon dahil may mga pirated sila kahalo ng mga orihinal. Alam mong
kapag pirated ay nakakamura ka, ngunit itinuro na sa inyong gurong si Gng.
Heny Galicia na napagnanakawan ng buwis ang mga pamahalaan at walang
napupunta sa mga kumpanya na gumagawa ng mga orihinal na DVD ng mga
pelikula at awit. Alin ang pipiliin mo, bumili ng murang DVD dahil mura o iyong
legal na orihinal para makatulong sa gobyerno at sa industriya? Ipaliwanag
ang sagot.

_________________________________________________________

_________________________________________________________

_________________________________________________________

_________________________________________________________

5. Isang araw,may kumakatok sa inyong isang lalaki na may dalang sulat

galling daw sa opisina ng Red Cross. Nanghihingi siya ng donasyon para raw sa
mga nasalantang biktima ng bagyong Glenda. Naawa ka sa mga biktima ngunit
hindi ka sigurado kung totoo ang sinasabi ng lalaki. Pero may ekstra kang pera
na naipon galling sa baon mo. Ano ang gagawin mo? Bakit?

_________________________________________________________

_________________________________________________________

_________________________________________________________

_________________________________________________________

9
St. Raphaela Mary School
ESP 5 – MODULE

Tandaan at isa puso na ang batang may mapanuring

pag-iisip ay bihirang mapahamak. Para sa kanyang sarili,
ang batang mapanuri ang pag-iisip ay nagiging matatag
dahil sa pagkakaroon ng sariling panindigan. Kaysa siya
ay nagiging sandigan, tulong at yaman ng pamilya at
pamayanan, sa halip na maging pabigat lamang.
Ang pagkakaroon ng mapanuring pag-iisip ay
nalilinag ng isang bata sa pamamagitan ng matamang
pag-aaral sa mga nangyayari sa pang-araw-araw na
buhay.

10
St. Raphaela Mary School
ESP 5 – MODULE

Bago maniwala sa isang kuwento o isang balitang nabasa, napakinggan o

napanood sa TV, kailangang suriin muna kung totoo ito o hindi. Sumulat ng
isang balita o pangyayari na iyong nalalaman na kailangang suriin muna bago
paniwalaan:

11
St. Raphaela Mary School
ESP 5 – MODULE

Bunga ng napag-aralan ko tungkol sa pagkakaroon ng mapanuring

pag-iisip, ipinangngako kong mula ngayon ay gagawin ko ang mga
sumusunod.

12

You might also like