You are on page 1of 4

Lance Esrac Matthew L.

Calamiong

11-Tesla

Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan

Dr. Arjohn V. Gime

Ika-10 ng Oktubre 2020


Isang malikhain at makapangyarihang paraan ang pagsulat upang

makapagpahayag ang mga tao ng kanilang mga saloobin, damdamin at kaalaman. Ang

pagsusulat ay ang paglalapat ng ideya at emosyon gamit ang iba’t ibang simbolo kapag

hindi kayang sabihin ang mga hinanaing gamit ang pagsasalita. Sa pamamagitan ng

malawak na saklaw na maaaring paggamitan ng pagsulat, nagkaroon ito ng halaga sa

mga manunulat at mambabasa. Maaaring maging kasangkapan ang pagsulat upang

punan ang kakulangan sa pagpapahahayag ng damdamin ng taong hindi magaling

magsalita. Nagiging sandata rin ang pagsusulat kapag nais ipahayag ng isang manunulat

ang kaniyang mga saloobin tungkol sa mga nangyayari sa kaniyang kapaligiran. May

kakayahan ang mga akdang nakasulat na sagutin ang mga tanong ng mambabasa

tungkol sa kaniyang lipunan (Evasco et al., 2011). Sa panahon ngayon kung saan marami

ang nangyayari sa ating kapiligiran, hindi maitatanggi na ang pagsulat ay mahalagang

bahagi ng buhay ng mga Pilipino. Bilang isang mamamayan ng bansang Pilipinas ay

mahalagang pag-aralan at iangkop ang mga isinusulat sa ating kultura, tradisyon,

kaugalian, at karanasan. Ang pagsulat ng mga Pilipino ay may mas matinding kabigataan

kung ang pinatutunguhan na mambabasa ay kapwa Pilipino.

Magkakaroon ng mas malalim na pagkakaintindihan ang Pilipinong manunulat at

mambabasa kung ang teksto ay may oryentasyong maka-Pilipino. Ang isang teksto ay

mas magiging kapakipakinabang kung ito ay mas madaling maiintindihan at

mauunawaan ng mga miyembro ng lugar na kinabibilangan ng isang manunulat.


Ang paggamit ng wikang Filipino o sariling wika ang unang batayan kung ang

pagsulat ay maka-Pilipino. Filipino ang pambansang wika ng Pilipinas at ito ang wika na

mas naiintindihan ng mga Pilipino. Sa paggamit ng sariling wika nag-uugat ang

pagkakaisa na kinakailangan ng ating bansa upang makamit ang hinahangad na

kaunlaran (Maderazo, 2018). Nagsisilbing tulay ang wikang Filipino upang magkaunawaan

ang bawat tao sa Pilipinas. Sa paggamit ng Filipino bilang wikang panulat, mas madaling

maipahahayag ng isang manunulat ang kaniyang mga ideya at saloobin sa mga

mambabasa. Kabilang din ang pagpili ng paksa na makakapukaw ng interes at kapaki-

pakinabang sa sambayanang Pilipino. Tungkulin ng manunulat na tugunan ang interes ng

mga mambabasa at dapat kanilang binibigyang pansin ang mga gusto at kailangang

mabasa ng mga tao sa kanilang lipunan. Ang huling batayan upang masabing may

oryentasyong maka-Pilipino ang pagsulat ay ang pagiging epektibo nito sa komunidad.

Ang isang sulatin ay dapat magkaroon ng produkto na makatutulong sa lipunan. Ang

isang sulatin ay dapat magkaroon ng mabuting epekto sa kultura ng Pilinas. Mga

halimbawa nito ay ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo ni Jose Rizal, Fray Botod ni

Graciano Lopez Jaena, at iba pa. Ang mga katangiang ito ang sandigan kung ang isang

sulatin ay may oryentasyong maka-Pilino.

You might also like