You are on page 1of 18

Kabanata 1

INTRODUKSIYON

Ang Pag-aaral at Ang Sanligan nito


Ang pagkakaroon ng wikang pambansa ay nagbibigay daan sa pagkakaisa ng mga
mamamayan at nagbibigay tulong sa pag- unlad ng iba’t ibang aspeto sa isang bansa. Ito ang
naging daan upang maibahagi sa isa’t isa ang kani- kanilang mga ninanais at niloloob.
Instrumento ng tao ang wika sa pagpapahayag ng kanyang sarili para makamit ang mithiin at
adhikain sa buhay. Sa pamamagitan ng wika ay naipaparating ng tao ang mga impormasyon na
gusto niyang maibahagi sa iba. Ayon kay Edgar Sturtvant” ang wika ay isang sistema ng mga
arbitaryong simbolo ng mga tunog para sa komunikasyon ng tao. Ang mga tunog at kahulugan
ng mga salita ay magkakaugnay sa arbitaryong paraan. Nangangahulugan ito na kung hindi mo
pa naririnig ang isang salita o ang mga tunog na bumubuo sa salitang ito ay hindi mo ito
mauunawaan. Kung gayon, ang wika ay isang sistema kung saan iniuugnay ang mga tunog sa
kahulugan at kung alam mo ang wika, alam mo ang sistema.Kung kaya isang malaking hamon
ang pagtuturo ng sabjek na Filipino.Nagsisilbi itong pundasyon ng wasto at maayos na
pakikipagkomunikasyon ng isang mag- aaral.Malaking tulong sa isang guro ng nasabing
asignatura ang ilang mahahalagang konsepto sa Filipino tulad ng:ang Filipino ay isang sabjek na
pangwika;sabjek batay sa kasanayan(skill based subject) na ang pokus ay linangin ang mga
makrong kasanayan sa komunikasyon(pagsasalita,pagbasa, pagsulat at pakikinig);magagamit ang
Filipino sa pagkatuto ng mga piyesang pang literatura, gaya ng mga maiiklikng kwento, nobela,
tula atbp.Filipino ang instrumento para matutunan ang mga ito.

Ang pag-aaral na ito ay nakapokus sa pagbabawas ng asignaturang Filipino sa kolehiyo. Gamit


ang pag- aaral na ito tutuklasin ang mga makabagong reaksyon sa pagtuturo ng mga guro batay
sa obserbasyon na aking makikita, pakikipanayam at ang pangangalap ng datos tungkol sa
Paglalahad ng Suliranin

Ang pag-aaral na ito ay ginawa upang maipaalam sa mamamayang Pilipino ang mga
maaaring negatibo at positibong epekto ng pagtatanggal ng asignaturang Filipino sa mga mag-
aaral ng Nortwestern Visayan Colleges. Ito ay sumasagot sa mga sumusunod na katanungan:

1. Sang-ayon ba ang mga mag-aaral na bawasan ang asignaturang ito sa kanilang sistema ng
edukasyon?

2.Ano ang persepsyon o pananaw ng mga mag-aaral sa pagbabawas ng asignaturang Filipino sa


kolehiyo?

A. Ano ang magiging epekto ng kamalayan o pagkatuto sa pag-aaral na ito?

3. Anu-ano ang mga maaaring epekto nito sa wikang Filipino?

4. Sang ayon ka ba na bawasan ang Asignaturang Filipino sa kolehiyo?

5. Anong Rekomendasyon sa pag-aaral ang maaari mong maiambag?

Balangkas Teoretikal

Ang pangunahing layunin sa pagtuturo ng wika ang paglinang sa kakayahang


komunikatibo ng mga estudyante. Binanggit sa Batayang Edukasyon sa Lebel Sekondari ng
Kagawaran ng Edukasyon sa Pilipinas, na ang isang mabisang komunikaytor sa Filipino ay
yaong nagtataglay ng kasanayang makro- pagbasa, pagsulat, pagsasalita at pakikinig. Bukod
dito, may kabatiran at kasanayan din siya sa apat na bahagi o sangkap ng kasanayang
komunikatibo gaya ng gramatika, sosyo- lingwistik, diskorsal at estratejik (Canale at Swain).

Ang kasanayang gramatikal ay ang kakayahang umunawa at makabuo ng mga estruktura


sa wika ayon sa mga tuntunin sa gramatika. Ang kasanayang sosyo- lingwistik naman ay
kakayahang magamit ang wika sa isang kontekstong sosyal. Ayon kay Fantini (sa Pagkalinawan,
(2004) may mga salik- panlipunan dapat isaalang- alang sa paggamit ng wika, ito ay ang
ugnayan ng nag- uusap, paksa, lugar at iba pa. Ang mga salik panlipunang ito ay pinaikli at
nilagom naman ni Hymes sa akromin na SPEAKING (S-setting, P- place; E- end/layunin; A act;
K- keys; I-instrument; N-norms; G-genre). Samantala, ang kasanayang diskorsal naman ay
tumutukoy sa kakayahang mabigyang ng wastong interpretasyon ang napakinggang
pangungusap/pahayag upang makabuo ng isang makabuluhang kahulugan. At ang kakayahang
kung paano niya gagamitin ang wika sa iba’t ibang sitwayon. Ayon naman sa teorya Notional-
Funtional Syllabus ni David Wilkins (Higgs at Clifford 1992,sa Badayos 2001), upang matamo
ang kakayahang komunikatibo kailangang pantay na isaalang- alang ang pagtalakay sa
mensaheng nakapaloob sa teksto at sa porma o kayarian(gramatika)ng wikang ginamit sa
teksto.Naniniwala naman si Dr,Fe Otanes(2012),ang paglinang sa wika ay nakapokus sa
kapakinabangang idudulot niya sa estudyante,na matutuhan ang wika upang sila ay
makapaghanapbuhay,makipamuhay sa kanilang

kapwa at mapahalagahan nang lubusan ang kagandahan ng buhay na kanilang ginagalawan.Sa


kabuuan,pangunahing mithiin sa pagtuturo ng wika na makabuo ng isang pamayanang
marunong, mapanuri,kritikal at kapaki- pakinabang.

Mahalaga ang wika di lamang sa sarili kundi sa pakikipag- interaksyon na rin sa kapwa
at lipunan. Ginagamit ito sa pagkuha ng impormasyon, pagtatamo ng edukasyon, gayon din sa
pagsisiwalat ng damdamin. Sa wika napabibilis at napagagaan ang isang gawain. Ang pag- iisip
at ang wika ay magkalapit ang ugnayan at ang kanilang debelopment ay magkasabay rin.Ang
mga batang matagumpay na nakasunod/nakagagawa ng mga gawaing kaugnay ng pag- iisip ay
karaniwan na iyong may kahusayan sa pakikinig,pagsasalita,pagbasa at pagsulat.Halimbawa
ayon kay Tompkins(2000)ang pagsulong at pag- unlad sa pagsulat ng mga bata ay
maoobserbahan habang unti-unti nilang naipapahayag ang kanilang kompleks na ideya o
kaisipan sa kanilang mga sulatin.Dapat mag- ugat ang anumang pagpaplano sa pamamagitan ng
isang tanong:”Papaano natutuhan ng mga bata ang wika?”Ang kasagutan dito ang titiyak kung
papaano dapat ihanda ang kaligiran para sa pagtuturo at pagkatuto at ito rin ang magtatakda kung
anong uri ng mga gawain ang dapat na ilaan sa mga mag- aaral(Buensuceso,et al.2008).

Sa teorya na Learning for Mastery ni Bloom(Lindgren,1983) na binibigyang diin ang


lubusang pagkatuto ng mga estudyante sa mga araling itinuturo kung may kaugnayan sa
mabuting kondisyon sa pagkatuto at sa kalidad ng pagtuturo.
Balangkas Konseptwal

INPUT PROSESO AWTPUT

Sarbey
Pantulong na Programa
Obserbasyon
Istatus ng Pagkatuto sa Pagkatuto at
ng Filipino Interbyu Pagtuturo ng Filipino

Istatus ng Pagtuturo sa Northwestern


Analisis ng Datos
ng Filipino Visayan Colleges.
Interpretasyon ng

Datos
Pigura 1. Makikita sa paradaym na ang input ng pag- aaral ay binubuo ng istatus ng pagkatuto at
ng pagtuturo ng Filipino.Sa proseso naman ay ang mga sarbey, obserbasyon, interbyu, analisis
ng datos at interpretasyon ng datos. Sa huli, sa awtput makikita ang pantulong na programa sa
pagkatuto at pagtuturo ng Filipino sa kolehiyo.

Saklaw at Limitasyon ng Pag- aaral

Saklaw ng pag- aaral na ito ang mga guro at mag-aaral na nasa kolehiyo ng Northwestern
Visayan Colleges sa Capitol Site, Kalibo, Aklan. Ang pag- aaral na ito ay tumatalakay sa
pagtuturo ng Filipino sa kolehiyo. Para rin sa mga guro upang makabuo ng panibagong
estratehiya sa pagtuturo ng Filipino sa mas epektibong paraan.
Kahalagahan ng Pag- aaral

Ang pananaliksik na ito ay makatulong at mamulat ang ating mga kababayan tungkol sa
pinagtatalunang pagbabawas ng asignaturang Filipino sa kolehiyo ng Northwestern Visayan
Colleges sa pagdebelop o pagtuklas ng mga bagong estratehiya sa pagtuturo ng Filipino para
makabuo ng isang makabuluhan at mabungang pang-akademikong gawain. Malaki ang
maitutulong nito sa mga mag-aaral, mga guro at lalo na sa mga mananaliksik sa hinaharap.
Maipakikita at maipararating ng pananaliksik na kung ano ang dapat gawin upang mas lalo pang
maging epektibo ang pagtuturo ng asignaturang Filipino.

Sa mga mag-aaral ng basic education. Dahil ang saklaw lang ng ipatutupad na CHED
Memorandum Order no.20 series of 2013 ay ang curriculum ng kolehiyo. Mahalaga ang pag-
aaral na ito para sa mga mag-aaral na hindi pa nakatungtong sa tertiary level upang mamulat na
agad sila sa murang edad na ang asignaturang Filipino ay mahalaga sa ating bansa lalong lalo na
sa aspeto ng ating wika.

Ang mga Magulang ay mabibigyan ng higit na kaalaman tungkol sa antas ng kakayahan ng


mga anak sa kolehiyo at makatutulong sila upang gabayan ang mga ito.

Ang mga Guro ay matutulungang makita ang kahinaan at kalakasan ng mga mag-aaral sa
kolehiyo. Makapagbibigay ito ng sagot sa mga suliraning mapagdaraanan sa pagtuturo ng
Filipino sa kolehiyo at mas mapalawak pa nila ang kaalaman ukol sa pagtuturo nito.

Ang Tagapamahala ng paaralan ay matutulungan ng pananaliksik na ito bilang magsisilbing


kanilang batayan kung anong uri ng pagtuturo ang kailangang maganap sa bawat silid- aralan
lalo na sa pagtuturo ng Filipino sa kolehiyo. Ang kontribusyon na ito ay makatutulong upang
mahasa ang kanilang mag-aaral sa pagkatuto ng Filipino sa kolehiyo.

Ang Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) ay mabibigyan ng kaalaman kung alin ang nararapat
at epektibong pamamaraan para sa mabisang pagtuturo ng Filipino sa mga mag- aaral sa
kolehiyo. Kung paano mapapaunlad ang kakayahan at kasanayan ng mga mga-aaral at para
matugunan ang pangangailangan ng paaralan sa pagpapaangat ng kanilang mithiing pang
edukasyon.

Ang mga Mananaliksik ay mabibigyan ng kaalaman upang gumawa ng iba pang pag- aaral
sa mga paksang hindi pa gaanong napag-aralan. Ang pananaliksik na ito ang magsisislbing
kanilang inspirasyon at gabay para gumawa ng iba pang pag-aaral para malinang ang kanilang
angking propesyon.

Katuturan ng mga Katawagan

Ang mga sumusunod na salita sa ibaba ay binigyang kahulugan o paliwanag ng mananaliksik


sa paraang konseptwal at ayon na rin sa pagkakagamit ng mga ito sa kasalukuyang pag-aaral.

Estratehiya. Ito ay tumutukoy sa isang pangmatagalang plano o balak sa kung ano ang dapat
gawin upang makamit ang isang tiyak na layunin.

Filipino. Ito ay tumutukoy sa asignaturang itinakda sa K-12 kurikulum ng batayang


edukasyon sa Pilipinas na sumasaklaw sa mga aralin sa pag-unawa sa napakinggan, panonood,
binasa, sa sinusulat, at sa sinasalita.

Guro. Ito ay tumutukoy sa nagsasagawa ng pagtuturo sa klase at iba pang kaugnayan na may
tungkulin sa pagpapalawak ng kasanayan, kakayahan, kaasalan na kinakailangan ng mga mag-
aaral upang sila’y maging produktibong mamamayan.

Kultura. Ito ay tumutukoy sa aktibidad ng sangkatauhan kung saan ito ay ang kaparaanan ng
mga tao sa buhay. Sumasalamin ito sa iba’t ibang mga teorya sa kaunawaan at sukatan sa
pagpapahalaga, sa aktibidad ng sangkatauhan. Sa iba ito ang kuro o opinion ng buong lipunan, na
maaaring makita sa kanilang mga salita, aklat at mga sinulat, relihiyon, musika, pananamit,
pakikitungo sa kapwa at iba pa.
Kagamitan. Ito ay tumutukoy sa mga materyales na ginamit para maisakatuparan ang isang
gawain.

Mag-aaral. Ito ay tumutukoy sa taong nag- uukol ng kanyang panahon sa loob ng klase, kung
saan ito’y nagpapalawak ng kasanayan at kaalaman na kanilang magagamit sa kanilang
kinabukasan.

Metodo. Ito ay tumutukoy sa isang pamamaraan o metodolohiya na magagamit at makatutulong


sa kapwa guro at mag-aaral para makakuha ng sapat na impormasyon.

Nilalaman. Ito ay tumutukoy sa isang salita o pariralang ginagamit para sa isang katawagan sa
kung ano ang laman o ubod ng isang bagay kagaya ng aklat na naglalaman ng mga
impormasyong maaaring matutunan ng isang mag-aaral.

Pagtuturo. Ito ay tumutukoy sa pag-aaral ng isang kasanayan at ilang bagay na hindi masyadong
nadarama ngunit higit na malalim, ang pagkabahagi ng kaalaman at mabuting panghusga sa
karunungan.

Paniniwala. Ito ay tumutukoy sa pananaw sa buhay ng isang indibidwal at ng lipunang


nasasakupan.

Resorses. Ito ay tumutukoy sa pinagkunan ng mga impormasyon at datos na siyang gagamitin sa


pagsagot sa mga katanungan hinggil sa pagkatuto at pagtuturo ng Filipino.

Tradisyon. Ito ay tumutukoy sa mga paniniwala, opinyon o mga kwentong naisalin mula sa mga
magulang papunta sa mga susunod na henerasyon, katumbas din ito ng diwang “pagsasalin ng
ari- arian sa ibang tao.

Wika. Ito ay tumutukoy sa kalipunan ng mga simbolo, tunog at mga kaugnay na batas upang
maipahayag ang nais sabihin na kaisipan.
Kabanata 2

KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Ang kabanatang ito ay tumatalakay sa mga saklaw na literatura at pag-aaral tungkol


sa paksa ngt pananaliksik.

2.1 Kaugnay na Literatura

Kasama na natin ang asignaturang Filipino mula pa noong tumungtong tayo sa


elementarya. Ayon kay Tasie (2016), sinulong ni dating pangulong Manuel L. Quezon noong
1940 ang Executive Order No. 263 na nag-uutos sa lahat ng pribado at pampublikong paaralan
na isama sa kurikulum ang pagtuturo ng wikang pambansa. Ito ngayon ang tinatawag nating
asignaturang Filipino. Ito ang pag-aaral ukol sa tamang paggamit ng ating wika at literaturang
itinuturing nating kayamanan. Maraming suliranin ang kinakaharap ang guro sa pagtuturo ng
Filipino sa klase. Ilan sa mga ito ay ang kakulangan sa bokabularyong Filipino/Tagalog,
pagdating ng mga makabagong salita na wala naman sa diksyunaryong Filipino. (jejemon at
bekemon) na ginagamit ng mga mag-aaral sa kanilang pakikipagtalastasan sa araw- araw. Ang
mahinang kakayahan ng mga mag-aaral sa pakikinig.Dagdag pa rito ang kawalan ng interes ng
mga mag- aaral sa pagbabasa ng mga akdang pampanitikan.Kamalayang makadayuhan ( colonial
mentality  )at miskonsepsyon sa gamit ng wika at ang pagbibigay ng higit na pansin at halaga sa
Wikang Ingles ( oras , gawain , mga proyekto  )ng mga estudyante ito ang naging pahayag ni De
Roxas (2015).Ayon naman kay Pacay(2014) isang guro sa kolehiyo sa pribadong pamantasan
may dikriminasyon na noon pa man sa wikang Filipino at Wikang Ingles.Ngayon, tahasan ng
itinatanghal ang wikang Filipino.Karapatan ng mga mamamayan na matutunan ang wikang
Filipino at obligasyon ng gobyerno na ito ay ituro sa mga mamamayan.Hinggil sa mga suliranin
na nabanggit,idinagdag pa ni Quito(2015), ang mga Pilipino ay isinilang at lumaki sa iba’t ibang
lugar o sulok ng Pilipinas at ito ang naging sanhi ng kanyang pagkamulat sa iba’t ibang
wikain.Hindi lang naman guro ang may mga suliranin sa pagtuturo ng Filipino kahit na ang mga
estudyante ay may mga suliranin din kung papaano nila ito matutunan. Ayon kay Kenny (2011),
ang estudyante ay nahihirapan sa pagkatuto ng Filipino sapagkat may mga guro na nagtuturo ng
asignatura kahit hindi sila bihasa rito. Hindi nila malinaw na naihahatid ang mga impormasyon
sa mga tinuturuan. Dagdag pa ni Sasson (2010), ang kakulangan sa motibasyon ay isa sa mga
maaaring pagdulot ng pagkawala ng interes na pag-aralan ng mga mag-aaral ang isang asignatura
kung kaya’t dapat mas paigtingin ng mga guro ang pagbibigay motibasyon sa kanilang mga
estudyente upang hindi humantong sa pagkawala ng interes. Kaya dapat huwag pabayaan ang
mga ganitong suliranin, bigyan sila ng pansin upang masolusyunan ang suliranin sa pagkatuto at
pagtuturo ng asignaturang Filipino.

Ang pagkatuto ng Filipino ay isang pagbabago at pagpapalakas sa


kasalukuyang kaalaman, gawi, kakayahan, kaugalian, o kagustuhan at maaari ring may pagsama-
sama ng iba't ibang uri ng impormasyon na maiuugnay sa asignaturang ito. Ang abilidad na
matuto ay maaari lang gawin ng mga tao. Ang pag-unlad sa loob ng isang panahon ay
sumusunod sa kurba ng pagkatuto. Hindi ito nangyayari nang sabay-sabay, ngunit ito ay
lumalaki at nahuhulma mula sa lumang kaalaman.Isa rin itong proseso sa halip na koleksyon ng
katotohanan at prosidyural na kaalaman.Ayon sa pag-aaral nina Bigata at Bunao(2009), ang mga
pagbabagong dulot ng 2001 Revisyon ng Alpabetong Filipino,isa sa pagbabagong ito ay ang
modernong pagbaybay ng mga salita sa Filipino na kinakalangkapan ng walong(8) dagdag na
letra.Kaugnay nito,dahil na rin sa makabagong reporma sa alpabeto at tuntunin sa pagbabaybay,
nais ding malaman ng mga mananaliksik sa pag-aaral na ito kung ano nga bang gabay sa
Ortograpiya sa Wikang Filipino ang kasalukuyang ginagamit ng mga mag- aaral.Dagdag pa ni
Delima(2010) ukol sa barayti ng wikang Filipino sa mga unibersidad,inalam nya ang katangian
sa pasalita at pasulat na Filipino na guro. Gayunpaman magkaiba ang pag-aaral ni Delima at ang
kasalukuyang pag-aaral sapagkat ang una ay nais malaman ang katangian ng isang guro sa
pasulat at pasalita sa Filipino samantala ang huli naman ay hangad malaman ang antas ng
kaalaman ng mag- aaral tungkol sa pagbabago sa ortograpiyang Filipino.Ayon naman pag-aaral
ni Sual(2013)ay binibigyang diin ang uri ng wikang pakikipagsulatan samantalang kasalukuyang
pag-aaral naman ay may kinalaman sa Gabay sa Ortograpiya ng wikang Filipino.Ayon naman
pag-aaral nina Alejo at Cillian(2011) ang 2001 Revisyon ng alpabetong Filipino ay
kumakatawan sa ikalawang bahagi ng final ng pinal na awtput ng proyektong”Tungo sa
Istandardisasyon ng Sistema ng Pagsusulat sa Filipino”.Ito ay nakapokus sa dagdag na letra na
hiniram at nakapaloob sa 28 letrang alpabetong Filipino at pang madlang literasi. Ang pag-aaral
na ito ay nakapukos sa pagiging Istandardisado o maunlad ng Wikang Filipino na siyang nais
alamin sa kasalukuyang pananaliksik na kung paano nga ba uunlad ang wikang Filipino kung
iba’t ibang pagbabaybay ang ginagamit ng mga tao partikular na mga mag-aaral.Gaya ng sa pag-
aaral ni Ngamoy(2009), natuklasang gumagamit ng estratehiyang pagpapakahulugan ng mga
guro sa pamamagitan ng paggamit ng wikang madaling mauunawaan ng mga mag-aaral upang
matulungan silang umunawa lalung-lalo na sa Estratehiyang Pangkomunikasyon sa Pagtuturo ng
Filipino ng mga Guro. Tumutugma ito sa pag-aaral ni Rymes (2011), na pinamagatang “Analysis
of Classroom Discourse” inamin ng mga mag- aaral na madalas maglipat wika sa Filipino ang
kanilang guro upang mapadali ang pag- unawa sa mga konseptong tinatalakay. Batay sa
transkiptong nakasaad sa itaas, ang paglilipat- wikang ginamit ng guro sa pag- aaral na ito ay sa
pamamagitan ng paggamit ng wikang Ingles at hindi sa unang wika ng mga mag-aaral na kagaya
ng pag-aaral nina Ngamoy (2009) at Laarte(2011). Ito ay sa dahilang ang mga mag-aaral ay
sanay nang gumamit ng wikang Filipino na batay sa Tagalog kaya nauunawaan na nila ang
wikang ginagamit ng guro sa pagtuturo nang hindi kinakailangan pang isalin sa kanilang unang
wika. Ang paglilipat- wika ng guro sa wikang Ingles ay indikasyon na madali siyang
mauunawaan ng kanyang mga mag-aaral dahil sa ginamit ang mga terminong ito sa iba pa nilang
asignatura gaya ng Inglish at estratehiyang pangkomunikasyon sa pagtuturo ng Filipino ng mga
guro.Kaya sa kabuuan ang paggamit ng sariling wika sa pagtuturo ay magiging madali kung ang
guro ay hi hikayatin niya ang kanyang mga mag-aaral na gamitin ang Wikang Filipino sa
pakikipagtalastasan sa loob ng paaralan sa pamamagita nito ay maaaring mapaunlad ang wika at
maiiwasan ang paggamit ng salitang balbal at naipapakita pa ng mga estudyante ang
pagmamahal sa kinagisnang wika.

Ang pagiging malikhain sa pagtuturo ng Asignaturang Filipino ay isang hamon sa


mga guro na naatasan ang gawaing ito. Hindi basta- basta ang pagtuturo ng asinaturang Filipino
lalong- lalong na kung kulang ang guro sa sapat na kaalaman sa aspetong ito. Ayon sa pag-aaral
ni Baduya (2011), na may pamagat na “Salik sa Pagpapaunlad sa Pagtuturo ng mga Guro”, ang
personal at propesyonal na katangian ng guro ay nakaaapekto sa kanyang pagtututro. Ang
kanyang sariling pamamaraan ay may malaking epekto sa kanyang pagtuturo ng asignatura.
Dagdag pa sa pag-aaral ni Abias (2014), Kasanayan ng Guro at Pagkatuto ng mga Mag-aaral,
ang pag-aaral na ito ay pagsusuri at pag-uugnay ng kasanayang pampagtuturo ng guro sa
pagtuturo, pagkatutuo ng mga mag-aaral sa Filipino. Ang kasanayang pampagtuturo ng guro
batay sa pagtuturo, pamamatnubay, pangangasiwa at pagtataya.Ang antas ng pagkatuto ng mga
mag-aaral sa Filipino ay batay rin sa kakayahan nila sa pakikinig, pagsasalita, pagbasa at
pagsulat.Dagdag pa ni De Juan (2013),sa kanyang pag-aaral ang mga suliranin ng guro sa
Pagtuturo ng Asignaturang Filipino ay mga sumusunod: oras na itinakda para sa
asignatura,kapaligiran ng paaralan,kakulangan sa kaalaman sa mga makabagong pamamaraan o
istratehiyang pampagtuturo,kakulangan sa makabagong kagamitan sa pampagtuturo,kawalan ng
interes ng mga mag-aaral dahil sa pagdating ng mga makabagong kagamitan na mas
pinagkakaabalan ng mag-aaral,at kawalan ng interes ng mga mag-aaral na magbasa ng mga
akdang pampanitikan.Dahil sa mga pag-aaral na ito ang mga suliranin ng guro at estudyante ay
mabibigyang solusyon kung magkaroon ng sapat na oras sa pagtuturo/pag-aaral upang
maisakatuparan ang layunin sa pagtuturo sa araw na iyon,makadaragdag sa pagkatuto ng mga
mag-aaral ang may maayos na kapaligiran sa lugar na kanilang pinag-aaralan gayundin sa mga
guro sa kanilang pagtuturo kung kaya’t nararapat na magkaroon ng may maayos,malinis,
maliwanag,maganda at maaliwalas na kapaligiran sa isang paaralan.Makatutulong ang pagdalo
ng mga guro sa mga seminar-worksyap na ibinibigay ng KWF o anumang samahang
nagtataguyod ng wikang Filipino upang mas lalong maragdagan ang kanilang kaalaman hinggil
sa makabagong pamamaraan o estratehiyang pampagtuturo. Makatutulong din ang palagiang
pagbabasa ng mga aklat, magasin o anumang babasahin na may kinalaman sa pagtuturo ng wika
at panitikan.

Sintesis

Ang larangan ng pagkatuto at pagtuturo sa Filipino ay isang larangang masalimuot


na may kaakibat na suliraning kinakaharap. Kawalan ng interes ng mga mag-aaral,
miskonsepsyon sa gamit ng wika at diskriminasyon sa wikang Filipino at Ingles (De Roxas,
2015; Pacay, 2014; at Quito, 2015). Kasabay nito ay nawawalan sila ng motibasyon at interes sa
pagkatututo ng asignaturang Filipino (Kenney, 2011; Sasson, 2010; at Quito, 2015). Hindi
lamang mga mag- aaral ay may kinakaharap hingil sa kasanayan sa pagkatuto ng Filipino,
maging ang mga guro ay may kinakaharap din na masalimuot na daan sa pagtuturo ng kasanayan
sa Filipino (Baduya,2011; Abias,2014; at De Juan, 2013). Maihahalintulad ang pag-aaral na ito
sa mga nabanggit sapagkat binibigyang diin ang paghahanap ng mga paraan upang mapaunlad
ang pagkatuto at pag-aaral ng Filipino. Sa kabilang dako, ang pag-aaral na ito ay nakatuon
lamang sa pagdokumento ng penomena sa isang paaralan lamang at isang baitang lamang.
PAGBABAWAS NG ASIGNATURANG FILIPINO SA KOLEHIYO

Isang Pananaliksik

Iniharap sa Fakulti
Kolehiyo ng Edukasyon
Northwestern Visayan Colleges
Kalibo, Aklan

Bilang Pagtupad
sa mga Pangangailangang ng Kursong
Batsilyer sa Edukasyong Sekundarya
Medyor sa Filipino

JAY-AR S. GARCIA
2019

Kabanat 3

PAMARAAN AT PINAGMULAN NG DATOS

Ang kabanatang ito ay naglalaman ng mga metodo at disenyo na ginamit sa pag-


aaral.Tinatalakay nito kung paano isinagawang pananaliksik. Isinasaad din dito ang pagkuha ng
datos, at ang mga instrumenting ginagamit sa pag-aaral.

3.1 Metodo
Ang ginamit na uri ng pananaliksik ay ang kuwalitatibong disenyo ng panaliksik. Ang
kuwalitatibong pananaliksik ay naglalayon na maintindihan ang mga problema ng lipunan galing
sa iba’t ibang pananaw mula sa iba’t ibang mga tao. Ayon kay Mayor Asuncion (n.d), ang
kuwalitatibong pagp-aaral ay nakatuon sa pagbuo ng mga saloobin hinggil sa mga asal.
Paniniwala, motibasyon at gawi ng mga indibidwal upang tuklasin ang ibang mga suliraning
pantao at panlipunan.

Ang ginamit na paraan upang makakalap ng mga datos ay ang pagbigay ng mga
talatanungan o questionnaire sa mga napiling respondent.

3.2 Pagpili ng Respondente

Ang mga napiling respondent ay dalawampung (20) mag-aaral mula sa kolehiyo sa


ikaapat na taon ng kursong Bachelor of Secondary Education na nagmula sa North Western
Visayan Colleges. Ang mga nasabing respondent ay may edad na dalawampu’t isa taong gulang
(21) pataas

3.3 Instrumento ng Pananaliksik

Ang pangunahing instrumenting ginamit sa paglikon ng mga datos ay talatanungan o


questionnaire dahil naniniwala ang mga mananaliksik na ito ang pinakamabisang kagamitan sa
pagkalap ng mga tiyak na impormasyon. Ayon kay Mcleod (2014), ang questionnaire ay
tinatawag ding pasulat na panayam kung saan mas mabisa at mas medaling makapangalap ng
datos sa maramihang bilang ng mga tao.

Ang talatanungan ay binubuo ng dalawang seksyon; ang propayl ng mga respondente at


ang mga tanong ang propayl ng mga respondent ay naglalaman ng kanilang pangalang,edad,
kurso, at lebel o taon ng kanilang pag.aaral. ang mga tanong naman ay tumatalakay ukol sa paksa
ng pag.aaral. ito ay tungkol sa kaalaman nila sa paksa, sa sariling pananaw nila at kong
sang.ayun ba sila rito.

3.4 Proseso ng Pangangalap ng Datos

Ang mga mananaliksik ay gumamit ng internet kung saan makakakuha ng mga mabisang
impormasyon sa kabuuang pag-aaral ng pananaliksik. Nadiskubre ng mga mananaliksik ang ibat
ibang mga datos ukol sa paksa na magagamit sa pag-aaral na ito. Dito rin nakapangalap ng mga
literature at ibat ibang mga nakaraang pananaliksik na patungkol din sa pagpapatanggal ng
asignaturang Filipino sa kolehiyo. Sa pamamagitan nito, nalaman ng mga mananaliksik ang mga
salik at maaring epekto nito.

Sumagawa rin ang mga mananaliksik ng survey upang makakalap pa ng mga


karagdagang impormasyon sa mga respondente at upang malaman at marinig ang pananaw at
opinyon tungkol sa paksa pananaliksik.
Kabanata 4

INTERPRETASYON NG MGA DATOS

Ang kabanatang ito ay naglalaman ng pagtatala ng mga datos na nakalap ng mga mananaliksik
mula sa kanilang mga respondent. Ito ay sumasagot sa mga tanong na makikita sa paglalahad ng
suliranin.

- Mga salik kung bakit ipapatupad ang pagbawas ng asignaturang Filipino sa kolehiyo.

Ayon sa mga mag-aaral ng bachelor of secondary education sa Northwestern Visayan


Colleges. Ang mga maaaring salik ng pagbabawas ng asignaturang Filipino sa kolehiyo ay dahil
napag-aralan na ang mga aralin nito sa elementary at sekondarya. Maraming nagsabi na sapat
na ang mga napag-aralan natin noong tayo ay mga bata pa, dahil tayo naman ay lumaki na
ginagamit ang wikang Filipino. Nakasanayan na natin at gamay na tayo sa paggamit ng ating
pambansang wika at hindi na kinakailangan pang ulit-ulitin.

Ayon pa kay Zayrhene Fabian ng BSED major in English , “Basic ang Filipino, Which is
pwede naman i-tackle sa Senior High para pagtungtong sa college more on the course na yong
focus ng curriculum”. Mas mabibigyan ng diin ang mga asignaturang may kinalaman sa kurso ng
mag-aaral kung tatanggalin na ang mga minor subjects tulad ng filipino. May nagsabi rin na sa
pamamagitan nito, lalawak ang kakayanan ng mga estudyante dahil dadami ang oportunidad ng
bawat isa na magdiskubre ng ibat ibang pang mga asignatura na ayon sa kanilang nais na
propersyon.

You might also like