You are on page 1of 1

Awit ng Tarlac

Iba’t ibang ugali at gawi


Sa may Gitnang Luzon umuuwi
Ang hangaring minimithi
Ay ang pagwawagi.

Ang samyo ay tulad sa bulaklak


Busilak ka, mahal naming Tarlac
Bayan-bayan ay huwaran ang linis
Kandungan mo’y may buhay at tamis

Pugad ka ng may gising at dangal


Luklukan ng mga taong banal
Sa lawak ng iyong pitak
Pag-unlad ay tiyak.

Luntiang kulay ng kabukiran


Naghahari ay katahimikan
Sa landas na aming tinatahak
Buhay namin ay kalong mo
Tarlac…

You might also like