You are on page 1of 6

Karapatang Ari

Ang ‘karapatang-ari’ o ‘copyright’ ay isang karapatan at pribilehiyo na ibinibigay ng batas


sa mga tao o grupong nakagawa ng mga orihinal na disenyo o komposisyon tulad ng nobela,
pelikula, musika, at iba pang kahalintulad na bagay na sila lamang ang magmamay-ari at
maaaring makagamit sa kanilang likha. Ang sinumang gustong gumamit sa mga likhang ito ay
kailangang humingi ng pahintulot sa kanila at magbayad ng kaukulang halaga kung
kinakailangan. Isa itong karapatan na kinikilala ng batas na nagbibigay ng kaukulang pagkilala
bilang awtor (moral rights) at kaakibat na pinansiyal na karapatan (economic rights) sa mga
indibidwal na lumikha ng mga akda o gawa na saklaw ng copyright (works covered by
copyright).

Sa ganitong paraan, mayroong pagpapahalagang iginagawad sa mga lumikha at binibigyan


sila ng insentibo (social incentive) na magpatuloy sa kanilang paglikha dahil napapaunlad nito
ang lipunan.

Ano ang mga gawa o akda na saklaw ng karapatang-ari? Ilang halimbawa ng gawa o
akda na saklaw ng karapatang-ari ay ang mga sumusunod:

a. Literary works (novel, short story, poem, etc.)

b. Dramatic works (choreography, film script, etc.)

c. Musical works (film musical score, pop song, jingle, etc.)

d. Visual artworks (painting, drawing, engraving, sculpture, etc.)

e. Architectural design

Sino ang may-ari ng karapatang-ari?

Sapagkat ang karapatang-ari ay iginagawad dahil sa haraya (creativity), ito ay karaniwang pag-
aari ng indibidwal (tao) na may-akda (writer, scriptwriter, composer, visual artist, architect).

Maliban na lamang sa ilang sitwasyon na ang may karapatang-ari ay isang korporasyon o


organisasyon, sapagkat ang may likha ay nasa empleo ng korporasyon at ang ipinagawang
akda ay kasama sa trabaho ng empleyadong may-akda.

Paano nagkakaroon ng karapatang-ari?

Kinikilala ng batas na umiiral ang karapatang-ari dahil sa bisa ng paglikha ng akda (moment of
creation). Hindi kailangan ng rehistro ng gobyerno o ng sertipikasyon ng organisasyon para
magawaran ng karapatang-ari ang may-ari ng akda. Pag-aari na ito ng awtor nang nilikha niya
ang akda o gawa.

i
Nakatutulong lamang ang pagrehistro sa National Library of the Philippines (NLP) bilang
ebidensiya sakaling magkaroon ng alitan sa pagmamay-ari (conflicting claims) ng akda o gawa.

Paano nagkakaroon ng pinansiyal na halaga ang karapatang-ari (economic gains from


copyright)?

Karaniwang indibidwal ang may-ari ng karapatang-ari (copyright). Malimit, wala siyang


kakayahang ilathala (publish) o komersiyal na ipakalat (commercially distribute) ang akda. Dahil
dito, nakikipagkontrata siya sa isang kompanya na may kaalaman at kasanayan dito. Kung
writer, may contract sa publisher. Kung singer-songwriter, may contract sa record company.
Kung visual artist, may contract sa museum owner.

Philippine Copyright 2020 by World Vision Development Foundation, Inc.


All rights reserved.
Walang anumang bahagi ng aklat na ito ang maaring ipalimbag sa anumang paraan nang
walang nakasulat na pahintulot ng publisher

Inilimbag sa Pampansan Mataas na Paaralan ng Sorsogon.

Author: Michael Ron Dimaano,


Deign Mitchel Duran
Ivan Miguel Limena
Aldine Joseph Haboc
Azor Jones Lanac
Johnmark Grecia
Ben Aaron Lladones

ii
Pasasalamat

Ang akda nito ay taos pusong nagpapasalamat sa mga taong naging


bahagi sa pagawa ng librong ito.

Sa kanilang magulang na nagmahal, nag-alaga at nagbigay ng suportang


pinansyal at naghikayat sa mga may akda na gawin ang kaniyang makakaya upang
tapusin ito.

Sa butihing guro na si Binibining Lea Digo na nagbigay ng direksyon at paalala


sa mga may akda upang maging maayos ang kalalabasan nito.

Sa mga Miyembro ng groupo na nakiisa at nagbigay ng oras upang masigawa


ang kanilang mga nakaassign na gampanin.

Sa kanilang mga kaibigan na naniwala at nagbigay ng mga payo at komentaryo


na nakatulong ng husto sa libro na ito.

At higit sa lahat, ang mga may akda ay lubusang nagpapasalamat sa Poong


Maykapal sa walang katapusang biyayang ipinagkakaloob sa kanila at lakas ng loob
upang tapusin ang libro na ito ng matagumpay.

iii
Paghahandog

Buong Puso at pagmamahal na inihahandog ng mga manunulat ang libro na ito

sa mga taong tumulong, gumabay at nagging bahagi’t inspirasyon upang matagumpay

na maisagawa ito.

Sa Poong Maykapal na siyang nagbibigay ng katatagan, lakas, patnubay, at

walang hanggang biyaya upang maayos na maisakatuparan ang libro na ito.

Sa mga magulang ng bawat miyembro na kabilang sa pangkat na ito na walang

sawang umuunawa at sumusuporta;

Sa aming guro sa Filipino sa Piling Larang, Binibining. Lea Digo na siyang

nagging gabay at isa sa mga naging daan upang ito ay maisakatuparan.

At sa lahat ng kabilang sa pangkay na ito na nagbuhos at namuhunan ng oras at

pagod upang ang librong ito ay maisaganap nang matagumpay.

M.R.F.D.

I.M.L.

A.J.H.

A.J.L.

J.G.

B.A.L.

iv
Panimula
Ang Pampanitikan ay nagsasabi o nagpapahayag ng mga kaisipan, hangarin at diwa ng
mga tao. At ito rin ang pinakatiyak na paglalarawan lalo na sa pagsusulat ng tuwiran o tuluyan
at patula na naguugnay sa isang tao. Subalit upang maipagakiba ito mula sa ibang mga walang
saysay na babasahin o patalastasan lamang, ang mha panitikan ay ang mainam na pagsusulat
na may anyo, pananaw, at diwang nakasasanhi ng matagal na pagkawili at gana. Samakatuwid,
may hugis , may punto de bista at nakapagpapahaba ng interes ng mambabasa ang isang
sulating pampanitikan.

Ang Akdang Pampanitikang binubuo ng mga akdang patula na pinapaksa ang mga
mahahalagang tagpo o pangyayari sa buhay, ang kagitingan at kabayanihan ng tauhan. Kalakip
dito ang mga halimbawa ng akdang pampanitikan. Ang mga halimbawang ito ay may kanya
kanyang mamamaraan ng pagpapahayag ng kaalaman, impormasyon o opinion tungkol sa
isang napiling paksa. May kanya kanyang pamamaraan ng paglalahad ng kaisipan,o opinion
gaya ng pasalita at pasulat.

v
TALAAN NG NILALAMAN

Mga Preliminary Pahina

Karapatang Ari ………………………………………………………………… i

Pasasalamat ……………………………………………………………………. iii

Paghahandog ………………………………………………………………….. iv

Panimula ……………………………………………………………………….. v

Mga Laman Pahina

Abstrak ……………………………………………………………………….... 1

Sinopsis ……………………………………………...…………………..…….. 3

Bionot …………..................................................................................................6

Adyenda ……………………………………………………………………..… 8

Katitikan ng Pulong ……………………………………………………………11

Panukalang Proyekto …………………………………………………………..14

Mga Talumpati ………………………………………………………………...18

Mga Posisyong Papel ………………………………………………………….30

Replektibong Sanaysay ………………………………………………………..42

Lakbay Sanaysay ……………………………………………………………....45

Picto-Sanaysay ………………………………………………………………...48

vi

You might also like