You are on page 1of 21

Compilations and Informations

Huwebes, Setyembre 18, 2014

Thesis sa Asignaturang Filipino

KABANATA I

Introduksyon

Ang pananaliksik na ito ay tungkol sa mga estudyante ng Panpacipic University North Philippines na may
mga kahirapang hinaharap sa pagsusulit. Ang kaalaman tungkol sa iba’t-ibang bagay, personalidad, at
kaganapan, sa ating kapaligiran ay mahalaga. Kahit na ang impormasyon ay tumatalakay sa isang
simpleng bagay, ito pa rin ay binibigyang importansya. Kadalasan, ang mga nakakalap nating
impormasyon ay nag-mumula sa mga libro, dyaryo, telebisyon, radyo, at mga sulating pananaliksik tulad
na lamang nito.

Ang sulating pananaliksik, ay isinasagawa upang bigyang patunay at palawakin ang isang napiling
paksa.Sa ganitong paraan ay mas naliliwanagan ang kaisipan ng isang mambabasa at natututo sa
nasabing paksa. Makatutulong din ito upang bigyang linaw at itama ang ilang paksa, kung saan ang
nalalaman lamang ng mga tao tungkol dito ay mga malingsabi-sabi lamang. Ang sulating pananaliksik na
ito ay may layuning bigyang kaalaman ang mga mag-aaral tungkol sa mga suliranin ng isang estudyante
sa kanyang pag-aaral. Nakasaad sa loob ng pananaliksik na ito ang mga kaalaman tungkol sa ilang
suliranin ng mga estudyante.Ang pananaliksik at pagtuturo ay isang prosesong paghahalili ng mga
kaalaman dinay nangangailangan ng bahagi ng pag-ebalwasyon na kung saan ito ay bahagi o isang
paraan upang makamit ang pagkatuto.

Sa ating institusyon, mga kabataan ang siyang may malaking ambag sa paghubog ngating bayan. Upang
makamit ito, edukasyonang tunay na solusyon. Edukasyon ang siyang babago at magmumulat pa sa mas
malawak na kaalaman, ang siyang huhubog sa kabataang kapaki-pakinabang at maging ganap at
mahusay na tagapagturo salipunan.Ang isang pagsusulit ay malaking bahagi ng
edukasyon,ginagampanan nito ang paghubog ng kakayahan ng isang mag-aaral. Isa rin itong
kasangkapan o kagamitan sa pag-aaral upang malaman ang kalidad ng pagtuturo ng isang guro. Ang
pagsusulit (mga test paper) ay inihahanda ng mga guro na siyang susuri at susubok naman sa kakayahan
ng kanilang mga estudyante.

Maraming uri ang pagsusulit na siyang ginagamit ng mga guro upang suriin at alamin ang kakayahan
ng isang estudyante, nariyan ang pagsusulit na true or false o pagsusulit na tam o mali. Ang pagsusulit na
tama o mali ay isang uring papalit na pagsusulit na dalawa lamang ang pamimilian ng gumaganap.
Pinakapayak at pinakamarami ang anyo ay ang wasto-mali at oo-hindi. Tiyak na nag-aanyaya sa
panghuhula. May modified na anyo ito, iyong ipatukoy ang bahaging mali, kung mali nga ang
pangungusap. Dili kaya’y sagutin nang sang-ayon o hindi sang-ayon at kung ang sagot ay hindi sang-
ayon, ipabago ang salita o bahagi ng pangungusap upang maging sang-ayon o tama ang sagot.

Mayroon ding pagsusulit sa pakikinig, napakahirap para sa isang mag-aaral ng pangalawa o banyagang
wika ang pakikinig sa mahabang salaysay o usapan, maaaring ang mga pagsusulit sa pakikinig para sa
mga unang yugto ng pag-aaral ay maikling pahayag o usapan na binubuo ng dalawa o tatlong linya.

Ang unang hakbang sa pagpapalawak ng kaalaman ay ang pagtanggap sa sarili niya na siya’y may mga
pasusulit na nararapat naharapin.(Cecil)

Ang mga impormasyong mababasa sa loob ay base sa mga impormasyong nakalap namin sa internet at
libro na aming nabasa. Makikita din sa pananaliksik na ito ang mga nailahad na iba’t-ibang uri at
katangian ng pagsusulit. Sinasagot din sa pananaliksik na ito kung bakit at kung papano nga ba
nahihirapan ang isang mag-aaral sapagsusulit. Binibigyang diin din sa pananaliksik na ito ang
kahalagahan ng pangangalap ng datos na bunga ng pananaliksik at iba pang mga paraan ng pananaliksik.

Makipag-usap ng masinsinan at maramihan sa mga palaisip, gaya ng isang mabuting mananaliksik


upang maragdagan pa ang kabatirang nakukuha sa pangangalap ng datos at impormasyon. (Jose Villa
Panganiban)

Sa ganito’y maaring masabing hindi naaksaya ang panahong ikinapalad nating ikabuhay, gawing
makahulugan ang bawat buhay, galaw at kilos sa mundo. (Batubalani)

Sa pamamagitan ng pag-aaral ng mabuti, walang makakaligtaang proyekto o takdang aralin sa


pagkatalamngestudyanteng masipag mag-aralang kanyang mga prioridad, mga dapat at hindi dapat
gawin, at ang mga mahahalagang bagay na dapat pagtuunan ng pansin. Mahalaga na sa kahit anumang
edad ay patuloy parin ang ating pag-aaral ngiba't-ibang bagay na makakatulong para lumago at umunlad
ang ating kabuhayan. Ito ay hindi lamang sa mga bagay na may kinalaman sa trabaho – kundi maging sa
kalagayan ng pagsasama ng mga miyembro ng pamilya o kaya'y sa pagpapatakbo ng buhay, aspetong
sosyal, pangkultura, pampolitika o kaya'y pangkabuhayan o pinansyal.

Inihahalintulad din ng mananaliksik ang oras sa pera, na napakahalaga at konti lamang sabi lang. Kung
gugugulin lamang ang oras sa walang saysay na mga gawain ay masasayang lamang ang panahon na
sana ay nagamit sa paggawa ng mas importanteng mga bagay tulad ng mga takdang aralin, proyekto, o
pag-aaral para sa mga pagsusulit. Kailangan ay alam ng mga estudyante kung paano gugugulin ng wasto
ang kanilang oras upang maiwasan ang pagkakaroon ng mababang iskor sa pagsusulit.

Narito pa ang ilang ideya tungkol sa pananaliksik mula sa pagsusulit. Mula pa noong panahon ng ating
Panginoon mayroon ng mga pagsusulit na nagganap na siyang ganoon ding nagaganap sa kasalukuyang
panahon. Sa ating pang araw-araw na buhay ay napakarami ng pagsusulit na nagaganap at nararanasan.
Sa eskwelahan na siyang may kalahating pursyento sa ating buhay, ang mga pagsusulit na ito ang
nagpapatatag sa atin sa pang araw-araw at nagbibigay kaalaman sa mga panahon na gugulin pa natin sa
mundong ito habang tayo’y nabubuhay.

Kung tayo ay pagsusulitin sa mga ibinigay na talino, talento o mga "ipinahiram" sa atin na mga katangian
ng Panginoon, makapagsusulit ba tayo nang maigi? Paano at saan natin ginamit ang mga "pahiram" sa
atin ng Diyos? Napayaman ba natin o nagkaroon ba ito ng "tubo" ayon sa inaasahan sa atin ng
Panginoon?

Kaya naman nararapat lamang na ang bawat talino at talento na ibinigay sa atin ng Panginoon ay gamitin
natin sa makabuluhang bagay. Ang kanyang mga pinahiram na katangian sa atin ay bigyang halaga
habang maaga pa dahil tayo’y walang kaalaman sa pagsusulit na handa niyang ibigay sa panahong di
natin inaakala. Ating tandaan na ang bawat pagsusulit ay may kawangis na aral at na dapat matutunan.
Mga bagay na siyang magpapatibay sa atin.

Maituturing na maunlad na nga ang isang indibidwal kung ito ay nagagamit nito ang kanyang kaalaman
sa pag- unlad ng kabihasnan. Isa sa tinuturing na maunlad sa kasalukuyan ay ang ang pamayanan ng
paaralan. Ang pananaliksik na ito ay isasagawa upang makatulong sa mga mag-aaral na may kahirapan
sa pagsusulit sa kanilang mga asignatura.

Bakgrawnd ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay pinamagatang Mga kahirapang hinaharap sa pagsusulit ng mga mag-aaral na
nasa unang lebel ng tertiarya sa Panpacific University North Philippes. Ang mga katulong sa pagbuo ng
pananaliksik na ito ay ang mga estudyanteng kumukuha nag-aaral sa Panpacific University North
Philippines. Sila’y may bilang na 50 katao. Karamihan sa kanila ay may edad na labing-walong taong
gulang hanggang labindalawang taong-gulang.

Ang mga pangkalahatang layunin ng pag-aaral na ito ay:

1. Mahikayat ang mga kabataang gumawa ng mga bagay na nakakabutisa kanila sa pag-aaral sa loob
man o labas ng paaralan.

2. Maging mapili sa lipunang papasukan dahil maaringmakaimpluwensiya ito sa mga kabataan na nag-
aaral. Maaring angmga impluwensya na ito ay masama o makakabuti.Ang mga tiyak na layunin ng pag-
aaral na ito ay:

A.Malimitahan ng mga mag-aaral ang ibang bagay sa pag-aaral satamang oras.

B.Mamulat ang kanilang (mga mag-aaral) mga mata sa mga maaaringmasamang maidulot ng mga bagay,
kaibigan, lipunan, at marami pang-iba sa kanilang pag-aaral.

Paglalahad ng Suliranin

Ang layunin ng pananaliksik na ito ay upang tiyakin at tugunan ang kanilang pangangailangan. Ang
pananaliksik na itoo ay higit na makatutulong sa mga mag-aaral na may mga kahirapan sa kanilang
pagsusulit. Makatutulong din ito sa mga guro upang lalong mapabuti ang kanilang stratehiya sa
pagtuturo. Layunin din nitong mabigyan ng tiyak na kasagutan at ang mga sumusunod.

1. Ano ang pagkakakilanlan ng respondante.

a.Edad

b.Kasarian

c.Katayuan sa buhay

d.Kurso

2. Ano ang mga kadahilanan sa pagkuha ng kursong napili?

3. Anong kadahilanan sa pagpili o pag-aaral sa Panpacific University North Philippines?

4. Ano-anong asignatura nagkakaroon ng kahirapan sa pagsusulit?

5. Anong kadahilanan nahihirapan sa pagsusulit?

Isa sa mga posibleng maging kahalagahan nito ay ang mahikayat ang mga estudyante na mag-aral ng
mabuti. Mahalagang malaman din nila ang ilang mga kasagutan nila katulad ng:

Ano nga ba ang pag-aaral?

Ano ang kahalagahan ng pag-aaral?

Paano ko masisimulan muli ang mabuting pag-aaral?

Paano ko maipapasa ang aking pagsusulit?

Anu-anong mga bagay ang nararapat kong gawin para hindi na bumagsak ang pagsusulit ko?

Ilan lamang yan sa mga posibleng masagot ng pananaliksik na ito. Ang isa pang posibleng kahalagahan
ng pananaliksik na ito ay ang mahubog ang mga mag-aaral na panatilihing maging maayos ang kanilang
pag-aaral.Paano natututo ang mga mag-aaral? Ang kasagutan dito ang titiyak kung paano dapat ihanda
ang kaligiran para sa pagtuturo at pagkatuto at ito rin ang magtatakda kung anong uri ng mga gawain
ang dapat na ilaan sa mga mag-aaral. Marami nang mga pagpapaliwanag ang ating nabasa hinggil sa
kung paano natututo ng husto ang isang mag-aaral. Ngunit halos magkakaiba at minsan ay
nagsasalungatan pa ang mga ito sa isa‘t isa. Isang kampo ang naniniwala na ang pagkatuto raw mula sa
pagsusulit ay isang likas na kakayahan; may naniniwala naman na ang pagkatuto sa isang pagsusulit ay
bunga ng pagsisiskap.

Teoritikal/Konseptwal na Sandigan

Ang konseptwal framework ng pag-aaral na ito ay nagpapamalas sa pagitan ng kasarinlan at pagbabago


o pagiba-iba tungo sa pag-aaral.
Ang pananaliksik na ito ay kakikitaan sa pagiba-iba ng pagkatao at pansariling mga tugon ng
respondante, kasarian, talumpati ng mga tumugon, mga kadahilanan sa pagkuha ng kanilang mga kurso,
kadahilanan sa pagpili o pag-aaral sa Panpacific University North Philippines at kadahilanan ng
pagpupursige sa pag-aaral.

Personal na Pagkakakilanlan

· Pangalan

· Edad

· Kurso

· Paaralan

· Kasarian

Mga Dahilan sa

Kahirapan sa

Pagsusulit

Tugon

Kahalagahan ng Pag-aaral

Naniniwala ang mga mananaliksik na mahalaga ang pag-aaral na ito samga mag-aaral upang magsilbing
gabay ang mga kinalalabasan ng pananaliksikna ito, at makapagbibigay ng mga kaalaman sa mga guro at
mag-aaral namauunawaan ang kahalagahan ng pagsusulit sa bawat asignatura, at para mapalawak ang
pag-unawasa bawat isa na ginagampanan ng pinakamahalagang papel ng wikang sa pagsusuit sa buhay
ng tao o isang mag-aaral. Makatutulong din ang maga ito sa mga guro at tagapamahalang isang
institusyon na maliwanagan ang isang kabatiran sa kahalagahan ng bawat uri ng pagsusulit. At
maipabatid ang isang paraan sa pagtuturo ng kaalaman atkaangkupan sa sarili at sa pagpapahalaga sa
kabutihan ng pag-uugali ng isangtao. Gayon din ang makapagbibigay sigla sa mga mag-aaral na
madagdaganang kanilang kaalaman at upang lalong maging mabisa at masanay sasa ibat-ibang
lanrangan sa estado sa buhay ngtao.

Ang pananaliksik na ito ay mahalaga at may malaking ambag para sa mga sumusunod: Una ay ang mga
estudyante, sila ang tuwirang benepisyaryo sa edukasyon, mga estudyanteng nais pang pagbutihin ang
kanilang pag-aaral. Pangalawa ay ang School Administrator, makakatulong sa pagpapabuti ng mga
panuto, sa pagpapatupad ng mga patakaran at pagbibigay ng gawi at iba pa. Pangatlo ay ang mga guro o
instraktor, ang pananaliksik na ito ay makatutulong sa mga guro lalo na sa pagtuturo at kanilang
stratehiya. Gayundin, sa pag-aaral na ito ay magsisilibing gabay upang mapabuti ang kakayahan sa
pagtuturo. Pang-apat ay ang mga magulang, isang pag-asa na ang pananaliksik na ito ay magsisilbing
gabay sa pagbubukas mata ng magulang para sa ana na lalo pang makapagbigay gabay at suporta ukol sa
pagiging responsible sa pag-aaral ng anak sa kanyang mga asignatura.

Saklaw at Limitasyon

Ang pag-aaral ng mga paniniwala at gawi ng mga mag-aaral aynakakatulong sa kaalaman ng paggamit ng
kaalaman sa pagsusulit. Ang pag-aaral ay siyang napakalaking tulong at ugnayan sa lahatng mamamayan
sa Pilipinas. Ang mga paniniwala at gawi natin aysiyang nagbibigay ng kaunlaran sa bansa, batay sa ating
kultura at kolektebongkaban ng karanasan ng mga tao sa ating kapaligiran, mahalaga rin sa
atingmamamayan na patnubayan at paunlarin ang ating naturang kaalaman sa paraang pagsusulit at
pagpapalawak nito.

Ang Pag-aaral na ito ay sumasaklaw lamang sa mga paniniwala at gawi ng mgamag-aaral sa iba’t-ibang
asignatura na nasa antas ng tertiary. May kabuuan na 50 na respondent, ang binigyan ng
mgatalatanungan at itoy ipinasagot sa mga mag-aaral sa iba’t-ibang seksyon (Panpacific University North
Philippines) ngnabanggit na paaralan sa pamamagitan ng sistematikong pamamaraan. Ang pag aaral na
ito ay higit na malaking tulong sa bawat mag aaral upang malutas ang kanilang kahirapang hinaharap
ukol sa mga pagsusulit na naisasagawa sa paaralan. Malalaman din nila ang iba’t-ibang paraan upang
malagpasan ang mga kahirapang ito. Nais din ng mga mananaliksik na malutas ang mga kahirapang ito
upang higit na makatulong sa mga mag-aaral at mga stratehiyang nararapat na gamitin ng guro para sa
mga mag-aaral.

Depinisyon ng mga Salitang Ginamit

Upang lalong maunawaan ang pananaliksik na ito narito ang mga salitang ginamit sa pag-aaral na
binibigyang kahulugan ayon sa konsepto ng pagkakagamit nito at ayon sa konsepto na pagkakagamit
nito sa pag-aaral.

Edad- Ito’y nagbibigay kahulugan sa taon ng mga sumagot o respondante na may hangganan ng taon
mula labing-walo hanggang dalawampung taong gulang.

Estudyante - Sila ang tuwirang benepisyaryo sa edukasyon, mga estudyanteng nais pang pagbutihin ang
kanilang pag-aaral.
Guro/Instraktor-Ang pananaliksik na ito ay makatutulong sa mga guro lalo na sa pagtuturo at kanilang
stratehiya. Gayundin, sa pag-aaral na ito ay magsisilibing gabay upang mapabuti ang kakayahan sa
pagtuturo.

Magulang-Isang pag-asa na ang pananaliksik na ito ay magsisilbing gabay sa pagbubukas mata ng


magulang para sa ana na lalo pang makapagbigay gabay at suporta ukol sa pagiging responsible sa pag-
aaral ng anak sa kanyang mga asignatura.

Pananaliksik -ng pananaliksik ay isang sistematikong paghahanap sa mga mahahalagang impormasyon


hinggil sa isang tiyak na paksa o suliranin.Ang ibig sabihin ng pananaliksik ay pagreresearch. Ito’y
karaniwang isinasagawa sa paaralan o sa pagdidiskubre ng mga bagay-bagay.

Pagkakakilanlan- Ito’y nagbibigay kahulugan sa isang indibidwal na katangian at impormasyon ng mga


respondante gaya ng kanilang edad, kasarian, katayuan sa buhay at tirahan.

Pagsusulit- Ito’y sumusukat sa kaalamn ng mag-aaral sa anyang pag-aaral sa eskwelahan.

Questionare- Ito’y nagbibigay kahulugan sa instrumentong ginamit upang mangalap ng mga


impormasyon mula sa respondante.

Respondante- Ito’y nagbibigay kahulugan sa mga (1st year college students) mga estudyante ng
Panpacific University North Philippines na may iba’t-ibang kurso.

School Administrator-Makakatulong sa pagpapabuti ng mga panuto, sa pagpapatupad ng mga patakaran


at pagbibigay ng gawi at iba pa.

Sa mga kabataan.

Ang pag-aaral na ito ang magiging tulong nila para malaman ang mga problema at sanhi ng mga
suliraninkahirapang hinaharap ng mag-aaral sa pagsusulit.Ito rin ay tutulong sa kanila upang kanilang
makuro na may malaking kinakaharap na problema ang ating kabataan tungkol sa Edukasyon.

Sa mga researcher

Ang kahalagahan ng pag-aaral na ito ay para makalikha pa siya ng mga impormasyon at makagawa ang
isang research na isang konklusyon na puwedeng niyang ipaalam sa ibang tao upang mas maging
laganap ang kaalaman ng mga tao tungkol sa pag-aaral na ito.

Sa komunidad.

Ang pag-aaral na ito ay tutulong sa mga mamamayan na maging bukas ang kanilang mga isip at
makagawa ng mga iba’t ibang kuro kuro para makatulong sa pagresulba sa kahirapang hinaharap ng mga
mag-aaral sa pagsusulit.

Kabanata II
Sa pag-aaral na ito, ang mga makabagong metodolohiya na patuloy na napahahalagahan ay nakalap at
nabigyang kasagutan kung aling metodoo pamamaraan ang marapat gamitin ng mga guro upang
makuha ang atensyon ng mga mag-aaral sa pagkatuto. Ang nasa ibaba ang binigyang basehan sa
paniniwala ng pag-aaral na sinaliksik ng mananaliksik upang maipabatid sa mga guro ang lumabas na
datos ng pangangalap ng kagamitan sa mga makabagong metodolohiya.

Mga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura

Ang kabanatang ito’y magprepresenta ng mga literature at pag-aaral mula sa kasalukuyan.


Tinutulungan nito ang mga mananaliksik sa pagbuo at pangangalap ng mga impormasyon ukol sa pag-
aaral.

Pinagsikapan ng mga mananaliksik na makapagbasa ng mga di-nailathalang tesis, aklat,


pahayagan, polyeto, magasin, at iba pang lathalain na may kaugnay sa pag-aaral. Nagsuri din at
nagsaliksik sa Aklatan ng Panpacific University North Philippines. Sa mga nabasa, napatunayang may
kaugnayan ang lahat ng mga datos na nakuha sa pag-aaral sa lokal at mga literature na galing maging sa
labas ng bansa ukol sa pagsusulit.

Mula sa International na Pag-aaral. Ayon kay Smith (1998:35) may katangian ang pagsasaulong puspusan
sa mga letra onumero sa pagsusulit. May relasyong dulot ito sa kasalukuyang pag-aaral sa dahilang ang
pagkakaroon ng dating karanasan ang makakatulong upang mapadali ang pagkatuto sa pagbasa at ito ay
binanggit sa kanyang pag-aaral.

Ayon pa rin sa pag-aaral ni Smith (1997:39) ang pagsusulit ay napapaunlad sa pamamagitan ng


pagtuuturo ng guro. Ang mga pag-aaral na ito ay may dalawang eksperimento.

Ang una, may dalawang mag-aaral edad labing walo na nagsagawa ng pagsusulit. Ang pagsususlit ay
ginawa ng guro, may isang nagbabasa ng malakas mula sa aklat ng isang minuto habang ang mag-aarala
ay nakikinig, pagkatapos ang mga mag-aaral ay pinababasa mula dalawang minuto hanggang tatlong
minuto habang ang guro ay nakikinig ng tahimik. Hinahayaan ng guro na pabasahin ang mga mag-aaral
ng malakas ng kanilang sarili lamang.Ang pangalawa, isang mag-aaral edad dalawampuna hindi
masyadong marunong magbasa. Ang eksperimentong ito ay mayroong sangkap.Ang batayan ay modelo
at “error correction”, magbalik-aral at follow-up. Ang batayan ng mga mag-aaral ay pinapabasa ng
malakas ng guro ang mga bata ng isang kwento, mga limang minuto, na mula sa aklat at hindi winawasto
ng guro.

Sa isinagawang pag-aaral ni Arabejo (2004:85) ang pagsusulit ay isang makabuluhang paraan ng


pagkilala, pagkuha ng ideya, at pagbibigay kahulugan sa mga simbolong nakalimbag at susing
magbubukas ng damdamin, kaalaman, at kaisipang nalikom ng tao. Ang pagsusulit ay may dalawang uri
ayon sa kanyang pagsasagawa nito: una, ang tahimik na pagsusulit na isisnasagawa sa pamamagitan ng
mga mata: at ikalawa, oral o pasalitang pagsusulit sa mga nakalimbag na titik at pagsasatinig nito upang
maihatid sa tagapakinig ang mensahe ng may akda.
Mula din naman sa National na Pag-aaral. Mula sa artikulong isinulat ni Gutierrez (1997:24),
maraming pagkakataon ng napatunayan na ang mabisang pagsusulit ay nagbubunga ng isang mabisang
interaksyon sa pagpapalitan ng kuro-kuro. Mula rin sa mabisang pagsusulit magkakaroon ng mabisang
paakaunawa sa mga aralin lalong higit sa pagkatuto sa pagsusulit mga mag-aaral. Sinang-ayunan ng mga
mananaliksik ang sinabi ni Gutierrez, dahil sa kung hindi magkakaroon ng mabisang pagsusulit ang mga
bmag-aaral ay hindi maganda ang magiging resulta ng paghahanda sa pagsusulit ng panimulang
pagbasa at wastong pagsasalita ng wika.

Sinabi ni Baguio (1995:433) na ang mabuting gawi sa pagsusulit ay dapat malinang sa simula pa
lamang ng pag-aaral. Ang wastong kilos ng mga mata sa nakalimbag na pahina ay malilinang kung ang
pagsusulit ay itinuturo upang makita ang mga ideya.

Maging ang mga salita ay makatutulong sa paglinang sa mabuting gawi sa pagsusulit lalo na sa
maaliwalas na kapaligiran, kaya’t dapat sikapin ng guro na ang silid-aralan ay tutugon sa ganitong
pangangailangan. Bukod sa mga pagwawaksi sa mga bagay na makatatawag ng atensyon mula sa aralin,
maglalagay siya ng mga aklat sa kanyang tinuturuan.

Ayon naman kay Santiago (2000:136) ang layunin sa pagtuturo mula pagsusulit sa un,ikalawa,ikatlo
at ikaapat na taon ay sumasaklaw sa paglinang ng mga kasanayan sa pagkilala at pag-unawa, sa ikatlo at
ika-apat na taon ay ang paglinang ng mabilisang kakayahan sa pagsususlit na may sapat na pagkaunawa;
sa ikalima at ika-anim ay ang paglinang ng palagiang kawilihan sa pagbasa sa lalong maunlad na antas ng
kanilang kakayahan. Ang mga kwentong napaplob sa mga babsahing aklat sa bawat taon ay dapat
maiugnay o maibagay sa antas ng paglilinang ng mga mag-aaral tungo sa ikatatamo ng mga layunin.

Marami ring mga pag-aaral ang naisagawa sa larangan ng pagsusulit at ang magagawa nito sa buhay
ng tao.

Isa na dito ay ang sinabi ni Aist at Mostow (2000:32) na nagpapaliwanag sa kabutihang makukuha sa
pamamagitan ng pagsusulit gaya ng pagkakaroon ng dagdag na kaalaman, mga ideya, mga mithiin, at
mga pangyayari sa nakaraan.

Sa pamamagitan ng pagsusulit, nararanasan ng bumabasa ang pagbabago sa kanyang kapaligiran,


mula sa pangalan, sa komunidad patungo sa ibang daigdig. Ganito rin ang tinutukoy ni Carver (1994:413)
nang sabihin niya na sa buhay ay dalawa ang magagawang layunin ng pagsusulit: una, nagiging daan ito
upang magkaroon ng malinis at maraming impormasyon, at pangalawa, upang matuwa at maligayahan
ang isang tao sa pamamagitan ng pagsusulit.

Mula naman sa Lokal na Pag-aaral. Sa ginawang pag-aaral ni Piscasio (1995:21) ang mga pagsasanay
sa paglinang ng mga ksanayan sa pagsusulit sa Filipino at iba pang mga Asignatura, kanyang natuklasan
na ang kakayahan sa isang bagay ay hindi natatamo sa isang paraan lamang. Nangangailangan ito ng
iba’t ibang pagsasanay upang ang kinakailangang kakayahan ay matamo ng mga mag-aaral.
Sa ginawang pag-aaral na ito na malaki nga ang tulong ng maagang kasanayan sa pagsusulit subalit sa
kasalukuyan nangangailangan pa rin ng mga makabagong teknik ukol dito na kailangang sundin at
pagbatayan.

Malaki nga ang nagagawang kabutihan ng kawilihan ng pagsusulit ng isang tao. Kaya,
napakahalagang malaman ng isang guro sa pagsusulit ang mga paraan upang maituro niya ng mabisa
ang mga aralin.

Katulad ng mga pag-aaral na isinagawa ni Carver (1994), sa pasalitang pagsusulit ang pagsususring ito
ay tumutukoy din sa iilang kamalian ng mga mag-aaral sa nasabing linya. Sa pagsusuri na isinagawa ni
Santiago tinukoy niya ang mga layunin ng pagsusulit at ang mga kinakailangang sangkap upang matamo
ang isang maayos na pagsusulit na siya ring mithiin ng pagsusuring ito.

Sa kabilang banda, di tulad ng pag-aaral na isinagawa ni Baguio (1995), hindi binabanggit sa pag-
aaral na ito ang kaugnayan ng kapaligiran sa pagsusulit na pasalita ng mga mag-aaral.

Naranasan niyo na ba na mahirapan sa pag-aaral at pagsusulitl ng isang leksyon dahil hindi kayo nagtala,
wala kayong libro, o kaya naman ay kinulang sa oras? Marahil ay oo ang sagot ninyo dahil lahat ng mag-
aaral ay siguradong makakaranas ng mga problema sa kanilang pag-aaral. Ang bawat estudyante sa
kolehiyo ay may iba’t ibang gawi sa pag-aaral. May iba na mas komportable sa pagtatala sa klase, at ang
iba naman ay mas komportable sa simpleng pakikinig lang sa propesor. May mga estudyante na mas
gusto ang mag-isang nag-aaral at ang iba naman ay gusto ng kolaborasyon. May iba’t ibang bagay na
nakakaapekto sa pag-aaral ng estudyante tulad ng oras, kaibigan, libangan at iba pa. Ang mga ibang
mag-aaral ay nahihirapan sa lugar na maingay dahil hindi sila makapagbigay ng atensyon sa kanilang
ginagawa kaya isa sa mga paraan ng mga mag-aaral ay ang pagpili o pag punta sa mas tahimik na lugar
gaya ng silid aklatan upang sila ay makapag-aral ng mas mabuti. Ang mga gawi sa pag-aaral ng mga
estudyante sa kolehiyo ay maaring makatulong o makasama sa kanilang pag-aaral kung kaya’t dapat ay
bigyang pansin ito (Mcwhorter, 1983).

Ang mga estudyante sa kolehiyo ay may kadalasang ginagawa sa pag-aaral na sa tingin nila ay
nakakatulong sa kanila. Ang isa dito ay ang pagtatala. Ang maayos at organisadong lecture notes ay
lubos na makatutulong sa iyo upang maipasa ang iyong kurso. Limitahan ang iyong mga notes sa mga
mahahalagang bagay lamang. Dapat ito ay konkreto at payak. Dapat ito ay nakaayos batay sa
pangunahing mga ideya at mga kaugnay na impormasyon. Ang mga katangian ng mabisang pagtatala ay
malinis, organisado, tiyak at payak, hindi ubos oras, at may kabuluhan. Sa pagsulat nito, higit na mainam
na gumamit ka ng bolpen kaysa lapis. Mahalaga rin ang double space o triple space upang maintindihan
ang iyong sinusulat. Ang sobrang espasyo ay makatutulong kung may mga dagdag impormasyon ka na
nais isingit sa pagitan ng mga pangungusap o ideya (Norman, 1976).

Bago pa muna mapunta sa pagtatala ng leksyon, ay kinakailangan malaman at maintindihan muna ang
istilo ng pagtuturo ng propesor. Importanteng malaman ang grading system o ang balangkas ng grade at
alituntunin ng mga propesor. Kailangan ng matinding atensyon at dapat ay sensitibo rin sa mga di-berbal
na komunikasyon ng mga propesor, tulad ng eye contact,pagbaba ng tono, binabagalan ang pagsalita,
pagkumpas ng kamayupang maipakitang mabuti ang punto, nagsusulat sa pisara o gumagamit ng
projector,at nagpapamigay ng handouts (Matte, 1995). Ang pagsusulat ng lahat ng takda ay
nakatutulong upang hindi mo makalimutan ang mga dapat mong gawin para sa susunod na araw. Ang
mga takdang aralin ay maaari mong ilagay sa isang planner or kahit sa isang simpleng kwaderno. Hindi
naman masyado mahalaga kung saan mo ito isusulat. Ang mahalaga ay maitala mo ang dapat mong
gawin at ang petsa kung kalian ito kailangan. (Fleming, 2009)

May mga bagay na nakakaapekto sa pag-aaral, ito ay ang edad, kasarian, kurso, at taon sa kolehiyo. Ang
edad ay nakakaapekto dahil sa pag-iisip ng isang estudyante. May mga estudyante na hilig ang paglalaro
na maaring makaapekto sa kanyang pag-aaral. Ang kasarian ay nakakaapekto dahil ayon sa mga naunang
pag-aaral mas masipag mag-aral ang mga babae kumpara sa mga lalaki dahil sa mga libangan tulad ng
paglalaro sa kompyuter at paglalaro ng sports. Ang kurso ay nakakaapekto dahil sa mga sabjek na pinag-
aaralan. Pwedeng hatiin ang kategorya ng kurso sa dalawa bilang kursong may kinalaman sa Sining at
kursong may kinalaman sa Siyensiya. Ang taon sa kolehiyo ay nakakaapekto din dahil sa pagtaas ng
kahirapan ng mga sabjek sa kolehiyo. Siguraduhin na ikaw ay nakakakuha ng sapat na tulog, pahinga, at
maging sa pisikal na pangangatawan.

Ayon pa sa aming mga nakalap na datos at iba pa. Ang isang dahilan kung bakit nagiging mababa
nahihirapan ang mga mag-aaral sa pagsusulit. Sa ngayon, halos karamihan sa mga mag-aaral ang may
kinahaharap nan ganitong sukiranin sa pagsusulit. Milyong mga estudyante mula elementary hanggang
high school hanggang sa tersarya ang may kinakaharap na ganito.

Ang pagbabahagi ng kaalaman sa pagitan ng guro at mga mag-aaral. Ayon sa aklat na Facilitating
Learning, ang mahusay na guro ay may kakayahang gawing interaktibo ang kanyang klase. Ibig sabihin,
ang mga mag-aaral ay mayroong pagkakataon na makipagpalitan ng ideya sa guro at kapwa mag-aaral.
Ayon sa pag-aaral, lumalabas na ang talakayan ay nakapagbibigay ng makabuluhang pagkatuto at
makabagong karanasan sa guro at sa mga-aaral.

Sa pag-aaral na ito upang ihanda ang mga mag-aaral sa pagsasalita, pagbabahagi ng kaalaman, mahusay
na pag-aanalisa attagapakinig na kung saan ang epktibong komunikasyon ay mabigyang-pansin ang
kanilang magagamit sa pang-araw-araw na pamumuhay.

Kabanata III

Sa bahaging ito nakapaloob ang mahahalagang impormasyon patungkol sa pagkakabuo at pagkakagawa


ng plano sa pananaliksik. Maging ang deskripsyon ng bawat disenyo ng pananaliksik, populasyon o
sampling na pamamaraan, instrumento at istatistiko ay nailahad din sa aabahaging ito.
Disenyo at Paraan ng Pananaliksik

Naghanda muna ang mga mananaliksik ng mga talatanungan at pinasagutan sa mga respondente.
Pagkatapos ay pinag-isa ang mga magkakaparehong sagot. Kinuha ang bahagdan o porsyento ng mga
magkakaparehong sagot ng mga respondente sa bawat tanong sa talatanungan. Masusing pinag-aralan
at ginawan ng pagbubuod at konklusyon ang mga sagot ng mga respondente. Sa paraang ito ay nakuha
ang pananaw ng mga respondente ukol sa kahirapang kinakaharap ng mga mag-aaral sa pagsusulit. Ang
pag-aaral o pananaliksik na ito ay gumagamit ng deskriptibong metodolohiya ng pananaliksik. Napili ng
mga mananaliksik na gamitin ang Survey Research Design, na gumagamit ng talatanungan (survey
questionare) para makakuha ng mga datos. Naniniwala ang mga mananaliksik na ito ang angkop upang
lalong mapadali ang pag-aaral. Mapapadali ang pagkuha ng datos mula sa mga naging respondent o sa
mga sumagot ng sarbey na isinagawa.

Nagbigay ako ng sampung (50) tanong sa bawat tao para sa isinasagawang pananaliksik. Sa 15
talatanungan, hindi lahat ay umangkop sa aming pag-aaral. Ang talatanungan ay nagpokus sa pananaw
ng mag-aaral tungkol sa mga kahirapang hinaharap ng mga mag-aaral sa pagsusulit.

Isinagawa sa pamamagitan ng mga gabay na tanong ang pag-aaral na ito. Naghanda ng sarbey ang
mananaliksik na naglalayong din makangalap ng mga datos upang malaman ang presentasyon at
damdamin ng mga respondente sa pagkuha ng mga datos tungkol sa mga salik na naka-aapekto sa
pagsusulit ng mga mag-aaral at kung anu-anong mga suliranin ang maaring makaapekto sa kanila. Bukod
dito, ay nagsagawa din kami ng pangangalap ng impormasyon sa internet upang makakuha pa ng iba
pang mahahalagang karagdagang impormasyon ukol sa iba pang mga suliranin. Kasabay nito,
nakakakuha din ang mananaliksik ng mga impormasyon tungkol sa iba’t-ibang kalagayan ng mga mag-
aaral.

Ang pamanahong papel ay isa lamang paglalahad ng epekto kung bakit may kahirapang hinaharap sa
pagsusulit ang mga estudyante sa iba’t-ibang asignatura, kaya naman hindi ito nangangailangan ng mga
numerikal na datos sa paglalarawan. Nangangailangan lamang ang pamanahong papel ng wastong
pagsuri sa mga datos na nakuha mula sa sarbey na sinagutan ng mga respondente. Mula sa mga sagot
na nakuha sa mga respondent sa pananaliksik o sa ginawang pag-aaral at mula dito ay titignan ang mga
pagkakapareho at pagkakaiba ng mga sagot. Sa pamamagitan ng pagkukumpara ng mga datos at
impormasyon ay mabubuo ang konklusyon at maaring mga maging rekomendasyon.

Sa kabanatang ito napapaloob ang mga pamamamaraang ginamit ng mananaliksik upang makakuha ng
sapat na impormasyon na kinailangan upang maisakatuparan ang pag-aaral na ito. Nakapaloob din ang
mgahakbang na isinakatuparan ng mananaliksik at mga pamamaraang istadistikang ginamit.

Ang mga pamamaraang ginamit ng mananaliksik upang makatipon ngmga datos ay ang survey method.
Ang mananaliksik at nangalap ng mgadatos sa pamamagitan ng pagbibigay ng talatanungan na kung
saan ang mga mag-aaral na nasa kursong edukasyon ay pumili ng mga angkop na metodolohiya sa
pagtuturo ng Filipino.
Dahil ninais ng mga mananaliksik ang pananaw ng mga respondyante tanging ang questionnaire ang
ginamit na instrumento upang maisakatuparan ang pananaliksik.

Questionnaire. Ang pangunahing instrumento na ginamit sa sarbey ay ang questionnaire. Ito ay binubuo
ng dalawang bahagi. Ang unang bahagi ay patungkol sa persepsyon ng mga mag-aaral kung bakit may
mga kahirapang hinaharap sila sa pagsusulit.

Upang maging malinaw ang presentasyon ng mga datos na nakalap, ibinagay ang istatistikal na
pamamaraan na naaayon dito. Istatistiks sa Unang Problema. Sa pag-analisa sa uang problema ay
giamanit ang pagtally at percentage. Sa mga katanungan, hinihingi ng sarbey na makuha ang kasagutan
ng bawat respondante sa pormang OO o HINDI. Pinagtally ang lahat ng kasagutan ng mga mag-aaral at
nakuha ng mga mananaliksik ang kabuuang mga bilang ng sumagut ng OO at HINDI. Pagkatapos nito ay
kinuha rin ang porsyento ng mga

sumagot sa bawat opsyon upang mas mapadali ang pagtalakay ng resulta.

Istatistiks sa Ikalawang Problema. Sa ikalawang problema ay naging dominante ang paggamit ng median
o ang madalas na lumabas na aytem sa sarbey na isinagawa.

Istatistiks sa Ikatlong Problema. Ang pagtally at percentage din ang ginamit ng mga mananaliksik upang
alamin ang tiyak na bahagdan ng mga mag-aaral na may kahirapang hinaharap sa pagsusulit.

Ang napiling mga respondante sa pananaliksik ay ang mga mag-aaral sa Panpacific University north
Philippines. Sila ang napiling populasyon dahil ninais ng mga mananaliksik na makuha ang kanilang
saloobin sa kahirapang hinaharap sa pagsusulit.

Random sampling ang ginamit na pamamaraan sa pagkuha ng mga respondante. Nangangahulugan ito
na lahat ng mga mag-aaral sa unang taon ay mayroong pantay-pantay na pagkakataon upang sumagot
sa sarbey. Ang mga mag-aaral sa unang taon ay nahahati sa maraming seksyon. Ang bawat mag-aaral na
sumagot ay may kabuuan na 50 mag-aaral, 50 lamang ang random na napili upang maging respondyante
sa sarbey na katumbas na rin ng iba’t-ibang seksyon. Dalawamput siyam rito ay babae at dalawamput isa
rin ang lalake.

Sa kabanatang ito makikita ang maraming paraan na isinagawa ng mga mananaliksik at sa tulong na rin
ng mga respondante na sumagot ng sarbey upang mapunan ang pananaliksik na isinasagawa ng mga
mananaliksik.

Ninanais na maresulba ng mananaliksik ang kahirapang hinaharap ng mga mag-aaral sa pagsusulit


upang matulungan sila at ang mga stratehiyang dapat isagawa ng mga guro sa pagtuturo.

Kabanata IV
Legend:

1: Kompyuter - 20%2: Cellphone- 20%3: Makabagong Teknolohiya- 10%4: Mga Kaibigan- 30%5:
Telebisyon- 10%6: Pag-ibig- 5%7: Problema sa pamilya- 5%

Sa limampu(50) na estudyanteng binigyan ng sarbey, halos lahat silaay nagsasabing kompyuter ang
madalas umagaw ng kanilang atensyon. Sadami ng mga computer addict at parami ng parami ang mga
nagigingcomputer games ‘di nakapagtatakang Kompyuter ang unang bagay naumaagaw sa atensyon ng
estudyante.

Mga dahilan kung bakit nahihirapan sa pag-aaral angilang estudyante

1. katamaran sa pag-aaral

maraming bagay na kumukuha ng atensyon nila3. hindi naiintindihan ang tinuturo ng mga guro4. (sa
kolehiyo) hindi nagtuturo ang ilang propesor5. may mga problema silang kinakaharap6. hindi kayang
balansihen ang kanilang oras<

Ayon sa talaan na nasa itaas, makikita dito na ang nauunang dahilanng mga estudyante ay ang
katamaran. Mas nagiging tamad dang ilangestudyante ngayon kaysa noon. Hindi maaring maging
dahilan angkatamaran sa pag-aaral.

Ilan pang mga katanungang nakapaloob sa sarbey

Tanong
Kabanata V

Buod, Konklusyon at Rekomendasyon

Ang maipapayo ng mananaliksik sa mga susunod na mananaliksik ay lakihan ang Limitasyon ng pag-aaral
na hindi lamang sa sariling eskwelahan, pati na rin sa iba pang mga unibersidad upang mas maging
komprehensibo ang pag-aaral. Maging mas masinop din sa mga impormasyon sa pamamagitan ng
paggamit ng mga “reference” kung saan gaganapin ang pagaaral.

Kinakailangan din na may kakilala ang mananaliksik na nagtatrabaho sa mga opisina ng mga eskwelahan,
partikular na sa “Dean’s Office” kung saan napakaraming impormasyon ang makakalap.

At maging magalang din sa lahat ng mga tutulong sa mananaliksik o kung sino mang makakasalamuhang
mga tao dahil sila ay makakatulong ng malaki sa pag-aaral o sa pananaliksik.

Ang napakahalagang implikasyon ng pagkakaroon ng “incomplete” na marka ng mga estudyante ay ang


pagiging pabaya nila sa mga kursong “incomplete” sila. Sapagkat kung talagang pinahahalagahan nila
ang kursong ito, hindi nila ito babaliwalain bagkus, tutuunan pa nila ito ng pansin.

Nakita sa resulta ng survey na halos “minor subjects” ang may incomplete ang mga estudyante. Hindi
sapat na dahilan ito upang huwag nang buhusan ng panahon ang mga kursong ito sapagkat parte pa rin
sila sa humuhobog, hindi lamang sa utak o pag-iisip ng maga estudyante, kung hindi pati na rin sa
kanilang mga personalidad. Maaring hindi pa nakikitaan ng mga estudyante ang halaga ng mga kurong
ito ngayon, pero lahat ng pinag-aaralan o kurso na kinukuha ng mga estudyanate ngayon ay may
malaking tulong sa buhay na haharapin ng mga estudyante sa labas ng apat na kanto ng eskwelahan at
sa pagharap sa totoong buhay na naghihintay sa kanila.

Kailangan ay alam ng mga estudyante kung paano gugugulin ng wasto ang kanilang oras upang
maiwasan ang pagkakaroon ng “incomplete” na marka. Inihahalintulad ng mananaliksik ang oras sa
pera, na napakahalaga at konti lamang sa bilang. Kung gugugulin lamang ang oras sa walang saysay na
mga gawain ay masasayang lamang ang panahon na sana ay nagamit sa paggawa ng mas importanteng
mga bagay tulad ng mga takdang aralin, proyekto, o pag-aaral para sa mga pagsusulit.

Napakalaking abala ang pagkumpleto ng requirement sa isang “incomplete” na marka, hindi lamang sa
parte ng estudyante, kundi sa propesor narin.

Ang lahat ng ito ay nag-uugat lamang sa isang sanhi, at ito ay ang pag-aaral ng mabuti. Sa pamamagitan
ng pag-aaral ng mabuti, walang makakaligtaang proyekto o takdang aralin sapagkat alam ng
estudyanteng masipag mag-aral ang kanyang mga prioridad, mga dapat at hindi dapat gawin, at ang mga
mahahalagang bagay na dapat pagtuunan ng pansin.

Mahalaga na sa kahit anumang edad ay patuloy pa rin ang ating pag-aaral ng iba't ibang bagay na
makakatulong para lumago at umunlad ang ating kabuhayan. Ito ay hindi lamang sa mga bagay na may
kinalaman sa trabaho - kundi maging sa kalagayan ng pagsasama ng mga miyembro ng pamilya o kaya'y
sa pagpapatakbo ng buhay, aspetong sosyal, pangkultura, pampolitika o kaya'y pangkabuhayan o
pinansyal.

Ang mananaliksik ay napag-alamang nasa mga metodolohiyang ginagamit ng bawat guro ang interes ng
mga mag-aaral upang mag-aral at magkaroon ng makabuluhang pagkatuto. Ang mananaliksik ay
nagbibigay lamang ng mga datos kung paanong ang mga mag-aaral na may kahirapang hinaharap sa
pagsusulit, sa mga magulang at sa mag-aaral na makipagtulungan sa mas higit naikauunlad ng pagtuturo
at maitaas ang kalidad ng pagkatuto hanggang sasusunod pang henerasyon. Ang metodolohiyang
lumabas sa pag-aaral ay dapat na malinang sa mga tagapagturo ng kaalaman upang ito ay
mapakinabangan sa pamumuhay ng mga nagnanais na magtagumpay.

Ang pananaliksik na ito ay isang pag-aaral sa mga problemang pang-edukasyon ng mga mag-aaral, kung
anu-ano ang mga dahilan kung bakit nagkakaroon nito at mga epekto kung ito’y nakakabuti o
nakakaganda sa isang mag-aaral. Para sa pananaliksik na ito ako’y gumamit ng mga tanong na
magbibigay at maglalahad ng mga kanya-kanyang propisisyon at kuro-kurona nanggaling sa aming
nasarbey.

Nirerekumenda ng mananaliksik ng pag-aaral na ito na magkaroon ng isang mas epektibong pag-aaral pa


sa mga problemang pang-edukasyon upang mas mapalawak pa ang mga kaalaman at isipan ng mga
mag-aaral tungkol na rin sa mga kahirapang hinaharap ng mga mag-aaral sa pagsusulit. Sa pananaliksik
na ito malalaman ang mga kasagutan at dapat malaman ng mga mag-aaral sa kahirapang kanilang
kinahaharap.

Kimberly Marie Padilla sa 8:52 PM


Ibahagi

17 komento:

JoseEnero 18, 2016 nang 12:21 PM

Hello po! Pwede po bang matanong kung pwede ko itong gamitin bilang Referensya sa FILI12? at kung
oo, ano po ang pinaka-pamagat ng inyong pah-aaral> Salamat.

Tumugon

Jairizon TalaveraAbril 12, 2016 nang 1:23 AM

Hi po. Gagamitin ko po sana itong thesis mo for reference/Citation para sa Filipino 2. Internet source po
kasi kailangan. Thank you. :)

Tumugon

janet aguilarAgosto 12, 2016 nang 2:41 AM

Hi po pwedeng gamitin ko po para sa tesis namen sa filipino...maraming salamat ate��

Tumugon

UnknownSetyembre 17, 2016 nang 8:45 PM

Naalis ng may-ari ang komentong ito.

Tumugon

agapeSetyembre 17, 2016 nang 8:48 PM


thanks

Tumugon

Wina Mariz Dizon DacaraOktubre 11, 2016 nang 5:15 AM

Good eve po. Pwede ko po ba icopy at gagamitin pong basis sa ginagawa ko pong research. Thanks po .
More power and Godbless po.

Tumugon

Ronald RamosNobyembre 16, 2016 nang 10:01 PM

Magandang hapon po, pwede po kayang malaman ang title ng thesis na yan? salamat po. gamitin ko
lang sanang reference. thanks po. kung ok lang po sa inyo, send nyo na lang po yung title sa email ko...
maylenecedeno@gmail.com

Tumugon

Dyan Harley BandalPebrero 27, 2017 nang 11:18 PM

pwede po bang gawing reference ito para sa thesis po namin sa FILIPINO, gagawin ko lang naman pong
basis kung pwede po maraming salamat po ng marami.

Tumugon

chito bernaldezMarso 3, 2017 nang 7:09 AM

Maaari po bang malaman kung ano ang pamagat ng thesis na ito? at magamit bilang reference sa aming
thesis maraming salamat po :)
Tumugon

Mga Tugon

chito bernaldezMarso 3, 2017 nang 7:10 AM

Sana po ay makapagreply kayo ng mas maaga. kasi po kailangan na maraming salamat

Tumugon

Pobe VirtudazoAbril 29, 2017 nang 1:27 AM

Hi po, pwedi po bang gamitin ang ginawa niyong thesis , need ko na po eh 😪 Thank u po sana mabasa
niyo to 😓😞😣

Tumugon

Jenn SalinasHulyo 21, 2017 nang 11:59 PM

pwede po bang gamitin tong reperensya para sa thesis namin maraming salamat po

Tumugon

UnknownOktubre 1, 2017 nang 4:18 AM

Pwede po ba naming itong gawing reference? Kailangan lang po namin ng basis para sa research namin.
Thank you po😐

Tumugon

Rolando Thirdy Daiz CruzOktubre 1, 2017 nang 4:18 AM


Pwede po ba naming itong gawing reference? Kailangan lang po namin ng basis para sa research namin.
Thank you po😐

Tumugon

UnknownMarso 20, 2018 nang 3:41 AM

author gagamitin po namin itong thesis niyo as reference/ citation sa Pagbasa subject namin.

Tumugon

BENCH PARSUMALAAgosto 26, 2018 nang 11:44 PM

pwede bang gamitin ito bilang reference? ano po pamagat nito? at ano po complete name ng
reseacher?

Tumugon

UnknownOktubre 11, 2018 nang 4:48 AM

Pwede po bang gamitin to para sa among related letirature? Marami pong salamat..

Tumugon

Home

Tingnan ang bersyon ng web

Tungkol sa Akin
Aking larawan

Kimberly Marie Padilla

Tingnan ang aking kumpletong profile

Pinapagana ng Blogger.

You might also like