You are on page 1of 5

Republika ng Pilipinas

ISABELA STATE UNIVERSITY


Rang-ayan, Roxas, Isabela

COLLEGE OF EDUCATION
Preliminaryong Pagsusulit
SED FIL 313 INTRODUKSYON SA PANANALIKSIK – WIKA AT PANITIKAN

Pangalan: Normel B. Carsola Kurso/Taon/Seksyon: BSE-III FILIPINO Puntos_________


I. Pagbuo. Bahagi ng transisyon na ating nararanasan ang tinatawag na “stress” bunga ng adjustment
sa mga bagay-bagay na makasasanayan natin paglipas ng mga araw. Sumulat ng dalawang saknong
na tula na may sukat at tugma sa kung paano mo pinagtatagumpayan ang iyong pag-aaral lao sa
pagkamit ng bisyon at misyon ng pamantasan maging ang tunguhin at layunin ng kolehiyo. (9
puntos)

Krayterya
Sukat at Tugma 2 puntos
Nilalaman 5 puntos
Kasiningan 2 puntos
Kabuuan 9 puntos

Pagbabago
Ni: Normel B. Carsola
Bawat mag-aaral sa panahong ito,
Sa pagbabago ay nalilito,
Pero edukasyon ang nagpapabago,
Sa mga mag-aaral na sumusuko.

Misyon ng paaralan ay pagyamanin,


At ang bisyon ay atin namang lasapin,
Nang makamit natin ang layunin natin,
ISU ay patuloy na tingalain.

II. Pagbuo. Ilahad at/o ibigay ang hinihingi sa bawat bilang.

1. Pamagat: KAUGNAYAN NG ESPISIPIKONG FILIPINO AT DISTANSYA SA


KOMUNIKASYON

a. Magbigay ng tatlong suliraning mabubuo mula sa pamagat ng pananaliksik at


ipaliwanag ng dalawa hanggang apat na pangungusap kung bakit ito ang iyong mga
suliranin. (limang puntos bawat suliranin)

1. Ano ang kaugnayan ng Espisipikong Filipino at Distansya sa Komunikasyon?


2. Ano ang kahalagahan ng Espisipikong Filipino at Distansya sa Komunikasyon?
3. Ano ang epekto ng Espisipikong Filipino at Distansya sa Komunikasyon?

Ito ang mga nabuong mga suliranin na gusto kong malaman ang kasagutan dahil
ito ang mga magpapadali sa pag-unawa ko sa paksa. Nais kong maliwanagan kung
ano nga ba ang kahalagahan nito at kung ano ang magiging epekto nito.

ISUR-CEd-TeQ-059
Effectivity: March 20, 2019
Revision: 1
b. Ipaliwanag ang pigura 1. (10 puntos)

w
s
a
o y
c s
o
i IBANG TAO DI-TUWIRAN f
a (others) (indirect) c
l o
d DI-IBANG TUWIRAN m
m
i TAO (direct) u
s (acquaintance) n
i
t
c
a a
n t
i
c
n
e g

Para sa akin, ang pagkakaintindi ko sa pigurang ito ay ang kung paano gumamit
ng pormal at di-pormal na komunikasyon. Ang pagkakaintindi ko ay ginagamit
ang pormal na komunikasyon kapag ang taong kausap mo ay kilala mo at ginagamit
naman ang di-pormal na komunikasyon kapag hindi mo kilala ang taong kausap mo.

c. Tukuyin ang maaaring uri ng pananaliksik na magagamit sa bahaging ito at


ipaliwanag ng dalawa hanggang apat na pangungusap kung bakit ito ang uri nito. (10
puntos)

Panimulang Pananaliksik- Sa pagsasagawa ng isang pananaliksik


kinakailangan din na gumamit ng angkop na uri ng pananaliksik. Naisip kong
gumamit ng Panimulang Pananaliksik dahil para sa akin ay epektibo ang
pagsasagawa ng sarbey para masagutan kung ano ang mga katanungan sa
pananaliksik na ito.

d. Tukuyin ang saklaw ng pananaliksik na ito. (10 puntos)

Ang pananaliksik na ito ay mayroong maraming mga katanungan na


kailangang masagutan. Kaya ang pag-aaral na ito ay iikot sa kung ano ang kaugnayan
ng Espisipikong Filipino at Distansya ng Komunikasyon at kung ano ang
kahalagahan at epekto nito.

ISUR-CEd-TeQ-059
Effectivity: March 20, 2019
Revision: 1
III. Pasulat. Gawin ang mga panuto sa ibaba.

Maraming hamon ang ating nararanasan sa kasalukuyan bunga ng pandemiyang ating nararanasan.

1. Magbasa ng mga napapanahong artikulo hinggil sa wika at/o panitikan at itala ito kasama ng
sumulat at taon ng pagkakalimbag. (limang puntos)
Kapit sa Patalim, Liwanag sa Dilim: Ang Wika at Panitikang Filipino sa Kurikulum ng
Kolehiyo (1996-2014) ni David Michael M. San Juan

2. Mula sa artikulo, ay bumuo ng isang pamagat na ninanais mong pag-aralan. (10 puntos)
Epekto ng Pagtatanggal sa Asignaturang Filipino sa mga Guro sa Isabela State
University-Roxas Campus.

3. Mula sa iyong pamagat, sumulat ng tatlong suliranin. (5 puntos bawat isa)


1. Ano ang epekto ng pagtanggal sa Asignaturang Filipino sa mga Guro sa Filipino?
2. Ano ang kahalagahan ng Asignaturang Filipino sa bawat buhay ng mga Guro sa
Filipino?
3. Ano ang papel na ginagampanan ng Wikang Filipino sa buhay ng mga Guro sa
Filipino?

4. Bumuo ng paradima ng pananaliksik. (6 na puntos)

OUTPUT
INPUT PROCESS
Epekto ng
Mga Guro sa 1. Paggawa ng Pagtatanggal ng
Filipino sa Palatanungan Asignaturang
Isabela State (Questionnaire). Filipino sa Isabela
University-Roxas
2. Sarbey. State University-
Kampus.
Roxas Campus.

ISUR-CEd-TeQ-059
Effectivity: March 20, 2019
Revision: 1
5. Gumawa ng introduksyon hinggil sa iyong binuong pamagat. (10 puntos)
Ang Asignaturang Filipino ay napakahalaga sa buhay ng bawat mag-aaral at bawat guro.
Ito ang paraan para pag-aralan ang sariling wika, kultura at tradisyon bilang isang Pilipino. Hindi
maipagkakaila na marami pang tao ang hindi nakakaalam sa mga ito, kahit pa ito ay Pilipino. Sa
asignaturang ito ipinapakita sa mga tao kung paano mahalin ang Wikang Filipino at paano
pahalagahan ang mga ito. Sa asignaturang ito ay mas pinapalawak pa ang kaisipan at kaalaman ng
mga tao tungkol sa Wikang Filipino.
Ayon kay Palencia (2014), ang pagkakaroon ng sariling wika ay masasabing katumbas ng
pagkakaroon ng sariling mga paa dahil ito ang tumatayong instrumento upang tayo’y
magkaunawaan at magkaisa. Ito ang unang hakbang patungo sa kaunlaran. Ang wika ang
nagsisilbing tulay natin sa pakikipagsalamuha, sa pagkuha at pagbigay ng impormasyon, at sa
pagpapahayag ng saloobin. Ngunit ang Pambansang Wika ay higit pa roon- tila ito ang tulay na
ginagamit ng lahat ng tao sa bansa, na tanging sariling atin at hindi tayo kailanman magiging
dayuhan at maliligaw dito, hindi tulad ng mga wikang hiram lamang mula sa ibang bansa. Ayon
naman kay Leticia F. Dominguez “Ang mga aralin sa wika ay naglalayong luminang ng
kakayahang komunikatibo at ng kasanayang gumagamit ng Wikang Filipino sa iba’t ibang
sitwasyon sa pang araw-araw na buhay. Samakatuwid, ang binibigyan ng higit na diin ay ang gamit
ng Wika sa halip na ang istruktura nito na siyang kalakaran ng ilang nagdaang panahon. May mga
aralin ding nagpapakita ng angkop na anyo ng wika na gagamitin sa sitwasyon”.
Kapag tinanggal ang Asignaturang Filipino sa Kolehiyo marami ang maaaring epekto nito
lalo na sa mga mag-aaral at sa mga guro. Maaring maraming mga guro sa Filipino sa kolehiyo ang
mawawalan ng trabaho. Maaari rin na mawawalan ng saysay ang mga Panitikang Pilipino dahil
hindi na ito nabibigyan ng pansin at hindi na ito pinag-aaralan. Iilan pa lang ang mga ito sa mga
posibleng maging epekto kapag tinanggal ang Asignaturang Filipino sa Kolehiyo.
Ang layunin ng pag-aaral na ito ay dapat mahalin at yakapin ang Wikang Filipino. Kapag
tinanggal ang Asignaturang Filipino hindi magiging malawak ang kaalaman ng mga susunod na
henerasyon dahil hindi na nila ito mapag-aaralan. Kaya marapat lamang na hindi tanggalin ang
Asignaturang Filipino sa Kolehiyo para lumawak pa ang kaalaman ng mga mag-aaral sa wikang
Filipino.

ISUR-CEd-TeQ-059
Effectivity: March 20, 2019
Revision: 1
ISUR-CEd-TeQ-059
Effectivity: March 20, 2019
Revision: 1

You might also like