You are on page 1of 15

 

 
Yunit 2: Malikhaing Pagsulat 
Aralin 2: Layunin sa Paglinang ng Kasanayan 
sa Malikhaing Pagsulat 
 
Nilalaman 
Pansinin 1 
Panimula 1 
Mga Layunin 2 

Tuklasin 2 

Alamin 4 
Malikhaing Pagsulat 4 
Layunin sa Paglinang ng Kasanayan sa Malikhaing Pagsulat 6 

Palawakin 8 
Gawain 1 8 
Gawain 2 9 

Suriin 10 

Paglalahat 13 

Bibliograpiya 14 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

 
 
Yunit 2.2: Layunin sa Paglinang ng Kasanayan sa Malikhaing Pagsulat  
 
 

Pansinin   
 

  Panimula 

Lar. 1. Mga mag-aaral na nagsusulat habang ginagamit ang kanilang imahinasyon. 


 
Napaiisip ka rin ba kung paano nabubuo ang mga paborito mong malikhaing sulatin o kaya 
ay mga akdang inyong binabasa sa klase sa panitikan? Karamihan sa mga sulating ito ay 
may iba’t ibang ​genre​ at paksang tinatalakay na nagbibigay sa atin ng iba’t ibang ideya, 
pananaw, at emosyon o damdamin. Ang malikhaing pagsulat ay isang kasanayang 
maaaring malinang sa pamamagitan ng iba’t ibang pamamaraan. Sa pagtukoy sa layunin ng 
paglinang sa kasanayan sa malikhaing pagsulat ay matutuklasan natin ang pagsulat ay hindi 
lamang naghahatid ng impormasyon ngunit may layunin ding maglaro sa ating isipan at 
paganahin ang ating imahinasyon.  
 
 
 

 
  1 
 
 
Yunit 2.2: Layunin sa Paglinang ng Kasanayan sa Malikhaing Pagsulat  
 
 

  Mga Layunin 
Pagkatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang 
● natutukoy ang mga batayang hakbangin sa pagsulat; 
● natutukoy ang pagkakaiba ng akademikong pagsulat at malikhaing pagsulat; at 
● naipaliliwanag ang kahalagahan ng paglinang sa kasanayan ng malikhaing pagsulat.  
 
Kasanayang Pampagkatuto ng DepEd 
naipaliliwanag kung bakit kailangan ding linangin ang kasanayan sa pagsulat ng mga 
malikhaing sulatin ​(Dagdag Kaalaman sa Susuriin/Pagyayamanin) 
 

Tuklasin   
 

       5 minuto 
 
Katulong ang iyong kapareha para sa gawaing ito, ilista ayon sa pagkakasunod-sunod sa 
loob ng kahon ang mga hakbang na sa inyong palagay ay kinakailangang isagawa upang 
makapagsulat nang epektibo batay sa inyong mga naging karanasan sa pagsulat. Gawin ito 
sa loob ng limang minuto lamang. 
 

Hakbang sa Pagsulat  

1.  
2.  
3.  
4.  
5.  
6.  
 

 
  2 
 
 
Yunit 2.2: Layunin sa Paglinang ng Kasanayan sa Malikhaing Pagsulat  
 
 
Pagkatapos ng limang minuto, maghandang ibahagi sa klase ang mga inilistang hakbang sa 
pagsulat. Makatutulong ang mga hakbang na ibabahagi sa klase upang mabalik-aralan ang 
mahahalagang gawi sa pagsulat na maaaring ilapat sa malikhaing pagsulat. 
 
Mga Gabay na Tanong 
 
1. Bakit mahalagang maisagawa ang tinukoy ninyo na unang hakbang sa pagsulat?   

 
 
 
 
2. Bakit mabuting tapusin na ang pagsulat sa huling hakbang na inyong tinukoy?  

 
 
 
 
3. Mula  sa  mga  sagot  na  ibinahagi  ng  inyong  mga  kamag-aral  na  wala  sa  inyong  inilahad, 
aling mga hakbang ang mahalagang maisama sa inyong listahan? Ipaliwanag. 

 
 
 
 
4. Alin  naman  sa  mga  sagot  ng  inyong  kamag-aral  ang  sa  palagay  ninyo  ay hindi gaanong 
mahalaga sa proseso ng pagsulat? Ipaliwanag. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

 
  3 
 
 
Yunit 2.2: Layunin sa Paglinang ng Kasanayan sa Malikhaing Pagsulat  
 
 

Alamin   
 
Nakatutulong ang paglinang sa kasanayan sa malikhaing pagsulat upang masigurong 
nasusunod ang aspektong pambalarila at mekaniks ng pagsulat ng anumang akda at 
magkapagpahayag nang malaya at masining ang manunulat sa paraang nauunawaan pa rin 
ng mga mambabasa. Inaasahan din sa malikhaing pagsulat na maitatanghal ng manunulat 
hindi lamang ang kaniyang kakayahang maipahayag ang kaniyang ideya ngunit magawa ring 
epektibong makapag-iwan ng kakintalan sa mga mambabasa kasabay ng pagpapaunlad ng 
kanilang kritikal na pag-iisip sa pag-unawa sa kanilang mga binabasang sulatin.  
 
Malikhaing Pagsulat 
Ang m
​ alikhaing pagsulat​ ay isang kasanayan sa pagsulat na gumagamit ng imahinasyon 
ng manunulat. Kaiba ito sa pang-akademikong pagsulat na may tiyak na pormat na 
sinusunod. Higit na nagbibigay-laya ang malikhaing pagsulat para makapagsalaysay ang 
manunulat nang may higit na sensibilidad kaugnay sa mga karanasan o bagay na nakita, 
narinig, naamoy, naramdaman, at naranasan niya na may layuning maiugnay sa mga 
mambabasa ng kaniyang akda. 
 

Mayroon bang tama o maling interpretasyon sa 


  malikhaing pagsulat? 
 
 
Maraming estilo ang maaaring magamit sa malikhaing pagsulat ayon sa ​genre​ ng akdang 
susulatin. Ngunit sa pangkalahatan, ang mga sulating nasa ganitong uri ay gumagamit ng 
mataas na sining sa pagpapahayag na maaaring maisagawa sa pamamagitan ng paggamit 
ng mga talinghaga, tugma, tayutay, idyoma, at iba pa. Ginagamit ang mga ito sa layuning 
makadagdag sa kariktan ng sulatin. Nararapat ding kilala ng manunulat ang kaniyang mga 
magiging mambabasa nang sa gayon ay maiaangkop niya ang mga salitang gagamitin. Ang 
kaalaman din ng manunulat sa paggamit ng masining na pagpapahayag ay makatutulong 
upang magsuri ang mga mambabasa at magkaroon ng higit na lalim ang akda. 
 
 
  4 
 
 
Yunit 2.2: Layunin sa Paglinang ng Kasanayan sa Malikhaing Pagsulat  
 
 
Ayon sa isang w
​ ebsite n
​ a ​Daily Writing Tips, a
​ ng malikhaing pagsulat ay anumang sulating 
may layuning makapagpahayag ng ideya at saloobin ng manunulat sa imahinatibo o 
mahiraya, kakaiba, at matulaing pamamararan.  
 
Isang sining ang malikhaing pagsulat sapagkat nagagawang mapagsama ang mga konsepto 
sa realidad at mga ideyang dumadaloy sa imahinasyon ng manunulat. Inaasahan din sa 
ganitong uri ng pagsulat ang pagpapahalaga sa wika at kultura upang mapalalim ang 
kaalaman at kasanayang panlipunan sa proseso ng pagsulat kung saan inaasahang hinango 
ang tema at ilan pang detalye ng akda.  
 
May iba’t ibang klase o uri ang malikhaing pagsulat. Maaaring ito ay nasa anyong t​ uluyan​ o 
patula​, ​piksiyon​ at d
​ i-piksiyon​. Narito ang ilang halimbawa ng uri ng malikhaing sulatin: 

Mga Halimbawa: 

● talambuhay 
● talaarawan  
● maikling kuwento 
● personal na sanaysay 
● nobela 
● dagli 
● pabula 
● dula 
● tula 
● patnigan 

Inaasahang ang malikhaing sulatin o akda ay nakapagbibigay-aliw at nakapagbabahagi ng 


mga karanasan sa mga mambabasa. Upang maisakatuparan ito, narito ang ilang ​tips ​ para 
sa mga nagsisimula pa lamang magsulat: 

● Magbasa o magmasid ng posibleng paksa sa paligid. Makatutulong sa bahaging ito 


ang paggamit ng iyong sensibilidad bilang manunulat. 
● Magbasa ng mga akda na nasa parehong g
​ enre​ ng iyong nais isulat. Suriin ang estilo 
ng pagkakasulat at pagkakabuo ng akda nito. Magbasa, magsanay sumulat, 
hanggang sa makabuo ng iyong sariling estilo ng pagsulat. 
 
  5 
 
 
Yunit 2.2: Layunin sa Paglinang ng Kasanayan sa Malikhaing Pagsulat  
 
 
● Mag-isip o paganahin ang imahinasyon sa pagkatha. Sumulat nang malaya. 
● Balikan ang mga isinulat, basahin ito, at hanapin ang mga bahaging maaaring 
gamitan ng mga tayutay, idyoma o matatalinghagang salita upang mas mapagbuti 
ang nilalaman ng akda. 

Alalahanin  
Ang akademikong pagsulat ay gumagamit ng mga pormal at teknikal 
na mga salita samantalang ang malikhaing pagsulat ay gumagamit ng 
mga mabubulaklak o di-karaniwang mga salita upang mas maging 
epektibo ang sulatin sa sensibilidad ng mga mambabasa. 

 
Sa malikhaing pagsulat, mahalaga pa rin ang mga kasanayan sa pangangalap ng 
impormasyon, kritikal na pagbabasa, pagsusuri, at imahinasyon. 
 
Layunin sa Paglinang ng Kasanayan sa Malikhaing Pagsulat 
Mahalaga na bago pa man simulan ang pagsulat ay tiyak na sa isipan ng manunulat ang 
layunin kung bakit siya nagsusulat. Nakatutulong ang pagkakaroon ng mga tiyak na layunin 
upang mas maging malinaw ang direksiyon na nais patunguhan ng sulatin o akdang 
binubuo. Gayunpaman, hindi lamang ang layunin sa pagsulat ang dapat isaisip, maging ang 
personal na layunin ng manunulat sa paglinang ng kaniyang kasanayan sa malikhaing 
pagsulat ay kailangan din. 
 

Paano malilinang ng mga mag-aaral ang kanilang 


  kakayahan sa malikhaing pagsulat? 
 
 
 
 
 
 

 
  6 
 
 
Yunit 2.2: Layunin sa Paglinang ng Kasanayan sa Malikhaing Pagsulat  
 
 
Ayon sa aklat ni Evasco, E.Y. at iba pa, M
​ alikhaing Pagsulat: Paglinang ng Sidhaya Tungo sa 
Maunlad na Haraya​ (2001), binanggit na ang layunin sa paglinang ng kasanayan sa 
malikhaing pagsulat ay ang sumusunod: 
● mabigyang-halaga ang sining sa likod ng malikhaing pagsulat; 
● makalikha ng sariling malikhaing sulatin bilang awtput o produkto ng kurso; 
● magamit at mapaunlad ang paggamit ng wikang Filipino hindi lamang sa 
akademikong pagsulat ngunit maging sa iba’t ibang anyo ng panitikan; 
● mapayaman ang malikhaing pag-iisip at pagpapahayag ng mga mag-aaral; 
● mahubog ang mapanuring pag-iisip ng mga mag-aaral; at 
● mapalalim ang kamalayan at pang-unawa ng mga mag-aaral sa pandaigdigang 
karanasan sa pamamagitan ng mga teksto. 
 

​ andaan 
T
Tumutukoy ang ​kasanayan​ sa anumang natutuhang kakayahan na 
pinaglalaanan ng oras at panahon upang epektibong magamit sa 
pagtupad ng mga tiyak na layunin. 

 
 
Kaugnay ng pagsulat ng malikhaing sulatin, ibinahagi ni Nigel Watts ang kaniyang karanasan 
sa pagsulat ng isang nobela. Ayon sa kaniya, inakala niya noon na dahil mayroon tayong 
paniniwala na marunong naman tayong sumulat o magsulat ay hindi na kailangan pang 
mag-ensayo ng kasanayan sa pagsulat upang maging isang matagumpay na manunulat. 
Iyan ang kaniyang naging pananaw noon bago niya sinubukang magsulat ng kaniyang 
unang nobela. Mula sa karanasang iyon, napagtanto niya na mali ang ganoong pananaw. 
Inihalintulad ni Watts ang malikhaing pagsulat sa pagbuo ng isang kasangkapan sa bahay o 
muwebles. Mayroong mga hakbang o panutong dapat sundin upang mabuo ito o ​laws of 
construction ​na kailangang mapag-aralan at maisagawa upang matiyak na tama ang 
pagkakabuo nito. Maliban pa roon, idinagdag niya na hindi matututuhan ang kasanayan sa 
pagsulat sa dami lamang ng binasang mga kuwento o akda (​Nigel Watts, Teach Yourself 
Writing a Novel​). 
 

 
  7 
 
 
Yunit 2.2: Layunin sa Paglinang ng Kasanayan sa Malikhaing Pagsulat  
 
 

​ ​Tip 
Makatutulong sa pagbuo ng malikhaing pagsulat ang kasanayan sa 
paggamit ng mga salita at mga kahulugang taglay nito, maging ng mga 
idyoma, tayutay, at talinghaga upang maipahayag sa mas masining na 
paraan ang nais ipahayag ng manunulat. 

 
 

Palawakin   
 
Gawain 1 
Sumipi ng isang maikling kuwento. Basahin ito at suriin batay sa sumusunod: 
a. wikang ginamit 
b. layunin ng manunulat sa pagsulat ng akda 
c. mensahe ng nilalaman ng malikhaing sulatin 
d. malikhaing pagpapahayag na ginamit 
 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

 
 
  8 
 
 
Yunit 2.2: Layunin sa Paglinang ng Kasanayan sa Malikhaing Pagsulat  
 
 

​ abay sa Pagsagot 
G
● Pumili ng maikling kuwento mula sa aklat sa halip na humanap sa ​Internet. 
● Kilalanin ang may-akda nito. 
● Maaaring ipa-​photocopy​ ang maikling kuwento. 
● Kapag may kopya na, basahin at suriin ang maikling kuwento.  
 

 
Gawain 2 
 
Bumuo ng balangkas ng sariling maikling kuwento. Ang balangkas ang inaasahang magiging 
gabay sa pagsulat ng sariling akda sa susunod na aralin. Tiyaking makikita sa balangkas ang 
mga elemento ng maikling kuwento. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

 
 
 
 

 
  9 
 
 
Yunit 2.2: Layunin sa Paglinang ng Kasanayan sa Malikhaing Pagsulat  
 
 

​ abay sa Pagsagot 
G
Ang maikling kuwento ay binubuo ng sumusunod na elemento: tauhan, tagpuan, 
banghay (panimula, saglit na kasiglahan, kasukdulan, kakalasan, wakas), kaisipan, 
suliranin, at tunggalian. 
 

 
 

Suriin   
 

A. Basahin at unawain ang sumusunod na tanong. Ilahad   


ang sagot sa loob ng dalawang pangungusap.   

1. Ano-ano ang layunin sa paglinang ng kasanayan sa malikhaing pagsulat? 

 
 
 

 
2. ​Paano maituturing na isang sining ang malikhaing pagsulat? 

 
 
 

 
3. Paano nagkakaiba ang akademikong pagsulat sa malikhaing pagsulat? 

 
 
 

 
  10 
 
 
Yunit 2.2: Layunin sa Paglinang ng Kasanayan sa Malikhaing Pagsulat  
 
 
 
4. Sa paanong paraan nakatutulong ang sensibilidad ng manunulat sa kaniyang 
pagkatha ng mga akdang nasa uri ng malikhaing pagsulat? 

 
 
 

 
5. Bakit  kinakailangan  pa  ring  masunod  ang  mga  tuntuning  pambalarila  sa  malikhaing 
pagsulat?  

 
 
 

 
B. Sagutin ang sumusunod sa pamamagitan ng 
pagpapaliwanag gamit ang sariling pangungusap. 
 

1. Maituturing bang akademikong pagsulat ang mga anyo ng malikhaing sulatin na 
ipinagagawa sa loob ng paaralan? 

 
 
 
 
 
 

 
 
 
 
 
 

 
  11 
 
 
Yunit 2.2: Layunin sa Paglinang ng Kasanayan sa Malikhaing Pagsulat  
 
 
2. Paano nalilinang sa malikhaing pagsulat ang pagpapalawak ng talasalitaan ng 
manunulat?  

 
 
 
 
 
 

 
3. Alin sa mga tinukoy na layunin ng malikhaing pagsulat ang sa iyong palagay ay 
pinakamahalaga? 

 
 
 
 
 
 

 
4. Bakit mahalaga ang patuloy na pagbabasa at pagsusulat ng malikhaing sulatin? 

 
 
 
 
 
 

 
 
 
 
 
 

 
  12 
 
 
Yunit 2.2: Layunin sa Paglinang ng Kasanayan sa Malikhaing Pagsulat  
 
 
5. Sa iyong palagay, gaano kahalagang makilala at maipaunawa ng manunulat ang 
kaniyang ideya sa mga mambabasa?  

 
 
 
 
 
 

 
 

Paglalahat 
___________________________________________________________________________________________ 
 
● Makatutulong ang paglinang sa kasanayan sa pagsulat hindi lamang sa akademikong 
larang, maging sa pagbuo ng malikhaing akda na maaaring maging mahalaga sa 
personal at propesyonal na aspekto sa hinaharap. 
● Nagpapakita ang malikhaing pagsulat ng kakayahan ng isang indibidwal na gamitin 
ang kaniyang imahinasyon sa pasulat na pamamaraan. 
● Isang paraan ang malikhaing pagsulat upang mapanatili at mapaunlad ang wika at 
kultura ng wikang ginagamit sa pagbuo nito. 
● Ilan sa mga halimbawa ng malikhaing sulatin ay talambuhay, talaarawan​, m
​ aikling 
kuwento, personal na sanaysay, nobela, dagli, pabula, dula, tula, patnigan, at iba 
pa. 
● Isa sa mga pangunahing dapat tandaan sa pagsulat ng malikhaing sulatin ay 
magbasa o magmasid ng posibleng paksa sa paligid, sapagkat ito ang 
pinakaepektibong paraan upang matalakay ang isang ideya. Imposibleng 
makapagsulat ang isang manunulat kaugnay sa paksang hindi niya nalalaman. 
● Kinakailangan ng pagsasanay, ibayong tiyaga, at malawak na imahinasyon upang 
mapagtagumpayan ang pagkakaroon ng kasanayan sa malikhaing pagsulat.  
___________________________________________________________________________________________ 
 
 

 
  13 
 
 
Yunit 2.2: Layunin sa Paglinang ng Kasanayan sa Malikhaing Pagsulat  
 
 

  Bibliyograpiya 
Pope, Bella R. ”15 Literary Elements With Examples & Tips To Use Them,” 
Self-publishingschool​. Nakuha sa​ ​https://self-publishingschool.com/literary-devices/​, 
huling binago noong Hulyo 25, 2019. 
 
“15 Tips to Jumpstart Your Creative Writing,” ​The Best Schools. N
​ akuha sa  
https://thebestschools.org/magazine/creativewriting-tips/​, huling binago noong 
Marso 23, 2020. 
 
“What is Creative Writing?”​ ACS Distance Education.​ (w.p). Nakuha sa  
https://www.acsedu.co.uk/Info/Writing/Creative-Writing/What-is-Creative-Writing.as​. 
 
Casas, Charlotte. “Malikhaing Pagsulat,” P
​ rezi. N
​ akuha sa  
https://prezi.com/p/dxjtskyomyjo/malikhaing-pagsulat/​, huling binago noong  
Abril 22, 2018.  
 
Evasco, E.Y. et al. “Malikhaing Pagsulat: Paglinang ng Sidhaya Tungo sa Maunlad na Haraya   
Unang Edisyon.” Nakuha sa 
https://books.google.com/books/about/Malikhaing_Pagsulat_Paglinang_Ng_Sidhaya.
html?id=WWHEyrOEDvMC​, Marso 10, 2020. 
 
Hale, Ali. “Creative Writing 101,” ​Dailywritingtips.​(w.p), 2008. Nakuha sa 
https://www.dailywritingtips.com/creative-writing-101/. 
 
LynZafra. “Malikhaing Pagsulat?” Slideshare.com. Huling binago noong Setyembre 13,2018.  
https://www.slideshare.net/LynZafra/malikhaing-pagsulat-114165368​. 
 
Santos, Tomas U. “Pananaliksik sa Malikhaing Pagsulat,” ​The Varsitarian. N
​ akuha sa  
https://varsitarian.net/filipino/20140624/pananaliksik_sa_malikhaing_pagsulat​, huling  
binago noong Hunyo 24, 2014. 
 
 

 
  14 
 

You might also like