You are on page 1of 1

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OFFICE - SCIENCE CITY OF MUÑOZ
MUÑOZ CENTRAL SCHOOL
Learner’s Activity Sheet
Module 7- Araling Panlipunan 5

Name:_______________________________________________ Date:__________________
Grade and Section:__________________

A. Isulat ang salitang TOTOO kung ang pangungusap ay tama at DI-TOTOO kung ang pangungusap ay
mali.
__________________1. Ang relihiyong Islam ay may paniniwalang may iisang Diyos, si ALLAH, ant
si Mohammad ang kanilang dakilang propeta.
__________________2. Bibliya ang banal na aklat ng mga Muslim.
__________________3. Ang mga Muslim ay sumasamba sa bahay dalanginan na kung tawagin ay
kapilya.
__________________4. Ang Ramadan ay buwan ng pag-aayuno ng mga Muslim.
__________________5. Sa Munoz Central School ay may MADRASAH Education.

B. Pagkilala: Kilalanin kung ano o sino ang tinutukoy ng bawat pangungusap.


__________________1. Siya ang nagpalaganap ng Islam sa Mindanao noong huling bahagi ng ika-
15 siglo, nagtatag at naging unang sultan ng pamahalaang itinatag sa Mindanao.
__________________2. Ito ang kodigo o batas ng kaugaliang Islam na maaring magpataw ng
parusang kamatayan sa mga taong lumabag dito.
__________________3. Ito ay tanda ng pagtatapos ng Ramadan.
__________________4. Siya ay isang Arabong iskolar na nagpalaganap ng Islam sa mga Malay.
__________________5. Tawag sa pagdarasal ng mga Muslim ng limang beses sa isang araw.

C. Ayusin ang pagkakasunod-sunod ng mga mahahalagang pangyayari sa Relihiyong Islam. Lagyan


ito ng bilang 1 hanggang 5 ayon sa unang pangyayari hanggang sa huling pangyayari.
___________________1. Dumating si rajah Baginda ng Palembang sa Sulo, Mindanao.
Matagumpay niyang nahikayat ang ilang katutubo na lumipat sa relihiyong Islam.
___________________2. Mula sa Malacca ay dumating si Karim-Ul-Makdum sa Sulu at nangaral
ng Islam.
___________________3. Pagdating ng mga Arabong mangangalakal sa katimugang bahagi sa
kapuluan.
___________________4. Dumating si Abu Bakr mula sa Palembang. Siya ang kinilalang
nagpalaganap ng Islam sa Sulu, Mindanao. Pinagkalooban siya ng pangalang Sharif ul-Hashim
nang maging kauna-unahang sultan ng itinatag niyang pamahalaan batay sa Sultanato ng Arabia.
Sa panahon ni Abu Bakr mabilis na lumaganap ang Islam sa Sulu.
__________________5. Dumating sa Sulu si Tuan Masha’ika, itinuturing na kauna-unahang
nagpakilala ng Islam sa Pilipinas. Nakipag-isang dibdib siya sa anak ni Rajah Sipad at nagsimulang
magtatag ng mga pamayanang Muslin sa Sulu.

You might also like