You are on page 1of 3

Ang kwentong inyong matutunghayan ay tungkol sa misteryosong pagkamatay ni Elisa Lam na hanggang

ngayon ay hindi pa rin matukoy kung ito ba ay isang murder, suicide, o ito ay kagagawan ng mga hindi
nakikitang nilalang. Dagdag pa rito ay hanggang ngayon hindi pa rin mawari kung paano napunta ang
kanyang bangkay sa loob ng isang tanke ng tubig.

Si Elisa Lam ay ipinanganak sa taong 1991 sa Canada at ang kanyang mga magulang ay mga imigrante na
galing sa hongkong. Sya ay isang estudyante ng University of British Columbia na matatagpuan sa
Vancouver, Canada.

Nadiagnosed sya sa pagkakaroon ng bipolar disorder at depresyon.

Si Lam ay isang blogger. Nagkaroon sya ng blogspot na ang pangalan ay Ether Fields bago ito lumipat sa
Tumblr na ang pangalan naman ay Nouvelle-Nouveau. Ang kanyang blog ay naglalaman ng ilang mga
fashion images at may halong mga quotes tungkol sa kanyang pakikipagsapalaran sa kanyang mental
health at sa ilang mga kaganapan sa kanyang buhay.

Noong Enero taong 2013, nagkaroon ito ng solo trip sa California. Bilang pakikipagkasundo sa kanyang
pamilya na todo ang pag-aalala sa kanyang solo trip, nangako ito na tatawag sya ng isang beses kada
araw. Sa pamamagitan ng tren at bus, nagtungo ito sa San Diego upang bisitahin ang San Diego Zoo.
Pagkatapos ay nagtungo naman ito sa L.A. noong ika-dalawamput-anim ng Enero, kung saan ay
nagcheck-in ito sa Cecil Hotel na ngayon ay Stay on Main.

Sa una ay nagkaroon ito ng kashare sa kwarto. Ngunit dahil sa reklamo ng kasama nito dahil sa kanyang
kakaibang kilos, pinalipat ito sa solo unit.

Tinupad nya ang kanyang pangako sa kanyang pamilya at araw-araw ay tumatawag sya dito. Subalit,
noong ika tatlongput-isa ng enero taong 2013, ay hindi na ito nagparamdam sa kanyang pamilya. Iyon
ang araw na nakatakda na sana syang magcheck out sa Cecil Hotel at magtungo sa Santa Cruz pero hindi
iyon nasunod. Tumawag sa pulisya ng L.A. ang kanyang pamilya para ireport ang pagkawala nito at
nagtungo sila doon para hanapin ito.

Agad namang kumilos ang mga pulis. Nagpunta sila sa Cecil Hotel at nagtatanong- tanong sa mga staff
ng hotel at sa ilang mga nagpapatakbo ng negosyo sa palibot ng hotel. Mayroong ilang mga staff ang
sinabi na nakita nila itong mag-isa habang ang kalapit naman ng hotel na nagmamay-ari ng isang
bookstore na si Katie Orphan ay sinabing bumibili ito ng pasalubong para sa kanyang pamilya noong
araw na nakita nya ito. Sinabi pa nito na mukhang nasa maayos na kondisyon naman ito.

Nag-imbestiga din ang LAPD sa Cecil Hotel kasama ang mga search dogs. Sa kasamaang palad ay hindi
nila natagpuan si Lam sa loob ng hotel.

Ang paghahanap kay Lam ay hindi naging madali. Kahit na maraming mga larawan nito ang ikinalat sa
iba’t ibang lugar at maging ang pagkuha ng atensyon sa international media ukol sa paglaho nito, ay
hindi pa rin nila ito agad matagpuan.

Mas lalo pang gumulo ang sitwasyon nang mailabas ang isang video footage kung saan ay nakita si Lam
sa elevator ng Cecil Hotel nung araw na nawala ito. Mapapansin itong parang kinakabahan na para bang
mayroong humahabol sa kanya at nagsasalita mag-isa. Pinindot pa nito ang lahat ng mga numbers sa
elevator. At ang pinakanakakagulat pa ay hindi nagsara ang pinto ng elevator hanggang sa tuluyan itong
umalis doon. Pero bukod sa kanya ay wala nang ibang tao ang nakita sa videong iyon. Ang videong iyon
ay agad na nagviral.

Habang ang mga pulis at pamilya ni Lam ay patuloy ang paghahanap sa kanya, sa Cecil Hotel naman ay
nagkaroon ng maraming reklamo ukol sa kanilang kakaibang tubig. May nagsabi na iba ang kulay ng
tubig, humihina ang presyon at mayroon pa itong kakaibang lasa.

Noong ika labing-syam ng Pebrero taong 2013, apat na araw makalipas ang paglabas ng video footage at
ilang mga linggo matapos mawala si Lam, ay natagpuan ang kanyang bangkay sa isa sa apat na tangke ng
tubig sa rooftop ng Cecil Hotel. Ang tanke na iyon ang nagbibigay ng tubig sa mga guests rooms, at
coffee shop.

Kinailangan pang sirain ang tanke para mabuksan at matanggal ang bangkay ni Lam na nagsisimula nang
maagnas. Ang mga detalye sa natagpuang bangkay ni Lam ay hindi rin naging malinaw. Mayroong mga
nagsasabi na natagpuan itong nakahubad sa loob ng tanke. Samantala, mayroon ding nagsasabi na
nakadamit naman daw iyon. Ang pag-iimbestiga ay hindi rin naging madali pero sabi naman ng coroner
ay wala silang nakitang senyales ng paggahasa at pang-aabuso dito.

Sa isang toxicology tests naman na isinagawa ay sinabing mayroon itong iniinom na gamot nang sya ay
mamatay, malamang iyon ay para sa kanyang bipolar disorder. Pero dahil nga sa kondisyon ng bangkay
ni Lam, maraming tests ang hindi naisagawa. Kaya naman ang sinabi lang na sanhi ng kanyang
pagkamatay ay ang pagkalunod at ang pagkakaroon nya ng bipolar disorder ang pinakamalaking dahilan
dito. Gayunpaman, hindi pa rin nakuntento ang mga tao at marami pa rin ang duda rito.

Ang kaso na dapat sana ay mabigyan ng mga kasagutan ay mas lalo pang nagdulot ng maraming
katanungan. Kabilang na dito ang tanong na kung papaano sya napunta sa rooftop ng Cecil Hotel?
Samantalang ang lugar na iyon ay sarado sa mga guests at kung mayroon mang susubok na pumunta
doon ay paniguradong tutunog ang alarm. Isa pa, papaano sya napunta sa loob ng tanke ng tubig?
Gayung ang tangke ay kinakailangan pang gamitan ng hagdanan ng mga nagtatrabaho doon para lang
makita ang tubig sa loob dahil sa taas nito. Bukod dyan mayroon din iyong takip na sobrang bigat at
imposibleng maisarado nya yon ng mag-isa habang nasa loob.

At dahil dito, marami ang nagbigay ng kanilang sariling teorya sa pangyayaring iyon. Isa na dito ang
pagkakaroon ng madilim na nakaraan ng Cecil Hotel. Maraming mga murder at suicide ang naganap
doon. Ang isang serial killer na si Richard Ramirez may alyas na “The night stalker,” ay pumatay ng
labing-apat na kababaihan noong 1980 habang sya ay nakatira sa nabanggit na hotel. At ang isa pang
serial killer na si Jack Unterweger, ay nakapagcommit ng ilang mga homicide habang sya ay nakatira rin
doon.

Ang iba namang mga teorya ay patungkol sa mga kakaibang nilalang. Sinasabi na ang hotel daw ay
napapalibutan ng mga kaluluwa. Maraming mga testimonyang galing sa mga turista na sinabing naging
biktima sila ng mga pag-atake ng mga ito sa kanilang kwarto. Maaaring iyon ang kaluluwang sumanib at
naging dahilan ng kamatayan ni Elisa.

Mayroon ding mga nakapansin na ang kilos ni Lam ay kapareha sa kilos sa isang Japanese movie noong
2002 na ang pamagat ay “Dark Water.” Sa palabas ay gumagamit ang masamang espirito ng tubig sa
pag-atake, at ang nangyari kay Elisa ay maaaring maihalintulad dito.
Mayroon pang isang teorya ang nagkalat sa internet, at sinabing mayroon itong ginawang ritwal na
nagmula sa South Korea, para makapunta sa ibang dimension. Ito ay ang pagpindot sa number na ang
pagkakasunod-sunod ay 4, 2, 6, 2, 10 at 5.

Hanggang sa kasalukuyan, ang kasong ito ay nananatiling hindi malinaw at nababalot pa rin ng misteryo.

Ikaw? Ano sa tingin mo ang ikinamatay ni Elisa?

You might also like