You are on page 1of 4

Sino si Ted Bundy?

Theodore Robert Bundy Cowell o mas kilala bilang Ted Bundy. Isinalang noong ika -24
ng Nobyembre taong 1946 sa Burlington, Vermont, America. Ang kanyang mga
magulang ay walang kasiguraduhan kung sino, ngunit ayon sa kanyang ina na si
Eleanor Louise Cowell, siya ay bunga ng pagbebenta ng laman nito sa isang Airforce
Veteran na si Jack Worthington. Dahil sa kakulangan ng pera ay napilitang ipabili ng
kanyang ina ang kanyang katawan sa sundalong Amerikano.

Ngunit ito’y mali para kay Ted. Ayon sa kanya, siya ay bunga ng kanyang ina sa
kanyang lolo na si Samuel Cowell. Kung kaya ate ang tawag nito sa kanyang ina at ama
naman sa kanyang lolo.

Marami ang nagsasabing ang pagiging serial sex killer ni Ted ay bunga sa
pagkahumaling ng kanyang lolo sa pornograpiya o malalaswang palabas. Yun bagang
mga rated SPG na palabas. Hindi lamang pinapakita si Ted ng mga ito, kundi
minomolestiya o hinahalay pa siya noong kasagsagan ng kanyang kabataan.

Ito marahil ay napaka-traumatic sa pagkatao ni Ted Bundy, dahilan para gawin ang
isang karumaldumal at masasabi kong mala-demonyong pagpatay sa kasaysayan ng
Amerika.

Sa kabilang banda, nang minsang lumipat ang kanyang ina sa Tacoma, Washington,
nakilala ng kanyang ina si Johnny Culpepper Bundy. Dito niya nakuha ang kanyang
apelyido at kinalauna’y nagi niyang adopted father.

Masasalamin sa kanyang pagkabata ang bullying o labis na pang-aapi dahilan siguro sa


kanyang pautal-utal na pagsasalita at walang eksaktong kinikilalang ama.

Taong 1969 ng Oktubre, nakilala ni Ted Bundy si Elizabeth Kloepfer o mas kilala bilang
Elizabeth Kendall sa Sandpiper Tavern. Niyaya niya itong sumayaw at doon nagsimula
ang kanilang pag-iibigan. Hindi akalain ni Elizabeth na ang kanyang kasintahan na si
Ted ang sa likod ng mga karumaldumal na pagpatay ng ‘di mabilang na kababaihan.

Hanggang sa makita niya ang primary composite sketch noong 1974 sa isang diyaryo
na may nakapangalan na Ted sa larawan. Dito na nagsimulang maghinala si Elizabeth
sa kanyang kasintahan.

Mga Biktima
Ang paghihinala ni Elizabeth ay napatunayan ng mga kabi-kabilang pagpatay sa
kanilang lugar. Ang unang pagpatay ni Bundy ay naitala noong ika-4 ng Enero 1974.
Nang pinasok niya ang kuwarto ng isang labing walong taong gulang na si Joni Lenz,
kung saan pinukpok niya ito sa ulo habang natutulog gamit ang isang crowbar o kabra.
Nang mahimatay ang dalagita ay agad niya itong ginahasa. Kinabukasan ay natagpuan
itong naliligo sa sariling dugo.
Makaraan ang ilang lingo, natagpuan ang isang katawan ng babae sa Seattle
Washington na walang ulo. Sa pagitan ng mga araw na ito, pumatay pa siya ng walong
babae.

Dahil sa magandang pangangatawan, hitsura at karisma nitong si Ted Bundy madaling


nahulog ang kababaihan sa kanyang patibong. Taong 1974 ng Hulyo, habang
nagkakasaya ang mga tao sa Lake Sammamish ay humingi ng tulong si Ted kay Janice
Ott upang ibaba ang bangka sa kanyang sasakyan. Matapos nito ay hindi na nakita ang
babae. Apat na oras ng mismong araw, nakikipagtalo si Denise Nusland sa kanyang
boyfriend. Nagpaalam itong gagamit ng palikuran hanggang sa tuluyan ng nagsara ang
parke hindi na muling nakita si Denise. Dalawang buwan ang nakalipas natagpuan ang
mga kalansay ng mga dalaga, dalawang milya sa silangan ng nasabing lawa. Habang
nasa kulungan ng Florida si Ted Bundy, inamin niyang buhay pa si Janice Ott nang
kinidnap niya si Denise. Sinabi rin niyang pinakita niya kay Denise kung paano niya
patayin si Ott.

Narito pa ang mga naging biktima ni Ted Bundy:

1. Donna Gail Manson –Age: 19, Died: March 12, 1974


Ayon kay Ted, pinugutan niya ito ng ulo at sinunog ang bungo sa mismong
fireplace o tsiminea ng bahay ni Elizabeth.

2. Susan Rancourt – Age: 18, Died: April 17, 1974


Natagpuan ang pugo’t na ulo sa Taylor Mountain. Ito ang sinasabing libingan ng
mga bangkay ni Bundy.

3. Roberta Parks – Age: 20, Died: April 17, 1974


Ang kanyang ulo ay kasabay na natagpuan sa Taylor Mountain habang
hinahanap ng mga awtoridad ang bangkay ni Rancourt. Inamin ni Ted na ginahasa
niya muna ito bago pinatay.

4. Nancy Wilcox – Age 16, Missing since: October 2, 1974


Nawala pagkatapos bumili sa tindahan. Ayon kay Ted ginahasa niya muna ito
bago sinakal. Dagdag pa niya’y, inilibing niya ang bangkay nito sa isang parke,
ngunit nang siyasatin ng awtoridad ay hindi ito natagpuan.
5. Melissa Smith – Age: 17, Died: October 26, 1974
Anak ng isang pulis na namataang nawawala malapit sa Salt Lake City. Matapos
gahasain ay agarang pinukpok ito ng bakal. Kalauna’y natagpuan ang katawan
nito sa bundok.
6. Laura Aime- Age: 17, Died: October 31, 1974
Matapos mawala sa isang holloween party, natagpuan ang katawan nito na
nagyeyelo sa Provo Canyon
Sa kabila ng maraming pagpatay, ay milagrong nakaligtas si Carol DaRonch (Age: 18).
Ayon kay DaRonch, nagpakilala si Ted na isang police na nasiraan ng sasakyan. Humingi ito ng
tulong na ihatid sa malapit sa police station. Habang nasa loob ng sasakyan ng dalaga, ay
tinangka itong posasan ni Ted, ngunit mabilis na nakaiwas ang dalaga at nakaalis.
Dahil dito’y lumipat si Ted ng ibang bayan upang hindi masundan ng mga pulis. Ngunit dahil sa
mabilis na pagpapatakbo ng sasakyan ay hinuli ito ng mga rumurondang pulis. Natagpuan sa
loob ng kotse nito ang mga kahina-hinalang gamit tulad ng posas, ice pick, kabra at pansin ring
wala ang isang upuan ng kanyang sasakyan. Ito ay tumutugma sa deskripsyon ni DaRonch
nang magsumbong ito sa pulisya. Dahil dito’y hinuli si Ted at nahatulan na guilty para sa 15
taong pagkakakulong ngunit para sa kanya siya’y inosente. Dahil dito’y nagapela si Ted at
itinaas ang kaso sa korte suprema. Habang nasa kulungan si Ted ay nagawa nitong makatakas
nang minsang payagan siyang gumamit ng library.
Dito’y pinatuloy niya ang malawakang panggagahasa at pagpatay ng ilan pang mga dalaga.
Narito pa ang ilan.

7. Debra Kent – Age: 17, Died: November 8, 1974


Pinatay at itinapon ang bangkay sa kaparehong lugar kung saan nakita ang bangkay
ni Wilcox.

8. Caryn Campbell – Age: 23, Died: January 12, 1975


Natagpuan ang kanyang bangkay na puno ng pasa at bugbog at iniwang nakahubad
malapit sa isang daan.

9. Julie Cunningham – Age: 26, Died: March 15, 1975


Pinatay sa sakal at itinapon ang bangkay sa bundok Taylor

10. Melanie Cooley- Age: 18, Died: April 15, 1975


Matapos mawala habang pauwi sa paaralan, siya’y iginapos at pinukpok ng
malaking bato hanggang sa mamatay. Ang kanyang katawan ay natagpuan sa Coal
Creek Canyon.
Marami pang mga pinatay ito si Ted Bundy na kung uubusin natin lahat-lahat ay aabot
tayo sa humigit kumulang na 100 kaso kasama pa rito ang mga nawawalang babae na hindi na
alam ni Ted kung saan niya inilibing.
Ang sobrang nakapangingilabot pa sa ginagawa ni Ted, ay binabalikan niya ang mga
patay na katawan ng kanyang mga naging biktima at muli itong gagahasain. Kahit nabubulok na
ang bangkay ay paulit-ulit niya pa itong ginagalaw. At kung minsan ay itinatago ang mga ulo
nito sa kanyang kotse na para bang isang hunter na ginagawang tropeyo ang mga ulo.
Masasabi kong sexualy addict at tunay na psychopath itong si Ted Bundy, dahilan na lang
upang tawagin siyang Extrenely wicked, shockingly eviland vile ng isang pelikula.
February 9, 1978, natagpuang patay ang 12 year old na si Kimberly Leach. Habang
pinaghahanap ng mga pulisya ang pumatay sa dalagita, nahuli si Ted Bundy ng mga pulis dahil
sa pangkakarnap ng kotse. Dito ay pinukol ang pagkamatay ni Leach kay Ted dahil sa
ebidensiyang kagat na marka sa braso ng dalagita.
Sa pagkakataon na ito humarap si Ted Bundy sa korte at sa unang pagkakataon ay pinayagan
ng korteng tumayo bilang abogado ng kanyang sarili. (video plays).
Ang court hearing na ito ay naitelevise sa America. (video plays) At dito hinatulan si Ted Bundy
ng kamatayan sa pamamagitan ng silya elektrika.
Habang naghihintay ng araw ng kanyang pagbitay, ginulat ni Ted ang buong bansa nang
pakasalan niya sa loob ng selda si Carol Boone, ang kanyang kaibigan na laging kasama niya
sa korte. Dito ay nagkaroon sila ng anak ngunit kinalauna’y nakipag-divorced si Boone nang
malaman niyang totoo ang mga ginawa ni Ted.
Kinumpisal ni Ted sa mga awtoridad ang kanyang mga karumaldumal na ginawa. (video plays)
Gabi bago ang kamatayan ni Ted, nakita itong magdamag na lumuluha at nananalangin.
Kinaumagahan nakita itong namumutla at wala na ang magandang hitsura nito. Sa kanyang
pagkakaupo sa silya elektrika, kitang-kita ang takot sa mukha nito at sa pagpasok ng dalawang
libo na boltahe sa kanyang katawan, nakita ng apat na put dalawang witnesses ang
pangungupasay ni Ted kasunod ang pag-usok ng mga braso nito.
Ang kamatayan ni Ted Bundy ay tila isang piyesta sa labas ng kulungan. Ang mga tao’y
nagsisigawan at tuwang tuwa sa kamatayan ni Ted Bundy, ang pinaka-notorious killer sa
kasaysayan. (video plays)

You might also like