You are on page 1of 3

MGA URI NG TULA

Ang panulaan o tula ay isang uri ng sining at panitikan na kilala sa malayang paggamit ng wika sa iba't ibang anyo
at estilo. Pinagyayaman ito sa pamamagitan ng paggamit ng tayutay. Ang mga likhang panulaan ay tinatawag
na tula. Madaling makilala ang isang tula sapagkat karaniwan itong may batayan o pattern sa pagbigkas ng mga
huling salita.
Binubuo ang tula ng saknong at taludtod. Karaniwan itong wawaluhin, lalabindalawahin, lalabing-animin, at lalabing-
waluhing pantig. Matalinghaga at ginagamitan din ng tayutay. May tugma at sukat. Kung minsan ay maiksi o kaya
naman ay mahaba.

tula o panulaan – ito ay ang pagbubuo-buo ng pangungusap o parirala sa pamamagitan ng


salitang binibilang na pantig sa taludtod na pinagtugma-tugma

A. Ayon sa Kaanyuan

· Tulang pasalaysay o buhay – Ito ay naglalahad ng isang kasaysayan o mga tagpo o


pangyayari. Magkakaugnay ang mga pangyayaring mababasa sa mga taludtod nito.

Nahahati ang mga tulang pasalaysay sa mga sumusunod:

1. Epiko – Ito ay tulang salaysay tungkol sa kagitingan ng isang tao, mga tagumpay niya sa
digmaan o pakikipagtunggali sa mga kaaway. Maraming tagpo ritong hindi kapani-
paniwala sapagkat may taglay na kababalaghan o salamangka at milagrong napapaloob.
Mauuri ang epiko bilang sinauna o pambayani, makabago o pampanitikan at pakutya.

2. Awit (song) at korido – Ito ay mga tulang pamana sa atin ng mga Kastila. Ang mga paksa
nito ay hinango sa pangyayari na tungkol sa pagkamaginoo (chivalry) o
pakikipagsapalaran. Ang mga tauhan ay mga dugong bughaw gaya ng hari’t reyna,
prinsipe’t prinsesa.

3. Balad – Ito ay tulang pasalaysay na karaniwang inaawit. Naglalaman ito ng


madamdaming pagsalaysay.

· Tulang pandamdamin o liriko – Nagpapahayag ang mga tulang ito ng damdaming


pansarili ng kumatha o ng kaya ay ng ibang tao. Maaari rin iton likha ng mapangarapin
imahinasyon ng makata batay sa isang karanasan. Karaniwan itong maikli at medaling
maunawaan.

Ang mga sumusunod ay ilan sa mga uri ng tulang pandamdamin/liriko.

1. Awit – Ito ay madamdamin at ang karaniwang paksa nito ay tungkol sa pag-ibig,


kawalang-pag-asa o pamimighati, pangamba, kaligayahan, pag-asa at kalungkutan.

2. Soneto[1] – Ito ay tulang may 14 na taludtod. Naglalaman ito ng damdamin at


kaisipan at may malinaw na kabatiran sa likas na pagkatao at naghahatid ng aral sa
mambabasa sa kabuuan.

3. Oda – Nagpapahayag ito ng isang papuri, ng isang panaghoy o iba pang masiglang
damdamin. Wala itong tiyak na bilang ng pantig o tiyak na bilang ng taludtod sa isang
saknong.

4. Elehiya – Nagpapahayag ito ng damdamin o guniguni tungkol sa kamatayan o kaya


ay tula ng pananangis lalo na sa paggunita ng isang yumao.

5. Pastoral – Naglalarawan ito ng tunay na buhay sa bukid.


6. Dalit – Ito ay awit na pumupuri sa Diyos o sa Mahal na Birhen. Nagtataglay ito ng
kaunting pilosopiya sa buhay.

· Tulang pandulaan – Naglalarawan ito ng madudulang pangyayari na halos katulad


ng nagaganap sa tunay na buhay at ang layunin nito ay upang itanghal.

· Tulang sagutan / patnigan – Ito ay mga tulang pampagtatalo at pangangatwiran.


Ang mga halimbawa nito ay duplo, karagatan, balagtasan at batutian.

B. Ayon sa Kayarian

· Matanda o makalumang tula – Binubuo ang tulang ito ng mga taludtod na may
sukat at tugma. Ito ang pamamaraang ginamit ng mga kilalang makatang Tagalog.

· Malayang taludturan o free verse – Nabibilang ditto ang mga tulang walang sukat at
walang tugama. Isa itong paghihimagsik sa “makipot” na bakod ng matandang panulaan.

· Tula sa tuluyan – Ang tula ay tunay na tuluyan o prosa ngunit ang diwang
nakapaloob ay masagisag. Maiikli at matayutay ang ginagamit na pananalita gaya rin ng
isang tunay na tula.

· Di-tugmaang tula – Nagtataglay ang tulang ito ng sukat subalit walang tugma. Hindi
ito gaanong gamitin sa ating panulaan.

C. Ayon sa Layon

· Mapaglarawan – naglalarawan ng pagpapahalaga o pagkamuhi ng makata o may-


akda sa isang kalagayan, pook o pangyayari.

· Mapagpanuto – namamatnubay, nagtuturo o nagpapayo ng isang ara sa


pamamagitan ng mga taludtod.

· Mapang-aliw – nagbibigay – aliw o lumilibang sa mga mambabasa. Maaaring ito ay


nagpapatawa, nanunudyo o isang masagisag na palaisipan.

· Mapang-uroy – nangungutya ito o namumuna ng mga kamalian o kasamaan ng


isang bagay, ng kahangalan ng isang tao at mga pagkalulong sa isang hindi magandang
bagay.

D. Ayon sa Pamamaraan

· Masagisag – gumagamit ang makata ang mga simbolo o pahiwatig sa


pagpapakahulugan ng kanyang akda.

· Imahistiko – ipinahahayag ng makata ang kanyang kaisipan at damdamin sa


paggamit ng mga imahen at larawang-diwa.

· Makatotohanan – tinutukoy ng makata ang kalagayan ng tunay na buhay sa daigdig


o ng nakikita ng ating dalawang mata.

· Makabaghan / surealistiko – ang makata’y gumagamit ng mga pangitain at galaw ng


isang isipang nahihibang at wala sa wastong kamalayan.
E. Ayon sa Bisa

· Madamdamin – ang makata tumutukoy sa mararangal na damdiming gamit ang


tula. Inilalarawan niya ang isang masining na kagandahan.

· Mabulaybulay – matimpi o pigil ang damdaming inilalahad ng makata at


umaalinsunod sa pagbubulaybulay o repleksyon ng isang bukas na isipan.

F. Ayon sa Kaukulan

· Mabigat – mataas ang uri. Mabigat ang tema at diwa. Ito ay isang mataas na uring
pampanitikan.

· Pampagkakataon o pang-okasyon ito ay mga tulang pambigkasan na ginagamit sa


koronasyon, luksang lamayan, mga kaarawan at mga pagdiriwang ng bayani at araw ng
pangilin.

· Magaan – hindi gaanong mataas ang uri. Medaling isipin at karaniwan sa mga
bugtungan at tulang pambata.

You might also like