You are on page 1of 6

POST-KOLONYALISMO

Posted on  September 21, 2016  by  kctang19

Ang Pilipinas ay may kasaysayan ng pananakop. Ang Bayan natin ay nasakop nang tatlong beses. Ang
una ay ang Kastila (1521-1898), sumonod ang Amerika (1898-1946), at pinakahuli ang Hapones (1942-
1945 Kasabay ng Amerika). Ibig sabihin na ang Pilipinas ay nasakop mula sa 1521, hanggang 1946. Kung
pinagsama natin ito, bubuo ito sa 425 taon ng pananakop. Wow! Sa sobrang tagal na ito, masasabi natin
na muntik na nakalimutan ng Pilipino ang kanyang lumang ugali. Binago natin ito sa mga ugali ng
kolonisador. At sa sobrang tagal ng pananakop, mabubuhay ang bagong konsepto ng “Post-
Kolonyalismo.”

Ang Post-Kolonyalismo ay isa sa mga saganang konsepto ng Pilipinas. Pero ano ba ang Post-
Kolonyalismo? Ang Post-Kolonyalismo ay ang pagkaraan ng pananakop ng isang bayan. Ito ay ang epekto
ng Imperyalismo sa ating mahal na bansa. Pagnasakop ang isang bayan, ang mga Sistema ng kolonisador
ay tumatatalsik sa sinakop na bansa. Ang impluensya nila sa atin ay sobrang lakas, na kahit umalis na
sila, ang mga Sistema at pag-ugali nila ay buhay parin sa mga taong Pinoy. Isang halimbawa nito ay ang
ating wika na “tagalog”. Ang wika na ito ay batay sa wika ng Kastila. Ito ay ang dahilan kung bakit halos
pareho lang ang itang mga salita. Halimbawa: Diyos, Lamesa, Mantika, etc. Makikita din natin ito sa mga
“US Bases” na nanatiling bukas sa Pilipinas hangang ngayon.

Tuwing araw, nakikita natin ang epekto ng Imperyalismo sa ating mismong panitikan. Isang halimbawa
ay ang Magazine ng FHM na “Stepping out of the shadows”. Ang Magazine na ito ay nagpapakita ng
isang maputi na babae sa gitna (Bela Padilla), at sa paligid niya ay mga ibang babae na maitim. Ito ay
isang impluensya na nanatiling buhay sa isip ng Pilipino. Pinaniwala nila na ang kaputihan ay sapat sa
kagandahan. Ayon sa kanila, kung ikaw ay maitim, ikaw ay pangit at alipin. Ito rin ay ang paningin nila sa

atin.

Ang ugali na ito ay nagmula sa bayan ng Amerika. Sa unang tahon ng Amerika, ang bayan na ito ay
punong-puno ng agrikulturang lupa. Pwede itong gamitin para sa pag-aalaga ng mga hayop, o sa
pagpatayo ng halaman. Ang problema lang ay hindi sapat ang populasyon nila para sa pag-aalaga ng
ganitong kalaki na lupa, kaya pinasok nila ang mga maitim na Aprikano sa kanilang bansa para maging
alipin. Ang mga maitim na alipin na ito ay binenta sa sobrang kaliit na halaga, at sila ay walang karapatan
gumawa ng sariling intensyons. Ang mga may-ari ng mga alipin na ito ay maputi, kaya ang kaputihan ay
pinaniniwalang higit na mataas sa mga maitim.

Ang pag-iisip na ito ay makikita din sa magazine na ito. Una, Bakit ang pinakamaputi sa kanilang lahat
ang sa gitna? Pinapakita nila na palaging magiging mas mababa ang maitim kaysa sa maputi. Pangalawa
ay ang mismong pamagat “stepping out of the shadows”. Ang anino ay isang bahagi na hindi natin
pinapansin. Ito ay parate nalang sa likod ng isang tao. Parang sinasabi ng magazine na palaging magiging
pangalawa ang maitim kaysa sa maputi. Pangatlo, ang mukha lang ni Bela Padilla ang hindi nakaharang.
Ang mga mukha ng mga maitim na babae ay hinaharang ng mga salita at ng pamagat.

Ang mga impluensya ng imperyalismo ay malaking bahagi ng Pilipinas. Sa lahat na ito, nakakalimutan na
natin ang sariling kultura at tradisyons. Kung ito ay tutuloy, makakalimutan na natin ang mga kultura ng
Pilipinas, at hindi na natin makikilala ang bansa. Ito ay ang kahalagahan ng “Dekolonisasyon”. Kailangan
natin matuto magtangal ng epekto ng kolonyalismo. Alam ko na maraming tinulong ang mga kolonisador
sa pagpapatayo ng sibilisasyon sa Pilipinas, pero kailangan din natin tandaan ang itang lumang ugali,
para hindi mawala ang ating tradisyons.

Post-Kolonyalismo sa Mundo

Apektado ka ba ng post-kolonyalismo? Pagkinolonize na ang bansa na iyong nakatira ngayon o ang


bansa na nagmula ka may mataas na pagkataon na apektado ka ng post-kolonialismo. Ang mga tao sa
larawan ay apektado ng post-kolonyalismo. Ang post-kolonyalismo ay ang panahon pagkatapos ng
kolonisasyon ng isang bansa, at ginagawa ng bansang sinakop ng marami para mabawi ang mga nawala
nila noong kinolonize sila. Mayroon mga epekto ng kolonisasyon sa kultura, historya, identity at
maraming pang iba ng isang bansa na sinakop.

Ang post-kolonyalismo ay ang panahon pagkatapos ang pananakop o kolonisasyon. Sa panahon na ito
ang mga bansang sinakop ay naghahanap ng “identity” at “cultural belonging” dahil may epekto sa
“identity” at “cultural belonging” ng mga bansa na nagcolonize ng mga bansang ito, isang halimbawa ay
ang Amerika. Ang bansang sinakop ay nag-dekolonisasyon sa panahon pagkatapos ng kolonisasyon, ang
dekolonisasyon ay ang proseso ng pagbabago, pagwasak at pagkamit muli ng nawalang kapangyarihan
dahil sa kolonisasyon ng isang bansa. Ang kolonyalismo ay ang mga dahilan kung bakit sinakop ng isang
bansa ang mga ibang bansa at ang epekto nito sa bansang sinakop. Ang imperyalismo naman ay ang
ekstensyon ng kapangyarihan ng isang bansa sa malaking teritoryo, ito ay ang mga bansang na
kinolonize.

Sa larawan na ito mayroong mga tao na mayroong iba’t ibang kultura mula sa iba’t ibang bansa at
kultura na nagpapatronize ng isang bansa, ang Amerika, dahil ang mga bansa nila ay kinolonize ng
Amerika o ng ibang mga bansa mula sa kanluran, ang mga bansang na nakatira sila o ang mga bansa na
nagmula sila at ito ay dahil sa epekto ng post-kolonyalismo. Ang larawan ay sinasabi sa atin na mas gusto
ng mga tao sa ibang bansa na magtrabaho at tumira sa Amerika at magiging isang Amerikano o isang
mamamayan ng bansang Amerika, makikita ito sa aksyon ng mga tao sa larawan, ang mga tao sa
larawan ay pinipatronize ang bansang Amerika, isang epekto ito dahil sa kolonyalismo. Ito ay dahil sa
Amerika, sila ay nag-influensya sa mga tao sa ibang bansa dahil nakikita nila na mas mabuti ang buhay
pagtumira sila sa Amerika, ito ay dahil rin sa imperyalismo. Hindi lang gusto ng mga tao sa mga bansang
sinakop ng mga bansa mula sa kanluran na magtrabaho, tumira at umaral sa Amerika, mayroon mga tao
na gustong magtrabaho, tumira at umaral sa Europa, Canada at maraming pang ibang bansa na ng
kolonize ng ibang bansa.

Nagiiba ng mga kultura ng isang bansa dahil sa post-kolonyalismo, dahil magkakaiba ang mga kultura ng
bansang nagkolonize at bansang sinakop, makikita ito sa bansang Amerika at sa larawan na iba’t ibang
kultura na gustong-gusto magtrabaho sa bansang ito. Parang ako ang mga tao sa larawan, gustong-gusto
rin ako, pumunta sa ibang bansa para umaral ng kolehiyo at may possibilidad, tratrabaho ako sa ibang
bansa. Inaapekto din ako sa post-kolonyalismo dahil sinakop rin ang bansang na nakatira ako ngayon,
ang Pilipinas, sinakop ang bansang ito ng mga Amerikano, mga Espanyol at mga Hapon.

Ano ang Post Colonialism?

Ang post kolonyalismo ay ang panahon kung kailan nagsimula ang decolonization na lumitaw sa isang
beses na kolonisadong mga bansa ng West. Ang tagal na ito ay pangunahing nagtatampok sa mga
pakikibakang pagpapalaya ng mga katutubo ng mga kolonya, ang kanilang paggamit ng panitikan bilang
tugon sa mga kolonisador, atbp.

Ang Post Colonialism ay ang teoretikal na diskarte na nababahala sa pampulitika o kalagayang


panlipunan ng mga dating kolonya. Samakatuwid, nakatuon ito sa pag-aaral ng kolonisasyon, ang
dekolonisasyon na kinabibilangan ng panalo at muling pagbuo ng katutubong kultura at din ang proseso
ng neo-kolonisasyon. Sinusuri ng postcolonialism ang mga metaphysical, etikal at pampulitikang mga
alalahanin tungkol sa pagkakakilanlan sa kultura, kasarian, nasyonalidad, lahi, lahi, paksa, wika, at
kapangyarihan.

Kaya, ang teoryang ito ay tumutukoy sa pagpapakita ng mga kahihinatnan ng kolonisasyon sa mga
kolonyal na estado ng West. Ang pagsasamantala ng mga likas na yaman, pang-aalipin, mga kawalang-
katarungan na kinakaharap ng mga katutubo, mga pampulitikang panlipunan at pang-kultura na mga
pagkawasak ng mga mananakop ay ipinahayag ng mga ito na pinahihirapan sa pamamagitan ng kanilang
panitikan.

Ang kilalang mga figure sa panitikan tulad ng Gayatri Spivak, Homi. Si K Bhaba, Franz Fanon, at Edward
Said ay maaaring mai-highlight bilang mga pioneer ng teoryang ito. Kabilang sa mga ito, si Edward Said
ay itinuturing bilang payunir ng mga pag-aaral sa post-kolonyal.

Pangunahing Pagkakaiba - Kolonyal kumpara sa Post na Kolonyal na Panitikan

Ang panitikan ay ang sining ng paggamit ng wika upang maipahayag ang damdamin ng tao. Ang
panitikan ay naiiba ayon sa panlipunang, kultura at sikolohikal na aspeto ng manunulat. Ang panitikan ay
maaaring maiuri sa iba't ibang uri. Kabilang sa mga ito, ang Kolonyal at post-Kolonyal na Panitikan ay
nakatuon sa pagpapahayag ng mga aspetong panlipunan at kultura na may kaugnayan sa panahon ng
kolonyal at panahon ng dekolonisasyon. Ang Kolonyal na Panitikan ay tumatalakay sa mga aspeto sa
loob ng panahon ng kolonisasyon samantalang ang postkolonyal na panitikan ay naglalarawan ng mga
aspeto o bunga ng kolonisasyon at ang mga isyu na nauugnay sa panahon pagkatapos ng kalayaan ng
mga dating kolonyal na bansa. Ito ang pangunahing pagkakaiba sa pagitan ng panitikang kolonyal at
postcolonial.

Ano ang Post Colonial Literature?


Ang panahon ng post-kolonyal ay ang panahon pagkatapos ng dekolonisasyon ng mga kolonya. Ang
panahong ito ay bumagsak sa pagitan ng 1950 s hanggang 1990s. Ito ang panahon kung kailan
nagsimulang tumaas ang kalayaan ng mga kolonyal na tao. Nagkaroon ng mga kilusang makabayan sa
mga mamamayan ng mga kolonyang ito at isang bagong panahon ng mga ideolohiyang nasyonalista na
nagsimula upang maipakita ang mga tao. Sa gayon, upang mabawi ang nawala na pagkakakilanlan at ang
pambansang pagmamataas at pagsulat ng mga salaysay bilang tugon sa kolonisador ng kolonisyang
lumitaw ang panitikan na ito.

Ang Post na Panitikan ng Kolonyal ay ang panitikan na nagtatampok ng mga aspetong panlipunan,
pangkultura pagkatapos ng panahon ng dekolonisasyon. Ang mga panitikan na ito ay nagsisilbing tugon
sa epekto ng panahon ng kolonyal at ang diskurso ng mga mananakop sa bago ng mga kolonyal na
lipunan. Ang mga panitikan na ito ay gumuhit ng isang mahabagin na imahe ng mga kolonial na tao, ang
kanilang pakikibaka sa pagpapalaya tungo sa kalayaan habang binibigyang diin ang epekto ng
kolonisasyon sa kanilang mga kabuhayan, kanilang kultura at sa socio-kultura at pampulitikang aspeto ng
partikular na bansa.

Gayunpaman, maraming mga postkolonyal na piraso ng panitikan ang nagsimulang mabuo sa huling
bahagi ng 1970 - 1980 sa pagtatapos ng World War 2 at ang pagtanggi ng order ng imperyal sa mundo.
Ang mga nasusulat na ito ay sumasalamin sa budhi ng mga naaapi at ang kanilang paraan ng pagsusulat
pabalik sa 'emperyo' gamit ang Ingles na siyang wika ng kolonisador. Ang mga akdang pampanitikan na
ito ay nakitungo sa teoryang postkolonyal na panimulang pinasimulan ng mga pigura ng panitikan tulad
ng Franz Fanon, Edward Said, Homi Bhabha at Gayatri Chakravorty Spivak atbp.

Karamihan sa mga kilalang manunulat ng postcolonial ay mula sa Africa, Asia, at South America,
Caribbean atbp. Ang ilan sa mga postcolonial na manunulat ay sina Chinua Achebe, Derek Walcott, Maya
Angelou, Salman Rushdie, Jean Rhys, Gabriel Garcia Marquez atbp.

TEORETIKAL NA BALANGKAS (Bob Ong)

Upang mabuo ang balangkas, gumamit ang mananaliksik ng teorya ng Orientalismo ni Edward Said at
teorya ng Identity Development  ni Hussien Abdila Bulhan.

Teorya ng Orientalismo

Sa teorya ng Orientalismo ni Said, pinaniniwalaan ang mga sumusunod:

1.  Pinag-uugnay ng kapangyarihan ang Orient at Occident.  Ayon kay Said, ang kapangyarihan na ito ay
ang karunungan ng Occident sa kasaysayan at kultura ng Orient. Ang Orientalismo ay indikasyon ng lakas
na mayroon ang Kanluran sa Silangan.

2.  Ang Orient ay ang negatibong kabaligtaran ng Occident.  Nagkakaroon ng diskriminasyon sa pag-aaral
ng Orient sapagkat ito ay itinuturing na  inferior at iba kumpara sa Occident. Halimbawa, itinuturing ang
Orient na passive habang ang Occident ay active.

3.  Ang politikong imperialismo ng Europa ang ugat ng pagkakaiba ng Orient at Occident. Sinasabi na ang
Occident ang lumikha ng kasaysayan, kultura at hinaharap ng Orient.

Teorya ng Identity Development


Isang teorya na makakapagpaliwanag sa identidad na nabubuo sa mga sitwasyon ng oppression tulad ng
kolonyalismo ang inihain ni Hussien Abdilahi Bulhan sa kanyang librong Frantz Fannon and the
Psychology of Oppresion, na inilabas noong 1985. Sinabi niya na sa kondisyon ng matagalang oppression,
nagkakaroon ng tatlong pamamaraan ng psychological defense o identity development: kompromiso,
pag-iwas at paglaban. Ipinaliwanag niya sa wikang Inggles ang bawat isa:

The first stage, based on the defensive mechanism of identification with the aggressor, involves
increased assimilation into the dominant culture while simultaneously rejecting one’s own culture. I call
this the stage of capitulation. The second stage, exemplified by the literature of negritude, is
characterized by a reactive repudiation of the dominant culture and by an equally defensive
romanticism of the indigenous culture. I call this the stage of revitalization. The third phase is a stage of
synthesis and unambiguous commitment toward radical change. I call this the stage of radicalization.

Ang bawat pamamaraan ay itinuturing na mga tendencies  o patterns  din. Paano man ito tignan,
mahalagang tandaan na lahat sila ay nagco-coexist sa indibidwal, kung saan ang isa ay maaaring higit na
mamayani kaysa sa iba sa isang partikular na panahon o pagkakataon. Ayon pa kay Bulhan, kapag ang
mga tao ay masyadong naging fixated  sa isang phase,  ito na ang nagiging katauhan ng henerasyon nila.

Pagsasama sa dalawang teorya

Ang pagsasama ng dalawang teoryang nabanggit ay bumubuo ng isang modelo ng balangkas ng teorya
na makakapaglarawan sa relasyon ng Orientalismo at teorya ng Identity Development  sa identidad ng
tao.

Sa modelo ng mananaliksik, nakikita ang tatlong pamamaraan ng psychological defense at identity


development, ang dominant culture (nangingibabaw na kultura) na pumapanig sa Occident,
ang indigenous culture (kulturang atin) at ang imperyalismo ng Europa sa Silangan.

Nakapalibot ang imperyalismo sa modelo ng teoretikal na balangkas, sapagkat ito ay ang sinasabing ugat
ng pagkakaroon ng pagkakaiba sa Orient at Occident. Dahil ito ay bahagi na ng kasaysayan ng bansa,
hindi ito nagagalaw ng iba pang mga variables. Ito ay binakuran ng parisukat upang ipakitang
nasasaklawan nito ang kulturang nangingibabaw at ang kulturang sariling atin.

Gamit ang isang baligtad na tatsulok, ipinakita ng mananaliksik ang saklaw ng kapangyarihan at
impluwensya ng Occident kumpara sa Orient. Ang malawak na bahagi ng tatsulok ay ang kulturang
nangingibabaw habang ang makipot na bahagi ay ang kulturang sariling atin. Ipinapakita rin ng tatsulok
na ang Orient ay ang negatibong kabaligtaran ng Occident.

Nakapaloob naman sa tatlong stages  ng  identity development ang  capitulation,


revitalization  at  radicalization.  Ang mga ito ay ang sinasabing pinagdadaanan ng tao o lipunan na
sumailalim sa pananakop. Mas malapit ang capitulation sa kulturang nangingibabaw sapagkat ito ay ang
katangian ng pagiging immersed sa kulturang ito habang inaayawan naman ang sariling kultura, sapagkat
nakaka-identify ang tao sa kanyang aggresor. Samantala, ang revitalization ay mas malapit sa sariling
kulturang dahil ito ang katangian ng pagkakaroon na romantikong pagtingin dito habang inaayawan
naman ang kulturang nangingibabaw. Bilog ang mga ito upang ilarawan na sila ay psychological
defense ng tao o lipunan na hindi madaling matinag.
Ang radicalization, bagamat isa ring psychological defense, ay inilarawan gamit ang starburst sa
kadahilanang ito’y kumakawala sa hugis ng tatsulok sa pagsasama ng dalawang bilog.
Ang radicalization kasi ang katangian kung saan nagkakasundo ang unang dalawang  stages at
nagkakaroon ng kagustuhan ng pagbabago sa katauhan o lipunan.

Ang mga interaksyong ipinapakita sa modelo ng balangkas ng teorya ng pinagsamang Orientalismo at


teorya ng Identity Development ay ginamit ng mananaliksik upang tukuyin kung paano naipakita sa mga
libro ni Bob Ong ang post-kolonyal na identidad ng lahing Pilipino.

DEPINISYON NG MGA TERMINO

Ang Post-kolonyalismo ay tumutukoy sa iba’t ibang pamamaraan at teorya na ginagamit upang


maintindihan ang epekto at impluwensya ng kolonisasyon.

Ang Orientalismo ay pag-aaral sa kultura ng Near  at Far East ng mga Westerners. Maaari din nitong


tukuyin ang depiksyon ng mga mununulat at mangguguhit ng Kanluran sa kultura ng Silangan.

You might also like