You are on page 1of 1

GABAY SA PAGNINILAY at MAIKLING KATESISMO NGAYONG

ARAW NG MGA KALULUWA

1. Ang purgatoryo
Ang purgatoryo ay walang iba kundi ang nag-aalab at naglilinis na apoy ng pag-
ibig ng Diyos sa atin. Ang purgatoryo ay ang huling pagkakataon kung saan ang tao
ay nililinis sa pagkahumaling sa pagkakasala. Ang mga kasalanan natin ay
napapatawad sa pamamagitan ng sakramento ng kumpisal, subalit ang
pagkahumaling sa kasalanan ay maaring dala pa natin sa ating pagpanaw.
Halimbawa, meron pa tayong masamang ugali ng pagiging magagalitin o iba pang
ugali na maaaring magdala sa atin sa kasalanan. Ang mga ito ay kailangan pang
patuloy na linisin upang makapasok tayo sa kalangitan.
2. Paglilinis sa Purgatoryo
Hindi natin alam ang eksaktong nagyayari sa paglilinis ng mga kaluluwa. Ang
sigurado tayo ay totoo ito. Huwag nating aalisin na ang paglilinis na ito ay bunga ng
pag-ibig ng Diyos na nagpapalaya sa atin sa pagkahumaling sa pagkakasala.
Mahirap ba ang paglilinis na ito? Oo. Ito ay mahirap sapagkat kailangang tanggalin sa
atin ang mga pagkahumaling sa pagkakasala. Kung papanong nahihirapan tayo sa
pag-aalis ng isang bisyo sa buhay natin ganon natin maaaring ikumpara ang
pagllilinis na ito. Mahirap ang proseso subalit ang resulta nito ay ang kaligayahan
sa kalangitang walang hanggan.
3. Ang “kasamahan ng mga banal.”
Ipinapahayag natin sa pananampalataya ang “kasamahan ng mga banal”. Ito ay ang
ugnayan nating nabubuhay dito sa lupa, yaong mga nililinis sa purgatoryo, at ang mga
nagtagumpay na nasa kalangitaan. Kaugnay nito, ipinaaalalahan tayo na ipagdasal
ang mga kaluuwa ng mga kapatid nating nililinis sa purgatoryo upang sila ay
mahango na sa paglilinis na iyon. Mabisa ang ating mga panalangin para sa kanila.
Ang mga panalanging ito ay tanda ng ating pagmamahal sa kanila. Ito rin ay
ginagamit ng Diyos bilang instrumento ng biyaya ng paglilinis sa kanila. Sa
pamamagitan ng ating mga panalangin at mga sakripisyo, nakikibahagi tayo sa
paglilinis sa kanila sa purgatoryo. Gayun din naman ang mga banal sa kalangitaan
ay namamagitan sa pananalangin sa paghahango sa mga kaluluwang nasa purgatoryo.
Doon ay patuloy silang naghihintay sa mga kaluluwang ito. Napakagandang isipin ang
kaisahan ng Simbahang naglalakbay sa lupa at mga santo sa kalangitan sa mga
kaluluwang nasa purgatoryo.

FRMML1/11/2020

You might also like