You are on page 1of 1

PANALANGIN BAGO KUMAIN

Panginoon, maraming salamat sa mga biyayang nakahanda sa


aming hapag-kainan. Ang mga biyayang ito ay aming
pinahahalagahan sapagkat sa iyong kabutihan at kapangyarihan
nagbuhat ang lahat ng mga ito.

Maraming salamat, Panginoon sa patuloy ninyong pagbibigay sa


amin ng mga pagkaing aming kailangan upang maging malakas at
malusog sa aming araw-araw na buhay. Maraming salamat din sa
aming pagsasama-sama ngayong oras ng pagkain at nawa’y
magkaroon kami ng pagkakataong muli sa susunod pang mga araw
na muling magkasama-sama upang pagsaluhan ang iyong mga
magagandang biyaya. Sa pangalan ng iyong anak na si Jesus.
Amen.

You might also like