You are on page 1of 1

Isa sa mga centro ng usap-usapan na mga turista mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa at munda ang

Ilocos. Bakit kaya? Bakit kaya? Sundan natin ang Compass papuntang Norte dahil ito ang pupuntahan
natin.

Mga umiikot na windmill sa hangin, mga umamalon na tubig sa dagat, mga nagtatagong kwento sa
bayan ng Ilocos. Umalis kami ng ika-amin ng hapon upang makadating at malakbay ang kagandahan ng
Ilocos ng umaga. Nasilayan pa naming ang pagsikat ni haring araw habang naglalakbay pero makikita sa
langit ang mga makakapal at madilim na mga ulap dahil sa paparating na bagyo patunta ring norte tulad
namin.

Unang binista namin ang mga simbahan mula sa mga aklat ng kasaysayan, mas matanda pa sa mga
taong kasama namin; bawat isa may sariling kwento na maibibigay sa mga gusto marining ito. Sumunod
ang mga malabundok na mga sand dunes kung saam lusakay kami sa 4x4 na sasakyan upang maikot ito
na parang rollercoster, biglang bumababa na parang naiwan ang iyong kaluluwa sa itaas. Dalawang
beses pa namin itong inikot dahil halos isang beses namang ito manyayari sa mga buhay namin.
Nasilayan rin namin ang bahay ng Dating Pangulong Ferdinand Marcos kung saan naging museso ito ng
kanyang mga mahahalagang memirabilya at parte ng buhay pamilya at buhay presidente niya. Pumunta
rin kami sa lugar kung saan nakatayo ang nagsisitaasan ang mga windmill na nakaharap sa malawak na
dagat. Malakas ang haging na nagpapaikot sa mga makinang ito upang makaroon ng eherhiya na
nagpapatakbo ng mga bayan ng Ilocos Norte at Ilocos Sur.

Hindi sapat ang dalawang araw upang malakbay ang Ilocos Norte at Sur. Masasabing medyo malas kami
dahil isang bagyo ang paparating sa aming pinaglakbayan. Kailangan putulin ang paglalakbay namin
upang makauwi sa aming bayan ang ligtas bago dumating ang pinamalakas na punto ng masamang
panahon. Di bale, siguradong babalik kami sa paraisong ito sa ibang panahon upang mas masilayan ang
kagandahan ng Norte.

You might also like