You are on page 1of 2

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

DEPARTMENT OF EDUCATION
DIVISION OF PALAWAN
PULOT NATIONAL HIGH SCHOOL
PULOT CENTER, SOFRONIO ESPAŇOLA, PALAWAN

QUARTER 1 – WEEK 8
WORKSHEET FOR FILIPINO 10

Pangalan: ____________________________________ Section: ________________

Basahin ang Nobela na “Ang Kuba ng Notre Dame (Buod) sa pahina 77-79 ng inyong aklat.
Basahin ang pahina 116 – 117 Mga Dapat Tandaan sa Pagsasagawa ng Suring - basa

ALAM MO BA NA…..ang mga panandang pandiskurso ay maaring maghudyat ng pagkakasunod-sunod ng


mga pangyayari o di kaya’y maghimaton yungkol sa pagkakabuo ng diskurso karaniwan nang ito ay
kinakatawan ng mga pang-ugnay o pangatnig.

Halimbawa

 at, saka pati - nagsasaad ng pagpupuno o pagdaragdag ng impormasyon


 maliban, bukod kay, huwag lang, bukod sa – nagsasaad ng pagbubukod o paghihiwalay
 tuloy, bunga nito, kaya, naman – nagsasaad ng kinalabasan o kinahinatnan
 kapag, sakali, kung – nagsasaad ng kondisyon o pasubali

Gawain 1: Nagagamit ang angkop na mga hudyat sa pagsusunod ng mga pangyayari Panuto: Punan ang
patlang ng angkop na mga hudyat sa pagsusunod – sunod ng pangyayari. Piliin ang sa kahon ang angkop na
sagot .

Sa madaling sabi saka dahil kung bukod sa


Si Amanda Bartolome ay isang babaeng
nagsisikap matunton at maunawaan ang tunay na kahulugan
ng pagiging isang babae sa gitna ng masalimuot na kalagayan ng bansa noong dekada ’70 sa ilalim ng Batas
Militar.( 1) _____________isang babae, kumikilos siya bilang isang ina (sa limang anak na pulos lalaki) at
asawa ayon sa dikta ng lipunan at ng asawa niyang si Julian. Bagaman tradisyonal, umiiral sa pamilyang
Bartolome ang kalayaan sa pagpapahayag ng damdamin (2)______________ kaya’t lumaki ang kanilang
mga anak na mulat ang kamalayaan sa nangyayari sa lipunan. (3)______________dito’y sumali sa kilusang
makakaliwa ang kanilang panganay na si Jules, 4._____________naging makata at manunulat naman si
Emman, at nahilig sa musikang rock n roll si Jason. SI Gani naman ay malayang pinasok ang pagiging US
Navy bagaman taliwas ito sa paniniwala ng mga kapatid.
(5) _____________nanatiling matatag ang pamilya Bartolome sa kabila ng napakaraming pagsubok ng
panahon. Dito rin nasubok ang katatagan ng pagsasama nina Amanda at Julian, kung saan si Amanda ay
nagnais na matunton ang sarili bilang isang babae, malayo sa dikta ng lipunan, at ng asawa.

Gawain 2: Naibibigay ang katangian ng isang tauhan batay sa napakinggang diyalogo


Panuto: Ibigay ang katangian ng tauhan batay sa babasahing diyalogo na hango sa mga akda. Isulat ang
sagot sa patlang.
1._________________________”Walang ibang babae akong minahal” halaw sa Ang kuba ng Notre Dame
2. _________________________”Hindi ako pumupunta sa bahay ng isang lalaking estranghero sa akin,” sabi
ng babae Halaw sa nobelang”Isang Libo’t Isang Gabi
3. ________________________“Sige, bibigyan kita ng trabaho. Pero ayoko ng tamad, ha? Dos singkwentang
gana mo”. (Don ho sa pinagtrabahuan ko, tatlong pisong…..) O, e, di don ka magtrabaho. Burahin ko na ang
pangalan mo?” Halaw sa nobelang “Gapo”
4._________________________”Daddy, patawad po. Nais ko lamang lumigaya sa buhay. Nasa katanghalian
na po ako ng buhay ko. Ayaw ko pong mag-isa balang araw kapag ako’y nawala.” Halaw sa kuwentong “Nang Minsang
Naligaw si Adrian
5._________________________ “Kasalanan n’yo ang nangyari, e! Natataranta kasi basta may kostumer
kayong kano. Pa’ano natitipan kayo ng dolyar. Basta nakikita kayo ng dolyar, naduduling na kayo, kaya
binabastos ninyo ang mga kapwa Pilipino.” Halaw sa nobelang “Maynila sa Kuko ng Liwanag”
GAWAIN 3: Nakabubuo ng isang suring basa sa alinmang akdang pampanitikan
Bumuo ng isang Suring - basa sa Nobelang “Ang kuba ng Notre Dame” ( 20 puntos) Isulat ang suring-
basa sa Isang Buong Papel. Patalata ang gagawing pagsulat.

Pormat na gagamitin sa pagsulat ng suring-basa (Kailangang makinig sa RBI)


I. Panimula
Uri ng panitikan
Bansang pinagmulan
Pagkilala sa may-akda
Layunin ng akda
II. Pagsusuring Pangnilalaman
Tema o Pakasa
Tagpuan/Panahon
Balangkas ng mga Pangyayari
Kulturang Masasalamin sa akda
III. Pagsusuring Pangkaisipan
Mga kaisipan/Ideyang taglay ng akda
Estilo ng Pagkasulat ng Akda
IV. Buod

You might also like