You are on page 1of 2

Paglalakbay at Migrasyon sa South Korea

Ang South Korea ay isang bansa na matatagpuan sa silagang bahagi ng Asya. Seoul ang

kapital ng bansang ito. Noong wala pa

nahati sa dalawa ang korea, ang bansang

ito ay tinatawag na "Korea", na nagmula

sa Dinastiyang Goryeo (minsan ay

nakabaybay na Koryo), na nanggaling

naman sa pangalan ng sinaunang

Kaharian ng Goguryeo.Ang Korea ay

dating binansagang “Hermit Kingdom”. Ayon sa kasaysayan, ito ay nasakop ng dayuhang

bansa at nasupil pa ng iilang mga bansa. Dahil sa kapaguran, napag-isipan nilang mga

Koreano na iwasan munag makipagsalamuha sa ibang bansa upang mapagtuunang pansin ang

pagpapatibay at lakas ng kanilang kultura.

Ang South Korea ay kilala sa Kdrama, Kpop, sa kanilang kultura at magagandang lugar. Nang

dahil sa Kpop at Kdrama ay naging

kaantig- antig ito sa panlasa at paningin

ng sa ibang tao sa buong mundo.

Natutunton ng mga manunuod o fans

ang mga pinupuntahan ng mga artista,

ang mga pagkain, pampaganda at

pananamit. Nakilala lalo ang South

Korea dahil sa mga Korean boy group

na nakilala sa buong mundo at ito ay

ang Bangtan Boys o mas kilala ang


bilang BTS. Napakalaking impluwensya ang kanilang presensya sa iba’t ibang larangan ng

musika at sa kanila angking galling.

Ang Kasuotan

Ang Hanbok (sa Timog Korea) o Joseon-ot (sa Hilagang Korea,

binabaybay ding Chosŏn-ot) ay ang tradisyunal na damit ng

Korea. Binubuo ang pambabaeng hanbok ng naibabalot

na chima o palda at ng isang tila bolerong jeogori o tsaketa.

Binubuo naman ang para sa kalalakihan ng maiksingjeogori at

ng baji o pantalon. Kapwa maaaring patungan ang pambabae at

panlalaking hanbok ng isang mahabangabrigo, ang durumagi, na

may katulad na gupit o yari. Sa kasalukuyan, isinusuot ng mga

Koreano ang hanbok para sa mga araw ng pagdiriwang o kasiyahan at para sa mga

seremonyang katulad ng kasalan o paglilibing.

https://www.liveinkorea.kr/portal/PHL/page/contents.do?menuSeq=5651&pageSeq=9

https://theculturetrip.com/asia/south-korea/articles/hanbok-an-introduction-to-south-koreas-

national-dress/

You might also like