You are on page 1of 28

Kilalanin ang mga

sumusunod na
larawan.
KOREA
JEJU ISLAND
LOVE LOCKS IN
NAMSAN TOWER
NAMSAN
TOWER
PAMBANSANG
KASUOTAN
KOREAN
ACTOR
(LEE MIN HO)
PANIMUL
A
KOREA
 ISA SA MGA BANSANG MATATAGPUAN SA
SILANGANG ASYA.
 DATING TINATAWAG NA “CHOSON” NA ANG IBIG
SABIHIN AY “LUPAIN NG MAPAYAPANG UMAGA”
 NAHAHATI ANG KOREA SA DALAWA (HILAGA-
NORTH, TIMOG-SOUTH) KUNG SAAN
MAGKAIBANG IDEOLOHIYA AT SISTEMA NG
PAMAHALAAN ANG NAGHAHARI SA
DALAWANG BANSA
KOREA
 ANG KULTURA AT PANINIWALA NG NORTH AT
SOUTH AY HINDI NAGKAKALAYO. ANG MGA
BANSANG ITO AY KAPWA NAGPAPAHALAGA SA
PAMILYA KUNG SAAN ANG KAPAKANAN NG
BAWAT KASAPI NG MAG-ANAK ANG
PINAKAMAHALAGA HIGIT SA ANO PA MANG MGA
BAGAY
 SA MGA SINAUNANG PANITIKAN, HINDI
KARANIWANG MAKIKITA ANG MGA DIWATA,
PRINSESA O MAHIKA. KADALASANG MGA HAYOP
ANG PAKSA NITO
 TIGRE ANG PAMBANSANG HAYOP NG TIMOG
KOREA NA ISANG MALAKAS AT MABANGIS.
Yugto ng Pagkatuto
TUKLASIN
Gawain 1: Iguhit Mo
Mula sa mga tauhan ng mga pabulang
nabasa mo gumuhit ng isang hayop na
sumisimbolo sa iyong pagkatao.
Ipaliwanag kung bakit ito ang napili
mong hayop. Gawin ito sa sagutang
papel.
Kaligirang Pangkasaysayan ng
Pabula sa Korea
Pinaniniwalaan na ang kauna-unahang pabula sa korea ay
ang kwento ng Oso at Tigre. Sa paghahangad ng oso at tigre
na maging ganap na tao silang kailangang magkulong sa
kweba sa loob ng 100 araw. Hindi nakatiis ang tigre at
lumabas sa kweba pagkalipas ng limang araw. Ang oso ay
nanatili sa kweba at pagkalipas ng 100 araw lumabas ang
isang napakagandang babae na pinaniniwalaang siya ang oso
na pumasok sa kweba. Natuwa ang babae sa kanyang itsura at
kinausap si Hwanin (Diyos ng Kalangitan). Pinababa ni Hwanin
ang kanyang anak sa lupa na si Hwanong at ipinakasal sa
babae. Nagkaanak sila at pinangalanang Dangun. Di naglaon,
si Dangun ay naging hari. Dito na nagsimula ang pagkakaroon
ng simbolong hayop ang iba’t ibang dynasty sa Korea.
PABULA
NAGMULA SA SALITANG
GRIYEGO NA “MUZOS”NA
ANG IBIG SABIHIN AY
MYTH O MITO
PABULA
 MAIKLING KWENTONG
KATHANG ISIP LAMANG.
ISINASALAYSAY SA MGA
KABATAAN PARA ALIWIN
GAYUNDIN ANG MAGBIGAY
NG PANGARAL.
PABULA
ANG MGA TAUHAN NG KWENTO
AY PAWANG MGA HAYOP.
 MGA HAYOP NA KUMAKATAWAN
O SUMASAGISAG SA MGA
KATANGIAN O PAG-UUGALI NG
TAO
PABULA
ITINUTURO NG PABULA ANG
TAMA, PATAS, MAKATARUNGAN
AT MAKATAONG UGALI AT
PAKIKITUNGO SA ATING KAPWA.
ANG MGA PABULA AY
LUMAGANAP DAHIL SA
MAGAGANDANG ARAL SA BUHAY
NA IBINIBIGAY NITO.
Pagsasanib ng Gramatika

Alam mo ba na…
 ang modal ay tinatawag na malapandiwa?
Ginagamit ang mga ito na pantulong sa
pandiwang na nasa panaganong pawatas.
Ang mga ito ay ginagamit bilang panuring na
may kahulugang tulad ng pandiwa. Ang mga
modal ay mga pandiwang hindi nagbabago,
limitado kapag binanghay o walang aspekto.

Mga Halimbawa: ibig, nais, gusto, kailangan


Gamit ng modal:
1. Bilang malapandiwa
Gusto niya ang bag ni Ana.
Ibig kong maging sikat na tao.
(Ang gusto at ibig ay ginamit bilang
malapandiwa subalit di tulad ng ganap na
pandiwa wala itong aspekto.)
2.Bilang panuring na may kahulugang
tulad ng pandiwa
Gusto niyang maglakbay muli.
(Ang salitang gusto ay nagbibigay turing sa
salitang maglakbay na isang pandiwang nasa
anyong pawatas. )
Ibig ng kuneho na makita ang hukay kung
saan nahulog ang tigre.
(Ang salitang ibig ay modal na nagbibigay
turing sa salitang makita na isang pawatas.)
1. Nagsasaad
ng pagnanasa, paghahangad at
pagkagusto
Mga Halimbawa:
Gusto kong mamitas ng bayabas.
Ibig kong matupad mo ang iyong pangarap
sa buhay.
2. Sapilitang pagpapatupad
Halimbawa:
Dapat sundin ang sampung utos ng
Panginoon.
3. Hinihinging mangyari
Halimbawa:
Kailangan mong magpursigi sa pag-aaral.
4.Nagsasaad ng posibilidad
Halimbawa:
Maaari ka bang makausap mamaya?
Pwede kang umasenso sa buhay.
Pagsasanay
Tukuyin ang isinasaad ng modal na ginamit sa
pangungusap. Letra lamang ang isulat sa iyong sagutang
papel.
Mga Pagpipilian:
a - Nagsasaad ng posibilidad
b – Hinihinging mangyari
c - Nagsasaad ng pagnanasa
d – Sapilitang pagpapatupad
___1. Ibig kong maging matiyaga tulad ng oso sa pabula
___2. Dapat sumunod sa ating mga magulang.
___3. Kailangan mong makuntento at magpasalamat sa
kung ano ang mayroon ka ngayon.
___4. Maaari pa bang masagip ang ating kalikasan?
___5. Ibig ng magandang babae na magkaroon siya ng anak.
___6. Gusto kong pahalagahan ang aking pamilya
tulad ng pagpapahalagang ginagawa ng mga
taga- Korea.
___7. Kailangang magbasa ka ng mga pabula
upang matuto ka ng mabubuting asal.
___8. Maaaring walang pagkakaiba ang pabula ng
Pilipinas at Korea.
___9. Maaari kang maging manunulat ng pabula
tulad ni Aesop.
__10. Hindi ka dapat sumuko sa mga pagsubok sa
buhay.

You might also like