You are on page 1of 1

Aklat

Ni: Zia Dumalague

✍️Prime_ZiBhe

Dati-rati ako ay iniingatan

Nililinang ang hatid kong kaalaman

Takbuhan kung may nais kang malaman

Nasisiyahan kung iyo nang matagpuan.

Subalit ako ngayo’y nalulumbay

Tila baga ako’y wala ng saysay

Hindi madampian ng iyong kamay

O kahit sulyap sa pahina kong taglay.

Sa trono ko’y may kumukuhang pilit

Makabagong teknolohiya dyan ka kumakapit

Sa isang pindot lang tiyak sungkit

Impormasyo’y kuha mula sa Internet.

Kabataan yata ay sadyang kay lupit

Bahagi ko’y ginawang gulanit

Itinago’t pinabayaan hanggang mapunit

Dinaramdam ko ngayon ang labis na sakit.

Isa man akong hamak na aklat

Hindi na kagandahan ang aking pabalat

Huwag sana kalimutan ang aking halaga

Nilikha rin ako para tulungan ka.

You might also like