You are on page 1of 2

PANGKAT 4

Base sa aming nabuong slogan, masasabi namin na ang Dalumat ay hindi basta bastang mga salitang
kaagad nating maintindihan, kundi may malalim itong kahulugan na maari nating maunawaan sa pagkakaroon
ng Malawak na kaalaman at Malalim na kaisipan ng sa gayon ay lumawak ang ating imahinasyon upang ang
isang salita ay mabigyang kabuluhan sa tunay nitong kahulugan. Kinakailangan nito Ng masusi at malalim na
pagunawa para masimulan at makabuo ng mga mga simpleng salita na aayon sa konsepto at magdudulot sa
iba’t ibang sangay na makakatulong upang magka ideya ang isang tao na maisaad ang isang salitang dalumat
sa kahulugan nito.

Pinapakita lang nito na ang ating wikang Filipino ay napakalawak at kinakailangan pa din nating
bigyang pansin at huwag kalilimutan dahil napakahalaga nito sa bawat isa dahil dito natin naipapahayag ang
ating sariling kaisipan, damdamin, o karanasan sa buhay na maari nating magamit tungo sa matagumpay
nating kinabukasan.

You might also like