You are on page 1of 4

MUNTINDILAW NATIONAL HIGH SCHOOL

Saint Martin De Porres St., Sitio Dilain, Brgy. Muntindilaw, Antipolo City, Rizal

ACTIVITY SHEET # 1

Name:______________________________________ Subject : ______Pambungad


___Week:_Unang Linggo_________
Section:_____________________________________ Date:________________________
Lesson:_________________________

Panimula

May pinanggagalingan ang lahat ng simula. May mga bit-bit na tayong mga alinlangan, agam-agam, mga
inaasahan, at mga kaalaman na pang-unang kasangkapan natin sa bubuksang bago.

Gawain 1: Sagutin ang mga tanong na ito sa iyong sarili. Isulat ang inyong sagot sa portfolio.

Gabay na tanong:

1. Ano ang pagkakaunawa ninyo sa pamimilosopiya?

2. Magbigay ng halimbawa.

3. Saan ginagamit ang pilosopiya?

B. Paglinang ng Kaalaman, Kakayahan at Pag-unawa

Sagutin ang mga tanong na ito sa iyong sarili. Isulat ang inyong sagot sa portfolio.

Gabay na tanong:

1. Paano umusbong ang pagmamahalan sa kaibigan.

2. Ano ang mabubuod ninyo sa pagkakaibigan?

3. Ano ang pagkakatulad ng magkaibigan sa pamimilosopiya?


Pagpapaunlad

Gawain 3 : Ibigay ang inyong pagpapakahulugan sa salitang pilosopiya.

PILOSOPIYA

Gawain 4:

Ang tradisyunal na depinisyon ng pilosopiya: agham na tumatalakay sa pinakahuling sanhi ng


mga bagay sa pamamagitan lamang ng liwanag ng talino.

Tanong:

1. Ipaliwanag ang depinisyong ito:


Halimbawa: Tuwing tag-init, alam ng hardinero na uusbong ang mga napakagandang bulaklak
na dilaw na Golden Showers, ngunit hindi niya inaalam ang dahilan kung bakit may ganitong katangian
ang mga bulaklak na ito. May ganitong alam din ang marunong na tao, ngunit may higit siyang alam –
ang bakit ng mga bagay.
Sabihin: Siguradong palatanong kayo noong bata pa kayo. Hindi ba mahirap sagutin ang ilan
ninyong tanong? Kailangan ang malalimang pag-aaral upang masagot ang mga bakit ninyo noong bata
pa kayo. Ganyan ang gawain ng pilosopo. Kailangang dumating siya sa sagot ng pinakahuling bakit
upang magkaroon siya ng kaganapan. Kailangang tuklasin niya ang hangganan ng isip. Tinutuklas ng
hangganang ito ang bakit ng mga bagay o ang pinakawakas na sanhi ng mga ito. Ang kaniyang isip o
talino ang ginagamit niya upang tuklasin ang bakit ng mga bagay. Nakabatay sa tanong na ito ang lahat
ng mga nangyayari sa agham, sining, industriya o pamahalaan. Mahalagang sagutin ang tanong na bakit
upang mapagaan o mapadali ang mga sagot sa tanong na ano, sino, saan, kalian, paano. Halimbawa,
kung malinaw na sa iyo kung bakit gusto mong maging guro, madali mo ng matutukoy ang mga sagot sa
tanong na ano, sino, saan, kalian, paano. ... Kaya mahalaga ang gawi (habit) ng pagtatanong.

Gabay na Tanong:

1. Paano uusbong ang pagmamahal sa karunungan?

2. Ano ang katangian ng pamimilosopiya bilang pagmamahal sa karunungan?


Gawain 5:

Panuto: Paggupit ng isang hugis bilang paglalarawan ng meron. (Layunin nito na mahinuha ninyo ang
mga katangian ng meron bilang kumakatawan sa pag-iral). Gugupit ang bawat mag-aaral ng anumang
hugis na gusto nila. Idikit ito sa puting papel at sagutin ang gabay na tanong. Ilagay ito sa portfolio.

Gabay na Tanong:
a. Paano ipaliliwanag ang meron gamit ang papel at gunting?
b. Ano ang inyong mga ginamit sa paggupit ng papel?
c. Ano ang sinisimbolo ng papel at gunting ang meron?

Pakikipagpalihan

Gawain 6: Pagluluto ng espesyal na ulam.


Panuto: Magluto ng ulam na espesyal sa inyong pamilya (hal., sinigang). Pagkatapos ng pagluluto
sagutin ang mga sumusunod na katanungan.

Gabay na Tanong:

a. May kaugnayan ba ang pagluluto ng ulam sa pamimilosopiya? Patunayan.


b. Ano-ano ang mahihinuha sa karanasan ng pagluluto ng ulam?

Paglalapat
Gawain 7: Ano Ang mga Dapat Kong Ipagpasalamat?
Maaaring magsagawa ng pagmumuni sa isang tahimik na lugar tulad ng ilalim ng puno o silid ng
inyong bahay. Sagutan sa portfolio ang sumusunod:

a. Ano-ano sa mga nangyari kahapon ang dapat kong ipagpasalamat?


b. Sino-sino ang dapat kong pasalamatan at bakit?

c. Alin sa mga nangyari kahapon ang nais kong baguhin o ipagpatuloy?

d. Paano ko isasagawa ito?

Pagninilay.
Sagutan ang mga tanong sa talahanayan sa ibaba upang lubusang mapalawak ang
pagkaunawa ng mga mag-aaral sa aralin:
Ano-ano ang mga konsepto Ano ang aking reyalisasyon Ano-ano ang mga hakbang
at pag-unawa na pumukaw sa bawat konsepto at pag- na aking gagawin upang
sa akin? unawang ito? mailapat ko ang mga pang-
unawa at reyalisasyong ito sa
aking buhay?

You might also like