You are on page 1of 11

Filipino 9

Episode 1 of Module 1: Pabula: Hatol ng Kuneho


Video Script Writer: Je-An S. Santos
Demo Teacher: Je-An S. Santos
Division: Zamboanga City

FILIPINO GRADE 9 (Open Date)

VIDEO AUDIO
DepEd bumper UP MUSIC
Intro Spiel Titser Je-An:
Kumusta aking mga minamahal na mga mag-
aaral! Magandang buhay!

Handa na ba kayo sa panibagong talakayan at


kaalaman na mapupulot natin sa araw na ito?
Tara’t samahan ninyo ako! Ako nga pala si Bb.
Je-An Santos at ating itutuloy ang kagandahan
ng pagkatuto sa pamamagitan ng telebisyon.
GFX: Title card Ang sandaling ito ay para sa Filipino.
“Filipino Baitang 9” (Handang Isip, Handa Bukas!)
DEPED TV LOGO
Sa araw na ito ay ating papasukin ang mundo ng
MID SHOT OF TEACHER pabula na kung saan ating mabibigyang-puna
GFX: Word HAYOP at TAUHAN ang kabisaan ng paggamit ng hayop bilang mga
tauhan na parang taong nagsasalita at kumikilos.
GFX: Handa na ba kayo? Magaling! Kunin ang iyong
DRAWING OF PEN AND PAPER papel (CapSLET) at panulat. Ihanda rin ang
inyong mga tenga’t mata.

CLOSE-UP SHOT OF TEACHER Handa na ba? Ayan! Handang handa na tayo!


MID SHOT OF TEACHER Bago tayo magsimula, balikan muna natin nang
mabilisan ang kahulugan ng Pabula.

GFX: Flashing of Text “Pabula” Ano nga ba ang Pabula?

GFX: Flashing of Text on the definition of Ang Pabula ay isang anyo ng Panitikan, isang
Pabula kathang-isip na kung saan ang mga hayop o mga
bagay na walang buhay ang gumaganap na
tauhan sa kuwento. Ito ay kadalasang
kumakatawan o sumasagisag sa mga katangian o
pag-uugali ng tao.

MID SHOT OF TEACHER Ayan! Nakuha na natin ang kahulugan ng


Pabula.

MID SHOT OF TEACHER Sa puntong ito ay may ipakikita akong isang


larawan.

GFX: FLASHING OF PICTURES of Anong hayop itong nasa aking kaliwa?


KUNEHO or RABBIT Tama! Ito ay isang kuneho. Nakakita na ba kayo
ng isang kuneho? Magaling mga bata!

Sa araw na ito, ang akdang ating tatalakayin ay


may kaugnayan sa isang kuneho. Tama! Isang
kuneho.

Handa na ba kayong kilalanin si Kuneho?


MID SHOT OF TEACHER Magaling! Makinig nang mabuti habang aking
babasahin ang akdang may pamagat na “Ang
Hatol ng Kuneho” isinalin sa Filipino ni Vilma
C. Ambat.

Noong unang panahon, nang ang mga hayop ay


GFX: Flashing of Text of the story
nakapagsasalita pa, may isang tigreng
GFX: FLASHING OF PICTURE of a
naghahanap ng pagkain sa gubat.
Tiger looking for a food

Sa kaniyang paglilibot, nahulog siya sa


GFX: FLASHING OF PICTURE of a
napakalalim na hukay. Sumigaw siya nang
Tiger na nahulog sa hukay sumigaw upang humingi ng tulong subalit
walang nakaririnig sa kanya.

GFX: FLASHING OF PICTURE of a Kinabukasan, muling sumigaw ang tigre upang


Tiger na sumisigaw nang sumisigaw humingi ng tulong hanggang sa mapaos.
“Tulong! Tulong! Sigaw ng isang tigre.

GFX: FLASHING OF PICTURE of man Isang lalaki ang dumungaw sa hukay. Naawa ang
na dumudungaw sa hukay lalaki sa tigre subalit naisip niyang baka kainin
siya nito. Nagmakaawa ang Tigre at nangakong
hindi kakainin ang tao.

Nakahanap ang lalaki ng troso at dahan-dahan


niyang ibiniba sa hukay.

Nang makaahon na nag tigre, nakita niya ang


lalaki. Naglaway ang tigre at naglakad paikot sa
lalaki. “Sandali! Hindi ba nangako ka sa akin na
hindi mo ako sasaktan?” sumbat ng lalaki sa
tigre. “Wala na akong pakialam sa pangakong
iyan dahil nagugutom ako!” tugon ng tigre.

GFX: FLASHING OF TEXTS Bago pa man tuluyang kainin ng Tigre ang tao ay
pinigilan niya ito upang makahingi ng payo sa
ibang mga nilalang sa paligid kung karapat –
dapat ba siyang kainin ng tigre o hindi.
GFX: FLASHING OF PICTURE of Puno Una nilang hiningan ng tulong ang Puno ng Pino,
ng Pino ipinaliwanag ng tigre at ng lalaki ang nangyari.

“Dapat na kainin ng Tigre ang lalaki dahil ang


tao ang dahilan ng pagkasira ng kalikasan at
pagputol ng mga puno.” wika ng puno ng Pino.
GFX: FLASHING OF PICTURE of Baka Sa mga sandaling din iyon ay dumaan ang isang
Baka. Ipinaliwanag nila sa Baka ang nangyari.

“Dapat mo siyang kainin! Kaming mga baka ay


naglilingkod at tumutulong sa kanila sa bukid,
ngunit pagtanda namin ay pinapatay kami at
ginagawang pagkain,” wika ng baka.
GFX: FLASHING OF PICTURE of Kakainin na sana talaga ng tigre ang lalaki,
Kuneho ngunit nakiusap ang lalaki na hingan pa ang
hatol ang isang kunehong dumaraan.

Muling isinalaysay ng tigre at lalaki ang


nangyari sa kuneho.

“Pumunta kayo sa mga posisyon ninyo noon”


ang sabi ng kuneho.

Tumalon agad ang tigre sa hukay nang hindi


GFX: FLASHING OF PICTURE of tigre
na tumalon sa hukay nag-iisip dahil gutom na gutom na siya at gusto
na niyang kainin agad ang lalaki.

“Ikaw, tigre ay nahulog sa hukay at hindi


makaahon. Ikaw naman lalaki, narinig mo ang
paghingi ng sakloklo kaya tinulungan mo ang
tigre. Ngayon maaari na akong magbigay ng
aking hatol. Magpatuloy ang lalaki sa
paglalakbay at dapat manatili ang tigre sa hukay.
Upang walang maging problema”,

wika ng matalinong kuneho at nagpatuloy sa


GFX: FLASHING OF PICTURE of
Kuneho na paalis na tumatalon kaniyang paglukso.
Ayan mga bata, nagustuhan ba ninyo ang
kuwento?

Magaling!
MID SHOT OF TEACHER
Ngayon ay kayo’y aking tatanungin, kayo naman
ang magbibigay ng inyong mga hatol:

FLASH TEXT ON SCREEN “Tama ba ang naging hatol ng kuneho sa


problema ng tigre at lalaki?”

(PAUSE)

MID SHOT OF TEACHER Magaling! Tama ang naging hatol ng kuneho.

Dahil unang una, nag-iwan ng salita ang tigre na


dapat lamang niyang tuparin. Nangako siya sa
lalaki na hindi niya ito kakainin.

At, nagmagandang loob ang lalaki na tulungan


ang tigre kaya dapat lamang na magkaroon siya
ng utang na loob rito.

Sa akdang ito ay ipinapakita ang kahalagahan ng


pagtupad sa usapan at ang pagtanaw ng utang sa
loob sa kapwa.
Kung ikaw ay nangako sa isang tao, nararapat
lamang na ito’y ating tuparin.
Sa puntong ito ay ating tutukuyin ang katangian
FLASH TEXT ON SCREEN ng mga hayop na kabilang sa kuwento.
Ihanda ang inyong papel at panulat at ilahad ang
katangian ng mga sumusunod:

MID SHOT OF TEACHER Una, kuneho. Ano ang katangiang ipinapakita ng


FLASHING OF QUESTION AND kuneho?
ANSWER AFTERWARDS
(PAUSE)

GFX: FLASHING OF PICTURE of Magaling! Ang mga kuneho ay itinuturing mga


Kuneho matatalino.

GFX: FLASHING OF PICTURE of Tigre Ikalawa, Tigre.

(PAUSE)
Tama! Ang mga tigre ay matatapang at
mababangis. Sa kuwentong ating nabasa, ang
tigre ay hindi tumupad sa kanyang naipangako sa
lalaki.

(PAUSE)
Sunod, ang baka. Anong katangian naman ang
GFX: FLASHING OF PICTURE of Baka ipinakita sa mga baka?

(PAUSE)
Magaling! Ang mga baka ay masisipag dahil
tumutulong sila sa mga tao sa bukid gaya ng
nabanggit sa kuwento.

Ayan! Sa ngayon nabigyan na natin ng katangian


ang ilan sa mga tauhan sa pabulang ating nabasa.

Ngunit ano nga ba ang bisa ng paggamit ng mga


hayop sa kuwento?

(PAUSE)

Sa Pabula, hayop ang ginagamit bilang tauhan


FLASH TEXT ON SCREEN upang maging kawili-wili o kasiya-siyang
basahin lalo na sa mga bata o mag-aaral.
Mabisang gamitin ang hayop na tauhan sa
kuwento, sapagkat may kanya-kanyang likas na
katangian na madaling isalarawan upang mas
maging malinaw ang paglalahad ng kuwento.

Muli, ang pabula ay isang anyo ng Panitikan na


kung saan ang mga hayop ang siyang gumaganap
na tauhan dito. Tandaan natin, ang tauhan ay isa
sa pinakamahalagang elemento ng isang
kuwento.

Ayan! Nakita na natin ang kagandahan ng mga


Pabula. Tiyak na marami tayong makukuhang
magagandang aral at asal sa pagbabasa ng mga
ito.
MID SHOT OF TEACHER Sa puntong ito, magkakaroon tayo ng isang
maiking pagsusulit na kung saan ay susubukin
ang ating natutuhan kaugnay sa ating binasang
akda.
MID SHOT OF TEACHER Basahin at unawain natin nang mabuti ang mga
sumusunod na tanong. Isulat ang inyong sagot sa
inyong sagutang papel. Titik lamang ang isulat
na tumutugon sa tamang sagot na bawat aytem.

GFX: FLASH OF TEXTS 1. Sino ang unang nagbigay ng hatol o opinyon


sa tigre at lalaki?
a. baka
b. kuneho
c. Puno ng Pino
d. Tigre

2. Ano ang naging suliranin sa binasang pabula?


a. gustong kainin ng tigre ang lalaki
b. gutom na gutom ang tigre
c. nahulog ang tigre sa napakalalim na hukay
d. tinulungan ng lalaki ang tigre

3. Tama ba ang naging hatol ng kuneho sa


suliranin ng tigre at lalaki?
CLOSE-UP SHOT OF TEACHER
a. Tama, dahil naging magulo ang tigre at lalaki.
b. Tama, dahil naging makatarungan ang
kanyang pagpapasiya upang hndi na lumaki ang
problema ng dalawa
c. Mali, dahil hindi niya tinulungan ang tigre
d. Mali, dahil hindi siya naging patas sa kanyang
desisyon.

4. “Dapat mo siyang kainin! Kaming mga baka


ay naglilingkod at tumutulong sa kanila sa bukid,
ngunit pagtanda namin ay pinapatay kami at
ginagawang pagkain”, wika ng baka. Anong
emosyon o damdamin ang ipinahihiwatig sa
pahayag?
a. pagsisisi
b. galit
c. lungkot
d. hinanakit

5. Bakit mahalagang pag-aralan ang pabula?


a. Ang mga aral o mensahe na mula sa akda ay
maaaring magamit ng tao upang maging isang
mabuting mamamayan.
b. Naglalahad ito ng iba’t ibang pag-uugali ng
mga hayop na maihahambing sa tao na
kapupulutan ng magandang aral sa buhay.
c. nakatutulong ito sa kasanayan sa pagbasa at
pag-unawa ng isang tao
d. Lahat ng nabanggit
MID SHOT OF TEACHER Ngayon ay sasagutin natin ang ating mga sagot.
Ako’y nagtitiwala sa inyo nang lubos kaya
maaari ninyong iwasto ang sarili ninyong mga
sagot.
GFX: FLASH OF TEXTS
1. Sino ang unang nagbigay ng hatol o opinyon
sa tigre at lalaki?
Sagot: C. Puno ng Pino
2. Ano ang naging suliranin sa binasang pabula?
Sagot: A. gustong kainin ng tigre ang lalaki

3. Tama ba ang naging hatol ng kuneho sa


suliranin ng tigre at lalaki?
Sagot: B. Tama, dahil naging makatarungan
ang kanyang pagpapasiya upang hndi na
CLOSE-UP SHOT OF TEACHER
lumaki ang problema ng dalawa

4. “Dapat mo siyang kainin! Kaming mga baka


ay naglilingkod at tumutulong sa kanila sa bukid,
ngunit pagtanda namin ay pinapatay kami at
ginagawang pagkain”, wika ng baka. Anong
emosyon o damdamin ang ipinahihiwatig sa
pahayag?
Sagot: D. hinanakit

5. Bakit mahalagang pag-aralan ang pabula?


Sagot: D. Lahat ng nabanggit
Ayan! Natapos na nating iwasto ang inyong mga
sagot.

Ano ang inyong iskor?


CLOSE-UP SHOT OF TEACHER
(PAUSE)

Wow! Ang galing naman ng aking mga mag-


aaral!

Dahil diyan, bigyan natin ang ating mga sarili ng


tatlong bagsak!

Isa! Dalawa! Tatlo! Magaling!

MID SHOT OF TEACHER Ayan mga bata, dito nagtatapos ang ating
talakayan hinggil sa Pabula at ang kagandahan
nito.
EXTRO SPIEL Isa na namang magandang araw ito na kayo’y
CLOSE-UP SHOT OF TEACHER nakasama sa pamamagitan ng telebisyon.

Muli, ito ang iyong guro na Bb. Je-An Santos na


nag-iiwan ng mga katagang “Cree, Junto-Junto
Puede!

Hanggang sa muli!
PICTURE OF DEPED TV

You might also like