You are on page 1of 24

KABANATA I

INTRODUKSYON

Ang malawak na mundo ng internet at kakayahang magamit ang teknolohiya ay

malaking tulong sa pangangailangan para sa web-based na pag-aaral ng mga estudyante.

Ang pag-aaral sa online ay nakakaakit sa isang saklaw ng mga mag-aaral at nagiging

bagong kasanayan na ng pag-aaral sa lahat ng antas mula elementarya haggang sa

kolehiyo. Ang online learning ay binigyang depenisyon ng U.S. Department of

Education (2010), na “pag-aaral na nagaganap sa internet”. Ito ang isa sa magandang

pagbabago sa paraan ng pag-aaral para madagdagan ang kaalaman at kakayahan ng mga

mag-aaral. Isa itong halimbawa ng tinatawag na distance learning na kung saan ang pag

aaral ay hindi nangyayari sa isang tradisyunal na silid aralan. Paliwanag pa ni Chaney

(2010), Ang Distance learning ay nagbibigay-daan sa kakayahan na umangkop sa kahit

anong sitwasyon at oras. Ito rin ay kilala sa tawag na e-learning dahil sa pag gamit ng

internet.

Kaugnay ng online learning may mga epekto rin ito sa ating kalusugan. Ang

kalusugan ay ang isang estado ng pagiging masigla ang isip, katawan, at pakikitungo sa

iba. Hindi ito simpleng kawalan lamang ng sakit, kapansanan, o iba pang karamdaman.

Ayon sa Mediko.ph (2020), Ang kalusugan ay isang ring karapatan ng bawat tao sa

buong mundo. Dapat ay makipagtulungan upang maatim ang isang estado na

magpapahintulot sa katuparan ng kahulugan ng kalusugan. Dagdag pa rito, ang kalusugan

ay isang responsibilidad ng bawat isa sa sarili at sa kapwa. Mayroong tatlong (3) uri ng

kalusugan: kalusugang Pisikal, Pangkaisipan at Sosyal.


Ang Kalusugang Pisikal ay nagtataguyod ng wastong pangangalaga ng katawan

para sa paggalaw o pagkilos. Maraming mga elemento ng pisikal na kalusugan na lahat

ay dapat bigyan ng importansya. Paliwanag ng University of California (2020), Ang

pangkalahatang pisikal na kalusugan ay hinihikayat ang balanse ng pisikal na aktibidad,

nutrisyon at kagalingang pangkaisipan upang mapanatili ang iyong katawan sa

pinakamataas na kondisyon. Ang pagkuha ng isang pinakamainam na antas ng pisikal na

kalusugan ay nagbibigay-daan sa indibidwal upang alagaan ang personal na

responsibilidad para sa sariling kalusugan. Pangalawa ay Kalusugang Pangkaisipan, ito

ay kalagayan ng isang tao patungkol sa kanilang kagalingang sikolohikal, emosyonal at

sosyal. Naaapektuhan nito ang iniisip, nararamdaman, at kilos ng isang tao.

Nakakatulong din itong matukoy kung paano pangasiwaan ang stress, makaugnay sa iba,

at gumawa ng mga desisyon. Ang kalusugang pangkaisipan ay mahalaga sa bawat yugto

ng buhay, mula pagkabata hanggang sa pagtanda. Mahalaga ang pagkakaroon ng suporta

sa kalusugang pangkaisipan dahil maraming mga mag-aaral ang aktwal na nakakaranas

ng hirap pagdating sa kanilang kalusugang pangkaisipan habang pumapasok sa online

class. Ayon sa World Health Organization-Philippines (2020), umaabot sa higit 3

milyong Pilipino ang nakararanas ng mental, neurological at substance use disorder sa

unang bahagi pa lang ng taon. Panghuli naman ay Kalusugang Sosyal, ito ay kakayahan

ng isang indibidwal na makihalubilo sa iba. Nauugnay dito ang kakayahang umangkop

nang kumportable sa iba't ibang mga sitwasyong panlipunan at kumilos nang naaangkop

sa iba't ibang mga lugar. Ang bawat tao ay maaaring magkaroon ng malusog na ugnayan

sa isa't isa sa tulong ng komunikasyon at pakikiramay sa iba.


Ang mga nananaliksik ay naglalayong matukoy at mabigyang diin ang mga

Epekto ng Online class sa pangkalahatang kalusugan ng mga mag- aaral. Ang pag-aaral

na ito ay nais bigyang alam ang mga mga-aaral sa mga mabuting epekto ng online class

at bigyang babala patungkol sa mga negatibong epekto nito sa kalusugan upang ito’y

malimitahan at mabigyang kasagutan o maiwasto. Ang kalalabasan ng pag-aaral

na ito ay makapagdadala nang malakingtulong sa mga estudyante, guro, magulang,

paaralan at mga mananaliksik sa hinaharap upang lubos na malaman at maintindihan ang

epekto ng online class sa kalusugan ng mga mag-aaral.

Pagpapahayag ng Suliranin
Mahalaga ang pananaliksik na ito upang matukoy and epekto ng online class sa
pangkabuuang kalusugan ng mga mag-aaral sa kolehiyo ng Our Lady of Fatima
University. Ang pag-aaral na ito ay isasagawa sa unang semestre ng pasukang taong
2020-2021.
Ang pananaliksik na ito ay may mga katangiang nais sikapin na bigyan ng
kasagutan:

1. Ano ang epekto ng online class sa mga mag aaral sa kolehiyo?


2. Ano ang epekto sa pangkalahatang kalusugan ng mga mag-aaral sa kolehiyo sa
mga tuntunin ng:
2.1. kalusugang pisikal
2.2. Kalusugang pangkaisipan
3. Paano nakaapekto ang online class sa pisikal na kalusugan ng mga estudyante sa
kolehiyo?

Saklaw at Delimitasyon

Ang pokus ng pag-aaral na ito ay malaman ang epekto ng online classes sa pisikal

at mental na kalusugan ng isang mag-aaral sa kolehiyo. Ang mga kukuning respondente


ay mga estudyante sa kolehiyo ng Our Lady of Fatima University (OLFU). Ang pag-aaral

na ito ay gagamit ng kwantitabong pamamaraan, ibig sabihin ay gagawa ng serbey

questionnaire ang mga mananaligsik, at ito ay ibibigay sa mga 50 na random students sa

kolehiyo na magiging kasali sa pag-aaral mula sa OLFU- Valenzuela. Ang pag-aaral ay

gagawin sa loob ng apat (4) na linggo.

Ito ay nadedelimitahan dahil ito ay hindi pwedeng pangkalahatan sapagkat hindi

kasama ang iba pang estudyante sa OLFU katulad ng Senior High School at Junior High

School, at iba pang unibersidad.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Nilalayon ng pag-aaral na ito na matukoy at bigyang diin ang mga Epekto ng

Online class sa kalusugan ng mga mag- aaral. Kaakibat nito ang magiging resulta sa pag-

aaral na ito ay magiging kapakipakinabang sa mga sumusunod:

Mga Mag – aaral. Sila ang pangunahing magbebenipisyo sa pagaaral na ito.

Maipaaalam ang iba't ibang epekto ang online class at ang mga maaaring maging epekto

nito sa kanilang kalusugan, partikular na sa mentalidad, pisikal, at emosyon.

Mapapakinabangan rin ito upang maiwasan at mapagtuunan ng pansin ang mga magiging

problema pagsila ay nakaranas ng mga nasabing epekto nito.

Mga Magulang at Tagapag –alaga. Ang resulta ng pag-aaral na ito ay magkakaroon

ng benepisyo sa mga magulang upang mapagtuunan nila ng pansin ang kanilang mga

anak. Maaaring makatulong ito upang magkaroon ng mas malawak na kaalaman ang mga
magulang at maagapan ang iba’t- ibang epekto ng online class kung sakaling makaranas

ang kanilang mga anak. Dagdag pa nito, maaaring maging tulay ito upang mas

magabayan ng husto ang kanilang mga anak at magbigay patnubay sa mga iba pang

gawain nito.

Mga Guro. Mahalaga na habang maaga pa ay maipapahayag na agad sa mga guro

kung ano talagang epekto na naibibigay ng online calss at maging gabay sa mga susunod

na hamon sa pagtuturo at upang mapagtuunan rin nila ng pansin ang mga kabataang

nakakaranas ng mga nasabing epekto ng online class.

Paaralan. Ang mga paaralan ay hindi lamang isang establisyamento, ngunit sa

halip, isang tahanan para sa mga mag-aaral. Ang paaralan, pagkatapos maganap ang pag-

aaral na ito sa pagsasaliksik, ay magtataas ng isang kamalayan tungkol sa iba’t – ibang

epekto ng online class sa kanilang mga mag aaral. At bilang pakikibahagi upang

mapangalaagaan ang kalusugan ng mga mag-aaral, ang paaralan ay maaring magpatupad

ng mga patakaran at alintuntunin na makakatulong upang mas mabawasan ang naturang

epekto. Sa ganitong hakbangin maaring magkaroon ang paaralan ng isang magandang

imahe.

Mga Mananaliksik sa Hinaharap. Makakatulong ito para mas mapalawak ang isip

nila at mas mabigyan sila ng ideya para sa gagawin nilang saliksik patungkol sa suliranin

kaugnay ng epekto ng online class sa kalusugan ng mga mag – aaral.

Batayan Konseptwal

Ang pigura sa ibaba ay nagpapakita ng gagawing plano ng mga mananaliksik sa

pagkagamit ng gagawin pag-aaral.


INPUT PROSESO OUTPUT

Propayl ng mga  Talatanu Epekto ng


estudyante ngan Online Class sa
 Goldberg kalusugan ng
 Bigat
Question mag-aaral
 Taas
naire
 Taon

Figure 1: Batayan Konseptwal

Sa pigura 1 ginamit ng mga mananaliksik para ipakita ang planong gagawin ay

Input-Process-Output o IPO. Una ay input, dito nakapaloob ang mga propayl ng mga

estudyante kagaya ng kanilang bigat, taas, at kung ilang taon na sila. Pangalawa ay ang

proseso, kung saan gagawa ng talatanungan, at gagamitin ang Goldberg Questionnaire

para sa pag-alam ng mental health ng isang tao. At ang panghuli ay ang output, ito ay ang

mga epekto ng online class sa kalusugan ng isang mag-aaral.

Haypotesis ng Pag-aaral

Ang mga nabuong ay nagawa ayon sa mga inihayag na suliranin ng pag-aaral.

H0: Ang online class ay hindi nakakaapekto sa pangkabuuang kalusugan ng mag-aaral


sa kolehiyo ng Our Lady of Fatima University.
H0: Ang online class ay may negatibong epekto sa mga magaaral sa kolehiyo ng Our
Lady of Fatima University.
Depinisyon ng Teminolohiya

Ang mga terminolohiyang ginamit ay maaaring teknikal para sa mga ibang

mambabasa. Ito ay makakatulong upang mas maunawaan pa ng mga mambabasa at

mabigyan linaw ang terminong naisulat.

Ang Kalusugan Pangkaisipan ay ang kanilang emosyonal, sikolohikal at sosyal

na pagkatao. Naapektuhan nito kung paano mag-isip, makaramdam, at kumilos ang isang

tao.

Ang Kalusugan Pisikal ng tao ay ang kabuuan na pisikal na kondisyon ng isang

tao. Kasama rito ang maaayos ng pangangatawan, hindi pagkakaroon ng sakit.

Ang Neurological Disorder ay mga sakit na konektado sa utak, nerves, at spinal

cord ng isang tao.

Ang Online Class ay ang klase na isinasagawa sa loob ng internet.


KABANATA II

KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA

Sa panahon ngayon, totoong mabilis na ang pagbabago sa ating mundo, at

isa na nga ang teknolohiya sa pangunahing rason ng mga pagbabagong ito. Mabilis na

binabago ng teknolohiya ang pamumuhay ng sangkatauhan. Isa sa naging ambag ng

teknolohiya ay ang pagkakaroon ng bagong mode ng pag-aaral ng mga studyante. Gamit

ang mga makabagong teknolohiya, ang online class o e-learning ay naging alternatibong

paraan upang patuloy parin na magkaroon ng komunikasyon o interaksyon ang mag-aaral

sa kanilang mga guro, sa panahong wala ang isa’t isa sa paaralan. Ngunit ang online class

ay mayroong iba’t ibang epekto sa mga estudyante at pati na rin sa mga guro.

Kaugnay na Pag-aaral

Ayon sa pag-aaral na isinagawa sa Eastern Washington University sa Cheney,

Washington ang pag-aaral sa online ay nagpapakita ng isang pangunahing panganib sa

ating emosyonal at pisikal na kalusugan, na nagreresulta sa isang trend na malayo sa mga

aktibong paghahanap ng paglilibang at pampalakas. At ito ay humahantong patungo sa

isang hindi na aktibo na gawain partikular ang laging nakaupo (Wang, Luo, Gao, &

Kong, 2012). Ang hindi na aktibo na gawain (sedentary lifestyle) at pag-uugali (mental

health) ay humahantong sa maraming mga panganib sa kalusugan at kondisyon tulad ng

sakit sa puso, isa sa mga pangunahing sanhi ng pagkasira ng katawan.


Lokal na Literatura

Online class

Ang “online class” ay isang plataporma ng pag-aaral kung saan ay idinadaos sa

pamamagitan ng paggamit sa internet, at ang estudyante ay di na kinakailangang lumabas

pa ng bahay upang magtungo nang personal sa klase at makaharap ang guro at mga

kamag-aral. Nang magkaroon ng quarantine sa bansa dahil sa epekto ng COVID-19

Crisis, nakapagpatuloy pa rin ang mga estudyante mula elementarya hanggang kolehiyo

sa kanilang pag-aaral gamit ang computer. Bagama’t iba pa rin ang kapaligiran ng isang

silid-aralan kung saan ay may personal na interaksiyon sa pagitan ng guro at mga

estudyante, kailangan na lamang gawing mas masigla, epektibo, at imperatibo ang paraan

ng pagbabahagi ng mga aralin upang ang mga bata ay magkaroon ng pokus at ibuhos ang

kooperasyon. 

Ang pagsasagawa ng online class sa Pilipinas o ibang bahagi ng mundo ay

isang hamon sa gobyerno, sa Kagawaran ng Edukasyon o Department of Education

(DepEd), sa mga guro at mga magulang, kung paano ba matutugunan ang mga

pangangailangan ng mga mag-aaral. Dahil sa gitna ng krisis na dulot ng pandemya,

mahalaga ang pagkakaroon ng suporta sa mga materyal na gamit, sa koneksiyon sa

internet, sa pagdisiplina sa mga estudyante para sa bagong daily routine nila at mas tutok

na pagsubaybay sa kanilang pag-aaral sa pamamagitan ng online class.

Positibong Epekto ng Online class


Ayon kay Centeno-De Jesus (2020), Ang pag-aaral sa online ay may mga

benepisyong katulad ng pagkakaroon ng disiplina ng mga estudyante sa pagbabalanse ng

kanilang pag-aaral, paggawa sa mga gawain bahay at pagkakaroon ng oras para maglaro

sa kanilang mga telepono. Dagdag pa rito dahil sa online class mas maagang natututunan

ng mga estudyante kung paano umangkop sa isang bagong sitwasyon na makakatulong sa

kanila sa pagharap sa reyalidad kapag sila ay na kapag trabaho na

Dayuhang Literatura

Online class

Ayon kay Watson & Kalmon (2005), ang online na pag-aaral ay isang klase ng

edukasyon na kung saan ang mga tagubilin at nilalaman ng isang pag-aaral ay

naipapadala gamit ang internet.

Dagdag pa rito ang E-learning system ay madalas na inilarawan bilang Virtual

Learning Environment (VLE), isang malawak na sistemang ginagamit ng mga mag-aaral

at guro sa upang sa pang-tuntunin, tulad ng mga online na pang edukasyon, at distansya

sa pag-aaral (Moore et al., 2011).

Postibong Epekto ng Online class

Ayon naman sa isang pag-aaral na isinulat ni Ortiz (2017) na batay sa framework

for 21st Century Learning, ang mga tao ng ika-21 siglo ay nasasanay sa kabuhayang

teknolohiya at media-driven,dahil dito sa pagsasanay o kalakihan ng mga kabataan, sila

ay makakakuha ng mga impormasyong sa madaling paraan, Gayunman ay dapat kaya

nilang aralin ito sa kanilang mga gadgets o sa kanilang bahay, kaya’t ang paraan ng
online classes ay magiging epektibo sa mga mamamayan at manggagawa sa

kasalukuyang siglo na dapat gamitin ang mga hanay ng mga kapaki-pakinabang pagtuto o

pagsasanay, at mga kritikal na mga kasanayan sa pag-iisip na may kaugnayan sa

impormasyon, midya, at teknolohiya.

Ang ganitong klase ng pag-aaral ay mabisa para sa mga estudyanteng nag-aaral

habang nag tatrabaho, may anak, at mga hindi nakapagpatuloy ng kanilang pag-aaral (Xu

& Jaggars, 2013). Ang mga mag-aaral na ito ay nahihirapang pumasok ng eskwelahan

noong face-to-face sapagkat sila ay kapos sa oras, sila ay may trabaho, at may kanya-

kanyang obligasyon (Bates & Khasawneh, 2007).

Negatibong Epekto ng Teknolohiya at Online class sa sumusunod:

Ang teknolohiya ngayon ay laganap na sa buong mundo. Importanteng balanse

lamang ang pag-gamit nito kasama ang mga iba pang mga gawain para sa paglaki ng mga

bata. Ang lubhang paggamit nito ay magkakaroon ng malaking negatibong epekto sa

pisikal, mental at emosyonal na kalusugan habang lumalaki ang bata. (Halupa, 2016)

Ayon naman kay Nazarlou (2013) sa kaniyang ginawang pag-aaral, kahit

mayroong malaking impluwensya sa edukasyon ang e-learning o online class ay hindi pa

rin ito perpektong pang-edukasyon at mayroon pa ring hatid na problema sa mga

estudyante at guro. Dagdag pa ni Nazarlou (2013), ang e-learning o online class ay

makasisira ng interpersonal contact ng mga estudyante maging ang mga guro sa lipunan.

 Gawi sa Pagtulog
Ang isa sa mga pangunahing kahihinatnan ng paglipat ng pag-aaral sa online ay

ang epekto nito sa kalusugan ng mag-aaral, partikular na sa mga gawi sa pagtulog. Ang

mga mag-aaral ay nahihirapan at nagsasakripisyo ngayon sa pagtulog upang magising

para sa mga itinakdang klase sa Zoom. Ayon kay Walker (2020), isang scientist sa

pagtulog sa Google at propesor ng neuroscience sa University of California sa Berkeley.

Pinaliwanag niya kung paano ang kakulangan ng pagtulog ay maaaring makaapekto sa

mga mag - aaral. Sa mga kinalabasan ng pag-aaral sa kanyang artikulo sa pananaliksik na

pinamagatang “The sleep-deprived human brain.” Sinulat ni Walker na ang kawalan at

kakulangan sa pagtulog ay nagdudulot ng mga kakulangan sa panksyon ng prefrontal

cortex na karaniwang nagpapanatili sa normal na gawain ng ating amygdala, emosyon at

ang iba pang bahagi ng ating utak.

Bilang karagdagan sa mga masamang epekto sa kalusugan ng pabago – bago ng

oras sa pagtulog, ang mas mataas na paggamit ng gadyet ay maaaring makaapekto sa

kalusugan ng pisikal at mental ng mga mag-aaral. Ipinaliwanag ni Katzenstein (2020), na

ang circadian rhythm ay batay sa light exposure, na pinapanatiling gising ang ating

katawan kapag may ilaw na naaninag sa labas at kusang makakaramdam ng pagkaantok

kapag madilim naman. Idinagdag niya na ang taong may mataas na oras na paggamit ng

mga gadget na may screen na siyang naglalabas ng light ay maaaring magkaroon ng

isang negatibong epekto sa ritmo. Aniya, “Increased screen time usage, has been found

to be linked with increases in depression, anxiety and perceived attention problems” na

maaaring maging epekto ng paghihirap na makatulog, manatiling tulog, paggising at

pagkapagod sa araw.

 Pisikal na gawain
Ayon kay Mangis (2016), ang pagkakaroon ng sedentaryong pamumuhay ay

mayroon malaking epekto para sa kalusugan. Ang mananaliksik ay nagsagawa ng

eksperimento upang mahinuha ang epekto sa 8 functional health. Ang mga resulta nito ay

nagpapakita ng malaking negatibong epekto para sa kalusugan ng isang tao.

Tinatantiya ng Ministry of Education and Culture of the Republic of Indonesia,

ang pag-aaral ay nagpapakita na kapag ang mga mag-aaral ay hindi sa paaralan,

halimbawa, kung sila ay nasa holiday o nag-aaral sa bahay, sila ay hindi masyadong

aktibong pisikal at mayroon mas mahabang oras upang gamitin ang kanilang mga mobile

phone. (Brazendale et al., 2017).

 Pisikal na Pangangatawan

Ayon kay Wiles (2020) may isang estudyante na nagngangalang Karnoup ang

nagbahagi ng kanyang karanasan tungkol sa epekto ng pag-aaral sa pamamagitan ng

online class. “Sa online class, ang mga estudyante ay maaaring makaranas ng mga

paghihirap kung maibabad sila ng matagal sa harap ng screen. Makakaranas sila ng

sobrang pagkapagod, pananakit ng ulo, kakulangan sa determinasyon, pagpapaliban sa

mga dapat gawin, hindi epektibong pamamahala ng oras sa mga gagawin, pakiramdam na

ikaw ay mag-isa sa kadahilanang malimit na ang pakikipag-usap sa personal, umoonti rin

ang kamalayan at pag-intindi kapag nakikipag usap sa ibang tao.”

Ang pag sasagawa ng mga klase sa online ay talagang nakakaubos ng lakas

dahil ito ay nangangailangan ng mas maraming trabaho upang lubos na maintindihan ang

mga aralin. Ipinaliwanag sa isang artikulo sa National Geographic na ang pag tutok sa

online gaya ng mga video call ay nangangailangan ng matinding atensyon na nag


reresulta sa pagkapagod ng pangkalahatang kalusugan. Ito ay tinatawag na “Zoom

fatigue”. Dagdag pa rito, sa limang oras at kalahati na pagkababad ng mga ng estudyante

ng kanilang mata sa iskrin ay nag reresulta sa “digital eye strain.” At kasunod ng limang

oras at kalahati ng video call, ang mga estudyante ay gagawa pa rin ng kanilang mga

takdang-aralin na sa online rin.

Gayunpaman, ayon sa mga pag-aaral ng siyensya ay nagpapakita na ang

kalusugan sa pag-iisip kasama ang pagkapagod at “digital eye strain” ay mga bagay na

nakakaapekto sa pangkalahatang kalusugan.

Dagdag pa dito ni Schroeder (2020) na ang karamihan sa mga mag-aaral ay

nakakaranas ng puwersa o strain. Para sa mga nakararami, ang strain na yan ay

nagsisimula sa mata. Ang mga hindi sanay sa pag-squinting o tumingin sa iba’t-ibang

direksyon sa hindi maayos na kompyuter screen na may sub-optimum na ilaw sa paligid

ay napasailalim sa eye strain na maaaring magkaroon ng pangmatagalang epekto.

Ayon kay Rowan (n.d.) sa Sensomorotishe Integratie o Multisensory Integration

sa ingles, ang mga sensory at motor system ng mga bata ay hindi iniakma sa pisikal na

nakaupo at magulong kalikasan ng teknolohiya. Ang labis na paggamit ng teknolohiya ay

nagreresulta sa pagkabawas ng motor at sensory stimulation na maaaring maging dahilan

ng pagkabigo ng mga bata na maabot ang mga pag-unlad sa kanilang sarili na

nagreresulta sa pagkaantala sa pag-unlad ng kaisipan at maging sa pisikal na

pangangatwan.

Ayon kay Bell J., et al (2018), ang BMI o body mass index ay madalas na

pinupuna bilang pagiging batayan nang maayos na kalusugan. Ngunit sa kanilang pag-

aaral sa epekto sa kalusugan ng pagiging obese nalaman ng mga mananaliksik na ang


BMI at ang mga body scan measures na kanilang isnigawa ay halos pareho lamang ang

binibigay na resulta.

Dagdag pa rito, ayon kina Kautiainen S., et al (2015), ang paggamit ng mga

teknolohiya, kabilang ang mga video game at computer kung saan pumapasok ang online

class, ay isa sa mga salik na nag-aambag sa sobrang timbang o labis na timbang.

Sinaliksik nila ang mga epekto ng teknolohiya sa populasyon ng 6,515 na kabataan.

Nalaman nila na ang mga kabataang gumagamit ng higit na teknolohiya ay nabibilang sa

labis o sobrang timbang. Mayroon ding isang makabuluhang istatistika na ugnayan sa

pagitan ng mas mataas na oras na ginugol sa computer at sobrang timbang. Ang labis na

katabaan ay dumoble at ang teknolohiya ay isa sa pangunahing kadahilanan.

At bilang result nito, ayon kay Cawley at sa American Academy of Pediatrics

(2014) ang kakulangan sa pagtulog at ang labis na paggamit ng teknolohiya ay maaaring

maging rason ng labis na timbang. Dagdag pa rito, ayon kina Strasberg et al. noong 2013,

nalaman nila na ang batang may gamit na gadyets at kompyuter sa kanilang silid tulugan

ay tumaba ng sobra sa timbang na 31%. Ayon naman sa Department of Health and

Human Services, ang labis na paggamit ng teknolohiya ay sanhi nang hindi maayos at

hindi malusog na pagkain. Ito ay mahusay na dokumentado na ang labis na timbang ay

maaaring humantong sa Type II diabetes at sa maagang pagsisimula ng sakit sa puso.

 Emosyon at Kaisipan (mental health)

Ang sitwasyon ay magiging mas malala kung sila ay ipinagbabawal na umalis sa

bahay nang walang mga panlabas na gawain at kawalan ng pakikipag-ugnayan sa

kanilang mga kapantay. Bored, stress, takot na maging nakalantad sa mga virus, ang
pagkalat ng maling impormasyon (panloloko), at lumalalang pinansyal ng pamilya

maaaring mangyari ang mga kondisyon. Ang pasanin ng mga gawain sa panayam sa

online ay isa sa mga nag-aambag na kadahilanan sa mga antas ng stress ng mga mag-

aaral, na kung saan ay kinakailangan silang gumamit ng online media na kanilang

natutunan at dapat agad na maunawaan. Ito ay pinatibay ng pananaliksik na natagpuan

ang kalusugan sa publiko ang mga emerhensiya ay maaaring magkaroon ng maraming

sikolohikal na epekto sa mga mag-aaral, na maaaring ipahiwatig sa anyo ng pagkabalisa,

takot, at pagkabalisa (Sharp & Theiler, 2018)

Ayon pa kay Schroeder (2020) na kapag ang kaisipan at emosyon ng mga guro at

estudyante ay napipilitan lamang, maaaring lumala at mapasama ang kalusugan ng

kanilang pangangatawan. Ang pagkabalisa at stress ay nakapagdudulot ng pagkababa ng

immune system, dahil dito ay maaring makapagdulot o makakuha ng mga sakit, at hindi

lamang ito na karaniwang sipon. Ang mga taong may mataas na antas ng pagkabalisa o

anxiety ay naitala na may 32% ay namatay sa sakit na cancer; ang pagkalumbay naman

ay nauugnay sa sakit sa puso. Ito ay may malaking epekto. Ang mga ito ay

nakakapagpabago ng ating normal na buhay at mapanira sa ating kinabukasan.

Dagdag pa rito ayon kay Katzenstein (2020), direktor ng sikolohiya at

neuropsychology sa Hopkins All Children’s Hospital, na-obserbahan niya ang epekto ng

online class sa mga mag- aaral sa lahat ng edad. Ipinaliwanag ni Katzenstein na isa sa

mga dahilan na maaaring makaapekto sa kalusugan ng kaisipan (mental health) ng mga

mag-aaral ay ang pagsusumikap ng mga ito na magkaroon ng isang kapaligiran na

walang nakakaabala at ang paggawa ng mga kinakailangang kasanayan upang manatili


ang kanilang mga grado ng kanilang mga takdang-aralin, partikular ang mga ito sa mga

mag-aaral sa kolehiyo.

Ayon kay Jett (2020), sa bansa ng Estados Unidos, 29% ng mga magulang na

pinag-aralan sa isang sarbey ng Gallup ay nagsabi na ang kanilang anak ay "nakakaranas

na ng pinsala" sa kanilang emosyonal at kalusugang pangkaisipan dahil sa distansya sa

lipunan. Sinabi naman ng 14% ng mga magulang na ang kanilang anak ay maaaring

magpatuloy sa pag-aaral sa online dahil hindi pa ito nakakaranas ng kahit anong

karamdaman, emosyonal o pisikal. Ang pag-aaral sa online ay walang elementong

panlipunan ng pisikal na paaralan, na mahalaga sa pagkatuto ng pakikisama at emosyon

ng mga mag-aaral. Sa parehong pag-aaral, 45% ng mga magulang ang nagsabi na ang

paghihiwalay ng kanilang anak sa mga kaklase at guro nito ay isang malaking hamon.

Sinang ayunan din ito ni Gross na ang kawalan ng interaksyon ay nakakaapekto sa

pangkaisipang katatagan ng isang indibidwal.

Ang pandemikong ito ay nagdadala hindi lamang ng panganib na mamatay mula

sa isang impeksyong viral kundi pati na rin sikolohikal na stress para sa mga tao sa buong

mundo (Xiao, 2020). Tuloy-tuloy na pagpapakalat, mahigpit na mga hakbang sa

paghihiwalay, at mga problema sa pag-aaral sa online sa lahat ng antas ng edukasyon ay

inaasahan upang makaapekto sa kalusugan ng isip, kabilang ang mga mag-aaral. Ang

isang pag-aaral ay isinagawa sa mga sikolohikal na epekto ng COVID-19 na epidemya sa

mga mag-aaral sa Tsina, na isinagawa nang dami, na may 7,143 mga sumasagot na

pumupuno ng isang palatanungan (Cao et al., 2020). Sa ngayon, wala pang detalyadong

pananaliksik sa sikolohikal na epekto ng mga mag-aaral sa pagpapatupad ng online na

pag-aaral sa panahon ng a pandemic outbreak. Samakatuwid, ang pag-aaral na ito ay


naglalayong makilala ang mga sikolohikal na epekto ng mga mag-aaral sa online na pag-

aaral sa panahon ng COVID-19 pandemya.

 Pagkatuto

Sinabi rin ni Pietrewicz (2020) na ang pagbabasa ng mga impormasyon sa online ay

may dulot na negatibong epekto sa kung ano lang ang ating maaalala sa ating isip o utak.

Ang pagbabasa o natatanggap nating impormasyon mula sa screen o online ay

nangangailangan ng iba’t-ibang kakayahan kumpara sa pagbabasa lamang ng isang na

tradisyunal na libro. Ang mga tao ay mas nakakaintindi at nakakapagpanatili ng

impormasyon sa kanilang isipan kung magbabasa sila mula sa trandisyunal na libro o

handouts.

 Gawain ng mga kabataan

Ayon sa Technology and Teenager's Blogspot (2010), ang labis na pagkakalantad

sa media sa Internet ay humantong sa mas mataas na peligro para sa paninigarilyo, pag-

abuso sa droga at alkohol at maagang aktibidad ng sekswal. Ang iba pang mas agarang

mga peligro sa pisikal para sa mas matandang kabataan ay kasama ang paglahok sa mga

aksidente sa sasakyan kapag nagte-text habang nagmamaneho ng kotse.


Talasanggunian

Wang, L., Luo, J., Gao, W., & Kong, J. (2012). The effect of internet use on adolescents'

lifestyles: a national survey. Computers in Human Behavior, 28, 2007-2013.

Centeno-De Jesus D. (2020). Online class, ang bagong normal na pag-aaral ng mga

kabataan. Retrived from: https://www.akoaypilipino.eu/lifestyle/online-class-ang-

bagong-normal-na-pag-aaral-ng-mga-kabataan/

Ortiz, A. (2017). Pagsusuri sa Paggamit ng Learning Management System (LMS) ng

mga Mag-aaral sa Elizabeth Seton School sa Ikawalong Baitang sa Asignaturang

Filipino. Retrived

from:https://www.academia.edu/34035081/Pagsusuri_sa_Paggamit_ng_Learning

_Management_System_LMS_ng_mga_Mag_aaral_sa_Elizabeth_Seton_School_s

a_Ikawalong_Baitang_sa_Asignaturang_Filipino.

Morse, S. (2020). The Effects of Online Learning.Retrived from:


https://itstillworks.com/effectsonline-learning-3892.html.
Mangis, Jessica, (2016). "Online learning and the effects on functional health: a pilot

study" (EWU Masters Thesis Collection. 386. Retrived

from:http://dc.ewu.edu/theses/386

S. Kautiainen, L. Koivusilta, S.M. Virtanen & A. Rimpela, “Use of information and

communication technology and prevalence of overweight and obesity among

adolescents,” International Journal of Obesity; vol. 29. Pp. 925-933, 2005. doi:

10.1038/sj.ijo.0802994

Halupa, C. (2016, November 01). Risks: The Impact of Online Learning and Technology
on

Student Physical, Mental, Emotional, and Social health. Retrieved from:


November

21,2020,https://www.researchgate.net/publication/311362980_RISKS_THE_IMPACT_
OF_ONLINE_LEARNING_AND_TECHNOLOGY_ON_STUDENT_PHYSICAL
_MENTAL_EMOTONAL_AND_SOCIAL_HEALTH

Mortaza, M. (2013), Research on Negative Effect on E-Learning

Retrived from:https://www.google.com/url?

sa=t&source=web&rct=j&url=https://clutejournals.com/index.php/CIER/article/d

ownload/7726/7790/30827&ved=2ahUKEwiW957ig5TtAhXKb94KHQ_DDu04FBA

WMAh6BAgEEAE&usg=AOvVaw1eTyI6Qkym4LG7ujBEmRpB

Walker, M. and Katzenstein, J. (2020), How online learning can affect student health.

Retrieved from: https://www.jhunewsletter.com/article/2020/04/how-online-

learning-can-affect-student-health

Mangis, J. (2016). Online learning and the effects on functional health: A pilot study.
Retrieved November 21, 2020, from https://dc.ewu.edu/theses/386/

Brazendale, et. al (2017). Understanding differences between summer vs. school

obesogenic behaviors of children: the structured days hypothesis. International

Journal of Behavioral Nutrition and Physical Activity, 14(1), 100. Retrieved from:

https://www.researchgate.net/publication/341826008_Psychological_Impacts_o

f_Students_on_Online_Learning_During_the_Pandemic_COVID-19

Wiles, G. (2020). Students share the impact of online classes on their mental health.

Retrived from: https://issuu.com/statenews/docs/sndaily.072120-c

Schroeder, R. (2020). Wellness and Mental Health in 2020 Online Learning. Retrived

from: https://www.insidehighered.com/digital-learning/blogs/online-trending-

now/wellness-and-mental-health-2020-online-learning

Code, A. and Jett, N. (2020), The physical and mental effects of online learning. Retrived

from: https://portagenorthernlight.com/8266/feature/the-physical-and-

mental-effects-of-online-learning/

Bell J. et. al (2018). Associations of Body Mass and Fat Indexes With Cardiometabolic

Traits. Journal of the American College of Cardiology, 2018; 72 (24): 3142

DOI: 10.1016/j.jacc.2018.09.066

S. Kautiainen et al. 2015, “Use of information and communication technology and

prevalence of overweight and obesity among adolescents,” International Journal

of Obesity; vol. 29. Pp. 925-933. doi: 10.1038/sj.ijo.0802994


J. Cawley, (2010 March). “The economics of childhood obesity,” Health Affairs,

Retrieved from http://content.healthaffairs.org/content/29/3/364.full

Xiao, C. (2020). A novel approach of consultation on 2019 novel coronavirus (COVID-

19)related psychological and mental problems: structured letter therapy.

Psychiatry Investigation, 17(2), 175. Retrived from:

https://www.researchgate.net/publication/341826008_Psychological_Impacts_o

f_Students_on_Online_Learning_During_the_Pandemic_COVID-19

Cao, W. et. al (2020). The psychological impact of the COVID-19 epidemic on college

students in China. Psychiatry Research, 112934. Retrived from:

https://www.researchgate.net/publication/341826008_Psychological_Impacts_o

f_Students_on_Online_Learning_During_the_Pandemic_COVID-19

Pietrewicz, A. (2020). Online classes can have an impact on mental health. Retrived

from: https://dailycollegian.com/2020/08/online-classes-can-have-an-impact-on-

mental-health/

Health and Human Services, (2013, November), “Teen media use part 1: Increasing on

the move,” Retrieved from: http://www.hhs.gov/ash/oah/news/e-updates/eupdate-

nov-2013.html

Technology and Teenagers Blogspot (2010, August), “Impacts of media technology on

teenagers,” Retrieved from http://technologyandteenagers.blogspot.com/

Chaney, E. G. (2010). Web-based instruction in a Rural High School: A Collaborative


Inquiry into Its Effectiveness and Desirability. NASSP Bulletin, 85(628), 20-35.
Koshuta, J. (2020), What is Social Health? Retrieved from:
https://study.com/academy/lesson/what-is-social-health-definition-examples.html
Maramag, G. (2020), DOH and WHO promote holistic mental health wellness in light of
World Suicide Prevention Day Mental health hotlines bolstered amidst a surge of
calls during COVID-19 pandemic. Retrieved from:
https://www.who.int/philippines/news/detail/10-09-2020-doh-and-who-promote-
holistic-mental-health-wellness-in-light-of-world-suicide-prevention-day

Mediko.ph (2020), Ano ang Kalusugan?. Retrieved from: https://mediko.ph/ano-ang-


kalusugan/
UCDAVIS (2020). Physical Wellness. Retrieved from:
https://shcs.ucdavis.edu/wellness/physical
U.S. Department of Education (2010), Office of Planning, Evaluation, and Policy
Development, Evaluation of Evidence-Based Practices in Online Learning: A
Meta-Analysis and Review of Online Learning Studies, Washington, D.C., 2010.
Retrieved from: https://www2.ed.gov/rschstat/eval/tech/evidence-based-
practices/finalreport.pdf.

You might also like