You are on page 1of 1

Ang likas na yaman at ang implikasyon nito sa Agrikultura ng mga Asyano

Malaki ang ginagampanang papel ng mga likas na yaman sa pamumuhay ng mga asyano. Gaya ng
yamang tubig, yamang mineral na gaya ng pilak, tanso, ginto at marami pang mahalagang mineral gaya ng
natural gas at iba pa.
Ano ang implikasyon ng likas na yaman patungkol sa agrikultura sa pamumuhay ng mga asyano? Sa
tema ng agrikultura, ang pagkain ng mga tao sa isang bansa maging ang mga produktong panluwas nito ay mula
sa pagsasaka. Kunag malawak at mataba ang lupain, mas matutugunan nito ang pangangailangan ng bansa at
makapagluluwas ng mas maraming produkto. Sa pagpapalaki ng produksiyon ang mga magsasaka ay
gumagamit ng makabagong makinarya may mga ilang mamamayan na may maliit na sakahan para sa sapat na
ikabubuhay lamang nila.
Sa temang ikonomiya naman, Marami sa mga bansa sa Asya ay papaunlad bunsod sa kasaganahan nito
sa likas na yaman. Ang mga ito ay pinagkukujan ng mga materyales na panustos sa kanilang mga pagawaan
maging nang mga mauunlad na bansa ay dito kukukuha ng mga materyales kung kayat nauubos na ang likas na
yaman ng huli ay hindi sila ang nakikinabang dito.
Sa kabilang banda likas na yaman din ang kanilang inululuwas, Kasabay nang paggamit ng mga tradisyonal at
makabagong teknolohiya upang mapataas ang pambansang kita ng sa gayon ay mapabuti ang mga mamamayan
nito.
Implikasyon ng likas na yaman sa pamumuhay ng mga Asyano sa temang pananahanan. Sa patuloy ng pagdami
ng tao ay patuloy din ang pagdami ng pangangailangnan ng ikabubuhay ang pananahanan nito. Ang dami ng
papulasyon sa isang lugar ay nakabatay sa katangian ng likas na yaman nito.
Isang katotohanan ay ang pagdami ng papulasyon nito kung kayat ang ilan ay isinasagawa ang land conversion,
na nagdudulot naman ng pagkasira ng tirajhan ng mga hayop.

You might also like