You are on page 1of 19

A N G MG A L I KA S N A Y A MA N

AT PAMUMU H A Y N G M GA
ASYANO
ARALIN 4:
•IMPLIKASYON NG LIKAS YAMAN SA
PAMUMUHAY NG MGA ASYANO
AGRIKULTURA
•Ang agrikultura ay isang
napakahalagang sektor sa isang bansa
dahil ito ang nagbibigay ng kabuhayan
sa maraming mamamayan.
•Ang pagkain at ilang produktong
panluwas ay nagmumula sa
pagsasaka.
AGRIKULTURA
•Ang mga Asyano ay may
organisadong irigasyon, may
malawakang kultibasyon ng lupain,
paggamit ng araro at pagkakaroon
ng espesyalisadong mga
maggagawa sa ilalim ng
burokratikong kontrol.
AGRIKULTURA
•Sa paglaki ng produksyon, ang ilang
kompanya ay gumagamit ng
makabagong makinarya upang
mapabilis at maparami ang produkto.
•Katuwang ito ng pamahalaan sa
pagtugon ng pangaingailangan ng
mamamayan.
KAHALAGAHAN NG AGRIKULTURA SA BANSA
•Pinagkukuhanan ng kitang-panlabas.
•Pangunahing nagbibigay trabaho sa
mamamayan.
•Pinagkukuhanan ng hilaw na
materyal para makabuo ng bagong
produkto.
EKONOMIYA
•Ang likas na yaman ang naging susi sa
pag-unlad ng ekonomiya ng mga bansa
sa Asya.
•Ang ekonomiya ay sumasagot sa tanong
na, paano tutugunan ng pamahalaan ang
walang katapusang pangangailangan at
kagustuhan ng mga tao?
EKONOMIYA
•Ang mga bansa sa Asya ay unti-
unting umunlad gamit ang kani-
kanilang likas na yaman na
ginawang panustos sa
materyales na kailangan sa mga
pagawaan.
EKONOMIYA
•Ang ilang salat sa likas yaman ay
umaangkat at nakikipagpalitan ng
hilaw na materyales sa ibang
bansa upang tugunan ang
kanilang pangangailangan sa
produksyon.
PANAHANAN
•Ang patuloy na paglaki ng populasyon
ay nakaaapekto nang lubos sa likas
na yaman.
•Ang pangangailangan at kagustuhan
ng tao ay walang hanggan ngunit ang
pinagkukunan ng yaman ay limitado
lamang.
PANAHANAN
•Sa katunayan, ang populasyon ng
Asya ay mabilis na lumolobo ngunit
ang lupa ay mananatili sa sukat nito.
•Samakatuwid, lumiliit ang espasyo
ng lupa para sa panahanan ng mga
tao.
PANAHANAN
•Kung kaya’t ang ilan ay isinagawa
ang land conversion na
nakapagdudulot ng pagkasira ng
tirahan ng mga hayop.
•Ginagamit ng tao ang espasyo ng
panirahan na dapat lamang ay para
sa mga hayop.
HILAGANG ASYA – AGRIKULTURA
•Itinuturing na sentro ng agrikultura sa rehiyong ito ang
Fergana Triangle at ang Lambak ng Chui River.
•Ito ay kilala rin sa pagkakaroon ng masagana at mayamang
lupain.
•Ang Syr Darya River at Amu Darya River naman ang
pinagmumulan ng koryente sa malawak ng lupain ng
rehiyon.
SILANGANG ASYA – AGRIKULTURA
•Ang mga lambak ilog ng China, ang Huang Ho at
Yangtze, ay nakatulong sa pag-unlad ng pagsasaka
ng mga Tsino sapagkat ito ay nagbibigay ng
matabang lupa para sa pangunahing produkto ang
trigo, palay, barley, bulak, tabako, sugar beets,
sibuyas, ubas at patatas.
SILANGANG ASYA – AGRIKULTURA

•Sa rehiyong ito ay ipinatupad ang land reclamation


shemes, sistemang irigasyon, paggamit ng iba’t
ibang uri ng butil at makabagong abono.
TIMOG SILANGANG ASYA – AGRIKULTURA
•Ang klimang monsoon ang nagbibigay ng higit na
masaganang produksyon ng bigas at iba pang
produkto sa mga bansa ng rehiyong ito.
•Halimbawa ang bansa ng Indonesia na katatagpuan
ng masaganang sakahan na ikinabubuhay ng mga
tao roon.
GAWAIN 1: SLOGAN
•Bilang Gawain 1, gumawa ka ng isang ISLOGAN na
magpapakita ng mensahe na maghihikayat na
pangalagaan at pahalagahan ang likas na yaman
dahil sa mga bagay na dulot nito sa ating
pamumuhay bilang Asyano.
GAWAIN 2: SAGOT MO…IPALIWANAG MO…
•1. Sa iyong palagay, anong rehiyon sa Asya ang may mas
maunlad na sistema ng agrikultura? Ipaliwanag.
•2. Sa paanong paraan napaunlad ng mga Asyano ang
kanilang sistema ng agrikultura?
•3. Sa iyong palagay, mahalaga ba ang larangan ng
agrikultura upang mapaunlad ng mga Asyanong bansa ang
kanilang ekonomiya? Ipaliwanag.

You might also like