You are on page 1of 4

MGA BAHAGI NG PANANALITA 

I. PANGNGALAN/NOUN 
1. Pangngalan - salitang tinutukoy sa ngalan ng tao, pook, bagay, hayop o pangyayari. 
2. Noun - is a part of speech that names persons, places, things, events, and ideas. 

II. PANGHALIP/PRONOUN 
1. Panghalip - panghalili ng mga pangngalan. 
2. Pronoun - is a part of speech that is used in place of a noun. 

III. PANG-URI/ADJECTIVE 
1. Pang-uri - bahagi ng panalita na naglalarawan o tumuturing sa pangngalan o panghalip. 
2. Adjective - is a word that describes or limits a noun or pronoun. 

IV. PANDIWA/VERB 
1. Pandiwa - bahagi ng panalita na nagsasaad ng kilos. 
2. Verb - is a word used to express action, being or state of being. 

V. PANG-ABAY/ADVERB 
1. Pang-abay - tumuturing sa Pang-uri, Pandiwa, at Kapwa Pang-abay. 
2. Adverb - modifies a verb, adjective, another adverb, participle, gerund, and infinitive. 

VI. PANGATNIG/CONJUNCTION 
1. Pangatnig - nag-uugnay ng mga magkapanunod na salita, parirala o sugnay. 
2. Conjunction - is a word used to connect words, phrases or clauses in a sentence. 

VII. PANDAMDAM/INTERJECTION 
1. Pandamdam - mga salitang nagdadamdam ng malakas na emosyon. 
2. Interjection - a word taht expresses some strong or sudden emotion. 

VIII. PANTUKOY/PREPOSITION 
1. Pantukoy - ginagamit upang ipakilala ang pangngalan o panghalip sa pangungusap. 
2. Preposition - a member of a set of words used in close connection with, and usually before, nouns and
pronouns to show their relation to another part of a clause. 

IX. PANG-UKOL/ARTICLE 
1. Pang-ukol - mga salitang ginagamit sa pantukoy kung ang pangngalan ay definite or indefinite. 
2. Article - word used with a noun that specifies whether the noun is definite or indefinite. 

X. PANG-ANGKOP 
1. Pang-angkop - bahagi ng pananalita na nag-uugnay ng mga panuring (pang-uri, pang-abay) sa
tinuturingan nito. 

XI. PANGAWING 
1. Pangawing - nagpapakilala ng ayos ng mga bahagi ng pangungusap. 

In the english language, there are 9 Parts of Speech. 


Sa filipino, mayroong 11 Bahagi ng Pananalita.
Mga uri
Ang mga iba't-ibang uri ng Pangalan ay:

Pantangi 
Pambalana 
Konkreto 
Di-Konkreto 
Lansakan 
Basal 
tahas 
ang pantangi ay tanging ngalan ng tao,lugar,at pangyayari. Nagsisimula sa malaking titik. 
ang pambalana ay karaniwang ngalan ito ng tao,bagay, at lugar. Nagsisimula sa maliit na titik. 
ang konkreto ay pangngalan itong nakikita, nahahawakan, at may katangiang pisikal. 
ang di-konkreto ay pangngalan itong di-nakikita o nahahawakan. 
ang lansakan pangngalan itong tumutukoy sa pangkat o lipon. Maaaring maylapi o wala. 
ang tahas ay nahahawakan 
ang basal ay hindi nakikita
Mga Uri ng Panghalip

1. Panghalip na Panao (Personal Pronoun)

Halimbawa: ako, ko, akin, amin, kami, kayo, atin, inyo, kita, kata, mo, siya, kanila, siya, kanya
 2. Panghalip na Pamatlig (Demonstrative Pronoun)

malapit sa nagsasalita:  ito, ire, niri, nito, ganito, ganire

malapit sa kinakausap: iyan niya ayan hayan diyan

malayo sa nag-uusap: ayun, hayun, iyon, yaon, niyon, noon, doon 

3. Panghalip na Pananong (Interrogative Pronoun)

Halimbawa: ano, anu-ano, sino, sinu-sino, nino, alin, alin-alin

4. Panghalip na Panaklaw (Indefinite Pronoun)

Halimbawa:  lahat, madla, sinuman, alinman, anuman, pawang

5. Panghalip na Pamanggit 

Halimbawa:  na, -ng 
Uri ng pang-uri

Ang PANG-URI ay salitang naglalarawan sa katangian o bilang ng pangngalan at panghalip.

May apat na uri ng panguri.

1.PANLARAWAN-nagsasabi tungkol sa hitsura ,laki,lasa,amoy,hugis at iba pang katangian ng pangngalan at panghalip.

Halimbawa: Ang mababait na kapitbahay ay tumutulong sa magkakapatid.

2.PAMILANG-nagsasabi ng dami o bilang ng pangngalan at pang-halip.

Merong anim na pamilang.


1. Patakaran/Kardinal - bilang sero hanggang trilion hal. isa ,dalawa, tatlo
2. Patakda/tiyak na bilang - inuulit ang unang pantig ng salitang bilang.
hal. iisa,tatatlo,dadalawa,aapat
3. Pahalaga - pera ang tinutukoy
hal. mamiso,mamiseta,piso
4. Pamahagi - paghahati-hati o pagbabahagi
hal. 1/4 - sangkapat,3/4 - tatlong kapat,8/10 - walong kasampu
5. Panunuran/Ordinal - pagkakasunod-sunod ng mga bilang
HAL. una,ikalwa,ikatlo / pangalawa,pampito,pangwalo
6.Palansak - grupo o maramihan;inuulit ang unang salita o nilalagyan ng panlapinh han/an.
hal. tatlu-tatlo , pitu-pito / waluhan,limahan

3.PANTANGI- may anyong pangngalang pantangi na naglalarawan sa isang pangngalan.

Halimbawa: Ang bus ay biyaheng Bicol

4.PAARI- mga salitang paari na tumuturing sa pangngalan.


Halimbawa: Mababait ang mga kapitbahay nila.

Ang uri ng Pandiwa ay ang mga sumusunod:

1.perpektibo-Ito ay nagsasabi ng kilos na natapos na natapos na.


2.imperpektibo-Ito ay nagsasaad ng kilos na ginagawa o kasalukuyang nangyayayri.
3.kontemplatibo-Ito ay nagpapahayag na ang kilos ay hindi pa naisagaw
[Ito po ay ang mga ASPEKTO ng PANDIWA.]
Ang 2 Uri ng Pandiwa

1. PALIPAT - may simunong gumaganap sa kilos ng pandiwa at may tuwirang layon/layong


tumatanggap ng kilos ng naturang pandiwa. Hal. Si Caloy ay nagpapasada ng tricycle na
pampasahero.
2. KATAWANin - may simunong gumaganap sa kilos ng pandiwa ngunit walang layong tumatanggap
ng naturang kilos. Hal. Umulan ng malakas kagabi.
ANG PANDIWA AY MGA SALITANG NAGSASAAD NG KILOS O GALAW
Answer :ito ay ang palipa at katawanin
Answer: tinig ng pandiwa,etc
Uri ng Pang-abay
1.      Pang-abay na Pamaraan – tumutukoy ito sa paraan kung paano ginawa ang isinasaad na aksyon ng pandiwa.
Halimbawa:
Taimtim na pinakinggan ang kanyang awitin hanggang sa huling nota.
2.      Pang-abay na Pamanahon – tumutukoy ito sa panahon kung kalian naganap ang isinasaad na aksyon ng pandiwa.
Halimbawa:
Agad napalalambot ng musika ang isang matigas na kalooban.
3.      Pang-abay na Panlunan – tumutukoy ito sa pook na pinagganapan ng aksyong isinasaad ng pandiwa.  Sumasagot
ito sa tanong na saan.
Halimbawa:
Umawit si Nelsa sa isang amateur singng contest sa radyo.
4.      Pang-abay na Pang-agam  - nagsasaad ito ng pag-aalinlangan at walang katiyakan.
Halimbawa:
Tila nagwagi siya ng unang gantimpala.
5.      Pang-abay na Panggaano – tumutukoy ito sa bilang o dami ng isinasaad ng pandiwa.  Sumasagot ito sa tanong
na gaano o ilan.
Halimbawa:
Kaunti ang sumali sa paligsahan ng pagtakbo.
6.      Pang-abay na Panang-ayon – ito ay nagsasaad ng pagpapatotoo o pagsang-ayon.
Halimbawa:
Opo, mahusay sumayaw si Gabby.
7.      Pang-abay na Pananggi – nagsasaad ito ng pagtutol o di pagsang-ayon.
Halimbawa:
Ayaw siyang tantanan ng palakpak ng mga tao.
8.      Pang-abay na Panulad – ito ay ginagamit sa pagtutulad ng dalawang bagay.
Halimbawa:
Higit na magaling sumayaw si Anna kaysa kay Nena.
Uri ng Pangatnig
Panimbang: Ito ay nag-uugnay ng dalawang salita, parirala o sugnay. at    saka    pati    ngunit    maging    datapuwat   
subalit
Halimbawa:
Gusto kong umiwi, ngunit kailangan ko siyang hintayin.
Nagwalis muna si Lina, saka siya naglaba.

Pantulong: Ito ay nag-uugnay ng di-magkapantay na salita, parirala o sugnay.kung    kapag    upang    para    nang   
sapagkat    dahil sa
Halimbawa:
Nag-aral siya nang mabuti, para makapasa sa iksamen.
Nakabili siya ng bahay, dahil nag-ipon siya ng pera.
uri Padamdam- ito ay pangungusap na nagsasaad ng matinding damdamin at nagtatapos ito sa tandang
padamdam (!). 
karaniwan at di-karaniwang pangungusap. ang karaniwang pangungusap ay mas nauuna ang panaguri
kaysa paksa at ang di- karaniwan naman ay mas 
nauuna ang paksa kaysa panaguri. malalaman din na ang pangungusap ay di- karaniwan kapag mayroon
itong pangawing na 'ay'.... 
Padamdam – uri ng pangungusap na ginagamit sa pagpapahayag ng matinding damdamin sa pagpapahayag ng
matinding damdamin tulad ng tuwa, galit, gulat, poot, sakit at iba pa. Gumagamit ito ng bantas na tandang padamdam
(!).
Uri ng Pantukoy

Pantukoy na Pambalana - tumutukoy sa mga pangngalang pambalana


ang, ang mga, mga

ang (isahan)
Halimbawa:
Ang pinuno ay palaging naglilingkod sa kanyang mga nasasakupan.

ang mga (maramihan)
Halimbawa:
Nagtulung-tulong ang mga mag-aaral sa paggawa ng collage.

mga (maramihan)
Halimbawa:
Ang pinuno ay tinulungan ng kanyang mga tagasunod.

Pantukoy na Pantangi - tumutukoy sa pangngalang pantangi (tiyak na tao)


si, sina, ni, nina, kay, kina

si (isahan)
Halimbawa:
Si Gng. Arroyo ay nagsisikap upang mapabuti ang kalagayan nating mga Pilipino.

sina (maramihan)
Halimbawa:
Nanguna sa paglilinis ng baranggay sina G. at Gng. dela Cruz.
ni (isahan)
Halimbawa:
Napagalitan ni Coach Dimagiba ang mga manlalaro dahil hindi sila dumating sa oras.

nina (maramihan)
Halimbawa:
Hindi ikinatuwa ng guro ang pag-aaway nina Anton at Luis.

kay (isahan)
Halimbawa:
Ibinahagi ni Sofia ang kanyang keyk kay Sam.

kina (maramihan)
Halimbawa:
Nakipagkasundo na si Lukas kina Juan at Pedro.
Uri ng pang ukol

Ano ang mga uri ng pang-angkop?


Ang mga salita ay ginagamitan ng mga pang-ugnay upang maging madulas ang pagbigkas. Ang mga pang-ugnay
na ito ay tinatawg na "pang-angkop". Ginagamit ang pang-angkop bilang pang-ugnay ng salita sa kapwa salita. May
tatlong pang-angkop ang ginagamit sa pag-uugnay ng mga salita: at ito ay ang : -ng -g -na na may naaayong gamit base
sa pagkasulat at sa salita na kung saan ito'y kinakailangan na idugtong. == == ---- Ang pang-angkop ay mga katagang
nagpapadulas sa pagsasalita. Ikinakabit ito o inilalagay sa pagitan ng dalawang salitang ang isa'y naglalarawan at ang isa
pay'y inilalarawan. ---- Ito ay katagang ipinang-uugnay sa pang-uri at sa salitang tinuturingan nito. 
PANGANGKOP 
-ay may katagang nag-uugnay sa panuring at salitang tinuturingan. 

HAL: 

a.) ng 
- pang-uring nag-uugnay sa panturing ito. 

b.) g 

c.) na 
- ay Hindi ikinakabit sa salitang inaangkupan 
Ang sintaks ay kombinasyon nga mga salita upang makabuo ng mga prase at ang pagsasama-sama ng
mga praseng ito upang makabuo ng pangungusap o sentens. Ito ay may dalawang bahagi, linear at
hierarchical.
Sintaks - kombinasyon nga mga salita upang makabuo ng mga prase at ang pagsasama-sama ng mga prase upang ito
ay makabuo ng pangungusap. Ito ay may dalawang bahagi, linear at hierarchical. 

You might also like