You are on page 1of 10

IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT

FILIPINO 9 ABC

Pangalan: ________________ Taon at Seksyon: _________Petsa:_______Iskor _____


Blg: _________

PANUTO: Basahin at unawain ang bawat pangungusap.Piliin ang titik ng tamang sagot batay sa
hinihingi bawat bilang.
1). Ano ang kadalasang paksa ng mga Tulang Hapones?
A) Pamilya
B) Kaibigan
C) Kalikasan
D) Pamahalaan
ANS: C
2). Ilang pantig mayroon ang tulang hapones na Haiku?
A) 16
B) 17
C) 30
D) 31
ANS: B
3). Ilang pantig naman mayroon ang Tanka?
A) 16
B) 17
C) 30
D) 31
ANS: D
4). Ano ang bilang ng pantig sa bawat taludtud ng tulang haiku?
A) 5-7-5-7-7
B) 5-7-5-7
C) 5-7-5
D) 5-7
ANS: C
5). Bilang naman ng pantig sa bawat taludtud ng Tanka?
A) 5-7-5-7-7
B) 5-7-5-7
C) 5-7-5
D) 5-7
ANS: A
6). Sino ang tinaguriang master ng haiku?
A) Masaoka Shiki
B) Empress Iwa
C) Princess Nukata
D) Matsuo Basho
ANS: D
7). Siya ang pinakasikat sa paggawa o pagsulat ng tulang Tanka.
A) Masaoka Shiki
B) Empress Iwa
C) Princess Nukata
D) Matsuo Basho
ANS: A
8). Sino ang may-akda sa tulang ito,
Gabing lumipas.
Nagniningning ang buwan
Sa tabing-bundok
At sa liblib ng Toochi
May nagpa-palu-palo
A) Masaoka Shiki
B) Empress Iwa
C) Princess Shikishi
D) Matsuo Basho
ANS: C
9). Sino ang may-akda sa tulang ito,
Dahil sa buto
Nagkapino pa rito
Sa batong baog;
Kung atin ang pag-ibi
ano pa ang balakid?

A) Masaoka Shiki
B) Anonimo
C) Princess Nukata
D) Matsuo Basho
ANS: B
10). Sino ang may-akda sa tulang ito,
Mundong sang kulay
Nag-iisa sa lamig
Huni ng hangin
A) Masaoka Shiki
B) Empress Iwa
C) Princess Nukata
D) Matsuo Basho
ANS: D
11). Isang uri ng kwento na kung saan ang hayop ang nagsisilbing tauhan at kapupulutan ng aral.
A) Pabula
B) Parabula
C) Maikling Kwento
D) Nobela
ANS: A
12). Saang lugar nanggaling ang kwentong Ang Matalinong Parkupino?
A) Japan
B) Malaysia
C) Mongolia
D) China
ANS: C
13). Ang mga sumusunod ang mga tauhan sa kwentong Ang Matalinong Parkupino maliban sa
isa.
A) Lobo
B) Pusa
C) Alamid
D) Parkupino
ANS: B
14) Sino-sino ang nakalaglag ng mga sinigwelas sa pabulang nabasa?
A) Alamid
B) Oso
C) Tigre
D) Kamelyo
ANS: D
15). Siya ang unang nakaisip ng ideya na magkakaroon ng paligsahan upang malaman kung
sino ang kakain ng sinigwelas.
A) Lobo
B) Alamid
C) Oso
D) Parkupino
ANS: A
16). Sa kwentong Ang Matalinong Parkupino ito ang tawag sa pangalan na kanilang iinumin na
makapaglalasing sa kanila
A) kirak
B) ariak
C) airak
D) kairak
ANS: C
17). Siya ang nanalo sa paligsahang naganap sa kwentong Ang Matalinong Parkupino
A) Lobo
B) Alamid
C) Kamelyo
D) Parkupino
ANS: D
18). Anong ugali ang ipinapakita ni Lobo sa kwentong binasa?
A) masunurin at masungit
B) malakas at mabait
C) mapagmataas at hambog
D) hambog at masayahin
ANS: C
19). Anong ugali ang ipinapakita ng pangunahing tauhan na si Parkupino sa kwento?
A) maliit na masayahin
B) magaling at masunurin
C) maliksi at maganda
D) matalino o wais
ANS: D
20). Anong aral ang makukuha sa pabulang binasa na may pamagat na Ang Matalinong
Parkupino?
A) Ang malaki ang siyang nananalo
B) Huwag maliitin ang iyong kapwa
C) Huwag maging palakaibigan sa lahat
D) Huwag magsalita kung ikaw ay lasing
ANS: B
21). Tawag ito sa katutubong damdamin ng sambayanang Koreano.
A) Hon
B) Han
C) Kim
D) Lee
ANS: B
22). Ano ang kasingkahulugan ng salitang sinalungguhitan Ang Sansinukob ay magandang
tingnan kapag sasapit ang gabi.
A) Kalawakan
B) Lipunan
C) Kalikasan
D) Lugar
ANS: A
23). Ano ang kasingkahulugan ng salitang sinalungguhitan Bumubulusok ang napakalaking
usok sa bundok ng Korea.
A) Umiikot
B) Dumarami
C) Bumubuga
D) Lumalaki
ANS: C
24). Ano ang kasingkahulugan ng salitang sinalungguhitan Ang ginagawa ng mga kapwa
mamamayan ay kahangalan para sa ating bayan.
A) katalinuhan
B) kasakiman
C) kabobohan
D) kasaganaan
ANS: C
25). Ano ang kasingkahulugan ng salitang sinalungguhitan Kaya naman hindi lang kalungkutan
ang makikita sa aming burol..
A) bahay
B) puntod
C) lalagyan
D) mukha
ANS: B
26). Ano ang kasingkahulugan ng salitang sinalungguhitan Ipinapakita ang optimismo sa
pangkalahatang katatawanan ng isang tao.
A) positibo
B) negatibo
C) malakas
D) mahina
ANS: A
27). Ito ay bahagi ng sanaysay na pumupukaw sa interes ng mga mambabasa.
A) Panimula
B) Katawan
C) Wakas
D) Nilalaman
ANS: A
28). Bahagi ng sanaysay na mababasa ang mga impormasyon o nais iparating ng may-akda.
A) Panimula
B) Katawan
C) Wakas
D) Nilalaman
ANS: B
29). Bahagi ng sanaysay na ipinarating ng may-akda ang kanyang nais sabihin at mga aral na
gustong ibahagi.
A) Panimula
B) Katawan
C) Wakas
D) Nilalaman
ANS: C
30). Ayon sa kanya na ang sanaysay ay isang sanay sa pagsasalaysay
A) Jose P. Rizal
B) Andres Bonifacio
C) Alejandro G. Abadilla
D) Lualhati P. Bautista
ANS: C
31). Ang mga sumusunod ay kabilang sa ponemang suprasegmental maliban sa:
A) Diptonggo
B) Tono
C) Diin
D) Antala
ANS: A
32). Anong tawag natin sa pagtaas at pagbaba ng pagbigkas ng bawat pantig sa isang salita, ito
ay may eskalang 1 para sa mababa, 2 para sa katamtaman at 3 para sa mataas?
A) Tono
B) Diin
C) Haba
D) Antala
ANS: A
33). Ito ang paghinto sa pagbigkas sa isang pangungusap kung saan may pansamantalang
pagtigil at permanenteng pagtigil upang malaman ang nais sabihin ng pangungusap, ano ang
tawag natin dito?
A) Tono
B) Diin
C) Haba
D) Antala
ANS: D
34). May mga salitang magkatulad ang baybay ngunit magkaiba ang kahulugan dahil sa
magkaibang posisyon ng bigat sa pagbigkas ng pantig, ito ay tinatawag na ________.
A) Tono
B) Diin
C) Haba
D) Antala
ANS: B
35). Saan natin makikita ang diin ng salitang basa (read)?
A) /ba/
B) /sa/
C) /as/
D) wala sa nabanggit
ANS: A
36). Saan naman natin makikita ang diin ng salitang basa (wet)?
A) /ba/
B) /sa/
C) /as/
D) wala sa nabanggit
ANS: B
37). Kailangan ng tasa ang lapis ng bata. Anong uri ng diin ang ginamit sa salitang
sinalungguhitan?
A) malumay
B) malumi
C) mabilis
D) maragsa
ANS: D
38). Nasira ang tubo ng tubig malapit sa barangay hall. Anong uri ng diin ang ginamit sa salitang
sinalungguhitan?
A) malumay
B) malumi
C) mabilis
D) maragsa
ANS: A
39). Ibigay ang eskala ng salitang sinalungguhitan sa pangungusap. Ang hangin ba ay malakas?
A) 1-2-3
B) 2-3-1
C) 2-3-2
D) 2-1-3
ANS: D
40). Ibigay nag eskala ng salitang sinalungguhitan sa pangungusap. Ang talino ay hindi
nasusukat sa taas ng marka sa paaralan kundi sa kanyang mga desisyon sa buhay.
A) 1-2-3
B) 2-3-2
C) 3-2-1
D) 1-3-1
ANS: B
41). Ano ang tamang hinto ng pangungusap kung ang ibig sabihin ng pahayag ay kulay asul ang
bahay?
A) Hindi/asul ang bahay/ni Sarah//
B) Hindi asul/ang bahay/ni Sarah//
C) Hindi/asul ang bahay ni Sarah//
D) Hindi asul/ang bahay ni Sarah//
ANS: A
42). Ano ang tamang hinto ng pangungusap kung ang ibig sabihin ng pahayag ay may kapatid
sina Joseph at John?
A) Joseph John/si Arthur/ang inyong kapatid//
B) Joseph John/si Arthur ang inyong kapatid//
C) Joseph/John/si Arthur/ang inyong kapatid//
D) Joseph/John/si Arthur ang inyong kapatid//
ANS: C
43). Ano ang tamang hinto ng pangungusap kung ang ibig sabihin ng pahayag ay may apat ng
magkakapatid?
A) Maria/Elise/Concepcion at/Grace magmadali kayo at aalis na ang bus//
B) Maria/Elise/Concepcion at /Grace/magmadali kayo/at aalis na ang bus//
C) Maria Elise/Concepcion at /Grace/magmadali kayo/at aalis na ang bus//
D) Maria/Elise Concepcion at /Grace/magmadali kayo at aalis na ang bus//
ANS: B
44). Tuwing Pasko, may mga kaso ng pagkamatay dahil sa ligaw na bala. Anong uri ng diin ng
mayroon sa salitang sinalungguhitan?
A) malumanay
B) malumi
C) mabilis
D) maragsa
ANS: A
45). Isang bal ang ibinigay ng kawani ng DSWD at pulis sa mga taong nang-aabuso sa
karapatan ng kabataan na hindi tinutupad lalo na ng mga magulang. Anong uri ng diin ng
mayroon sa salitang sinalungguhitan?
A) malumanay
B) malumi
C) mabilis
D) maragsa
ANS: C
46). Ito ang tawag sa bahagi ng panaguri na binubuo o nagbiibgay ng ganap na kahulugan sa
pandiwa, anong tawag natin dito?
A) Pandiwa
B) Kayarian ng Pandiwa
C) Kaganapan ng Pandiwa
D) Pokus ng Pandiwa
ANS: C
47). Isang uri ng kaganapan ng pandiwa na ang panaguri ang gumaganap sa kilos na isinasaad
ng pandiwa, ito ay _________.
A) Layon
B) Tagaganap
C) Tagatanggap
D) Ganapan
ANS: B
48). Isang uri ng kaganapan ng pandiwa kung saan ang bahagi ng panaguri ang nagsasaad kung
ano ang bagay o mga bagay na tinutukoy ng pandiwa, ito ay tinatawag na ___________.
A) Layon
B) Tagaganap
C) Tagatanggap
D) Ganapan
ANS: A
49). Anong uri ng kaganapan ng pandiwa ang nagsasaad ng dahilan ng kilos ng pandiwa?
A) Tagatanggap
B) Sanhi
C) Ganapan
D) Layon
ANS: B
50). Ito ay isang uri ng kaganapan ng pandiwa na nagsasaad na ang panaguri ang siyang bagay,
kagamitan o instrument na ginagamit upang magawa ang kilos, ito ay ______.
A) Kagamitan
B) Sanhi
C) Ganapan
D) Layon
ANS: A
51). Anong tawag natin sa kaganapan ng pandiwa na ang panaguri ang siyang tumatanggap ng
kilos?
A) Tagaganap
B) Kagamitan
C) Tagatanggap
D) Sanhi
ANS: C
52). Ito ay isang uri ng kaganapan ng pandiwa na ang panaguri ang siyang lugar na ginanapan
ng kilos, tinatawag itong _______.
A) Ganapan
B) Sanhi
C) Layon
D) Kagamitan
ANS: A
53). Ito ay isang uri ng kaganapan ng pandiwa na ang panaguri ay nagtuturo ng direksyon kung
saan magaganap ang kilos, tinatawag ito na ______.
A) sanhi
B) direksyunal
C) layon
D) kagamitan
ANS: B
54).Ang mga produktong gawa sa bayan naming ay tinatangkilik ng mga taga-Maynila. Anong
kaganapan ng pandiwa ang ginamit sa pangungusap?
A) tagatanggap
B) layon
C) tagaganap
D) sanhi
ANS: C
55). Ang bata ay umiiyak dahil sa masakit ang kanyang ngipin. Anong kaganapan ng pandiwa
ang ginamit sa pangungusap?
A) ganapan
B) sanhi
C) kagamitan
D) tagatanggap
ANS: B
56). Ang sundo ni Carlo ay naghihintay sa gate ng paaralan. Anong kaganapan ng pandiwa ang
ginamit sa pangungusap?
A) sanhi
B) tagatanggap
C) kagamitan
D) ganapan
ANS: D
57). Ang mga tsokolate na dinala ni Tatay ay para sa magkakapatid na sina Jake, Jason at Jed.
Anong kaganapan ng pandiwa ang ginamit sa pangungusap?
A) sanhi
B) direksyunal
C) tagatanggap
D) kagamitan
ANS: C
58). Pagkaraan ng limang taon, bumalik si Teodoro sa kanyang bansang sinilangan. Anong
kaganapan ng pandiwa ang ginamit sa pangungusap?
A) direksyunal
B) tagaganap
C) tagatanggap
D) sanhi
ANS: A
59). Ang resulta ng malakas na bagyo ay naipakita sa pamamagitan ng mga larawan mula sa
mga satelayt. Anong kaganapan ng pandiwa ang ginamit sa pangungusap?
A) direksyunal
B) sanhi
C) layon
D) kagamitan
ANS: D
60). Si Manuel ay naghuhugas ng mga pinggan sa kusina. Anong kaganapan ng pandiwa ang
ginamit sa pangungusap?
A) sanhi
B) layon
C) tagaganap
D) tagatanggap
ANS: B
61). Ano ang mga panandang ginagamit upang maiwasan ang pag-uulit na paggamit ng
pangngalan o salitang ginagamit sa pagpapahayag?
A) Kohesyong Gramatikal
B) Pagpapatungkol
C) Pagpapalit
D) Pag-uugnay
ANS: A
62). Ito ay isang kohesyong gramatikal na gumagamit ng panghalip na tumutukoy sa mga nauna
o nahuling pangalan. Ito ay may dalawang uri, ang Anapora at Katapora. Ano ang tawag natin
dito?
A) Pagpapalit
B) Pagpapatungkol
C) Pag-uugnay
D) Elipsis
ANS: B
63). Ito rin ay isang uri ng kohesyong gramatikal na nagbabawas o nagtitipid ng salita, ano ito?
A) Pagpapalit
B) Pagpapatungkol
C) Pag-uugnay
D) Elipsis
ANS: D
64) Siya ang sumulat ng kwentong Bata-bata Paano ka Ginawa na ginawan ng pelikula.
A) Lualhati Bautista
B) Chito S. Roo
C) Epifanio Matute
D) Alejandro Abadilla
ANS: A
65) Siya ang ina na ginagawa ang lahat para sa kanyang pamilya at ang kwentong ito ay
pinamagatang Bata-bata paano ka Ginawa.
A) Lorna
B) Rica
C) Lea
D) Vilma
ANS: C
66). Kadalasang pumupunta doon ang mga mahilig maglaro ng Dota. Anong uri ng kohesyong
gramatikal ang ginamit sa pahayag?
A) Pagpapalit
B) Pagpapatungkol
C) Pag-uugnay
D) Elipsis
ANS: D
67). Ang pagkapanalo ni Diaz sa Rio Olympics ay naging lakas ng bansa. Ito ang siyang
pumukaw sa mga Pilipino upang magkaisa. Anong uri ng kohesyong gramatikal ang ginamit sa
pangungusap?
A) Pagpapatungkol na Anapora
B) Pagpapatungkol na Katapora
C) Elipsis
D) Pagpapalit
ANS: A
68). Kinatatakutan at pinangangambahan, ito ang mga damdamin ng mga mamamayan at
maaaring makasira sa ating kabuhayan, imprastraktura at maging sa ekonomiya ng bansa.
Pinaghandaan na ang bagyong Ruby sa Pilipinas. Anong uri ng kohesyong gramatikal ang
ginamit sa pangungusap?
A) Pagpapatungkol na Anapora
B) Pagpapatungkol na Katapora
C) Elipsis
D) Pagpapalit
ANS: B
69). Masisiyahan diyan ang mga batang lansangan! Anong uri ng kohesyong gramatikal ang
ginamit sa pangungusap?
A) Pagpapalit
B) Pagpapatungkol
C) Pag-uugnay
D) Elipsis
ANS: D
70). Siya ang deriktor ng pelikulang Bata-bata Paano ka Ginawa.
A) Lualhati Bautista
B) Chito S. Roo
C) Epifanio Matute
D) Alejandro Abadilla
ANS: B
71). Ang tambalang Yaya Dub ay maingay ngayon. Dahil sila ay parehong may talento sa
drama.
A) Pagpapatungkol
B) Elipsis
C) Pagpapalit
D) Pag-uugnay
ANS: A
72). Ganito kalawak ang kanyang ari-arian
A) Pagpapatungkol
B) Elipsis
C) Pagpapalit
D) Pag-uugnay
ANS: B
73). Siya ang nag-iisang batang anak na babae sa pelikulang Bata-bata Paano ka Ginawa.
A) Lea
B) Marie
C) Maya
D) Ojie
ANS: C
74). Siya ang nag-iisang batang anak na lalake sa pelikulang Bata-bata Paano ka Ginawa.
A) Lea
B) Marie
C) Maya
D) Ojie
ANS: D
75). Ang kanyang mukha ay napakaganda subalit kabaliktaran naman ang kanyang pag-uugali.
Ganyan itinuturing si Sam ng kanyang mga kaibigan.
A) Pagpapatungkol
B) Elipsis
C) Anapora
D) Katapora
ANS: D
Table of Specification
sa
FILIPINO 9
(Ikalawang Markahang Pagsusulit)

LAYUNIN:
Mga Akdang Pampanitikan (Pelikula, Tula, Pabula at Sanaysay)
Nasusuri ang mga pangyayari, at ang kaugnayan nito sa kasalukuyan sa lipunan
bilang isang Pilipino.
Ponemang Suprasegmental
Natutukoy ang wastong tono, diin, haba at antala ng isang salita.
Kaganapan ng Pandiwa
Natutukoy ang kaganapan ng pandiwang ginamit sa pangungusap.
Kohesyong Gramatikal
Nasusuri ang kohesyong gramatikal na ginamit sa pahayag.

SUBJECT MATTER ACQUISITION MEANING- PERCENTAGE


MAKING
Mga akdang pampanitikang
natalakay (Pelikula, Tula, 1-15 16-30 30
Pabula, Sanaysay)

Ponemang Suprasegmental 31-35 36-45 15

Kaganapan ng Pandiwa 46-50 51-60 15

Kohesyong Gramatikal 61-65 66-75 15

40 35 75 (100%)
TOTAL:

Ipinasa ni: Ipapasa kina:

Bb. ANA MARIE M. ZAMORA Gng. ROSELLE S. TAMPUS


Guro sa Filipino Filipino & MT Facilitator

MRS. MA. ALMA T. FLORES M.Ed


Basic Education Principal

FR. JESPER JOHN R. PETRALBA,


Ed.D., D.M., Ph.D., D.P.A.
School Director

You might also like