You are on page 1of 4

Paaralan LDNHS Baitang 8

TALA SA PAGTUTURO Guro AIREEN D. ALVARICO Asignatura FILIPINO


Petsa DISYEMBRE 12, 2022 Markahan ISA
Oras Bilang ng Araw 1 Araw

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga akdang pampanitikang lumaganap sa
Pangnilalaman Panahon ng Amerikano, Komonwelt at sa Kasalukuyan.

B. Pamantayan sa Naisusulat ang sariling tula sa alinmang anyong tinalakay tungkol sa pag-ibig sa tao, bayan o
Pagganap
kalikasan.
C. Mga Kasanayang sa
Pagkatuto

D. Pinakamahalagang
Kasanayan
sa Pagkatuto -Naiisa-isa ang iba’t ibang uri ng aspekto ng pandiwa. (F8WG-IIe-f-26)
(MELC)
(Kung mayroon, isulat ang
pinakamahalagang kasanayan sa
pagkatuto
o MELC)
E. Pagpapaganang
Kasanayan
(Kung mayroon, isulat ang
pagpapaganang
kasanayan.)
II. NILALAMAN
Pandiwa (Pagbuo at ang Aspekto ng Pandiwa)
III. KAGAMITAN
PANTURO Modyul at aklat

A. Mga Sanggunian Pinagyamang Pluma 8, internet at iba pang learning resources.

a. Mga Pahina sa
MELC Filipino G8 Q2, PIVOT BOW R4QUBE, Curriculum Guide Pinagyamang Pluma 8
Gabay ng Guro
b. Mga Pahina sa
Kagamitang
Pangmag-aaral
c. Mga Pahina sa
Teksbuk
d. Karagdagang
Kagamitan mula
sa Portal ng
Learning
Resource
B. Listahan ng mga
Kagamitang Panturo
para sa mga Gawain
sa Pagpapaunlad at
Pakikipagpalihan
IV. PAMAMARAAN
A. Panimula Panimulang Gawain
a. Panalangin
b. Mga alituntunin sa loob ng paaralan at silid-aralan
c. Pagtsetsek ng liban
d. Kumustahan sa mag-aaral
Suriin mabuti ang mga larawan. Ano ang ipinapakita ng mga larawan?
Upang lubos ninyong maunawaan kung ano ang ipinapahayag ng larawan ay iugnay natin ito sa
asignaturang Matematika.

Isagawa natin ang “Minute Math” upang inyong maunawaan ang ipinahahayag ng larawan. (Ang
bawat bilang ay katumbas ng pagkakasunod-sundo sa Alpabetong Filipino.

Ang larawan ay nagpapakita/nagpapahayag ng:

[-5 + -6] ____ [13-(-22)] ____ [ 4x (-3) ] ____ [47-22] ____ [ (3x3)+10 ] ___
K I L O S

A B C D E F G H I J K L M
(+-)1 (+-)2 (+-)3 (+-)4 (+-)5 (+-)6 (+-)7 (+-)8 (+-)9 (+-)10 (+-)11 (+-)12 (+-)13

N O P Q R S T U V W X Y Z
(+-)14 (+-)15 (+-)16 (+-)17 (+-)18 (+-)19 (+-)20 (+-)21 (+-)22 (+-)23 (+-)24 (+-)25 (+-)26

ALAM MO BA?

Pandiwa
(Pagbuo at ang Aspekto ng Pandiwa)

Ang pandiwa ay salitang nagpapahayag ng:

 Kilos, aksiyon, o gawa


Halimbawa: kumain, mag-aral, bigyan, malinis

 Proseso o pangyayaring karaniwang sadya, di sadya, o likas o di likas


Halimbawa: masunog, bumagyo, kumidlat, umulan, natabunan, naaksidente

Karanasan o damdamin
Halimbawa: matuwa, sumaya, magmahal, nilamig, nainitan, yumabang
1. May dalawang pangkalahatang anyo ang pandiwa. Maaaring binubuo lamang ito ng salitang-ugat na
karaniwang ginagamit sa pag-uutos.
Halimbawa: Alis! Takbo!
Lakad Upo
2. Maaari din itong binubuo ng salitang-ugat + panlapi na tinatawag na panlaping makadiwa gaya ng
B. Pagpapaunlad sumusunod:
-um- (lumindol, tumingala) mag- (magsalita, magtatawa)
um- (umiling, umalis) -in (mahalin, sabihin)
-an/-han (pakuan, gandahan) i- (isulat, itago)
magpaka- (magpakabuti, ma- (malinis, maluto)
magpakasaya)
magsi- (magsiawit, magsitulog) maki- (makipulot, makisama)

Ang mga pandiwa sa Filipino ay nababanghay ayon sa aspekto at hindi ayon sa panahunan. Ang
aspekto ay katangian ng pandiwang nagsasaad kung kalian nangyari, nangyayari, mangyayari o isasagawa
pa lamang ang kilos.

1. Aspektong Naganap o Perpektibo – Ito ay nagsasaad na tapos nang gawin ang kilos.
o Aspektong Katatapos – Nangangahulugan itong katatapos pa lamang ng kilos o
pandiwa. Nabubuo ito sa pamamagitan ng paglalagay ng panlaping ka at pag-uulit sa
unang pantig ng isang salita. Ito ay nasa ilalim din ng aspektong perpektibo.

2. Aspektong Nagaganap o Imperpektibo- Ito ay nagsasaad na ang inumpisahang kilos ay patuloy


pa ring ginagawa at hindi pa tapos.

3. Aspektong Magaganap o Kontemplatibo – Ang kilos ay hindi pa nauumpisahan at gagawin pa


lamang.

Halimbawa:

Perpektibo Perpektibong Imperpektibo Kontemplatibo


Katatapos
nilikha kalilikha nililikha lilikhain
tumayo katatayo tumatayo tatayo
sinabi kasasabi sinasabi sasabihin
nag-alaga kaaalaga nag-aalaga mag-aalaga
Pag-uugnay sa Asignaturang T.L.E.

C.Pakikipagpalihan

-Sa pagluluto ng isa sa mga pangunahing putahe/ulam na Adobo, kinakailangan nating sundin ang
mga sumusunod na hakbang upang ito ay maisagawa.
- Isa-isahin ang mga hakbang/kilos na dapat nating gawin sa pagluluto ng Adobong Manok.

Kukunin ang lahat ng salitang nagpapakita ng kilos sa pagsasagawa ng Adobong Manok,


pagkatapos ay isasaayos ito ng mga mag-aaral ayon sa Aspekto ng Pandiwa.

Gawain sa pagkatuto bilang 1: Punan ang patlang ng wastong aspekto ng pandiwang kokompleto sa diwa
nito. Isaalangaalang ang salitang-ugat sa loob ng panaklong at isipin ang akmang panlaping makadiwa sa
pagsagot.

Halimbawa:
(lahok) Lalahok kami sa paligsahan sa pagsulat ng dula sa susunod na buwan.

(gising) 1. Maaga akong _____________ kahapon upang pumunta sa lugar na


pagdarausan ng paligsahan.
(balik) 2. Mamaya ______________ ako roon upang ipasa ang nabuo kong
dula.
(basa) 3. Ngayon ay ____________ ko itong muli upang matiyak na maayos
na maayos ang pagkakasulat nito.
(hayag) 4. Bukas ay _____________ na ang magwawagi sa paligsahan.
(usap) 5. Kanina lamang ay _____________ ko ang aking guro at nasabi
niyang malaki ang pag-asa kong magwagi.

D. Paglalapat
Gawain sa pagkatuto bilang 2: Buuin ang talahanayan ayon sa aspekto ng pandiwa.

Salitang-ugat Perpektibong Perpertibo Imperpektibo Kontemplatibo


katatapos
Hal: tayo katatayo tumayo tumatayo tatayo
1.kain
2.sigaw
3.sakay
4.hiram
5.akyat
6.kuha
7.tanggap
8.tunog
9.kinig
10.gising

V. PAGNINILAY Bilang ng mag-aaral na nakatapos ng gawain:


Naunawaan ko
na_________________________.
Nabatid ko Bilang ng mag-aaral na kailangan ng remediation/ enhancement:
na_________________________.

Isinagawa ni: Sinuri ni: Nabatid ni:

AIREEN D. ALVARICO LEA A. DIZON CARMEN H. MACATUGOB


Guro sa Filipino Koordinaytor ng Filipino Punongguro II

You might also like