You are on page 1of 2

Ano ang kasaysayan ng wikang pambansa?

Ang sumusunod ay ibat ibang kautusang ipinairal ng ating pamahalaan tungkol sa


pagkasulong ng ating wika:
Nobyembre 1936- Inaprobahan ng Kongreso ang Batas Komonwelt Bilang 184 na
lumikha ng Surian ng Wikang Pambansa na naatasang gumawa ng pag-aaral ng mga
katutubong wika at pumili ng isa na magiging batayan ng wikang pambansa.
Disyembre 30, 1937 - Sa pamamagitan ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 ng
Pangulong Quezon, ang Wikang Pambansa ay ibabatay sa Tagalog.
Abril 1, 1940 - Ipinalabas ang Kautusang Tagapagpaganap na nagtadhana ng
paglilimbag ng isang balarila at isang diksyunaryo sa Wikang Pambansa. Ipinahayag pa
ring ituturo ang wikang pambansa sa mga paaralan sa buong Pilipinas na nagsimula
noong Hunyo 19, 1940.
Hunyo 7, 1940 - Pinagtibay ng Batas-Komonwelt Blg. 570 na nagtadhana na simula sa
Hulyo 4, 1946. Ang Wikang Pambansa ay isa sa mga opisyal na wika ng bansa.
Marso 26, 1954 - Nagpalabas ng isang kautusan ang Pangulong Ramon Magsaysay sa
taunang pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa mula sa Marso 29 - Abril 4.
Subalit ang petsa ng pagdiriwang ay inilipat sa Agosto 13-19 tuwing taon.
Agosto 12, 1959- Tinawag na Pilipino ang Wikang Pambansa ng lagdaan ni Kalihim
Jose Romero ng Kagawaran ng Edukasyon ang Kautusang Blg 7. Ayon sa kautusang
ito, kaylaman at tutukuyin ang pambansang wika ay Pilipino ang gagamitin.
Oktubre 24,1967- Nilagdaan ni Pangulong Marcos ang isang kautusang nagtatadhana
na ang lahat ng mga gusali at mga tanggapan ng pamahalaan ay panganlan sa Pilipino.
Marso, 1968 - Ipinalabas ni Kalihim Tagapagpaganap, Rafael Salas, ang isang kautusan
na ang lahat ng pamuhatan ng liham ng mga kagawaran, tanggapan at mga sangay nito
ay maisulat sa Pilipino.
Agosto 7, 1973- Nilikha ng Pambansang Lupon ng Edukasyon ang resolusyong
nagsasaad na gagamiting midyum ng pagtuturo mula sa antas elementarya hanggang
tersyarya sa lahat ng paaralang pambayan o pribado at pasisimula sa taong panuruan
1974--75.
Hunyo 19, 1974 - Nilagdaan ni Kalihim Juan Manuel ng Kagawaran ng Edukasyon at
Kultura ang Kautusang Pangkagawaran Blg.25 para sa pagpapatupad ng edukasyong
bilingwal sa lahat ng kolehiyo at pamantasan.
Pagkatapos ng Rebolusyon ng Edsa, bumuo muli ang pamahalaang rebolusyonaryo ng
Komisyong Konstitusyonal na pinamunuan ni Cecilia Palma. Pinagtibay ng Komisyon
ang Konstitusyon at dito nagkaroon muli ng pitak ang tungkol sa Wika:
Artikulo XIV - Wika
Sek. 6 - Ang Wikang Pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nalilinang, ito ay
dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na Wika sa Pilipinas at sa iba pang
mga wika. Alinsunod sa mga tadhana ng Batas at sang-ayon sa nararapat na maaaring
ipasya ng Kongreso, dapat magsagawa ng mga hakbangin ang Pamahalaan upang
ibunsad at paspasang itaguyod ang paggamit ng Pilipinas bilang midyum na opisyal na
Komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon.
Sek. 7 -Ukol sa mga layunin ng Komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal
ng Pilipinas ay Filipino at , hanggat walang itinatadhana ang batas, Ingles. Ang mga
wikang panrelihiyon ay pantulong ng mga wikang opisyal sa mga rehiyon at magsisilbi
na pantulong sa mga wikang panturo roon. Dapat itaguyod ng kusa at opsyonal ang
Kastila ng Arabic.
Sek. 8 - Ang Konstitusyong ito ay dapat ipahayag sa Filipino at Ingles at dapat isalin sa
mga pangunahing wikang panrehiyon, Arabic at Kastila.
Sek. 9 - Dapat magtatag ag Kongreso ng isang Komisyon ng Wikang Pambansa na
binubuo ng mga kinatawan ng ibat ibang mga rehiyon at mga disiplina na
magsasagawa, mag-uugnay at magtataguyod ng mga pananaliksik sa Filipino at iba
pang mga wika para sa kanilang pagpapaunlad, pagpapalaganap at pagpapanitili.
Agosto 25, 1988 - Ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 335 ay ipinalabas at nilagdaan
ni Pangulong Corazon Aquino na nagtatadhana ng paglikha ng Komisyong Pangwika
na siyang magpapatuloy ng pag-aaral ng Filipino. Gayon din, pinagtibay ang paggamit
ng Filipino bilang midyum ng pagtuturo sa mga paaralan sa mga piling asignatura.

You might also like