You are on page 1of 11

SCHOOL OF LIBERAL ARTS

PANUNURING PAMPANITIKAN
Ang Panunuring Pampanitikan ay isang malalim na paghimay sa mga akdang pampanitikan sa pamamagitan ng
paglalapat ng ibat’t ibang dulog ng kritisismo para sa mabisang pag-unawa sa mga malikhaing manunulat at katha.
Sa pagsusuri, kinakailangan ang lubos na kaalaman sa kathang sinusuri tulad ng buong nilalaman ng akda, paraan
ng pagkakabuo nito at ang ginamit ng awtor na pamamaraan o istilo. Kinakailangan ding ang manunuri ay may opinyong
bunga ng obhektibong pananaw laban man o katig sa katha, kaya mahalagang siya ay maging matapat.

BALANGKAS SA PAGSUSURI NG TULA

I. PANIMULA
a. Pamagat ng Akda- “Mga Hamak na Dakila”
Sa unang beses kong pagbasa ng pamagat, inakala ko na ang tula ay patungkol sa kabayanihan ng isang
tao. Nahinuha ko yan dahil sa salitang ‘dakila’ na parang ibig sabihin ay tanyag o kaya ay may malaking
pangalan. Ngunit sa kabuuan ng pamagat, parang ang ibig sabihin ay mga dakila na mababang uri lamang o
may maliit silang gampanin na kung saan ay hindi sila pansinin.

b. Pagkilala sa May-akda - “Lope K. Santos”

Si Lópe K. Sántos ay pangunahing manunulat at makata, lingguwista, at lider manggagawa. Noong 1900,
nagsimula si Santos bilang peryodista sa iba’t ibang diyaryo hanggang maging editor ng Muling Pagsilang,
Lipang Kalabaw, at iba pa. Nakapagsulat si Santos ng sampung tomo ng mga tula. Kasáma sa mga itinuturing
na mahahalagang koleksiyon niyá ang Puso at Diwa(1908), Mga Hamak na Dakila(1945), Ang Diwa ng mga
Salawikain (1953), at ang tulang pasalaysay na Ang Pangginggera (1912). Sa anim na nobela niyá, tampok ang
Banaag at Sikat (1906), na may diwaing sosyalista.

II. TEMA/PAKSA NG TULA

Nais ipabatid ng tula ang kahalagahan ng mga salitang ginagamitan natin ng ‘lamang’. Sa paggamit natin
ng salitang ito, ipinahahayag natin na maliit o hindi ganon kahalaga ang isang bagay. Sa kabilang banda, ang
mga maliliit na ito ay may malaki ding kapakinabangan ngunit hindi lamang ito napapansin ng iba.

III. PAGPAPAHALAGA SA MGA TALASALITAAN

Nakasusuklam - kinamumuhian
Kasalaulaan - kawalang-galang
Dukha - mahirap
Karimarimarim - nakakapangdiri
Mayumi - mahinhin
Babaluhin - namatay ang mga asawa
Panibughuin - seloso/selosa
Matabil - madaldal

IV. KAYARIAN
a. Sukat, Saknong at Tugma
Ang sukat ng mga tula ay lalabindalawahin bagama’t may ilang labis kagaya ng unang taludtod sa Taling na
may labinlimang pantig. Samantala, ang mga tula ay binubuo ng tig- lilimang saknong na may apat na taludtod.
Ang tula ay may iba’t ibang tugmaan katulad sa magkasanod na taludturan ng Upos na magkaiba samantalang
sa pangatlo at pang-apat ay magkatugma. May bahagi ng saknong na nagtatapos sa patinig pero mas madami
ang nagtatapos sa katinig.

b. Tono
Ang tono ng tula ay may pagkamalungkot na damdamin. Sa paraan na binasa ko ito, ramdam ko ang
kalungkutang nadarama ng persona.

c. Pagpapahalaga sa mga Tayutay

V. PAGSUSURI
a. Simbolismong Ginamit

_________________________________________________________________________________________

___________________________________________________________.

b. Uri ng Panitikan

c. Teorya ng Panitikan

d. Pagpapahalagang Pangkatauhan
- Bisang Pangkaisipan
_____________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________.
- Bisang Pangdamdamin

- Bisang Pangkaasalan

VI. ARAL/MENSAHE

_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________.

BALANGKAS SA PAGSUSURI NG AWIT

I. PANIMULA
a. Pamagat ng Akda- “Magda”

_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________.

b. Pagkilala sa May-akda - “Gloc-9”

_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________.

II. MGA TAUHAN SA AKDA

a. ________________ (Pangalan)
_____________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________.
b. ________________ (Pangalan)
_____________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________.

III. TAGPUAN
a. ________________ (lugar)
_____________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________.
b. ________________ (lugar)
_____________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________.

IV. BUOD

_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
________________.

V. PAGSUSURI
a. Uri ng Panitikan - “Awit”

_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________.

b. Teorya ng Panitikan

c. Tema o Paksa ng Akda

d. Tono

e. Bisang taglay ng Akda

- Bisang Pangkaisipan
_____________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________.

- Bisang Pangdamdamin
_____________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________.
- Bisang Pangkaasalan
_____________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________.

VI. KALAKASAN at KAHINAAN NG NILALAMAN NG AKDA

_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________.

VII. ARAL/MENSAHE

Magda
Gloc – 9

Magdalena, ano'ng problema?

Bakit 'di ka makawala sa kadena?
At sa gabi-gabi, ikaw ay nasa selda
Na hanapbuhay mo ngayon
Magdalena, ano'ng problema?
Alam naman natin na dati kang nena
At sa iyong ama, ikaw ay prinsesa
Ano'ng nangyari sa'yo?

Ito'y kwento ng isang babaeng

Tulog sa umaga, gising sa gabi
Ang kan'yang mukha'y puno ng kolorete
Sa lugar na ang ilaw ay patay sindi
Simulan na natin ang istorya
Ako'y kanyang matalik na kaibigan
Ernesto ang aking pangalan
Kwentong dapat n'yong malaman
'Wag nang magbulag-bulagan
Bakit ang nais natin ay malaman ang baho ng iba?
Pagbibigyan kita
Kilala mo ba si Magda?

Na aking kababata mula pa nang pagkabata

Kami'y lagi magkasama, mga bangkang papel sa sapa
Kan'yang ngiti, lumiliwanag ang paligid
At pag siya'y dumadaan, mga leeg ay pumipilipit
Ubod ng ganda noong siya ay nagdalaga
Tuwing kausap ko na, malimit akong tulala
Kahit may nararamdaman, pinilit kong isara
Ang bibig at pintig ng puso sa kan'ya
At sa sayawan, matapos kaming makapagtapos
Dahil pinawis ang mukha, ako'y nagpunas ng pulbos
Kahit parang hindi pantay, nagmamadaling hinila
Pinakilala niya lalaki na taga-Maynila

Magdalena, ano'ng problema?

Bakit 'di ka makawala sa kadena?
At sa gabi-gabi, ikaw ay nasa selda
Na hanapbuhay mo ngayon
Magdalena, ano'ng problema?
Alam naman natin na dati kang nena
At sa iyong ama, ikaw ay prinsesa
Ano'ng nangyari sa'yo?

Maraming taon, ako'y nalipasan

Pinilit ko mang takasan
Bagkus ay aking nalaman
Ang tunay kong kailangan
'Di ko maibaling ang pagtingin ko sa iba
Minamahal ko s'ya
Hahanapin ko si Magda

Lumuwas habang nagdarasal na maabutan

Sa lugar na ang sabi'y kanyang pinagtatrabahuan
Nakita ko'ng larawan niya na nakadikit sa pintuan
Iba man ang kulay ng buhok, 'di ko malilimutan
Ang kan'yang mata at tamis ng kan'yang ngiti
At dahil ubod ng saya, hindi na nag-atubili
Agad pumasok sa silid pero bakit ang dilim?
Madaming lamesa't mga nag-iinumang lasing
Nang biglang nagpalakpakan, may mabagal na kanta
Sa maliit na entablado ay nakita ko na
Ako ay nagtaka, nagtanong, nagkamot
Bakit s'ya sumasayaw na sapatos lang ang suot?
Ito'y kwento ng isang babaeng
Tulog sa umaga, gising sa gabi
Ang kanyang mukha'y puno ng kolorete
Sa lugar na ang ilaw ay patay sindi
Ituloy natin ang istorya

Agad s'yang sumama sa 'kin, walang kakaba-kaba

Ang trato niya sa'kin ay nobyo, tila kataka-taka
Bumaba sa taxi'ng pinara sa may Sta. Mesa
Parang ako'y bida sa mga sumunod na eksena
Kung ito ay panaginip, ayoko nang magising
Ngunit ako'y nanaginip, umaga na nang magising
Ang naabutan ko lamang ay may sobre sa lapag
Liham para sa 'kin na isinulat niya magdamag
Kahit gulong gulo ang isip, pinilit kong basahin
'Di malilimutan ang mga sinabi niya sa akin

"Mahal kong Ernesto, alam kong tulog mo'y malalim

'Di na 'ko nagpaalam, 'di na kita ginising
Salamat nga pala sa pasalubong mong kalamay
At sa pinakamasayang gabi ng aking buhay
Nu'ng iniwan ko ang baryo natin, ang akala ko
Isang tunay na pag-ibig ang matatagpuan ko
Hinanap kung saan-saan at kung kani-kanino
'Di ko inakalang ito ang kahahantungan ko
Imbis na ako'y sagipin, itinulak sa bangin
Ito pala'ng ibig sabihin ng kapit sa patalim
Kung mabaho sabunin, kung makati gamutin
Kung hindi na masikmura ay ibaling ang tingin
Kahit ako ay bayaran at kaladkaring babaeng
Alam ang amoy ng laway ng iba't ibang babae
Isa lang ang kaya kong sa'yo'y maipagmalaki
Ikaw lang ang bukod-tanging hinalikan ko sa labi
Gusto ko mang manatili sa'yong mga yakap
Ako ma'y natutuwa dahil ako'y iyong nahanap
Wala na yatang walis ang makakalinis ng kalat
At ang katulad ko sa'yo ay 'di karapat-dapat
Pinangarap kong sa altar, ako'y iyong ihatid
Ngunit sa dami ng pait, ang puso ko'y namanhid
'Di ko makakalimutan ang pabaon mong halik
Pero pakiusap, huwag ka na sana pang babalik
Regalo ng Maykapal ang ikaw ay makilala
Salamat sa ala-ala, nagmamahal, Magda"

Magdalena, ano'ng problema?

Bakit 'di ka makawala sa kadena?
At sa gabi-gabi, ikaw ay nasa selda
Na hanapbuhay mo ngayon
Magdalena, ano'ng problema?
Alam naman natin na dati kang nena
At sa iyong ama, ikaw ay prinsesa
Ano'ng nangyari sa'yo?

Ito'y kwento ng isang babae

You might also like