You are on page 1of 5

Name of Learner: Date:

Grade & Section Score:

ESP 9 WEEK 6 LEARNING ACTIVITY SHEET


LIPUNANG PANG-EKONOMIYA
Learning Competencies: 1. Napatutunayan na: a. Ang mabuting ekonomiya ay iyong napauunlad ang lahat – walang
taong sobrang mayaman at maraming mahirap. b. Ang ekonomiya ay hindi para lamang sa
sariling pag-unlad kundi sa pag-unlad ng lahat. EsP9PL-If-3.3
2. Nakatataya ng lipunang ekonomiya sa isang baranggay/pamayanan, at lipunan/bansa gamit
ang dokumentaryo o photo/video journal (hal.YouScoop) EsP9PL-If-3.4
Ang pinagmulan ng salitang “Ekonomiya” ay ang mga griyegong salita na “oikos” (bahay) at “nomos” (pamamahala). Ang
ekonomiya ay tulad lamang din ng pamamahala sa bahay.
Mayroong sapat na budget ang namamahay. Kailangan niya itong pagkasyahin sa lahat ng mga bayarin (kuryente, tubig,
pagkain, panlinis ng bahay, at iba pa) upang makapamuhay nang mahusay ang mga tao sa bahay, maging buhay-tao (humane)
ang kanilang buhay sa bahay at upang maging tahanan ang bahay.
Hindi Pantay Pero Patas : Prinsipyo ng Lipunang Pang-ekonomiya
Ito nga ang prinsipyong iniinugan ng Lipunang Pang-ekonomiya. Ang lipunang ito ay nagsisikap na pangasiwaan ang
mga yaman ng bayan ayon sa kaangkupan nito sa mga pangangailangan ng tao.
Ang Lipunang Pang-ekonomiya, sa mas malakihang pagtingin, ay ang mga pagkilos na masiguro na ang bawat bahay ay
magiging tahanan. Pinapangunahan ito ng estado na nangunguna sa pangangasiwa at patas na pagbabahagi ng yaman ng
bayan. Lumilikha sila ng mga pagkakataon na makapamuhunan sa bansa ang mga may kapital upang mabigyan ang mga
mamamayan ng puwang na maipamalas ang kanilang mga sarili sa paghahanapbuhay. Sinisikap gawin ng estado na maging
patas para sa mga 9 nagkakaiba-ibang mga tao ang mga pagkakataon upang malikha ng bawat isa ang kanilang sarili ayon sa
kani kanilang mga tunguhin at kakayahan. Bilang balik na ikot, ang bawat mahusay na paghahanapbuhay ng mga tao ay kilos na
nagpapangyari sa kolektibong pag-unlad ng bansa. Kung maunlad ang bansa, higit na mamumuhunan ang may capital na siyang
lilikha ng higit pang mga pagkakataon para sa mga tao—pagkakataon hindi lamang makagawa, kundi pagkakataon ding tumaas
ang antas ng kanilang pamumuhay.

Panuto: Maghanda para sa mga Gawain na iyong isasagawa. Basahing Mabuti at sagutan ng maayos ang bawat tanong.

Exercises (GAWAIN):
A. Si Mang Allan Santos na isang traysikel drayber ay kumikita ng apat na daan at limampung piso (450.00) bawat
araw o humigit kumulang sa labintatlong libot siyam na raan (13,900.00) kada buwan sa kanyang pamamasada.
Ang kanyang asawa na si Aling Marta ay lumalagi lamang sa bahay upang asikasukin ang kanilang tatlong anak
na nag-aaral. Ang kanilang panganay na si Ana ay nasa ika-siyam na baitang sa sekundarya, ang ikalawa na si
Mark ay nasa ika- anim na baitang sa elementarya at ang bunso na si Hanna ay nasa ika-apat na grado. Narito
ang buwanang gastos ng pamilyang Santos.
Ikaw naman:
Panuto:
1. Magsagawa ng survey sa inyong tahanan.
2. Katulong ang mga magulang , sagutin ng buong katapatan ang sumusunod na tanong:
a. Magkano ang budget para sa isang buwan? ________________
b. Ano-ano ang pinagkakagastusan ng tahanan? Ipakita sa Pamamagitan ng Pie Graph (BILOG NA GUHIT)

c. Sapat ba o hindi ang inyong badyet sa bahay para sa isang buwan? Ipaliwanag.

d. Ano ang naidudulot ng kakulangan sa budget?

e. Kung hindi sapat ang budget, ano ang paraang ginagawa upang masolusyunan ang suliranin?

3. Sa pangkalahatan, sapat ba ang kakayahan ng mga magulang sa pagbubudget ng kanilang perang hawak?
Pangatwiranan.

4. Bakit mahalagang matutuhan ng lahat ang tamang pamamahala sa perang kinikita?

5. Ano ang maaaring maidulot kung hindi mapangangasiwaan nang wasto ang perang kinikita?

POST TEST

Multiple Choice. Select the letter of the best answer from among the given choices. Write your answer on the space provided:

_____1. Ano ang katotohanan sa likod ng paniniwala na “ang tao ay pantay- pantay”?
A. Lahat ay nilikha ng Diyos.
B. Lahat ay iisa ang mithiin.
C. Lahat ay dapat mayroong pag-aari.
D. Lahat ay may kani-kanyang angking kaalaman.
______2. Ito ay tumutukoy sa mga pagkilos na masiguro na ang bawat bahay ay magiging tahanan.
A. Lipunang Politikal C. Lipunang Pang-ekonomiya
B. Lipunang Pagkakaisa D. Lipunang Sibil
______3. Alin ang hindi naglalarawan sa lipunang pang-ekonomiya?
A. Maihahalintulad sa pamamahala ng badyet sa isang bahay.
B. Pagkilos para sa pantay na pagbabahagi ng yaman ng bayan.
C. Pangangasiwa ng yaman ng bayan ayon sa kaangkupan nito sa mga pangangailangan ng tao.
D. Pagkilos upang masiguro na ang bawat bahay ay magiging tahanan sa pamamagitan ng pangangasiwa ng
yaman ng bayan.
______4. Bakit mas epektibo ang patas kaysa pantay na pagbabahagi ng yaman ng bayan?
A. Karapatan ng bawat mamamayan na matanggap ang nararapat sa kaniya.
B. Walang kakayahang magpasiya para sa sarili at sa iba ang mga mamamayan.
C. Sa pamamagitan nito, mas naisaalang-alang ang kakayahan at pangangailangan ng bawat isa.
D. Tinutulungan ng estado ang mga manggagawa na makahanap ng hanapbuhay sa ibang bansa.
______5. Paano maipakikita ang tamang ugnayan ng tao sa kanilang pag-aari?
A. Sa pag-iwas na maitali ang mga tao, ngunit may angkop para sa kanila.
B. Sa pagpapakita na may kakayahan siyang bumili ng mga mamahaling gamit.
C. Sa pagmamayabang sa mga kakilala at kaibigan ng dami ng naimpok na salapi.
D. Sa pagbibigay ng higit na mataas na pagpapahalaga ng kaniyang mga ari-arian kaysa kaniyang sarili.

Performance Task: (MAJOR OUTPUT)

Gamit ang 1 whole bondpaper. Gawin ang ibinigay na sitwasyon sa ibaba.

Kung ikaw ay bibigyan ng pagkakataong magpatupad ng isang Livelihood Program sa inyong barangay, ano ito? Ipaliwanag kung
bakit mo ito naisipang ipatupad.

Puntos Criteria
10 Naisagawa at naipaliwanag ng maayos ang nais maipatupad na programa.
8 Naisagawa at naipaliwanag ng kunti ang nais maipatupad na programa.
5 Naisagawa at hindi naipaliwanag ang nais maipatupad na programa.
2 Hindi tama ang naisagawang programa.

Reflection:
Ang aking natutunan sa paksang ito ay__________________________________________________________

______________________________________________________________________________________________

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------.

References:
1. ESP 9 textbook.
2. SLM Module week 3

NOTE: NAA SA MODULE 3 ANG ANSWER KEY SA POST TEST

Prepared by:
VEVERLY L. BOLANIO, T-I
Subject Teacher
Name: _______________________________________ Date:____________________________
Year and Section:______________________________ Rating:__________________________
Major Output in ESP 9 (WEEK 6)
LIPUNANG PANG-EKONOMIYA

PERFORMANCE TASK: Kung ikaw ay bibigyan ng pagkakataong magpatupad ng isang Livelihood Program (MGA
PANGKABUHAYAN NA PROGRAMA) sa inyong barangay, ano ito? Ipaliwanag kung bakit mo ito naisipang ipatupad.

You might also like