You are on page 1of 1

PURIHIN KA HESUKRISTO,

VIVA SENOR STO. NINO!


(Pambungad na Awit)
Koro:
Purihin ka Hesukristo,Viva Senor Santo Nino
Ang bayang Pilipino, ay nagpupuri sa ‘Yo.
I
Batang sa ati’y sumilang, ay Anak na ibinigay
Upang magharing lubusan, taglay ay dakilang
Ngalang tagapayo ng Maykapal.
(Koro)
II
Noon pa sa pasimula, bago pa Mayroong nilikha
Naroon na ang Salita, kasama’y Diyos na may gawa
At naging tao Siyang tunay.
(Koro)
III
Narito’t tumatanglaw, dakilang kaliwanagan
Na nakita at natanaw, ng tanang nakukublihan
Ng dilim ng kamatayan.
(Koro)

You might also like