You are on page 1of 22

“Even After A Lifetime”

Part 1: ” Happy Birthday!”

[SFX: Cicadas]
/Picture ng bahay ni Noah/
/Picture na nagsisintas si Kei/
Kei: Pa! Ang bagal niyo naman po! Mauunahan tayo nila lolo’t lola e.
Noah: Ito na anak! Patapos na…
[SFX: Footsteps]
/Picture ng palabas ng pinto si Noah at Kei/
[SFX: Door closes]
Noah: Happy Birthday Anak! Ano ready ka na ba isurprise ang mama mo?
Kei: Nakakatawa naman pa, ako may bday pero si mama isusurpise naten.
/Picture ni Noah na napangiti na lang/
/Picture: Dumating na yung Van na sasakyan/
Noah: Halika na ayan na yung sasakyan. Sakay na tayo.
[SFX: Van opening and closing]
/Nasa loob ng sasakyan/
Noah: Mukhang mahaba haba ang biyahe natin anak.
/Nakatingin sa bintana si Noah/
Kei: Pa, pwede po ba ko magrequest.
/Tiningnan ni Noah ang anak niya/
Noah: Yes Kei? Anything, wag kang mahiya bday mo no kahit ano bibilin ko.
Kei: Pa, hindi po, hindi po laruan.
Noah: hm?
Kei: Ah…Pwede mo po ba ikwento kung pano kayo nagkakilala ni mama? Hihi.
Noah: Ah, yun lang ba anak? Baka… pwedeng iba na lang *chuckles*
/Napakamot ng ulo si Noah habang nakangisi/
Kei: Sige na pleaseee- Sabi niyo po sakin kanina kahit ano, wag po ko mahiya.
Noah: Eh kasi naman *chukles*… Mahaba yun sige ka.
Kei: Okay lang pa, handa kong makinig no, lalo’t kwento niyo yan ni mama.
Noah: Hay… Osige na nga
/Picture ng labas ng sasakyan/
[Start ng SCORE]
Noah: Nagsimula yan nang college kami… [Nagffade yung audio ni Noah] Lagi ako nakatambay sa library para
makita ko ang mama mo tas…
/Picture ng Title na nasa langit nakasulat/
[Transition: Fade White]

Part 2:” We Meet Again.”

[STOP MUSIC SCORE]


/Picture ng inapplayang kumpanya ni Noah : MCS Interior Design Company/
/Picture ni Noah nakaupo sa may lobby may katabing babae/
/Picture ng Secretary sa may lobby na kausap si Noah/
Secretary: Mr. Buenaventura be ready, kayo na po ang kasunod.
Noah: Ah, okay salamat.
/Picture ng close up kay noah/
Secretary: Mr. Buenaventura kayo na po!
/Picture ng papasok si Noah sa pintuan opisina/
-After 5 Seconds-
/Picture ni Noah palabas ng pintuan ng opisina/
Noah’s POV: *Siguro naman maayos yung pagkakasabe ko don, pang anim na interview ko na to. Sana
matanggap na ako, Lord*
/Picture ni Noah na nakaslouch at pagod/
Secretary: Ms. Valerio kayo na po!
/Picture ng babaeng nakatalikod tumatakbo patungo kay Noah/
/Picture ni Noah na nagulat/
[SFX: Falling papers]
/Picture ni Noah at ni Alyssa nagulat sa isa’t isa/
Alyssa: OMG, Ok ka lang ba? I’m so sorry hindi kita napansin.
/Picture nilang dalawa na nag pupulot ng papel/
Noah: Aghhh, Sorry hindi din ki-
/Picture ng tiningnan ni Noah si Alyssa/
/Picture ng tinitingnan ni Alyssa sa Noah na nakaunot ang kilay/
Alyssa: Wwait! Ikaw ba si Noah? Noah Buenaventura
Noah: Ah oo *chuckles*
Alyssa: Sabi na e! Lagi kita nakikitang naglilibot sa University, sa Library to be specific.
By the way, I’m Alyssa Valerio. Remember?
/Picture na nagshshake hands/
Noah: Oo? Alyssa, yung nasa library din palagi. *chukles*
Alyssa: Anyways ako na next sa interview, See u!!. Goodluck saken hehe
Noah: Goodluck hahaha Nice meeting you again!
/Picture na paalis si Noah at papasok ng opisina si Alyssa/
[Fade White: Transition]
/Slideshow ng pic ni Alyssa at ni Noah magkasama sa isang pic during graduation at mga moments sa
recognition/
Adult Noah: Lagi ko siyang kasama sa recognition sa batch namin, She’s one of the top notchers sa school, but I
never had the guts to interact with her.
/Picture papasok si noah ng bahay niya madilim/
/Picture ni Noah na binuksan ilaw/
[SFX: light switch]
/Picture ni Noah na nakaupo sa sofa at nagtatanggal ng coat/
[SFX: Undressing]
/Picture ni noah kinuha yung picture ng mama niya sa lamesa/
Noah: *Exhausted* Goodevening ma! Kapagod pala ang buhay matanda. Pang-anim na interview ko na to, sana
naman matanggap na ko no. Anyway ma! May good news ako. Naalala niyo pa ba yung sinasabi ko sa
inyong babae na laging nasa library. Nakita ko siya! Ang ganda pa nga din niya ma eh! Akalain niyo yun
ma, parehas pa kami ng kumpanyang pagttrabuhuhan kung sakali. Pero ma sana makapasok na talaga
ko baka di ko na kasi mabayaran tong mga bills sa bahay e *chukles* Sige na ma, Goodnight. Pahinga na
ko. Lagi niyo kong bantayan jan ni papa ah.
/Picture na Binalik ni Noah yung litrato ng mama niya sa lamesa/
/Picture ni Noah papasok sa kwarto niya/
[SFX: Door Close]
[Transition: Fade Black]

Part 3: “E-mail”

/Picture ng Alarm clock ng 7:00 am/


[START SCORE]
Noah: Goodmorning! *Yawn*
/Picture ng lumabas si Noah/
Noah: Sana naman may nag e-mail na…
/You have no E-mails received/
Noah: Pshh
/Picture ng Alarm clock ni Noah ng 4:30/
[Music Score STOP]
[SFX: ALARM CLOCK]
Noah: Ano wala pa din? Tsk-
[SFX: Messenger notif]
/Picture ng chat ni Alyssa/
Alyssa’s Chat: “Hi! I hope we can be friends at work, See ya!”
Noah: Huh? Work? Diko gets? HUH? PANO-
/Picture ng computer ni noah: One Email received/
/Picture ni Noah na nagbabasa sa computer/
E-mail: Dear Mr. Noah Buenaventura, Starting September 18, 2011 you’ll now be working at “MCS Interior
Design Company”
Noah: Ayun! *chuckles* natanggap den sa wakas!! Pero pano kaya nalaman ni Alyssa na natanggap ako??
Natanggap din siguro siya.
/Picture ni Noah na nakangiti/
Noah: *buntong hininga* Salamat Lord! Makakabayad na ko ng bills, next month!
/Picture na Nagttype si Noah sa Computer/
[SFX: Keyboard typing]
Noah’s chat: Thanks Alyssa! Congrats satin!
[Transition: Fade Black]

Part 4: “Unexpected Date”

[SFX: People in the Mall]


/Picture ni Noah nasa mall/
Noah: Pano kaya ako neto? Hindi pa naman ako marunong pumili ng damit.
[SFX: Buy and Large superstar all you need]
[SFX: Footsep]
/Picture ni Alyssa kumakaway kay Noah/
Alyssa: Noah!! Hello!
Noah: Uy, shh…*chukles* Anlakas ng boses mo! Bakit nandito ka?
Alyssa: Ay sorry *chukles*, mamili lang akong damit para bukas, ikaw?
Noah: Mamimili din kaso wala akong mahanap eh.
/Picture ni Noah nahihiya at napapakamot sa ulo/
Alyssa: Nagreready na talaga para next week ah… anyway, are you with someone?
Noah: ah-a-Ako lang, Ikaw ba?
Alyssa: I’m on my own din*chukles*. Since mamimili ka at mamili rin ako, magsama na lang tayo para makita ko
kung bagay sayo yung damit *chukles*, Ok lang ba sayo?
Noah: Hindi ba nakakahiya sayo, pero ok! Para matulungan mo din ako. Baduy baduy ko pa naman manamit.
*chuckles*
Alyssa: Napakamahiyain mo talaga, Noah. Halika na nga hanap na tayo ng sayo.
/Picture ni Alyssa hinatak kamay ni Noah/
/Picture na nagbblush si Noah/
/Slideshow ng Early days ni Noah at Alyssa sa School/
/Slideshow ng Interaction ni Noah at Alyssa sa Work/
Noah (Adult): That day, we got to know more about each other—we had known the things we have in common.
We had talked about things she and I did in the past. Ang hindi nga lang niya alam, college pa lang
kami…nung mga panahon na sinusulyapan ko siya sa library… gustong gusto na siya. Hindi ko naman
alam na makikita ko siya ulit. Months had passed at okay naman ang lahat sa work, pero habang patagal
ng patagal na kasama ko siya ron, hindi na lang simpleng paghanga ang naramadaman ko. That’s when I
realized I had fallen in love with your mom. Yung mga oras na kasama ko siya, yung puso kong parang—
parang sasabog sa kaba eh. Nang mga panahong ako nalang mag-isa, at wala na si mama-lola mo, siya
yung naging sandalan ko. She became not only my friend but she also became my family.

Part 5: “Me, too…”

/Picture ni Noah at Alyssa nasa Opisina ng Boss nila/


Boss: Alyssa and Noah, Later pagkauwi niyo, get “Live Beautiful” at the library in UST. Okay? And tommorow,
ilagay niyo sa desk ko, we’ll use it as a reference sa bahay ni Mrs. Choi. Yun lang, pwede na kayo
makaalis.
/Picture ni Alyssa at Noah nasa hallway/
Alyssa: Hmm, Grabe libro lang, tayo pa kukuha.
Noah: Nga eh, pero narinig mo? Sa school natin *chuckles*
Alyssa: Oo nga e, parang kailan lang nandun pa tayo parati. Parehas pa tayong tambay sa library. *chuckles*
Mga panahong hindi pa naiistress magbayad ng mga bills. *chukles* halika na nga, let’s go!
/Picture ni Noah at alyssa nasa library/
Alyssa: Good Evening Ma’am, Where can we find “Live Beautiful”? [3 seconds pause] Ah okay po, salamat. Noah,
San ka punta?
/Picture ni Noah nakaupo sa lamesa ng library/
Noah: Dito muna ko, napagod ako sa biyahe, init kasi.
Alyssa: Okay, ako na lang maghanap ng libro.
Noah: Sunod na lang ako.
Noah (Adult): Ang hindi alam ni Alyssa yoong bangkuan na inuupuan ko non ang siya ring inuupan niya palagi
kapag nakikita ko siya sa library.
Noah: Sabihin ko na ba sakanya-
Alyssa: Ang alin Noah? Anyway , nakuha ko na pinapakuha satin ni boss.
Noah: *nauutal* A-a-ang bilis mo naman. Si-sige umuwi na tayo.
Alyssa: Gulat ka diyan.. *chukles* Yung sasabihin mo pala?
Noah: Ah-Ah wala yun*chukles*
Alyssa: Ah-okay *chukles*
/Picture ni Alyssa naglalakad at naiwan nakatulala si Noah/
Noah’s POV: Ano ba Noah! Sabihin mo na!
/Picture ni Alyssa at Noah nakatayo sa labas ng Univ/
Noah: *yawn* Ba yan umulan pa… Grabe! Nakakapagod ngayong araw daming pinagawa satin ni sir no…
Alyssa: Oo nga e*chuckles*
[Delay ng 3 seconds]
[START SCORE]
[SFX: raindrops]
/Picture ni Noah nakayuko/
Noah: Aa… Ano Alyssa, kase may sasabihin a-
/Picture na biglang kiniss ni Alyssa sa Noah sa Cheeks/
Noah: …
Alyssa: Noah, Gusto kita Matagal na!
/Pic na nagulat si Noah/
/Pic na nagulat din si Alyssa/
Alyssa:*Tinakpan yung bibig* Sorry!! Bye, mauuna na ako!
[SFX: Running in the puddles]
Noah: Hoy Alyssa! Saglit!
[Start SCORE]
/Pic na hinablot kamay ni Alyssa/
/Pic ni Noah saying, “I Love You”/
/Pic ni Alyssa nagbblush/
/Pic nila magkayakap sa dilim/

Part 6: “Pamamanhikan”

/Slideshows pics na pinagdaanan ni Alyssa at Noah/


Noah (adult): Destiny did really do its job to make us meet again. Hindi ko man nasabi ang nararamdaman ko
sakaniya noon, ang mama mo na ang gumawa ng way para tuparin yon *chukles*. Ever since that
moment, all I’d ever wanted was to be with her. Alyssa had made me realized that she’s my light in this
life full of darkness, the light of all lights. Two years had passed, and everything went well. May mga
times nga lang na hindi maganda, but that only made our relationship even stronger…Hindi lang si Alyssa
ang nakilala ko during those times but also her family. Itinuring nila kong tunay na anak. Dahil kay
Alyssa, naranasan ko ulit magkaroon ng mama at papa, naranasan ko muli magkaron ng pamilya. And
because of that I’m truly determined that Alyssa is the women whom I’ll be with in the rest of my life.
/Picture ni Noah nasa bahay niya kausap ang picture ng mama niya./
Noah: Hmm, Ano kayang klaseng proposal ang pwede kong gawin? Should I do it in public? Eh dinner proposal
kaya?hmmm before that, kailangan ko muna mag paalam kila tito’t tita…
/Picture ng picture ng mama ni Noah at paalis si noah/
/Picture ng bahay nila Alyssa/
[SFX: Door Knocking]
/Pics ni Noah at Elijah naguusap/
Elijah: Helloo Kuya
Noah: Hi jah!
Elijah: Pasok ka kuya! Mama! Papa! Si kuya Noah nandito!
/Pic na hinuhubad ni Noah sapatos/
Noah: Hello po Tita, Tito!
/Pic na nagmamano sa parents ni Alyssa/
Layla: Napaka galang naman talaga netong lalaking ito oh, at ang gwapo pa.
Elijah: MA! Bakit ako hindi moko sinasabihan ng ganyan
Layla: Eh?!
Noah: *chuckles, Ito po pala binilan ko po kayo ng meryenda baka magustuhan nyo po
Shawn: nagabala ka pa iho, bakit ka nga pala napadalaw? Hindi mo ba kasama si Alyssa?
Noah: E hindi po e, inagahan ko po kase punta ko dito para hindi po nya ako maabutan.
Elijah: Ah alam ko na kung bakit ka napunta dito kuya, Manghihingi ka ng basbas noh? Don’t worry boto ako
sayo *chukles*.
Layla: Elijah, tumahimik ka dyan!
Noah: Sa totoo lang po yun po talaga sadya ko dito, balak ko po kasing magpropose kay Alyssa sa anniversary
namen, andito po ako nagpapaalam sainyo para makuha ang blessing nyo. Kung alam nyo lang po mahal
na mahal ko po ang anak nyo gusto ko po syang makasama habang buhay.
/Pic na nagkatinginan ang parents ni Alyssa sa isa’t isa/
Shawn: Alam mo naman siguro na sya lang ang babae naming anak diba.
Noah: Opo…
Shawn: Simula nung pagkapanganak sakanya ng nanay nya, inalagaan at ipinalaki naming mabait ang aming
anak. Kung talagang gusto mo sya makasama habang buhay, sino ba naman ako para tutulan ang taong
magpapasaya sa “my one and only daughter.” Kilala ka naman na namin, ijo. Para ka na naming tunay
na anak at alam naming mabait ka at hindi ka gagawa ng kalokohan sa anak ko. Pero malaman ko lang
na sinaktan mo ang unica ija ko, lintik lang ang walang ganti.
Lyla: Mahal naman…
Shawn: Noah, Seryosong usapan, lalaki sa lalaki. Malaki ang tiwala ko sayo. Wag mong sasaktan ang anak ko, at
alagaan mo siyang mabuti huh.
Noah: Pangako po tito.
Shawn: Sige, may naisip ka nabang proposal?
Noah: Ayun lang po, wala pa.
Layla: Dinner proposal kaya?
Elijah: Ma…Common na masyado yun eh, since mahilig si ate sa stars why don’t you go for a Stargazing
Proposal?
Noah: Ngayon ko lang nalaman mahilig pala si Alyssa sa mga ganyang bagay. Ang galling mo Elijah! Kabisadong
kabisado mo Ate mo. Sige, stargazing proposal!
Elijah: Ehehehe Syempre Ililibre mo pa ako diba
Layla: Jusmiyo ko Elijah, ikaw tala-
[SFX: KNOCKING THE DOOR]
Alyssa: Andito na po ako! Pakibukas pinto
Elijah: Hala! Si Ate andito na, masisira yung surprise mo.
Shawn: Itago mo muna si Noah, Ako na bahala kay Alyssa.
Elijah: Kuya tago ka muna sa loob ng aparador
Noah: HUH?
Elijah: Bilis na kuya makikita ka pa!
Layla: *binuksan pinto, Alyssa andito ka na pala bilisan mo tawag ka ng tatay mo.
Alyssa: Sige po Ilagay ko lang po yung bag sa cabinet.
[SFX: Footsteps climbing]
/Pict ni Noah na nasa loob ng aparador/
Elijah: ATE! Akin na bag mo ako na maglalagay… Lagot ka kay Papa ginamit mo yung toothbrush nya pangkuskos
sa sapatos mong pipichugin.
[SFX:Funny Sound Effect]
Alyssa: Huh? Kay Papa ba yon????
Elijah: Oo! Lagot ka kay papa! Bumaba ka na!
[SFX: DOWNSTAIRS FOOTSEP]
Elijah: Kuya kausap na nila si Ate pwede ka ng umalis
/Pict ni alyssa bumaba sa hagdan/
Noah: Salamat Elijah pakisabi kila tito syaka tita na Salamat.
Elijah: Sige-sige Kuya, Dalian mo na makikita ka pa ni Ate!!
Noah: Ok!ok! Bye-Bye!
Alyssa: Hoy! Sino kausap mo dyan??
Elijah: Lagot ka ambaho na ng bibig ni papa!
[Funny Sound Effect]
[Transition: Fade Black]

Part 7: “Starry Night”

/Pic na hawak hawak ni Noah ang kamay ni Alyssa/


Alyssa: *masaya* Ano ba to noah, gabing gabi na nasa labas pa tayo *chukles*
Elijah: Napanood ko kasi sa balita, magkakaroon daw ng meteor shower kaya dinala kita.
Alyssa: Sino namang nagsabi sayong mahilig ako sa stars huh. Si Elijah talaga oh *chukles*
/Pic na inaayos ni Noah yung kumot na pag uupuan nila/
Alyssa: Noah, Noah! Bilis, tayó na tàyo! Magsisimula na ata!
[Start Music Score]
/Pic na nakatayo si Noah at Alyssa/
/Pic ni Alyssa nakatingin sa stars/
/Pic na nakatingin si Noah kay Alyssa habang si Alyssa nakatingin sa stars./
Noah’s POV: *buntong hininga* Ito na, wala na talagang atrasan!
Noah: Alyssa, I have something to tell you…
Alyssa: hm?
Noah: Alyssa… When I look at you, I realize how much you’ve been part of my life. Ikaw ang nagmistulang bituin
sa napakadilim kong mundo. Ikaw ang liwanag na siyang nagbigay ng kulay sa buhay ko. We have been
together for two years now, and I can’t imagine myself living in the future without you. Kaya Alyssa…
Alyssa: Noah?
/Pic na lumuhod si Noah/
/Pic na naluha si Alyssa/
Noah: Will you marry me?
Alyssa: Yes! I will, Noah! I will mary you! *sobbing*
/Pic ng kamay ni Alyssa suot ang sing-sing/
Alyssa: I promise I’ll always be the light to shine upon you… I love you, Mr. Buenaventura.
Noah: I love you too, Mrs. soon to be Alyssa Buenaventura.
/Pic ng silhouette ni Alyssa at Noah nagkiss kasabay ang pagbuhos ng meteor showers./
Noah (Adult): Kasabay ng lahat ng iyon, tumambad saamin ang pagluha ng kalangitan, ang pagbagksak ng mga
bituin mula sa kalawakan. Sa dinamirami ng stars sa universe, Napaka suwerte ko na matagpuan ko ang
pinakamagandang bituin, ang mama mo.
[End Music Score]
[Fade White]

Part 8: “Foresight”

/Pic ng screen ng computer na may comments sa fb na nakalagay congratulations/


[SFX: messenger pop (madami)]
Alyssa: I’m feeling blessed to be surrounded by my loving friends and my families as well, they are really showing
their supports to us. Tingnan mo Noah, parang sila pa yung ikakasal sa sobrang excited. *chukles*
Anyway, I can’t wait to coordinate with the wedding organizer next week.
Noah: Ako din *chuckles*
/Slideshow ng mga ginagawa ni Alyssa sa trabaho/
Alyssa’s POV: The next days were really busy for both of us because we have to plan our wedding plus the
tasks that I have to accomplish at work.
[SFX: Phone Ringing]
Noah: *On the phone* Ready ka na mamaya? We’re meeting the wedding organizer hah.
Alyssa: *On the phone* Oo! Let me finish this one, punta ka na sa parking lot.
Noah: *On the phone* Ok, once your done baba ka na agad sabay na tayo pumunta doon.
[Sfx: End call]
[SFX: Elevator]
/Picture ni Noah nasa Elevator/
[SFX: Footsteps, and honking cars]
/Pic ni Noah naghihintay sa coche/
Noah: Antagal naman niya, bakit kaya?
[Sfx: Ring dial]
Noah: *On the phone* Hello? Nasan ka na, pababa ka na ba?
Alyssa: Sorry, may urgent kasi na pinapagawa, mauna ka na sa venue.
Noah: I cancel ko nalang kaya muna , pwede naman nating ipa re-sched…
Alyssa: Wag na Noah. Mauna ka na, I’ll drive safely papunta doon, ok?
Noah: Ehh kasi-
Alyssa: It’s fine, Noah. You don’t have to worry, sige na mauna ka na anong oras na oh, naghihintay na yung
organizer.
Noah: Sige na nga, punta ka agad ah!
Alyssa: Sir yes sir haha, ingat! Love you
Noah: Ingat, I love you too!
/Pic ng nasasakyan na si Alyssa/
[Sfx: Engine starts]
Alyssa: Hays, salamat nakaalis na rin ako don!
/Pic na nasa highway si Alyssa/
Radio Anchor: “Breaking News, mag ingat sa pagmaneho mag-isa tuwing gabi di umaumano may namamangga
ng mga private vehicles at pinapaniwalaang kagagawan ‘to ng Aogiri Group ng-
*Nilipat yung station*
/Pic ng liwanag/
/Pic ng truck papalipat sa coche ni Alyssa/
[Sfx: car crash]
[Transition: fade black]
/Pic na nasa restaurant si Noah at Organizer/
Organizer: Ready na po kayo sir, si misis po nasaan?
Noah: Oo, wala eh nag overtime, explain ko nalang sakanya.
Organizer: Alright! So these are my proposals for the theme of the wedding.
Noah’s POV: Natapos na yung meeting pero bakit wala padin siya?
[Sfx: Phone Ringing]
Elijah: Kuya! Si ate nandito sa ospital.
News Anchor: “Breaking news, babaeng na aksidente matapos mabunggo ng 16 wheeler truck, iniimbistiga na
ngayon ng pulisya.
Noah: Ano nangyari, baket?
Noah: I text mo saken kung saan kayo papunta na ako.
Elijah: Kuya, Hello- o
[Sfx: End Call]
[Sfx: broom effect]
/Hospital Pic/
/Pic na tumayo si Elijah/
Elijah: Kuya! Dito kuya
Noah: *sfx: running*
Elijah: Mama andito na si kuya.
/Pic ni Alyssa and mommy laughing/
/Pic ni Noah na naguguluhan/
Mom: Iho! Maupo ka muna, mukhang napagod ka sa pagpplano ng kasal niyo nito ni Aly ah?,
Noah (adult): Sa sobrang pag-aalala ko hindi ko na narinig ang sinabi ng lola mo saakin.
Noah: ANONG NANGYARE SAYO!!
Alyssa: I’m fine HAHAHA! Hindi ba sinabi ni bunso sayo?!
Elijah: Binaba agad ni kuya yung phone nya eh.
/Pic ni noah na relieved/
Noah: Sabi sayo dapat sa susunod na lang tayo tumuloy eh, ano ba nangyare ba’t ka napunta dito.
[Sfx: knocking door]
Doctor Strange: Hello! I’m Doctor Strange and based on the results of Ms. Alyssa, this was caused by fatigue, I
will not prescribe her any medicines for now all she needs is a plenty of rest and complete food daily.
She’ll be okay don’t worry.
[Sfx: door close]
Alyssa: Thank you po doc… Narinig mo ba Noah, napagod lang ako kaya don’t worry. Buti na nga lang nakita ko
ni manong driver ng truck sa daan at dinala ko sa ospital. Hindi ko na namalayan na wala na ko ng malay
sa sobrang pagod.
Noah: Ok! Pero masyado mong pinu push sarili mo hahaha, bukas aabsent ako para mabantayan ka.
Mom: Iho! Wag mo nang abalahin sarili mo hahaha, Kami na magbabantay at asikasuhin mo na yung
preparasyon para sa kasal!
Noah: Eh tita!
Mom: It’s our job as her parents, tiyaka mama na lang ang tawag mo saken, wag na tita ikakasal na kayo eh!
Noah: Sige po ti—mama hehe.

Part 9: “Basketball Team”

Noah’s (Adult) : After few days because of tita and tito's help, naging maayos na rin si Alyssa. At nakapagprepare
narin kami para sa wedding.

Wedding Organizer: So all set na po for tommorow ma’am. Congratulations po ulet. See you tommorow.
Alyssa: Sige, thank you din Ylona.
[Sfx: End Call]
/Pic na pumasok si Noah sa kwarto/
Alyssa: Oh Noah, bawal ka rito.
Noah: Bakit naman? Di ko ba pwede makita ang soon to be wife ko?
Alyssa: Sabihin mo lang, pumunta ka rito para magsorry, ikaw ah bachelor party? Ano yon narinig ko kay Elijah?
Noah: Huh, meron pala kong ganon? *chukles* Kaya lang naman ako pumunta rito para makita ka-at tanungin?
Alyssa: hmm?
Noah: Handa na ba lahat para bukas?
Alyssa: Of course, hinandle na namin ni Ylona ang lahat.
Noah: Eh? Ikaw, handa ka na ba? Baka kinakabahan ka?
Alyssa: Seriously, Noah? (Angry tone)
Noah: Nagtanong lang, to naman galit agad, baka kasi kabahan ka diba *chukles tas iwan mo ko sa
simbahan…ganun.
Alyssa: Ano ko, Run away bride? HUH! Baka ikaw pa! Ikaw kaya ang duwag satin. Tanda mo, ako pa unang
umamin satin.
Noah: WOW, pero sabagay totoo naman. HOY AH PERO Hindi ako duwag, hindi lang kasi talaga ako
makapaniwala na bukas , yung dating crush ko lang sa library, nakabunggo ko papasok sa opisina, eh siya
ng magiging nanay ng mga anak ko.
Alyssa: Andramaa naman. Save that for tomorrow, Noah. At tiyaka ang chaka ng Nanay huh, pwede namang
mama yung itawag nila sakin. Tiyaka anong anak? FYI, Mr. Buenaventura, Bukas pa po ang kasal natin.
And babies? Bukas pa po yon.
Noah: Wala lang, excited lang ako bumuo ng basketball team tas ikaw yung cheerdancer namin. *chukles*
Alyssa: At balak mo pa talagang bumuo ng team huh?
Noah: Oo, at ako ang coach! Kung pwede nga lang e anak natin sindami ng stars nung proposal natin.
Alyssa: *gasps* At kailan ka pa naging si Abraham, huh? *chukles*
Noah: Ano kayang itatawag nila sakin, tatay? Papa? Daddy?
Alyssa: Oh, I like that Daddy… (in sexy tone)
Noah: Talaga lang Alyssa? *chukles*
Alyssa: (still in sexy tone) Oooh, is daddy getting angry? Is daddy gonna spank me?
/Pumasok ng biglaan si Elijah nagulat sila parehas/
Elijah; Ate??! Kuya??! Ano tong naririnig ko??? Akala ko bukas pa ang kasal, pero bat may honeymoon na agad?
Noah: Kung ano-ano talaga naiisip mo, Elijah! Halika na nga pumasok na tayo. /Tumayo at tinulak si Elijah
palabas, dumungaw ulit sa kwarto si Noah./ Goodnight Aly, I love you. (Aly short for Alyssa)
Alyssa: I love you too, Noah.
Alyssa’s POV: If only I had known it earlier, Sana hindi na lang-

Part 10: “Wedding Day”

/San Agustin Parish/


[sfx: car horn]
/bumaba ng coche si Noah/
Elijah: Kuya bakit ngayon ka lang? Akala ko iindiyanin mo na kami-
Noah: Natrapik eh.
Elijah: Sige, dali na pasok na tayo!
/Nauna maglakad si Elijah/
/tiningan ni Noah ang Entrada ng simbahan/
/Napalunok si Noah/
Noah's POV: Ma, pa... sana nakikita niyo ko diyan ikakasal na ang unico ijo niyo... /medyo naluluha/
Elijah: Kuya! Ano pang iinintay mo! Ipunin mo muna yng luha mo mamaya na yan...
/Napangiti na lang si Noah/
[Start music score: Can’t help falling in love.]
/Naglakad na si Noah sa Aisle/
/Pic ng pari/
/Naglakad din si Elijah/
/Naglakad sina Shawn at Layla/
/Pic ng angel sa simbahan/
/Pic na nasa unahan na si Noah/
/Dumating na ang sasakyan ni Alyssa/
/Pic ng binaba pa lang ang ni Alyssa/
/Pic ng papanik siya sa hagdan/
/Pic ng binuksan ang Pintuan ang simbahan/
/Pic ni Alyssa na pumasok sa simbahan/
/Pic ni Alyssa at Noah Magkaharap sa Altar/

Priest: We gather here to unite these two people in marriage. Their decision to marry has not been entered into
lightly and today they publicly declare their private devotion to each other. The essence of this
commitment is the acceptance of each other in entirety, as lover, companion, and friend. A good and
balanced relationship is one in which neither person is overpowered nor absorbed by the other, one in
which neither person is possessive of the other, one in which both give their love freely and without
jealousy. Marriage, ideally, is a sharing of responsibilities, hopes, and dreams. It takes a special effort to
grow together, survive hard times, and be loving and unselfish.

Since it is your intention to enter the covenant of Holy Matrimony, join your right hands and declare your
consent before God and his Church.

/Naghawak ng kamay ang dalawa/


/Pic ni Noah/
/Pic ni Alyssa/
/Pic na magkahawak sila ng kamay/

Noah: Of all the people in the world, isang milagro na makita kita. Of all the stars in the universe, napakaswerte
ko na ang isang bituing katulad mo ang nahulog saakin. Alyssa, 3 years ago you captured my heart by
being exactly who you are. Sa pagiging pinaka sweet, pinaka mapagalaga at pinakamapagmahal na taong
nakilala ko sa buong buhay ko. Nang mga panahong nag-iisa ako, you have been not only my friend but
also my family. Ikaw ang dahilan kung bakit sa loob ng maraming taon ay nagawa kong ngumiti. You
have shown me how to love with passion, with purity, and unconditional acceptance. At hindi ako
sigurado kung sapat ba ang walang hanggan para maibalik ang lahat ng ibinigay mo saakin. Paulit-ulit ko
man tong sinasabi sayo, pero Alyssa, ikaw ang naging liwanag sa madilim kong mundo. Pero ngayon,
hayaan mong ako naman ang maging liwanag at gabay mo sa walang hanggang paglalakbay na ito.

Fron this day forward, I, Noah Buenaventura, promise that all days of my life will spend by your side. To laugh
with you and cry with you, to believe in you and support you. In poverty, I promise to do everything to
make our love rich, and in wealth to never let our love grow poor.

I can't wait to wake up beside you for the rest of my life, hanggang sa pumuti ang buhok natin, hanggang sa
kumulubot na ang ating mga balat, magkahawak tayo ng kamay, at tinitingnan ang paglubog ng araw.
You are the vision at the end of a perfect day: my moon, my stars, my sun, my love...

/Napaluha si Alyssa/

Alyssa: I never thought that I would stand here with you, in front of these people who are also special to me.
Noah, I can still remember when we were just talking in the school library, at naalala ko rin nung napaka
mahiyain mo pa, nakita ko na mag-isa ka, and I felt that you needed someone, to be the shoulder you
lean on, a shelter,a safe place, na mappuntahan mo kapag wala kanang malapitan. You showed me how
love is, noah, and I promise, swear, and pledge to you, that I, Alyssa Valerio, will love you, through thick
and thin, through the light and darkness, I will never leave you, I promise that I will stay by your side, ‘till
the end, ‘till my last breath, and until the end of time. You will always have me as your safe place, the
same as when we’re still in college, that will never end, my husband.

Priest: May the Lord in his kindness strengthen the consent you have declared before the Church, and graciously
bring to fulfillment his blessing within you. What God joins together, let no one put asunder.

May these rings be blessed as a symbol of your union. As often as either of you look upon these rings, may you
not only be reminded of this moment, but also of the vows you have made and the strength of your
commitment to each other.

/Pic na nilalagay ang singsing/


Noah: Alyssa, receive this ring as a sign of my love and fidelity. In the name of the Father, and of the Son, and of
the Holy Spirit.
Alyssa: Noah, receive this ring as a sign of my love and fidelity. In the name of the Father, and of the Son,and of
the Holy Spirit.
Priest: Go now in peace and live in love, sharing the most precious gifts you have- the gifts of your lives united.
And may your days be long on this earth. I now pronounce you husband and wife. You may now kiss the
bride.

/Pic ni Noah ang Veil ni Alyssa/


/Picture na nagkiss si Noah at Alyssa/
[Sfx: naghiyawan ang mga tao]
/Picture ng Coche at may nakalagay sa likod Just Married/
[Stop Music Score]
[Transition: Fade Black]
/Hotel, Night/
/Picture ni Alyssa nakadungaw sa terris at nakatingin sa madaming stars/
/Picture na nilapitan siya ni Noah/

Noah: Oh, naiiyak ka na naman *chukles*


Alyssa: Noah, hindi lang kasi- Out of all the people, I just can't believe na ikaw at ako- I just can't believe you're
mine.
Noah: Naku, ikaw ha ano kinakantahan mo pa ko *chukles
Alyssa: Ha? Anong kanta?
Noah: ~Out of all the people in the world I just can't believe you're mine~
Alyssa: Ewan ko sayo*chukles*
Noah: (happy tone) Tsk, Bili na- ~In my life where everything was wrong~
Alyssa: ~something finally went right, now there's two less lonely people~
Noah: ~in the world tonight~
Alyssa: Mahal na Mahal kita, Mr. Noah Buenaventura.
/Hinalikan ni Noah ang noo ni Alyssa/
Noah: Mahal na Mahal din kita, Mrs. Alyssa Buenaventura.
/Pic ng dalawang magkayakap at nakatingin sa mga tala/
[Start Music Score: Two less people in the world]
~Two less lonely people in the world and it's gonna be fine~
~Out of all the people in the world, I just can't believe you're mine~
~Something finally went right, now there's two less lonely people~
~Two less lonely people, two less lonely people in the world tonight~
[Transition: Fade Black]

Part 11: “Two Reds”

Alyssa’s POV: I can’t believe na isa na kong Misis Buenaventura! It’s been weeks na maging kami ni Noah pero
hindi parin nagsisink in sa utak ko na asawa ko na siya! Naalala ko lang yung sinabi niya noon saakin
bago kami ikasal…
Noah (Flashback) : gagawa pa tayo ng basketball team tas ikaw yung cheerdancer.
Alyssa: (bumaba energy) Basketball team?? Parang hindi ko yata kakayanin. Bat ngayon ko lang ba to naisip
*gasp*
Noah: Hon? Ayos ka lang? Kanina ka pa nakatulala diyan?
Alyssa: ha? Ano? Basketball team? (Shocked tone)
Noah: Anong sinasabi mo diyan? *chukles* May problema ba? Oh ito, /binigay ang pagkain/ baka gutom lang
yan.
Alyssa: /kakain sana kaso biglang parang nasusuka./
Noah: Hon?
Alyssa: /dumiretso sa lababo at nasusuka/
Noah: Hey, aly Ayos ka lang? /Nakitang sumusuka si Alyssa/ (pabiro)Kailan ka pa nagstart magkaroon ng morning
sickness*chukles* ha ha ha morning sickness, (shocked) morning sickness! Buntis ka! Magiging tatay na
ko! Maging nanay ka na aly!
Alyssa: Ang O.A baka dahil lang to sa inino-m… /Nasuka ulit/
Noah: Teka diyan ka lang, ibibili kita ng pregnancy test! /Lumabas ng patalon-talon/
Alyssa: Noah, wag! Dahil lang to sa pinya na ininom ko kahapon nakalimutan ko kasi uminom pala ako ng gatas!

/Bathroom/

Alyssa’s POV: As it turns out, hindi pala siya dahil sa pinepple-milk mixture na nainom ko nung gabi…
Noah: Dalawang linya? Positive? Positive! Positive, Hon!
Alyssa: (sarcastic tone) wohoo! 4 to go mag kaka basketball team na kami!

/Doctor’s Office/

Obstetrician: Congratulations Mr. and Mrs. Buenaventura for your baby, wala naman akong nakikitang problema
Kay mommy at baby, for now. Kaya nga lang dapat mag-ingat tayo dahil nasa crucial stage tayo, ang first
trimester.
Noah: I can’t believe it hon, Isang buwan pa lang tayong kasal mag kakababy na agad tayo!
Nurse: Mr. Buenaventura, pa fill up na lang po muna Ito sa labas.
Noah: Wait lang hon,ha kausapin mo muna si duktora.
Obstetrician: Anyway, Mrs. Buenaventura? May I ask you something? Have you had any fatigued for instance, in
the past?
Alyssa: Ah… opo, na overwork lang po siguro bakit po?
/Biyahe/

Noah: (*masaya)Ready ka na ba maging cheerleader, Aly?... (*nagtaka) Aly?


Alyssa: ha?
Noah: Bat parang natulala ka? Hindi ka ba masaya?
Alyssa: Ako? Ansaya ko kaya no! Ready na ko magcheer para sa inyo!
/Napatingin sa bintana si Alyssa/
/Hinawakan ni Noah ang kamay ni Alyssa/
Noah: (empathetic) Alam kong nakakabigla, hon. At masyadong mabilis. Pero tandaan mo, I’ll always be right
here for you and the baby.
Alyssa: Thank you, Noah. Wag ka nang ma-senti diyan. Ayos lang ako no *chukles* I love you.
Noah: I love you too. (Fade slowly) Naisip ko lang, boy kaya yan or girl? Kung boy yan junior…at kung girl, alyssa
junior… Pwede din ba babae sa junior???

Part 12: “Twist-of-fate”

[SLIDESHOW SA FB KINOCONGRATS SI ALYSSA AT NOAH FOR THE BABY]


Alyssa’s POV: At first, we thought everything was going smooth, pero sa una lang pala ang lahat…

/Nagcrack ang screen/


/Buenaventura Residence/
[Sfx: Doorbell]

Elijah: Hi ate! /Niyakap si Alyssa/ namiss kita!


Alyssa: Namiss din kita!
/Pumasok sa loob/
Shawn: Hay nako wag mo pansnin yang si Elijah, di lang yan sanay na wala ka na sa bahay.
Layla: Nagsalita pa ang isa, sa totoo lang Alyssa namiss ka namin sobra! Pero ayos lang dahil ngayon bibigyan mo
na kami ng apo.
Elijah: Oo, kamusta na pala si baby may pangalan na ba siya?
Alyssa: Halika, maupo muna kayo sa sofa at dun ko ikkwento. /Kinuha yung Dalang pagkain papunta sa kusina/
Ma ,nag abala pa talaga kayo.*chukles*/Habang papunta sa kusina nakaramdam ng pananakit sa tiyan./
Agh. Aray
Layla: Anak, ayos ka lang? Ako na nga diyan, maupo ka na don.
Alyssa: Ma, hindi po. Ayos lang po talaga… ako na po diyan. Baka naninipa lang sa baby. /Nararamdaman
nananamn yung sakit./ Aa-aray.
Layla: tsk, nagawa mo pang magbiro.
Elijah: Pano sisipa yan ate, eh halos 2 months pa lang yan.
Alyssa: Ewan *chukles* /alam mo yung hirap na pero tumawa parin/ /nakaramdam na nanaman ng sakit./ A-
aray ko ansakit, ansakit talaga Aaa (mas tumindi yung sakit na nararamdaman* tone)
Shawn: Alyssa, parang hindi na normal yan. Dadalhin ka nanamin sa ospital…
Alyssa: hindi pa, normal lang po to (struggling)
Elijah: Ate! May dugo sa binti mo!
Shawn: Alyssa, dinudugo ka!
[Sfx: ambulance wang wang]
/Ospital/

[Sfx: running footsteps]


Noah: Ma, Nasaan si Alyssa? (Natataranta)
[Sfx: Sliding door]
Noah: Aly, ayos ka lang? May nangyari ba kay baby? (Natataranta)
Obstetrician: Mr. Buenaventura, you need to calm down.
Alyssa: Noah, maupo ka muna. Makinig ka kay doc…
Obstetrician: Mr. and Ms. Buenaventura… Based from the ultrasound, maseselan ang pagbubuntis ni Mrs.
Buenaventura. To be specific, Ectopic pregnancy.
Noah: Anong ibigsabihin niyo, doc?
Alyssa: Noah…(malungkot)
Obstetrician: we need to remove the baby insde Mrs. Buenaventura, dahil kung hindi… pati si Mrs.
Buenaventura ay malalagay sa peligro.
[Sad Music Score Starts]

/Bench/
[sfx: small rain drops]
Alyssa; (crying) I’m sorry, Noah… nawala satin si baby.
Noah: Hon, wala kang kasalanan. Walang may gumustong mangyari non.
Alyssa: *sobbing*

Noah: Huwag ka ng umiyak, aly. For sure, binabantayan na tayo ni baby sa Heaven.
/Tumigil ang ulan/
Noah: /nakatingin sa langit/ Hon, we can always try again. Siguro hindi pa ito ang tamang panahon. As long as
your safe, masaya ako hon.
Alyssa: /niyakap si Noah/
[Fade: black transition]

/Slideshow na laging nasa ospital si Alyssa at Noah, at lagi siyang nakukunan/

Alyssa’s POV: Dumaan ang mga araw, mga buwan, at taon. But all of this just keep repeating itself. Pasensya
na Noah… Hindi ko yata matutupad ang basketball team na hinihiling mo.

Part 13: “Regrets”

/Park,nightme/
/Nilatag ni Noah, ang higaan/
Noah: Hon, ito maupo ka na.
Alyssa: Wala ka bang trabaho bukas, Noah?
Noah: Meron *chukles*
Alyssa: Eh, bat mo ko dinala rito? Don’t tell me, mag ppropose ka sakin ulit… *chukles*
Noah: It’s a surprise…
Alyssa: hm? Ikaw , ha Mr. Buenaventu-
Noah: Ayun tingnan mo! /tinuro yung langit/
/Bumabagsak ang mga bituin, meteor shower/
[Start Music Score]
Noah: Hon, these months have been the hardest, dinala kita rito, para kahit papano sumaya ka naman. /ngumiti
si Noah/ I’m sorry, kung masyado ako naging mapilit…
Alyssa: You don’t have to be sorry, diba sabi mo pa nga, walang may gusto sa mga nangyari. Anyways… Thank
you Noah for always supporting me.
/Naalala ni Alyssa yung sinabi ni Noah/
Noah: “singdami pa ng stars sa universe!”
Alyssa: /hinawakan ang kamay ni Noah./ Sana hindi na lang ako ang naging asawa mo…
Noah: Hon, /lumapit kay alyssa/ ano ba yang sinasabi mo?
Alyssa: Siguro kung iba ang asawa mo, natupad na nila yung pangarap mo… (sad tone) Isang masayang buong
pamilya-isang basketball team, naglalaro sa park, naghahabulan, may hinahatid sundo sa school…*gasp*
may anak na nayayakap…Eh ako? Palpak… palpak ang matres… palpak lahat! *sobbing*
Noah: Aly… /niyakap si Alyssa/ (naluluha) Ano pang saysay ng pangarap ko… kung hindi ikaw ang kasama ko sa
pagbuo non… Hindi kita pinakasalan para lang magkaanak ako at magkapamilya…Pinakasalan kita dahil
mahal kita. Mas que walang anak o meron, pamilya na tayo… Kaya wag… huwag na huwag mong iisipin
na sana hindi na lang ikaw ang asawa ko, dahil kahit anong mangyari, aly… Ikaw at ikaw ang pipiliin ko.
Pinili kita kasi ikaw… Ikaw ang gusto kong makasama sa habang buhay… Ikaw ang pangarap ko.
Alyssa: /niyakap si Noah/ thank you Noah… Thank you for always being for me… Mahal na mahal kita.
Noah: Mahal na mahal din kita, Aly. (Ngumiti ulit si noah)

Part 14: “Black-Out”

/Mall/

Alyssa(on phone): Pa, huwag na ayos lang ako mag-isa rito. Tiyaka dadaanan ko pa yung adoption center, baka
matagalan pa kayo… Magkikita naman kami ni Noah mamaya po.
Shawn(on phone): Osige anak, tumawag ka lang ah kung di makakarating si Noah.
/May batang babaeng umiiyak/
Alyssa (on phone): Sige na po pa, bye I love you… /Lumapit sa bata/ Bat ka umiiyak? Nawawala ka ba?
Bata: *sobbing* My mom told me that I shouldn’t talk to strangers.
Alyssa: Para hindi na ko stranger, oh ito ibibigay ko sayo to /binigay yung id/ oh ayan, kilala mo na ko… Kapag
may ginawa akong bad sayo pwede mo yan ibigay sa pulis at huhulihin na nila ko… Ano hahanapin na ba
natin magulang mo?
Bata: sige na nga…*umuungot-ungot*
Alyssa: /napangiti si Alyssa/ tumahan ka na, hahanapin natin ang mommy at daddy mo.
/Pumunta sila sa guard/
Alyssa: Nong, may na kita ba kayong lalaki nakadilaw tas mga ganito katangkad… hindi kasi makita nung bata
yung mga magulang-
/Nakita na nung bata yung magulang/
Bata: Mommy! Daddy!!
Alyssa: /ngumiti na lang si Alyssa/
Bata: Ayun po oh, sinamahan po ko ni ate… Kaya di na po ko umiiyak.
Alyssa: Naku wala yun…
Magulang(Nanay): Salamat, A-a, Alyssa? Kung siguro iba yun may nangyari ng masama sa anak namin.
Alyssa: /biglang nakaramdam ng pagkahilo/ A-aray…
Bata: /mahina, distorted/ Ate… Okay ka lang?
Magulang (Tatay): Mahal, kailangan niya ng tulong… Dali tumawag kayo ng ambulansiya
/nahimatay si Aly/

/Ospital/

/Namulat si Aly…/
Alyssa: Nasaan ako? Noah? /Tatayo sana si Aly/
Noah: Stay still, hon. /Ngumiti si Noah kay Aly/
Obstetrician: Mrs. Buenaventura, Congratulations you’re pregnant again. Kaya ka nahimatay, dahil sa pagod.
You should stay at home to rest, Alyssa. And besides, dun sa nagawa kong tests, mukhang malusog ang
baby , at makapit ang bata. Pero wag tayo magpakampante, ayaw na nating maulit ang mga nangyari
noon.
Noah: Salamat po doc! Kaya hon, tinawagan ko na si boss at pinayagan ka niyang mag maternity leave. Sa bahay
ka na lang para safe, at para hindi ka maistress.
Alyssa: /napangiti si Alyssa/ sige sa bahay na lang ako *chukles*
Noah: Tatawagan ko na din ang mama’t papa para mabantayan ka siguradong matutuwa ang mga iyon.
[Fade white]

Part 15: “Alyssa’s Secret”

/House/

Elijah: Ma , anlaki laki na ni baby oh!


Shawn: Kanino pa ba magmamana? Edi sa Papa-lolo niyang malaki din*chukles*
Layla: Alam niyo magsitigil na kayo diyan at baka naiistorbo niyo na si Alyssa.
Alyssa: Ma naman, *chukles* oh! Para siyang sumipa *chukles*
/Nagring ang phone/
Alyssa: Sagutin ko lang ma…
Shawn: ako na baka sumakit nanaman ang tiyan mo…
Alyssa: Pa naman… Kaya ko na to okay…
/Kinuha ang phone/
Obstetrician: Mrs. Buenaventura, I have something to tell you… Kailangan niyong pumunta ng Ospital.
Alyssa: Bakit po doc? (3 seconds delay) Ah, oh sige po
[End call]
Alyssa: Kailangan nating pumunta sa Ospital.
Shawn: Bakit anong nangyari anak?
Alyssa: hindi ko rin po alam , pa.

/Ospital/
Alyssa: Ma, pa, ako na lang po muna makikipagusap kay Doc.
/Sliding door open, sfx/
Obstetrician: Based from the last check up , Alyssa… I’m sorry but delikado ang pagbubuntis mo.
Alyssa: Bakit ngayon lang po lumabas doc? Bakit ngayon niyo lang nasabi.
Obstetrician: I’m sorry, Mrs. Buenaventura, pero ang bicornuate uterus ay nadedetect lang in 2nd trimester. Pero
mas mabuting nalaman na natin ngayon.
Alyssa: Anong ibigsabihin nito doc?
Obstetrician: There’s a chance na mawala nanaman si baby, Pero don’t worry malaki parin ang chance na
success ang pagbubuntis niyo.
[Sfx: sliding door]
Layla: Anong sabi nung duktora, anak?
Alyssa: A… /Tinignan ang tiyan/ Ayos lang po ang lahat ma. Don’t have to worry po. Kailangan daw lang niya
yung records last month…

/Nasa sasakyan/
[Sfx: coche]
Elijah: Pa, baba niyo muna ko bili lang ako ng gamit ko para sa project sa department store.
Alyssa: Sama na din ako…
Shawn: Wag na anak, baka may mangyari sayo
Alyssa: Pa, ayos lang ako bibili lang din po ko ng mga gamit kay baby, baka meron sila… Nandito naman si jah,
pababayaan ba ko nito*chukles*.
[Sfx: chimes papasok ng pinto]
Alyssa: /may nakitang station na puro letters/
Elijah: Ate bibilhin mo yan?
Alyssa: *chukles* oo sige wait kuha na ko… una ka na sa counter. /hinawakan ni alyssa ang tiyan/ /naalala niya
ang sinabi ng duktora/
Obstetrician: ~there’s a chance na mawala nanaman si baby~
Alyssa: /nalungkot ang mukha ni Alyssa/ /kumuha si Alyssa ng letter/ jah wait sabay mo na to!
[Fade black]

Part 16: “Kei Buenaventura”

/Office/
~1 month later~
Noah: /Nakatingin si Noah sa picture nilang mag-asawa sa office/
[Nagring ang phone ni Noah]
Layla: Anak, si Alyssa…
Noah: *shocks* Ma, Ano po?!
[Add music score]
/Parking/
[Sfx: car starts]
Noah’s POV: Hindi ko mapapatawad ang sarili kong kung may mangyaring masama sayo, Alyssa.
[Start Music Score]
-flashback voice-
/On phone/
Layla: Kailangan mong pumunta sa Ospital ngayon na!
Noah: Ma, hindi ko kayo naiintindihan…
Layla: Manganganak na si Alyssa!
Noah: Ha, ano po?!
Layla: Napaaga ang panganganak niya, hindi siya nagsabi satin.
Noah: Ma? Anong hindi nagsabi?
Layla: Maselan ang pagbubuntis niya…/Dumaan si Alyssa na nasa stretcher/ Alyssa… /Dinadala na si Alyssa sa
operating room/
Alyssa: Aaa- Aray… Ma! Hindi ko na kaya!
Noah: Alyssa! Naririnig mo ba ko
Alyssa: Ma, pakisabi na lang kay Noah na mahal na mahal ko siya…
/sinundan ni Layla si Alyssa hanggang Operating Room/
Nurse: Pasensya na po ma’am Pero hanggang dito na lang po kayo!
Layla: Alyssa, anak!
Noah: Alyssa! Wag kang mag-aalala papunta na ko diyan.
/Pinagtitinganan na siya ng mga tao sa opisina/
[End call]
-End of flashback-
Noah: (umiiyak) Alyssa…Alyssa! Bakit hindi ka nagsabi?!
/Nakita ni Noah ni Trapik/
Noah: /pinokpok ni Noah ang manibela//tumunog ang busina/ aghhh!!

/Operating Room/
Obstetrician: Mrs. Buenaventura, delikado ang lagay niyo ng baby… Kung itutuloy natin baka hindi lang ang baby
ang mawala kundi-
Alyssa: Duktora, aa-/hinawakan ang kamay ng duktora/ (nanghihina)-gawin niyo po ang lahat ng makakaya niyo,
Iligtas niyo lang ang baby ko.
Alyssa’s POV: Pasensya na Noah at naging makasarili ako…

/Hallway/
Shawn: Nasaan na raw ang kuya Noah mo?
Elijah: Hindi pa nga po sumasagot, Pa eh…
Shawn: Oh, Diyos ko.
/Lumabas ang isang duktora/
Layla: Dok, kumusta na ang lagay niya?
Surgeon 1: Nasa critical condition si Mrs. Buenaventura, Kailangan ng matanggal ng baby sa tiyan niya. We need
to perform Caesarian delivery. But don’t worry we will try our best to save the both of them.

/Operating Room/
Obstetrician: Anesthesia?/ipinasa ang anesthesia sa kamay ni doc/ wag ka mag-aalala, Mrs. Buenaventura.
Gagawin namin ang lahat..
Alyssa: Sa-salamat doc…(hinang hina) /grogy dahil sa pampatulog/ /napapikit na si Alyssa/
Obstetrician: Let’s start the procedure…
-flashback-
[Slideshow ng pinagdaanan ni Noah at Alyssa]
Noah (flashback): “excited lang ako bumuo ng basketball team tas ikaw yung cheerleader namin”
Alyssa(flashback): “at balak Mo pa talagang bumuo ng team huh”
Noah (flashback): “Oo, at ako ang coach! Kung pwede nga lang e anak natin sindami ng stars…”
/Yung pic na kay Noah na nasa coche na stuck sa traffic/
Nurse 1: Tumataas ang blood pressure ng pasyente…
Obstetrician: Lumaban ka, Alyssa..
Noah (flashback): “Ano pang saysay ng pangarap ko…kung hindi kita kasama sa pagbuo non…Hindi kita
pinakasalan para lang magka anak ako…Pinakasalan kita dahil mahal kita!”
/Nailabas na yung baby/
/Umiyak/
Obstetrician: Buhay ang bata!
Alyssa’s POV: I’m so sorry, Noah… /Pic ng nakapikit na mata ni Alyssa na may luhang tumulo/
[Sfx: yung monitor ng puso]
Nurse: The patient’s not breathing… Bumaba ang heart beat ng pasyente!
Obstetrician: Revive the patient!
[Sfx: heartbeat slow]

/Chapel/

/Nagdadasal si Layla sa loob/


/Pumasok sa loob ng Ospital si Noah/
Elijah: Kuya Noah!
Noah: Elijah! Nasaan si Alyssa?!
Elijah: Huli ka na… Nasa operating room na siya kuya…/May kinuha si Elijah na papel at binigay kay Noah/
Ipinabibigay ni ate sayo bago siya mapunta sa Ospital…
Noah: …
/Nakita ni Noah yung letter/

“To Noah.”
Alyssa’s POV: Alam kong magagalit ka dahil tinago ko sayo ito Noah. Pasensya na at naging makasarili ako.
But when I saw your smile after sabihin ni doc na magkakaanak tayo ulit, parang hindi ko kayang
makita mapawi ang mga ngiti mo. Kahit hindi mo sabihin, alam kong gusto mong magkapamilya, at
kung sinasabi ko sayong may problema alam kong pipigilin mo lang ulit ako. Kaya ngayon, I’ll take
the risk para matupad ko ang mga pangarap mo, para matupad ko ang pangarap natin. I know
there’s a possibility na hindi ko na kayo makasama. Pero sana natatandaan mo pa yung sinabi ko
sayo, “I’ll always be the light to shine upon you” kahit wala na ko sa tabi mo… Sa pag-alis kong ito,
may bagong dadating na liwanag sa buhay mo. Alagaan mo siyang mabuti, Mahalin mo siya ng higit
pa sa pagmamahal na binigay mo sakin. Ipakita mo kay Kei ang mga tala. May mga bituing hindi na
natin nakikita pero alam nating nandiyan lang sila. Mahal kita, Noah.

[Sfx: flatline]
Obstetrician: Time of death, 3:43 pm.
/kausap ng obstetrician si Shawn/
Obstetrician: I’m sorry but we did the best we could do…
/Nabitawan ni Noah yung letters/
/Dumaan yung stretcher ni Alyssa/
/Nilapitan ni Elijah at Layla yung bangkay ni Alyssa/
Elijah: Ate! *Sobbing* bakit mo kami iniwan?
Layla: Anak! Gumising ka, gumisng ka!
Shawn: /nilapitan si Noah/ Namatay siya na ikaw lang ang tanging nasa isip niya, Noah. /Umalis si shawn/
/Unti-unti ng lumayo ang stretcher ni Alyssa/
/Naluha si Noah/
Alyssa’s Voice: “pakisabi na lang kay Noah, na mahal na mahal ko siya…Mahal na mahal kita, Noah.”
Noah: /bumulong sa hangin si Noah/ Mahal na mahal din kita, Alyssa.
/Lumapit yung Obstrecian kay Noah/
Obstrecian: I’m sorry for your lost, Mr. Buenaventura. But the good news is your baby is alive and well, nasa
NICU na siya.
/lumapit si Noah sa Neonatal Intensive Care Unit at tiningnan ang baby/
/hinawakan ni Noah ang salamin/
Noah: Pangako, aalagaan at mamahalin ko ang anak natin, Alyssa.
Nurse: Mr.Buenaventura, ano palang ipapangalan natin kay baby?
Noah: Kei, Kei Buenaventura…

/Funeral/
Noah: Naghagis ng bulaklak sa kabaong ni Alyssa…/at hinawakan si Kei/
/Tumawa si Kei/
/Napangiti si Noah at naluha/
/Nagpan yung camera papalayo/
/Dumating yung Van/

Last Part: “The Reunion”

Noah (Adult): At yun ang kwento kung paano kami nagkakilala ng mama mo. /tumigil ang van/ oh nandito na
pala tayo, konting lakad na lang makikita na natin ang mama-lola at papa-lolo mo.

/bumaba ng sasakyan sina Noah at Kei/


/Naglalakad sina Noah at Kei/

Kei: Ang lungkot naman po, dahil po pala sakin namatay si mama.
Noah: Hindi, hindi wag mo iisipin yon, anak. Mahal na mahal ka ng mommy mo no at mahal na mahal din kita.
Ikaw ang pinakamagandang regalong natanggap namin ng mommy mo.
Kei: Talaga po?
Noah: Oo anak, kaya kahit kailan wag mong iisipin yun huh.

/Naglalakad si Noah At Kei/

Kei: Pa, may tanong ulit ako. Hihi


Noah: hm?
Kei: Hindi ba kayo nalungkot ng iniwan kayo ni Mama?
Noah: Syempre nalungkot pero andito ka naman e, tiyaka alam kong binabantayan tayo ni mommy sa heaven.
Kei: I wuv u daddy!
Noah: I love u too kei! And Happy Bday! Oh, ayan na sila oh!
(Nasa malayo si Noah…)
/Pic na. Nakikipag laro si Kei sa pamilya niya/
All (except for noah): Happy 7th bday Kei!
Kei: Thank you po! /hinipan ni Kei ang cake//tinignan niya ang puntod ni Alyssa/ Thank you ma! Lagi niyo kaming
bantayan sa langit ah…
/Si noah nasa malayo nakangiti/
/tumingin sa langit si Noah at ngumiti/
Noah: Whatever you left behind became my everthing.

-The End –

Additional Info: Kei (恵) /ケイコ/ Keiko / Meaning: “Blessing”

You might also like