You are on page 1of 9

Uri ng Talumpati

May anim (6) na uri ng talumpati o pananalumpati. Ito ay ang talumpating


pampalibang, nagpapakilala, pangkabatiran, nagbibigay-galang, nagpaparangal,
at pampasigla.

Talumpating Pampalibang
Ang mananalumpati ay nagpapatawa sa pamamagitan ng anekdota o maikling
kwento. Kadalasan ito ay binibigkas pagkatapos ng isang salu-salo.

Talumpating Nagpapakilala
Kilala rin ito sa tawag na panimulang talumpati at karaniwan lamang na maikli
lalo na kung ang ipinapakilala ay kilala na o may pangalan na. Layon nitong
ihanda ang mga tagapakinig at pukawin ang kanilang atensyon sa husay ng
kanilang magiging tagapagsalita.

Talumpating Pangkabatiran
Ito ang gamit sa mga panayam, kumbensyon, at mga pagtitipong pang-
siyentipiko, diplomatiko at iba pang samahan ng mga dalubhasa sa iba’t ibang
larangan. Gumagamit dito ng mga kagamitang makatutulong para lalong
maliwanagan at maunawaan ang paksang tinatalakay.

Talumpating Nagbibigay-galang
Ginagamit ito sa pagbibigay galang at pagsalubong sa isang panauhin,
pagtanggap sa kasapi o kaya ay sa kasamahang mawawalay o aalis.

Talumpating Nagpaparangal
Layunin nito na bigyang parangal ang isang tao o kaya magbigay ng papuri sa
mga kabutihang nagawa nito. Sa mga okasyon tulad ng mga sumusunod
ginagamit ang ganitong uri ng talumpati.

 Paggawad ng karangalan sa mga nagsipagwagi sa patimpalak at


paligsahan
 Paglipat sa katungkulan ng isang kasapi
 Pamamaalam sa isang yumao
 Parangal sa natatanging ambag ng isang tao o grupo
Talumpating Pampasigla
Pumupukaw ng damdamin at impresyon ng mga tagapakinig kung saan
kalimitang binibigkas ito ng:

 Isang Coach sa kanyang pangkat ng mga manlalaro


 Isang Lider ng samahan sa mga manggagawa o myembro
 Isang Pinuno ng tanggapan sa kanyang mga kawani
Sa Dilim Ng Gabi

Ni: Quennie N. Quiobe(Talumpating Naglalahad)

Lumatag na ang kadiliman, simula na naman ng gabi para sa akin, ngunit parasa mga kabataang
nagtitipun-tipon sa may bilyarang ilang metro lamang ang layomula sa aming munting tindahan ito’y
hudyat ng simula ng araw sa kanila, tila ba ang paglabas ng buwan ay ang pagsikat ng araw, tila ang
malamlam na liwanag angitinuturing nilang ilaw. Umihip ang hangin, napayakap ako sa aking
sarili,nakapangingilabot ang pakiramdam ngunit alam kong hindi ang lamig ng hangin
angdahilan.Matagal-tagal na rin ako sa lugar na ito, dito ako nagkaisip, natutong mangarapat higit sa
lath dito ko natutuhang magpahalaga, batid mo bang ako’y mabuting tao?Sana naman oo, kasi iyon ang
tingin ko sa aking sarili.Tinitingnan ko ang mga bituin sa madilim na langit nang maagaw ang pansinko ng
mga taong nagtitipun-tipon sa ilalim ng puno ng manga, mga kalalakihangnagsisitangkaran ngunit
patpatin ang nakita ko, nag-uusap, nagbubulungan, tila bawala ng bukas kung magtalastasan ang mga
ito, ilang sandali pa’y napagtanto konglumipat sila ng pwesto, doon sa may bilyaran, dagli kong inalis ang
tingin ko sa kanilasapagkat nahinuha kong umiiral ang pagiging ususera ko.Minuto lamang ang lumipas
at napagtanto kong tila may kandilang nakasindisa kadiliman ng bilyaran at sa tanglaw ng munting ilaw
ay naaninag ko ang hawak ngmga kalalakihang umagaw sa aking pansin, ano ang mga iyon? Sige na, sige
na,sasabihin ko na.Droga! Iyon at sumaksak sa aking isipan ang naghuhumiyaw na katotohanangsa
kabila ng kagandahan ng lugar na ito sa umaga ay ang kapangitang lihim nito sadilim ng gabi.Ayokong
isipin ng hindi totoo pero imposibleng hindi ko paniwalaan dahilnaamoy ko ang nakakasukang baho ng
isa sa mga sakit ng lipunan, isang sakit nahindi malunasan, hindi masugpo-sugpo.Hindi masugpo-sugpo?
Mga kaibigan iyon ba talaga ang kasagutan sa tanongng “Ano na nga ba ang kalagayan ng bawal na
gamot sa ating bansa?” Nakakalungkotmang isipin ngunit parang ganoon na nga. Pagsapit ng umaga, tila
ba simbolo ngkalinisan ang lugar na ito. Normal ang takbo ng buhay, napapatanong tuloy ako. Akolang
ba ang nakakaalam ng mga kaganapan sa dilim ng gabi?Hiling ko sa mga may kapangyarihan, sana’y
tuklasin ninyo ang mga lihim nggabi at marapat lamang na bigyan ng solusyon dahil hindi lang dapat ang
umagangkay ganda ang dapat nating pahalagahan ngunit pati na rin ang gabing kay payapa.
TALUMPATING NAGBIBIGAY IMPORMASYON AT NAGTUTURO

Malugod kong ipinahahatid ang aking taus-pusong pasasalamat sa punong-guro ng inyong paaralan,
gayon din sa pangulo ng “Seniors Association” sa pag-aanyaya sa akin upang tumalakay sa paksang
“Pilipino Bilang Bokasyon.”

Ang bansang Pilipinas ayon sa istatistika, ay may humigit kumulang sa 29,000 iba’t ibang uri ng
okupasyon. Hindi rin kaila sa atin na marami sa ating mga kabataan ang tumutuntong sa kolehiyo nang
hindi alam ang patutunguhan. Dahil dito, ang mga magtatapos sa mataas na paaralan ay
nangangailangan ng maingat at mabisang patnubay sa pagpili ng isang bokasyon. Karamihan sa kanila’y
kumukuha ng kahit na anong kurso at saka pa lamang mag-iisip pagkatapos ng dalawang unang taon sa
kolehiyo. Kadalasan pa nga ang kursong kinukuha nila’y yaong hindi nila gusto dahil ito’y idinikta ng
magulang o di kaya’y isang kaibigan lamang. Madalas ay hindi ito nakatatapos dahil ang interes niya ay
iba.

Sa pagpili ng isang kurso, nangangailangan ang isang estudyante ng masusing pagpili. Dapat itong ibatay
unang-una sa kawilihan o interes. Ikalawa, dapat niyang malaman ang mga opurtunidad na maaari
niyang pasukan pagkatapos ng ilang taong pagsusumikap ng kilay.

Marami sa atin ang naniniwala na kapag ang “major” mo ay Pilipino ang tanging kababagsakan ay
pagtuturo. Taliwas sa paniniwalang ito ay ang isang Pilipino “major” ay may maraming uri ng trabahong
mapapasukan. Marami sa mga ahensiya ng ating pamahalaan ang tumatanggap ng mga may diploma sa
Pilipino. Ako’y babanggit ng ilang mga sangay ng pamahalaan na maaaring pagtrabahuhan ng isang
nagtapos sa kursong Pilipino. Halimbawa Pambansang Aklatan ng Pilipinas at Pambansang Suriang
Pangkasaysayan ito ay iilan lamang sa mga ahensiya na tumatanggap sa mga nakapagtapos sa “major”
Pilipino.

Sa huli kailangang mag-isip nang mabuti para hindi masayang ang napaghirapan ng mga magulang at
ang oras na ginugol sa pag-aaral na hindi mo naman gusto at wala ka man lamang interes. Ang tunay na
produktibong mamamayan ay siyang masaya sa kanyang ginagawa at hindi yong taong nakaasa na
lamang sa wala.
Huling mga Araw (Last Days) – Talumpating Nanghihikayat

SEPTEMBER 16, 2015 / LEAHENRIQUEZ

Tawag ng mundo ay pagbabago. Ang mga tao ay ginawa hindi para sa kasamaan kun’di para sa
kabutihan. Ngunit ang nangyayari ngayon ay taliwas sa ating inaasahan. Patayan doon patayan dito, ito
ang kasalukuyang nangyayari sa ating mundo. Ako ay isa ring tao, may mata, may damdamin, may puso
at isipan. Hindi ako bulag, alam kong ikaw din, ngunit sadyang may mga taong nagbubulag-bulagan sa
mga pangyayari sa ating kapaligiran. Mga bagyong nagpapalakasan at bahang nagpapataasan, normal pa
ba ito? O tao sabihin mo, normal pa ba ito? Subukan mong ikumpara ang mga pangyayari noon at
ngayon, hindi ba’t ito’y patuloy na lumalala? Sikat ng araw noon ay pilit mong nilalapitan, ngunit bakit
ngayo’y tila ba nilalayuan? Ang mga pangyayaring ito ay lantad na sa iyong harapan. Ngunit bakit ika’y
nagbubulag-bulagan? Hindi mo ba naririnig ang ang yabag ng papalapit na malaking kaguluhan? Malapit
na, malapit na! Buksan mo ang iyong mga mata.

Mayroon tayong banal na kasulatan, nabasa mo na ba ito? Mga propesiya ay nakapaloob na rito.
Kung hindi mo pa ito nasubukang buklasin, payo ko sa iyo’y simulan mo na itong basahin. O baka nama’y
inaalikabok na ito sa apat na sulok ng iyong kwarto? Hindi mo ba alam na ilan sa mga nakasulat dito ay
natupad na? At sinasabi ko sa’yo na habang unti-unti na itong nangyayari, unti-unti naring lumalapit sa
atin ang katapusan ng mundo. Tawag sa atin ay pagbabago. Ipikit mo ang iyong mga mata at pagnilay-
nilayan mo ang mga sinabi ko. Nawa’y iyong pakinggan ang ihip ng hangin at bugso ng mga alon. Subalit
hindi mo ito makikita kung patuloy kang magbubulag-bulagan sa katotohanan. Pumunta ka sa isang
sulok at pakinggan mo ang pintig nga iyong puso. Naririnig mo ba ang tinig na kumakatok dito?
Papasukin mo Siya at hayaan mong baguhin Niya ang iyong buhay. Nasa huling mga araw na tayo,
nawa’y maunawaan mo ito. Talikuran mo na ang iyong dating buhay at magbalik loob ka na sa Kanya.

Dalawang libong taon na ang nakalipas nang may tumubas sa ating mga kasalanan. Siya ay si
HESUS. Mahal ka Niya, alam mo ba? Gaano man karami o kalaki ang ating pagkakasala sa Kanya, hindi
sapat iyon upang ikumpara sa mga sakripisyo Niya. Sabi niya sa Krus “tapos na!”. Tayo ay binigyan pa ng
pagkakataon upang magbago. Kaya’t kung ikaw ay namumuhay sa baluktot na pamamaraan, simulan mo
na ang magbago. Huwag na nating hintayin na ibuhos Niya ang Kanyang galit sa sangkatauhan.
Ihihiwalay Niya ang tupa sa mga kambing, ikaw ba, ano ka? Kaya’t yakapin mo ang pagbabago sa buhay
mo. Inuulit ko, nasa huling mga araw na tayo, kaya nama’y ‘wag mo ng sayangin pa ang nalalabing mga
oras mo. Ang mga yabag ng Kanyang mga paa’y palakas nang palakas. Ito’y nagsasabi lamang ng malapit
na katapusan. Tinatawag ka Niya, nawa’y pakinggan mo Siya. Mahal ka Niya, nawa’y tugunan mo Siya.
Malapit na, manalig ka.
TALUMPATING NAGPAPABATID
“Ang Kolehiyala”
Ang buhay sa kolehiyo ay simula ng pagtahak sa bagong landas ng buhay. “Eksayted na may
halong kaba sa dibdib.” Iyan ang aking nararamdaman sa unang pagpasok ko sa paaralan bilang
isang kolehiyala. Panibagong yugto ng buhay, mga bagong kaibigan, kaklase at panibagong
kapaligiran yan din ang aking natuklasan at natunghayan.
Sa mga araw na tuwing papasok ako, maraming katanungan sa aking sarili. Kakayanin ko kaya
ito? Makakapagtapos kaya ako? Makakapagtapos kaya ako? Lalo na’t ang kinuha kong kurso ay
hindi biro at sa katunayan ay hindi ko rin ito tipo. Ang maging guro sa hinaharap. Pero ika nga
nila ay “parents knows best”. Napagtanto ko na hindi pala madali ang ipagpilitan ang iyong sarili
sa mga bagay na hindi mo gusto, bagamat ganon na alam ko rin sa aking sarili na balang araw ay
unti-unti ko rin itong matutunang tanggapin, mapanindigan at mahalin na kahit mahirap ay
kakayanin dahil para naman ito sa akin.
Ang buhay kolehiyo ay malaki at maraming pagkakaiba kompara sa sekundarya at elementarya.
May pagkakanya-kanya na. Hindi kana makaka-asa sa iba sa mga asignatura at sa mga Gawain
sa paaralan. Matutoto tayo na maging praktikal sa sarili at tumayo sa sarili nating mga paa.
Pagnaka-pagtapos tayo nito ay doon natin malalaman kung tayo’y matagumpay o bigo at kung
alin an gating tatahakin sa kinaharap nating buhay. Sa mahigit na tatlong taon kong
karanasanbilang kolehiyala ay masasabi kong mahirap, pero dapat kayanin. Lalo na’t malayo sa
pamilya na lingo-lingo ko silang hindi nakakapiling. Nababawasan na ang oras nakalaan para sila
ay makasama.
Maraming pagsubok na mapagdadaanan. Temptasyon sa pag-aaral at mga kahinaan na ngayon
ko lamang naramdaman. Hindi ko mawari kung ako ba ay matutuwa o malulungkot sa tuwing
maiisip ko na talagang hindi na ako bata. Nakakamis yung bawat oras na wala kang poblemang
iniisip kundi ang maglaro lamang. Ngayon ay ibang-iba na kailangang unti-unting matutunan
ang bawat takbo ng buhay kailangan ko narin na maging responsable sa sarili. Sikap, tiyaga at
pananalig sa Diyos nating Ama, ang sangkap sa buhay para sa pangarap na gusto nating makamit
upang tayo ay magtagumpay at makatulong hindi lamang sa pamilya pati narin sa ating
ekonomiya.
ISANGTAMBAY

Lunes, Marso 28, 2011

TALUMPATI NG ISANG BOBO

Tunay na napakaganda ng sinabi ng pinakamatalino. Base sa palakpakan ng ibang tao, hiyawan at papuri.
Nakakasiguro na ng magandang kinabukasan. Maraming parangal na nakasabit sa leeg. Magaling,
ikinalulugod sya ng kanyang mga magulang.

Ako habang prenteng nakaupo, nakatingin lang sa entabladong iyon, iniisip kong ako ang naroon at
nagtatalumpati.

Pag akyat ko pa lamang ng entablado. Malakas ang tawanan ng nakararami. Ang hagikhikan ng aking
mga kasama. Bakit? Kasi ako ang pinakamahina sa klase. Walang kakabakabang nagsalita ako sa harap
nila.

"Anim dagdagan mo ng apat at dagdagan pa ng apat. Labing apat lahat, tama.. labing apat na taon akong
namuhay sa mundong ito. Row 4 noong elementarya. Sa tuwing may darating na bisita, nasa
kasuluksulukan ng silid. Ang mga matatalino ang nasa unahan. Anong ibig sabihin? Bukod sa bobo, ano
pa bang maaari kong isipin? Ikinahihiya? Bahala na kayo mag isip nyan. Lagi kong inaalala noon, palakol
na nakasulat ng kulay pula, takot akong umuwi ng bahay dahil sigurado pingot na naman ang aabutin sa
magulang.

Mataas na paaralan. Nasa kahulihang section. Bakit? Alam nyo na siguro. Kami ang mahihina ang utak.
Ang latak. Alam ba ng matatalino ang pakiramdam ng binabalewala ng eskwelahan, ng ibang guro, at ng
ibang organisasyon? Sa iba kong mga kasama, siguro balewala, pero sa akin at sa iba? Wala sa amin ang
tsansa noon. Kayo na ang star section.
At ngayon ngang kolehiyo, ilang units din ang ibinagsak ko. Pasang awa ang tinanggap ng aking
pagsisikap na hindi nakaabot sa standard ng propesor. Oo, sermon ang inabot ko sa nagpaaral sa akin,
muntikan ng makick out sa unebersidad na ito. Alam ba ng ninyo ang pakiramdam ng isang tulad ko,
kung paano sasabihin sa magulang? Ang kaba at ang takot? Hindi diba?... Oo, aminado naman akong
kasalanan ko naman. Inaamin ko din na mahina akong umintindi sa mga pinagsasabi ng guro. Pero sa isip
ko, kasalanan ba ang kumuha ng pagususulit ng patas? Mas kasalanan siguro ang mandaya sa
pagsusulit.. ang nakakuha ng mataas na marka sa paghihiraman ng papel. Sa totoo lamang, hindi naman
ako bobo, siguro lang kung ipapaliwanag lang sa akin sa paraang naiintindihan ko ang bawat pagtuturo,
baka ilampaso ko ang mukha ng pinakamatalino dito. Hindi ko sinisisi ang aking maga guro. Pero tingnan
nyo din sana ang aspetong ito. Iwasan sana ang magkumapra. Kadalasan naka focus kayo sa husay ng
estudyanteng pinakamatalino.

Ako ang bobo sa klase, nagsasalita sa inyong harapan. Wala akong pakialam kung tawanan nyo ako..
Para sa mga katulad kong magtatapos ngayon, ano pa mang ang rason kung bakit puro palakol ang ating
grado, kapabayaan man sa pag aaral o hindi, pakinggan nyong lahat ang sasabihin ko. Hindi nila nakikita
sa ating mga mahihina sa klase na sa kabila ng mga mabababang marka ng ating classcard, ng kahihiyan
idinulot, ng pagtawa ng ating mga kaklase, ng sermon ng ating mga magulang, nanatili pa rin tayo sa
unibersidad na ito, bakit? Dahil nananatili sa atin ang pag asa, hindi natin hinayaang mawala ang
pangarap na matapos ang karerang inumpisahan. Mas mahirap na pagsubok ang sa atin ay dumaan
kumpara sa mga may dunong. Ito ang iniintay natin. Wala man tayong karangalan, pero hawak na din
naman natin ang ating inaasam. Hindi ko na iniisip kung anong kinabukasan meron ang pinakamatalino..
Sigurado na iyan.. Pero sa atin, ano nga bang meron pagkatapos nito.? Tulad ng nangyari ngayon,
makakamit din natin ang tagumpay, wag nating aalisin sa ating mga sarili ang pagsisikap, ang pag-asa..
Subok na tayo sa pagharap sa problema."

"Huy ang lalim ng iniisip mo ah, ikaw na, tinawag na ang pangalan mo"

"Ha ako na ba?"

You might also like