You are on page 1of 3

Uri ng tekstong binasa: Tekstong Naratibo

Ano-ano ang punto de vista ang ginamit?


Unang panauhan Ako

Ikalawang panauhan Ka

Ikatlong panauhan Maladiyos na panauhan:


Siya, Sila, Niya

Limitadong panauhan:
Siya , Kanya
Tagapag-obserbang panauhan:
Siya
Kombinasyong pananaw o Paningin Gumamit ng iba’t-ibang pananaw ang teksto.
Ipinakita ng may akda na halos kasama na siya sa
kuwento at ang mambabasa ay nadadala niya sa
istorya.

Ano ang paraan ng pagpapahayag ng tekstong binasa?

Masasabing direkta ay isa sa mga pamamaraan ng pagkalatha ng teksto dahil ang tauhan ay tuwirang nagsasaad ng

kanyang diyalogo, saloobin, o damdamin. Ang isang halimbawa nito ay ang diyalogo ng pangunahing tauhan na si

Adong sa kanyang panlilimos na,”Singko po lamang, Ale…hindi pa po ako nanananghali!” Nagpahayag ito saloobin

niya na siya’y nakikisuap na bilhin ang kanyang ibinebenta. Ipinakita rin nito na siya ay nakakaranas ng kagutuman.

Ngunit, masasabing gumamit rin ang teksto ng di tuwirang pagpapahayag sapagkat may mga bahagi ng

maikling kuwento na ang tagapagsalaysay lamang ang naglalahad ng karanasan, iniisip, o nararamdaman ng tauhan.

Halimbawa lamang nito ang pangalawa at ikatlong talata sa unang bahagi ng kuwento na kung saan ay inilatag ng

may akda ang perspektibo ng tauhan at paniniwala nito.

MGA ELEMENT NG TEKSTONG NARATIBO


Mga Tauhan ( karaniwang tauhan sa mga may-akda at dalawang uri ng tauhan ni Forster:
1. Pangunahing tauhan:

- Si Adong ang pangunahing tauhan ng teksto. Masasabing siya’y isang tauhan bilog sapagkat sa una ay

sinasabi na buhay niya ang simbahan pero sa huli ay kanya na itong kinasuklaman.

2. Katunggaling tauhan:

- Si Bruno ay kontrabida ng kuwento. Siya ay isang uri ng tauhang lapad dahil mula sa una hanggang sa

huling parte ng kuwento ay wala pa rin siyang awa at nang-aapi ng kapwa.

- Maaaring si Aling Ebeng ay katunggali kahit makikita sa istorya na kahit papaano ay naawa siya sa

pangunahing tauhan. Si Aling Ebeng ay isang tauhang bilog base sa nasabing dahilan.

- Para sa nagbasa at nagsuri ng teksto, ang mga tao sa Quiapo na sinsabi ng may akda na may malalamig

na mukha ay isang uri ng katunggaling tauhan. Ito ay dahil katunggali sila sa pamamaraang hindi nila

pinansin o naawa man lamang sa batang nanlilimos na halos mamatay na sa gutom. Sila ay uri ng

tauhang lapad dahil hindi man lamang nila tinulungan ang kawawang bata.

3. Kasamang tauhan:

- Si Aling Ebeng ay masasabing kasangga ng pangunahing tauhan kahit naging kontrabida rin siya sa

unang parte ng kuwento. Ito ay sa kadahilanang siya ay isang uri ng tauhang bilog na kung saan ay

sinisiraan niya si Adong ngunit sa huli ay nagpakita ng kaunting awa sa kanya.

4. Ang may-akda:

- Ang may-akda na si Efren Abueg ay mahusay na isinulat ang kuwento at masasabing naging bahagi ng

tekstong binasa. Inilahad ng may-akda ang kalagayan, paniniwala, at ang mga dinanas ng pangunahing

tauhan na kung saan ang mababasa ay parang bahagi na rin ng teksto.

Tagpuan at Panahon:
Ang tagpuan ng kuwento ay sa isang siyudad na maraming gusali, sa Quiapo. Ang lugar na pinakapansin sa

istorya ay ang simbahan. Ipinakita na napakaraming tao at sasakyan at nagsisikipang mga bahay. Maingay at magulo

ang paligid. Mararamdamang walang awa at mabangis ang lungsod sapagkat sa perspektibo ng tauhan ay hindi man

lamang ito nagpakita ng awa.


BANGHAY
Introduction:
Maraming gusali at magulo ang lungsod dahil sa mga araw-araw na aktibidad. Simbahan at ilang bahagi sa

Quiapo ang pinangyarihan ng istorya. Ipinakilala si Adong bilang isang batang manlilimos.

Problem:
Manlilimos si Adong sa mga tao lalo na sa simbahan upang may ipambili ng pagkain.

Rising action:
Maraming tao ang nagdaraan na parang malalamig na bato at hindi man lamang nagpakita ng awa sa bata.

Siya ay kinasusuklaman ng mga tao.

Climax:
Sinisiraan ni Aling Ebeng si Adong at sinisindak siya ni Bruno. Nanatiling mabangis ang lungsod kay Adong

at hinanap siya ni Bruno upang nakawin ang kanyang nilimos. Tinakasan ni Adong si Bruno at kinasuklaman ni

Adong ang lungsod at mga tao.

Falling action:
Sa kabila ng pagtatago ni Adong, nahanap pa rin siya ni Bruno.

Ending:
Si Adong ay pinatay ni Bruno dahil sa malulupit nitong palad.

Ang tema ng paksa: Wala nang naniniwala sa kabutihan


Para sa nagsuri ng teksto, kanyang napansin na ang dahilan kung bakit walang nagpapakita ng awa at

kabutihan ay dahil na rin sa mga karansang pinagdaanan ng bawat tao. Sa mas malalin na dimension, ang teksto ay

alegorya simbolismo ng mga hindi nakikitang katotohanan at kagandahang-loob.

You might also like