You are on page 1of 1

Pagyamanin

Ngayong nalaman mo na ang kahalagahan ng mga ponemang


suprasegmental, sagutin ang mga pagsasanay upang lalong maging bihasa
sa paggamit ng mga ito.

“Lets eat,Grandpa”
“Let’s eat Grandpa”

Suriing mabuti ang dalawang pahayag sa itaas. Mapapansin dito na ang anomang pahayag ay nagkakaroon ng ibang
kahulugan alinsunod sa tamang pagbantas at pagbigkas.

Gawain 1. Wastong Bantas sa Pagbigkas at Paglalagay ng Antala


I. Panuto: Piliin sa dalawang pahayag ang tumutugon sa nais ipakahulugan
ng nagsasalita. Bilugan ang TITIK ng tamang sagot.

1. nambibintang
a. Hindi/si Jane ang nagnakaw ng alahas//
b. Hindi si Jane ang nagnakaw ng alahas//
2. nagpapakilala sa guro
a. Ma’am Grace/ang pangalan ko//
b. Ma’am/Grace ang pangalan ko//
3. ipinapakilala ang magulang sa kaibigan
a. Robert/Eddie/ang tatay ko//
b. Robert Eddie/ang tatay ko//
4. nagyayaya
a. Diane/kumain na tayo ng hapunan//
b. Diane kumain/na tayo ng hapunan//
5. nagpapaliwanag
a. Hindi ayaw/niyang sumama dahil masama ang pakiramdam niya//
b. Hindi//ayaw niyang sumama dahil masama ang pakiramdam niya//
II.Panuto: Bigkasin at isulat ang kahulugan ng mga pares ng salita na pareho
ang baybay subalit magkaiba ang bigkas.

6. /bu:HAY/ - ________________ /BU:hay/ - ___________________

7. /LA:bi/ - __________________ /la:BI/ - _____________________

8. /BA:sa/ - _________________ /ba:sa/ - _____________________

III.Panuto: Tukuyin ang wastong tono ng bawat pahayag batay sa layunin


nito. Maaaring gamitin ang bilang 1 sa mababa, bilang 2 sa katamtaman at
bilang 3 sa mataas. Isulat sa sagutang papel ang sagot.
9. Kanina = __________, pag-aalinlangan

Kanina = __________, pagpapatibay/pagpapahayag

10. Ayaw mo = __________, paghamon

Ayaw mo = __________, pagtatanong

You might also like