You are on page 1of 7

PANLINANG NA GAWAIN

Stratehiya: Pagguhit
LIMNU
Panuto: Ang mga mag-aaral ay guguhit ng isang bagay na
maaaring maglarawan ng kanilang mga hilig.

Mga Tanong:
1. Nahirapan ka ba sa pagguhit ng iyong hilig? Ano ang iyong
ginuhit na larawan?
2. Bakit ang larawan na ito iyong ginuhit?
3. Ang hilig ba na iyong pinili ang gusto mong gawin paglaki mo?
PANGUNAHING GAWAIN
Stratehiya: Maikling Kwento
STORYBOARD
Panuto: Ang mga mag-aaral ay papakinggan ang maikling
kwentong pinamagatang “Ang Batang si Nisa”, habang nakikinig sa
pagsasalaysay ng guro. Matapos pakinggan ang maikling kwento,
ang mga mag-aaral ay bibigyan ng 6 minuto upang sagutin ang
mga tanong ng guro.
“Ang Batang si Nisa”
Isinulat ni Ma. Eunice S. Ruda
Sa isang munting barrio, may isang batang nagngangalang Nisa, si Nisa ay walong taong gulang. Ang klase ni Nisa ay kilala bilang klase na puno ng
mga talentadong mag-aaral, mapakantahan, sayawan, pagguhit, o dulaan man. Nariyan si Jilian na magaling sumayaw, si Isko na magaling sa iba’t-
ibang laro, si Anika na palaging pambato sa matematika, si Joshua na magaling kumanta, si Lilith na magaling magkulay at gumuhit, at si Linda na
magaling tumula, magdrama at parating bida. Napakaraming nilang talento at parating aktibo at bibo, ngunit isa si Nisa sa mga mag-aaral na hindi
sumasali sa mga ito. Tahimik at mahiyain, yan ang mga salitang maririnig mo kapag inilalarawan si Nisa. Siya ay parating nahihiya na sumali dahil
tingin niya ay hindi siya kasing galing ng kanyang mga kamag-aral, ngunit kahit hindi siya gaanong napapansin ay kontento na lamang siya sa isang
sulok habang nagbabasa ng kaniyang mga paboritong libro.
Isang araw nagtanong si Bb. Garcia, ang kanilang guro kung sino ang nakakaalam at maaaring magkwento ng mga pakikipagsapalaran ni Pilandok,
gustong-gustong itaas ni Nisa ang kaniyang munting kamay, dahil isa si Pilandok sa mga paboritong tauhan at kwentong bayan ni Nisa, gustong-
gusto niyang ibahagi ang pakikipagsapalaran ni Pilandok ngunit wala siyang lakas ng loob na gawin ito. Habang tinitingnan ni Bb. Garcia ang klase
nakita niya si Nisa, kitang-kita niya sa postura at mata ni Nisa na tila ba gustong-gusto niyang sumagot, kaya tinawag niya ang pangalan ni Nisa at
tinanong kung alam niya ba ang kwento ni Pilandok. Pagkarinig ni Nisa sa kaniyang pangalan ay dali-dali siyang tumayo, tumango at sinimulan ang
pakwekwento sa mga pakikipagsapalaran ni Pilandok. Ang buong klase ay manghang-mangha sa pagkwekwento ni Nisa, para bang naroon rin sila
at tauhan sila sa kwento. Matapos magkwento ni Nisa ay biglang nagpalakpakan ang kaniyang mga kamag-aral, kabi-kabilang papuri ang kaniyang
nakamit, at dahil doon napagtanto ni Nisa na mayroon din pala siyang sariling talino at kakayahan.
Simula noon ay nagkaroon na ng lakas ng loob si Nisa na makibahagi sa kanilang klase, hanggang ngayon ay nagpapasalamat pa rin siya kay Bb.

Garcia dahil sa munting opurtunidad na ibinigay nito ay naging dahilan upang maipakita niya ang kaniyang sariling talino at kakayahan .
MGA KATANUNGAN
A- 1. Ano ang iyong naramdaman matapos marinig ang LINO
kwento ni Nisa? Bakit mo iyon naramdaman?
C- 2. Sino sa mga tauhan ng kwentong iyong napakinggan
ang tingin mong katulad mo? Bakit?
A- 3. Kung ikaw ang nasa sitwasyon ni Nisa, ano ang
iyong mararamdaman kapag ikaw ay binigyan ng iyong
guro ng opurtunidad na magsalita sa harap ng klase?
P- 4. Isipin mong ikaw ay nasa posisyon ni Nisa, ano ang
iyong gagawin kapag gusto ng iyong guro na ibahagi mo
ang iyong talino at kakayahan?
C- 5. Sa iyong palagay, bakit kailangang nating ipakita
ang ating sariling talino at kakayahan?
P- 6. Bilang isang mag-aaral, paano mo mapapaunlad
ang talino at kakayahang binigay sa iyo ng Panginoon?
PAGTATALAKAY
Outline
• Kahulugan ng salitang talino at kakayahan. STORY JUMPER
• Paraan kung paano mapapaunlad ang talino at kakayahang binigay ng Panginoon.

Mga Nilalaman:
• Ang talino ay tumutukoy sa likas na kakayahan o kapangyarihan. Ito ay maaaring tumukoy sa
talento, dunong, talas ng pag-iisip, talisik. Halimbawa: Ang kanyang tinig ang siyang
pinakamabuti niyang talino. Samantalang ang kakayahan naman ay likas o tinataglay ng tao
nagmula sa kaniyang kakayahang mag-isip
• Mayroon tayong iba’t-ibang talino at kakayahan na ating taglay, ang mga ito ay binigay sa
atin ng Panginoon kung kaya’t marapat lamang na pasalamatan natin siya. Isa sa mga paraan
na maaari nating gawin upang mapasalamat ang Panginoon ay sa pamamagitan ng paggamit
at pagpapaunlad sa bigay niyang talino at kakayahan. May iba’t-ibang paraan upang
mapaunlad ito, maaring ikaw ay lumahok sa iba’t-ibang paglisahan na maaaring humasa sa
iyong talino at kakayahan, sumali sa mga gawain ng simbahan tulad ng pag-aawit o pagsali
sa Choir, at maari ka ring tumulong sa paglilinis ng inyong komunidad. Marami tayong
makukuha sa pagsali sa mga ganitong gawain. Marami tayong makikilalang mga bagong
kaibigan. Magagamit at maipakikita natin ang ating talento. At higit sa lahat, mapauunlad
natin ang ating talino at kakayahang bigay sa atin ng Panginoon.
• Lagi nating tatandaan na lahat tayo ay natatangi at pinagpala ng ating Panginoon na may
iba’t ibang talino at kakayahan. Dapat natin itong paunlarin bilang pasasalamat sa Panginoong
nagbigay sa atin.
PAGLALAPAT
Stratehiya: Checklist
ADOBE SPARK
Panuto: Ang guro ay magbibigay ng isang checklist sa kaniyang
mag-aaral. Ang checklist ay naglalaman ng mga iba’t-ibang
hakbang na maaaring gawin ng mga mag-aaaral upang
mapaunlad ang kanilang mga sariling talino at kakayahan.
Lalagyan ng marka ng mga mag-aaral kung gaano kadalas nilang
ginagawa ang mga hakbang na ibinigay ng kanilang guro.
PAGSUSULIT
Uri ng pagsusulit: Binary Choice
SOCRATIVE
A. Tama o Mali
Panuto: Ang mga mag-aaral ay babasahin at uunawaing mabuti
ang mga tanong. Isusulat ang salitang TAMA kung tingin nila tama
ang pangungusap at MALI naman kung mali ang pangungusap.
Bibigyan ng 5 minuto ang mag-aaral upang sagutin ang mga
tanong gamit ang ibinigay na link.

B. Sanaysay
Panuto: Ang mga mag-aaral ay babasahin at uunawaing mabuti
ang mga tanong. Ang mga tanong ay sasagutin sa pamamagitan
ng 3-5 pangungusap.
TAKDANG-ARALIN
Panuto:
Ang mga mag-aaral ay magsusulat ng isang maikling talumpati. DIARO
Ang paksa ng magiging talumpati ay tungkol sa talino at
kakayahang bigay sa kanila ng Panginoon.

You might also like