You are on page 1of 3

Magtabog, Mary Ann Joy D.

BSA22

Diskurso sa Filipino Enero 21, 2021

ETIKA NG KAKAYAHANG INTERKULTURAL

Hindi natin maitatanggi na ang lipunang Pilipino ay multilingual at multikultural

kung kaya’t hindi natin maiiwasan na makasalamuha tayo ng mga taong may naiibang

wika bunsod ng mga diyalektong nabuo sa kani-kanilang lugar at mga wikang banyaga

na tumatak na rin sa pang araw-araw nating buhay. Dahil kaakibat ng pagkakaibang ito

ang kultura, hindi malabong ang mga taong ito ay nagtataglay din ng mga pananaw at

kaugalian na salungat sa ating kinamulatan. Mainam na sa gitna ng mga pagkakaibang

ito ay matutunan pa rin nating makisalamuha ng tama sa ating kapwa.

Sa aking nilikhang infographics, binigyang diin ko ang tatlong mahahalagang

bahagi ng modyul na labis na tumatak sa aking isipan. Una rito ay ang antas ng kilos sa

lipunan, ito ay resulta ng pagkakaroon natin ng iba’t ibang kultura. Ilan dito ay ang

indibidwal, inter-indibidwal at sa pagitan ng mga grupo.

Sa ilalim ng indibidwal na antas ng kilos sa lipunan, ang interaksyon ng

dalawang tao ay kadalasang nagiging basehan ng kanilang pagkilos. Kahit pa ang mga

ito ay mayroong malapit na ugnayan, magbabago pa rin ang kanilang nakasanayang

kilos dahil sa magkaiba nilang gawi at pananaw. Ang inter-indibidwal na antas naman

ay nagaganap sa pagitan ng isang pamilya o mag-anak na kahit pa sila ay

magkakadugo, may pagkakaiba pa rin sa kanilang pagkilos dahil sa kanilang sari-

sariling karanasan at paniniwala sa buhay. Sa kabilang banda, maaari ring makaapekto

ang pagkakaibang ito sa pagitan ng mga grupo, sapagkat nasasalamin ang


katangian, pag-uugali at kilos ng buong grupo sa pamamagitan lamang ng pagtingin sa

kahit na isa sa kanilang kasapi o miyembro. Bukod sa aking mga nabanggit kabilang din

sa antas ng kilos sa lipunan ang indibidwalismo-kolektibismo, dimensyong

distansya sa kapangyarihan at dimensyong balangkas sa ekokultural.

Ikalawa sa aking mahahalagang natutunan ay ang mga benepisyo na maaaring

matamo sa pagkakaroon ng kakayahang interkultural. Kabilang dito ang pagkakaroon

ng pagkakaunawaan sa loob ng isang lipunan, pagiging isang mahusay na lider at

pagpapasya nang may katalinuhan.

Ang pagkakaroon ng malalim na pag-unawa ukol sa mga salik na nakakaapekto

sa pagkakaiba ng mga tao ay nagbubunsod ng pagkakapatiran. Nang dahil dito ay

nagagawa ng mga taong igalang ang pagkakaiba ng bawat isa. Gayundin, hinuhubog

ng kakayahang interkultural ang paraan ng pamumuno ng isang indibidwal. Sa tulong

nito, nailalagay ng lider ang sarili sa sitwasyon ng kaniyang nasasakupan kahit pa ang

mga ito ay nagmula sa iba’t ibang lugar. At bilang resulta, nakalilikha siya ng mas

naaangkop na desisyon at epetikbong programa para sa kabutihan ng lahat. Isa rin sa

mga benepisyong maaring matamo ay ang pagkakaroon ng kakayahang magpasya

nang may katalinuhan. Ang paunang husga ay isa sa mga sakit ng ating lipunan na

hanggang sa kasalukuyan ay uhaw pa rin sa lunas. Kung magkakaroon ng kakayahang

interkultural ang isang indibidwal ay tiyak na magagawa nitong unawain at tanggapin

nang may respeto ang anumang pagkakaiba na makikita niya sa kanyang kapaligiran.

Magagawa nitong maging matalino sa anumang gagawing paghusga.

At pang huli, natutunan ko rin ang tatlong pangunahing etikal na suliranin na

madalas nating nararanasan, isa sa mga ito ang papapasya ng tama o mali. Ang bawat
isa sa atin ay mayroong sariling pinaniniwalaan o basehan sa pagtukoy ng tama o mali

ngunit kadalasang bunsod ito ng pagkakaiba-iba ng lugar na pinagmulan. Kung kaya

anuman ang tama sa isang lipunan ay maaaring maging mali sa iba. Isang mabisang

halimbawa nito ang kaugalian ng mga Muslim sa pag-aasawa. Para sa kanila, normal at

hindi kamalian ang pag-aasawa ng higit pa sa isa, na kung ating titignan ay taliwas sa

ating kinagisnang kultura.

You might also like